•Gaea•
Pinagmamasdan ko lang si Clyden habang na nakatayo sa aking harapan. Ang gwapo nitong tingnan habang nakapamulsa at kagat ang ibabang labi.
"Paano tayo magsisimula kung nakaupo ka lang diyan?" Nanlalaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. "Bakit ang ganda mo pa rin kahit nandidilat ka sa akin?"
"Are you flirting with me?" Tumawa lang ito at tumabi sa aking kinauupuan. "Sasabihin ko na sayo hindi ako mahuhulog sa ganyan—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang magdikit ang aming noo. Halos hindi ako makahinga habang nakatingin sa nangungusap niyang mata.
"Kahit ganito tayo kalapit?" nang-aakit niyang tanong. Napalunok ako at kaagad na iniwas ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang salubungin ang kanyang mga mata. "Nahuhulog ka na ba, Miss Gaea?"
Mabilis ko itong itinulak palayo sa akin ng hindi ko maintindihan ang nakakabang pagtibok ng puso ko. Bakit parang naisulat ko na rin ito dati sa isa kong libro?
"Pwede bang lumayo ka sa akin? Alam mo yung space?" Ikinumpas ko ang aking kamay para maintindihan niya ang ibig kong sabihin ng space. Akmang lalapit na naman ito nang hinarang ko ang aking kamay sa gitna naming dalawa. "S-P-A-C—!"
Hindi ko pa natatapos ang aking sinasabi nang hinablot nito ang batok ko at dinampian ang labi ko ng isang mabilis na halik.
"Paraan mo yun ano?" Agad na tumaas ang kaliwa kong kilay sa sumbat niya. Siya na nga itong humalik ako pa ang may kasalanan? "Bakit nakakaakit kang tingnan habang nagsasalita? Nahalikan tuloy kita, halika ka nga rito."
Tinapik ko ang kamay niya na papalapit sa akin at tumayo sa upuan. Delikado ang posisyon namin na iyon baka makuha niya ang tinatago ko. Ang manyakis ng lalaking 'to, sarap sapakin ang mukha.
"Kiss pa lang ang naibibigay mo sa akin, iba yung usapan natin diba?" nakangisi niyang tanong.
"Alam mo ang manyak mo!" nanggigigil ko na rin na balik sa kanya.
Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin kaya kaagad din akong humakbang paatras. Baka isang dikit pa nito, di ko na mapigilan ang sarili at malapa ko na ito.
"Ikaw lang naman ang mamanyakin ko—"
"Sabihin mo 'yan sa lahat ng babaeng nakasiping mo. Wait nga may sasabihin nga ako sayo!" Tumigil naman siya sa paglalakad at tumango sa akin para inuudyok ako na ipagpatuloy ang gusto kong sabihin. "Ayaw ko lang na madehado sa offer mo, kaya gusto kong ibigay sayo ang katawan ko pagkatapos kong maisulat ang aking nobela."
Tinaasan ako nito ng kilay bago umismid. Hindi ata sang-ayon sa sinabi. "Paano naman ang sex life ko? Alam mo ba na tatlo sa isang linggo ako naghahanap ng babaeng—"
Tinakpan ko ang aking tenga at tinaas ang aking kamay para patigilin na naman siya sa pagsasalita. Naalala ko tuloy si Russu sa kanya, naghiwalay kami ng una dahil hindi ko maibigay ang gusto niya.
"Hindi naman kita pinipigilan na maghahanap ng babae na magpapaligaya sayo," kalmado kong saad.
"Hindi ka magseselos?" Deretso akong napatingin sa kanyang mata nang marinig ang sinabi niya. Kung si Russu ang kaharap ko ngayon syempre magseselos ako. Boyfriend ko iyon sino ba namang nobya ang hindi magseselos kung may ibang babae ang nobyo mo? "Bakit naman ako magseselos? Wala namang namamagitan sa atin?"
Pero magkaiba ang sitwasyon naming dalawa ni Clyden. Hindi ko siya nobyo at ilang araw lang siyang mananatili sa buhay ko. Pagkatapos kong maisulat ang nobela ko tiyak na magkakalimutan na kaming dalawa.
"So ano? Hindi ka naman lugi roon. Ikaw rin naman ang makakauna sa akin." Tumango siya at humakbang na naman palapit sa akin. Hindi lang isang hakbang ang ginawa nito kundi marami hanggang sa mabangga ang likod ko sa may pader. Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang aming mga mata. "Pwede bang lumayo ka sa akin ng kunti—"
"Papayag ako sa isang kondisyon. Mananatili ka dito sa bahay ko hanggang sa matapos ang sinusulat mo. Ikaw ang magluluto at maglilinis ng ng condo, atsaka..." Tiningala ko siya para alamin kung bakit siya tumigil. "Atsaka huwag mong kalimutan na pwede kitang halikan at yakapin."
Magrereklamo pa sana ako nang bigla na naman nitong sinakop ang bibig ko ng malambot niyang labi. Pipikit pa lang sana ako nang lumayo ito sa akin. Muntika ko pang habuli ang labi nito kung hindi ko napigil ang aking sarili.
"Last offer kung ayaw mo pa rin pwede ka ng umalis," simpleng saad niya bago bumalik sa sofa na para bang walang nangyari. "Bibigyan lamang kita nang limang minuto para pag-isipan ang sinabi ko."
Napakamot ako sa aking ulo at tumalikod sa kanya. But I quickly returned my gaze when I heard my ringtone. Someone's calling me.
Paano napunta roon ang cellphone ko? Pero bago pa ako makapag-isip ay narinig ko na naman ang boses ni Clyden.
"Russu? Sino 'to? At may heart pa talaga," nakaismid nitong sambit. Patakbo akong lumapit sa kanya at hahablutin na sana ang cellphone ko nang hinawakan ako nito sa aking noo at tumayo.
Hanggang balikat niya lang ako kaya kahit anong abot ko sa nakataas niyang kamay ay hindi ko pa rin ito maabot.
"That's my phone. May mga pribadong mensahe—"
"I'm your boyfriend for a week kaya may karapatan akong malaman kung sino ang Russu na ito na nilagyan mo pa ng puso ang pangalan." nakataas kilay niya lintanya.
Napakamot ako sa aking batok at hinayaan na lang siya. Mahal na mahal ko si Russu kaya kahit na nagkahiwalay kami ay hindi ko pa rin pinalitan ang pangalan niya. Naghihintay pa rin ako na bumalik siya sa akin kahit may bago na siyang nobya.
"Anong kailangan mo?" seryosong tanong ni Clyden. Napakagat labi ako habang tinitingnan ang adams apple niya na nagtaas-baba habang nakikipag-usap. "Sino ako? Boyfriend lang naman ako ng babaeng tinatawagan mo ngayon. Huwag ka na ulit tumawag sa kanya. Kaya ko na siyang alagaan, hindi ka na niya kailangan."
Pinatay nito ang tawag bago tumingin sa akin.
"Sa loob ng isang linggo dapat walang Russu na may puso sa buhay mo."
Natampal ko ang aking noo sa sinabi niya. Para siyang nobyo ko na nagtatampo dahil may lalaking nanliligaw sa akin.
"Wala namang tayo—"
"Ipagpatuloy mo pa yang sasabihin mo at hahalikan kita ulit." Nakakunot ang kanyang noo habang sinasabi iyon kaya hindi na ako umimik at umupo na lang sa tabi niya.
•Gaea•Kanina pa ako nagsusulat at mabuti na lang at nakapagtapos ako ng anim na chapter ngayon. Mas mabilis ko yatang matatapos ang libro ko ngayon.Bumuntong-hininga ako bago pinuntahan si Clyden na nakatulog na sa sofa. Gusto nito sa kwarto niya ako magsulat dahil pagod daw siya sa trabaho, pero di ko siya pinagbigyan. Hirap ng magtiwala sa manyakis na'to!"Uuwi na ako," saad ko habang tinatapik ang kanyang tuhod. Nagising naman siya kaagad at nagkusot ng mata. Napangiti ako dahil sa itsura. Para itong inosenteng bata na ginigising ng kanyang ina. "Clyden, mag-aayos muna ako ng mga gamit ko sa apartment bago bumalik dito—""Ipagluto mo ako," mahina niyang saad. Tiningnan ko siya nang nakataas ang kilay. Gusto ko sana siyang pagalitan nang bigla nitong hinawakan ang tiyan niya. "Gutom na ako."Inismiran ko siya ngunit pumunta rin naman sa kusina para ipagluto."Matututo pa yata akong mag-alaga ng bata nito," pagpaparinig ko sa kanya. "Clyd
•Gaea•Inimbitahan ko sa loob ng apartment si Clyden dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumakalma. Nakakuyom ang mga kamao nito habang namumula ang buo niyang mukha.Kumuha ako ng maginaw na tubig sa loob ng ref at ibinigay iyon sa kanya. Tiningnan muna niya ang kamay ko na may hawak na baso bago ako tiningala nang nakakunot-noo."Anong gagawin ko d'yan?" Hindi ko siya sinagot sa halip ay kinuha ko ang dalawa niyang kamay at inilagay roon ang baso. "Hindi ako nauuhaw, Gaea—"Umikot ang aking mata bago siya tinaasan ng kilay. "Inumin mo iyan para naman kumalma ka," naiinis kong saad sa kanya. Tiningnan naman ako nito na para bang nababaliw na ako."Kalmado naman ako, ah?" seryoso niyang sambit. Umupo ako sa tabi nito at inakbayan siya, iyong mahigpit na akbay. "Bakit? Ano na naman ang kasalanan ko?"Sa halip na tanggalin
•Gaea•Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa kwarto. Kinuha ko ang laptop ko, dumapa sa aking kama at nagsimula nang magsulat. Mas mabilis matapos, mas maayos para makapagpahinga ako kaagad.Pakanta-kanta pa ako habang nagta-type, ngunit nang matigil ako at mabasa ulit ang aking ginagawa ay halos mapatili ako sa sobrang inis. Paano ba naman isinusulat ko iyong ginawa kanina sa akin ni Clyden.Nanayo ang balahibo ko at umupo sa aking kama. Bakit ko ba naiisip ang lalaking iyon bukod sa estranghero siya sa akin ay isa rin siyang pervert."Pretty Gaea?" Napatingin ako sa aking pintuan nang marinig doon ang boses ni Samantha. Hindi pa ako nakakasagot nang binuksan niya ang pinto. Tumingin ito sa akin at bigla na lang kumunot ang kanyang makinis na noo. "Bakit ka namumula d'yan?""Ha?" gulat kong usal at hinawakan ang aking pisngi. Ma
•Gaea• Cheating? Nanlalaki ang mga mata ko di Makapaniwala sa kanyang sinabi. Hindi ko naman aakalain na si Russu pala ang kakilala ni Cybell. "I-I just need to talk to him," nauutal kong saad. Hindi ko mapigilang kabahan lalo na sa mga tinging ipinupukol niya sa akin. "Wait for me." Maglalakad na sana ako papunta kay Russu nang inilagay nito ang kanyang kamay sa aking ulo, at idiniin iyon para di ako makagalaw. Sinamaan ko siya ng tingin. May mga tao pa naman sa loob ng coffee shop at tumitingin sa amin. "Anong ginagawa mo, Clyden?!" inis kong tanong sa kanya. Ngumisi lang siya at mas inilapit ang kanyang ulo sa akin hanggang sa tumama ang kanyang labi sa aking baba na malapit sa kaliwa kong tainga. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa kakaibang pakiramdam na iyon. "I hate it." Kumunot ang noo ko sa sinabi niy
•Gaea•Akala ko ay iuuwi muna ako nito sa apartment para kumuha ng gamit, ngunit bigla itong lumiko sa may Binondo, at huminto sa may Keanston. Kung saan nakapwesto ang kompanyang Lee Empire,Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya. "Anong gagawin natin dito, Clyden?" Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ako ngayon ng pinakamalaking kompanya sa Y City."Magka-kape?" taas-kilay niyang tanong sa akin. Napangiwi ako dahil sa isinagot niya, sarap lang tampalin iyong pagmu-mukha, nagtatanong nang maayos iyong tao, eh."Alam mo naman na kailangan ko ng pera para sa pamilya ko—" Nahinto ako sa pagsasalita nang tinakpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang isang daliri."Give me their number and name of your mom. Iuutos ko na lang sa sekretarya ko," seryoso niyang usal. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya, ano na naman kaya ang kap
•Gaea• Simula nang makaupo si Clyden sa harapan ng kanyang mesa ay pareho na kaming naging abala. Hindi naman ako nagre-reklamo roon, dahil mas gusto ko naman ang tahimik na lugar kapag nagsusulat. Tumayo ako saglit para kumuha ng kape sa pantry. Hindi naman ako nakakatagal sa pagsusulat kapag wala akong kape. Halos makaubos ako ng limang baso sa isang araw. Pagkatapos kong mag-timpla ay bumalik na ako sa sofa, kumunot ang aking noo nang makita si Clyden na nakatayo na ngayon sa may glass window nito at may kausap sa cellphone. Hinayaan ko na lang ito at bumalik na sa aking kinauupuan. Magtitipa na sana ako ulit nang napansin ko na nawala ang cellphone ko na nasa tabi lang ng laptop ko kanina. "Clyden, nakita mo ba rito ang cell—" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang cellphone na hawak niya. Kaparehang-kapareha iyon ng ginagamit ko ngayon. "Cellphone ko ba iyan?"
•Gaea•Malapit na akong matapos sa ikalawang chapter na ginagawa ko nang lumapit si Clyden sa akin. Suot pa rin nito ang nakakainis na ngisi na ginamit niya kanina. Kung pwede ko lang itong pagalitan ng husto ay ginawa ko na."May kailangan ka ba?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Itinukod nito ang kanyang dalawang kamay sa aking mesa at tiningnan ako sa mata. "I don't want to waste my time, Mr. Lee, so if you—" Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla na lang itong nagsalita."Would you mind if I invite you for lunch?" Mabilis na dumapo ang aking mata sa relo kong suot dahil sa sinabi niya. Hindi ko man lang namalayan ang oras. "So?"Kumakalam na iyong sikmura ko pero gusto ko sanang matapos muna ang chapter na isinusulat ko ngayon at baka makalimutan ko ang susunod na mangyayari rito. Minsan talaga kapag tumatayo na ako sa mesa ko kahit hindi ko pa t
•Gaea•Pagod na pagod ang katawan nang makarating kami sa condo unit ni Clyden. Parang ang hirap ng trabaho ko roon, eh, nakaupo lang naman ako, minsan ay nakikipag-asaran sa lalaking iyon.Nagugutom na rin ako pero wala akong balak tumayo ngayon para magluto. Siguro dahil na rin ito sa pagkausap ko sa mga kaibigan ni Clyden. Minsan lang naman ako makipag-usap sa ibang tao, at pakiramdam ko ay latang-lata na ako, lalo na at hindi ko kilala. Kaya nga isa rin ito sa naging dahilan kung bakit naging writer ako. Minsan ay nahihiya ako o tinatamad akong makipag-usap sa ibang tao."Gaea, anong ginagawa mo d'yan sa sofa?" tanong nito sa akin. Nakahiga kasi ako at nakapatong ang aking dalawang paa sa sandalan ng sofa. "Magbihis ka na roon para pagkalabas mo ay kakain na lang tayo.""Magpapa-deliver ka na lang ba?" umaasam na tanong ko sa kanya. Napatalon ako sa sobrang say
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u