I was sitting on the couch, watching TV while eating some snacks. You know, the usual thing when chilling. Wala din naman akong masyadong ginagawa. Pinagpapahinga ko muna ang utak ko bago sumalang sa panibagong writing session na naman mamaya.
Palipat-palipat ako nang channel nang may channel na nakakuha ng atensyon ko. I watch the news seriously. Buong atensyon ko ay nakatuon dito. I feel like I couldn't sense anything around me. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang balita. It's about Clyden and his fiancee. I feel like I've been brought back to reality. Parang lahat nang mga nangyari nang nakaraang araw ay mga ilusyon lamang. All the sweet talks, the caring gesture and the kiss, I feel like all of it was a lie. But I guess it's also my fault since it's my choice to accept him.Nang matapos ang pinapanood ko at naiba na ang pinalabas ay kinuha ko ang aking cellphone at sinearch ko ang sinasabing fian
•Gaea•Mabilis akong naglinis ng hapag-kainan dahil sa tinging ipinupukol nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa akin eh siya naman itong nagdala ng babae sa condo niya.At kung ang problema nito ay si Russu, ay wala naman kaming ibang ginagawa kundi iyong pagtawag niya lang sa akin kanina. At hindi nga ako nagpasundo bukas kahit gusto ko dahil ayaw kong umasa pa ito na magkakabalikan pa kami."Miss Cassandra, mauna na po ako sa kwarto ko dahil may isusulat pa akong impodtante para makapagpasa na ako bukas." Tumango naman siya at nagpaalam na rin sa akin.Hindi ko na hinintay kong may sasabihin pa ba sa akin si Clyden, dumeretso na kaagad ako sa kwarto at tinawagan si Samantha. Sinagot naman nito ang tawag sa ikatlong ring kaya nakapagpahinga ako nang maluwag."Nasa apartment ka ngayon, Sam?" tanong ko sa kanya. Baka maaga akon
•Gaea•Nagmulat ako ng aking mga mata nang may tumama na liwanag sa aking mukha. Nanlalaki ang mga mata ko at kaagad na bumangon sa kama. Sinabi ko pa naman kanina na maaga akong gigising para makaalis ako.Wala na si Clyden sa tabi ko kaya sa tingin ko ay nasa trabaho na ito. Napangiti ako at pumasok na sa banyo para makaligo at makapagbihis para maaga akong makaalis. Tatawagan ko na lang mamaya si Russu at baka pwede niya akong masundo.Pakanta-kanta pa ako habang papalabas ng pinto masaya ako kahit masakit iyong gitnang bahagi ng aking katawan, dahil nakatapos ako ng isang manuscript.Gusto ko si Clyden pero ayaw kong masangkot sa relasyong wala namang kasiguraduhan. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko para pumunta na sa kusina ngunit natigilan ako nang makita si Clyden sa may sofa kaharap ng kanyang laptop."Good morning," nakangiti
•Gaea•Nanatili na lang kami sa bahay at hindi na pumunta sa opisina. Bukod sa hindi naman talaga ako pinatawag ay tinatamad din ako.Nasa sofa ngayon si Clyden at nagtra-trabaho. Nakahiga naman ako sa hita nito at nagtutulog-tulogan. Gusto kong matulog pero hindi ko naman nagawa dahil naiingayan ako sa pagpindot nito sa keyboard. Ayaw ko rin namang bumalik sa kwarto dahil gusto ko pa itong makasama."Gaea," malambing na tawag nito sa pangalan ko. Iminulat ko naman kaagad ang aking mga mata at tumingin sa kanya. "Bakit di ka matulog muna sa kwarto mo? Alam kong inaantok ka na."Tipid akong ngumiti rito at niyakap ang kanyang bewang. Ang bango nito ay nanunuot sa aking ilong, ang sarap sa pakiramdam.Sa tingin kung kanina pa ako yumakap dito sigueradong natutulog na ako ngayon, dahil ngayon ay hinihila na ako ng antok.—Nagising ako na wala na si Clyden sa aking tabi, ngunit sa
•Gaea•Bumaba na ako sa kotse ni Clyden nang dumating na kami sa hintayan ng bus. Dederetso na kasi ako pauwi dahil wala rin naman si Samantha sa apartment.Wala naman akong aabutan doon. Atsaka kaunti lang naman ang dala kong gamit dahil ayaw akong pahintulutan ni Clyden na dalhin lahat at baka raw hindi na ako bumalik."Clyden, I need to go," usal ko nang hindi pa rin ito humiwalay sa akin kahit tinatawag na ang pasahero ng bus na iyon. Umiling ito mas niyakap ako nang mahigpit. Sa halip na mahiya sa mga taong nakatingin sa amin ay napatawa pa ako dahil sa ginawa. "Para kang bata, babe, babalik din naman ako kaagad huwag kang mag-alaala tatawagan naman kita."Inilayo niya ako sa kanya at tiningnan sa mga mata. "Sigurado ka?" Nakangiti akong tumango sa kanya bago kinurot ang kanyang pisngi. "Anyway kung hindi ka naman tatawag sa akin ay ako naman ang tatawag sa'yo. Be sure na palagi kong makokontak
•Gaea• Hindi ko alam kong ilang minuto o oras akong nakatulog, magaan sa balat ang dampi ng hangin, lalo na ang hampas ng alon sa barko na para bang dinuduyan ako nito. Naramdaman ko na lang na may yumuyugyog sa akin. Hinawakan ko ang kamay na yumuyugyog sa aking balikat at unti-unting idinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Clyden na nakangiti. "The crew said that we're almost there, babe. I'm sorry if I wake you up." Kaagad akong umayos sa pagkakaupo at inilingan ito. Dati nga hindi na ako natutulog sa may barko dahil malapit lang naman ang Port Ynaya sa Port Anyan, mga isang oras lang yata ang byahe namin. "Thank you at ginising mo ako. Anyway nagugutom ka ba o baka nauuhaw ka? Sorry nakatulog kasi ako kanina." Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata dahil nanlalabo pa iyon dulot ng aking pagkak
•Gaea•Mabilis akong tumayo sa kama at tumakbo patungo sa kwarto nila Klint at Clyden nang marinig ang malakas na sigaw na iyon. Kahit si Nene na nakapikit pa ang mga mata ay sumunod na rin sa akin.Kaagad kong kinatok ang pintuan at tinawag ang pangalan ni Clyden sa loob. Kaagad naman na bumukas ang pinto at ang namumutla nitong mukha ang bumungad sa akin."Anong nangyari sa iyo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi ito nagsalita at yumakap kaagad sa akin. Napabuntong-hininga ako at hinaplos ang kanyang likuran para mawala ang kumalma ito. "May nangyari bang masama, Clyden?""Narinig ko iyong malakas na kukuka-ok," saad niya. Tumaas-baba pa ang kanyang dibdib halata ang kaba na kanyang nararamdaman sa oras na ito. Ngunit hindi ko siya maintindihan kaya kinunotan ko ito ng noo. "Do you have monsters here?"Natampal ko ang aking noo dahil sa sin
•Gaea•Napatayo sila pareho ni Clyden sa kanilang kinauupuan nang bigla silang sinabuyan ni Nene ng tubig dagat. Napailing siya habang si Clyden naman ay natatawang nilapitan ang kanyang kapatid at nakipaglaro rito. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi habang tinitingnan sila na naglalaro. This is what I want my future to be. Me, Clyden and our future kids, happily playing together. Nanlaki ang aking mata sa aking mga iniisip kaya naman ipiniling ko ang aking ulo para iwala ang mga ito.Susunod na sana siya sa dalawa nang maalala niya si Cybell. Tumawag ito sa kanya kagabi ngunit hindi niya nasagot dahil nakatulog na nga siya, at kaninang umaga naman ay nakalimutan niya itong tawagan dahil sa gulat niya kay Clyden at naging abala na rin siya sa pagluluto.Bumalik muna siya sa kanilang cottage at tinawagan ang editor niya. Isang tawag pa lang ay sinagot naman nito kaagad iyon."Cy, I
•Gaea•Gabi na ng makauwi kami dahil nawili masyado ang mga kapatid ko sa paglalangoy. Dumating din ang mga pinsan ko para sumabay sa amin dahil aalis din ang isa kong pinsan bukas.Isa itong seaman kaya minsan lamang ito makauwi, kaya kapag umuuwi ito ay palaging nagre-reunion ang buong angkan."Bakit ka kasi nagpakalasing alam mo naman na uuwi ka bukas?" pangaral ko sa kanya at tinampal nang mahina ang kanyang dibdib.Nadala naman kasi siya sa usapan ng mga pinsan ko at naparami ang inom. Si papa rin ay inalalayan na ni papa dahil tumatagilid na ito habang naglalakad."Gaea, sa kwarto mo na patulugin si Clyden. Hindi makakatulog si Klint kapag amoy alak ang katabi niya, okay?" Napabuntong-hininga ako sabay tango. Wala namang problema sa akin iyon dahil palagi naman kaming nagtatabi sa pagtulog ni Clyden.Natigilan ako nang ma-realize ang
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u