Si Gaea ay isang romance writer, ngunit hindi kaagad ito nakakabuo ng ideya kapag walang inspirasyon. Kaya nang maghiwalay sila ng kanyang nobyo ay natigil siya sa pagsusulat sa loob ng tatlong buwan. Dahil sa pananakot ng amo niya na matatanggalan siya ng trabaho kapag hindi pa siya nakapasa ng manuscript sa susunod na linggo ay napilitan siyang maghanap ng inspirasyon kasama ang kaibigan niyang si Samantha. Nakita na lamang niya ang sarili sa isang club at hinahabol ang lalaking gusto niyang maging parte ng kanyang bagong libro na isinusulat. Sumang-ayon naman ito pero sa isang kondisyon, iyon ay ang ibigay niya ang katawan sa bawat session na kanilang gagawin. Makakaya kaya niyang ibigay ang hiling nito? Paano na siya kapag natapos ang kwentong isinusulat niya? Mau mabubuo bang pag-ibig sa kanilang dalawa?
View More•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u
•Gaea•"Samantha naman! Kailangan ko ng inspirasyon hindi ang maingay na lugar na iyon!" Napakamot ako sa batok ko nang bigla niya akong binatukan.Inilapag nito sa kama ang mga mini dress na napili at umupo sa aking tabi. Saglit ko lang siyang tinignan at ibinalik na sa screen ng laptop ko ang aking paningin.Kaninang umaga lang nakatanggap ako ng mensahe sa editor ko na ipapatanggal ako ni Boss Ricky kapag hindi pa ako nakapagsubmit ng bagong manuscript sa susunod na linggo."Kaya nga tayo pupunta sa club para humanap ng inspirasyon mo!" Naririnig ko naman siya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Sumasakit ang ulo ko sa susunod na eksena dahil walang ideyang pumapasok sa utak ko. "Hello! Earth to my pretty Gaea?"Bumuntong-hininga at malungkot na tumingin sa kanya. Mahal ko ang trabaho ko at ayaw kong mawala iyon sa akin, pero simula nang maghiwalay kami ni Russu ay nawalan...
Comments