Hindi ko alam kong ilang minuto o oras akong nakatulog, magaan sa balat ang dampi ng hangin, lalo na ang hampas ng alon sa barko na para bang dinuduyan ako nito. Naramdaman ko na lang na may yumuyugyog sa akin. Hinawakan ko ang kamay na yumuyugyog sa aking balikat at unti-unting idinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Clyden na nakangiti.
"The crew said that we're almost there, babe. I'm sorry if I wake you up." Kaagad akong umayos sa pagkakaupo at inilingan ito. Dati nga hindi na ako natutulog sa may barko dahil malapit lang naman ang Port Ynaya sa Port Anyan, mga isang oras lang yata ang byahe namin.
"Thank you at ginising mo ako. Anyway nagugutom ka ba o baka nauuhaw ka? Sorry nakatulog kasi ako kanina." Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata dahil nanlalabo pa iyon dulot ng aking pagkak
Thank you po sa mga nagbigay ng gem at patuloy na nagbabasa. ❤
•Gaea•Mabilis akong tumayo sa kama at tumakbo patungo sa kwarto nila Klint at Clyden nang marinig ang malakas na sigaw na iyon. Kahit si Nene na nakapikit pa ang mga mata ay sumunod na rin sa akin.Kaagad kong kinatok ang pintuan at tinawag ang pangalan ni Clyden sa loob. Kaagad naman na bumukas ang pinto at ang namumutla nitong mukha ang bumungad sa akin."Anong nangyari sa iyo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi ito nagsalita at yumakap kaagad sa akin. Napabuntong-hininga ako at hinaplos ang kanyang likuran para mawala ang kumalma ito. "May nangyari bang masama, Clyden?""Narinig ko iyong malakas na kukuka-ok," saad niya. Tumaas-baba pa ang kanyang dibdib halata ang kaba na kanyang nararamdaman sa oras na ito. Ngunit hindi ko siya maintindihan kaya kinunotan ko ito ng noo. "Do you have monsters here?"Natampal ko ang aking noo dahil sa sin
•Gaea•Napatayo sila pareho ni Clyden sa kanilang kinauupuan nang bigla silang sinabuyan ni Nene ng tubig dagat. Napailing siya habang si Clyden naman ay natatawang nilapitan ang kanyang kapatid at nakipaglaro rito. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi habang tinitingnan sila na naglalaro. This is what I want my future to be. Me, Clyden and our future kids, happily playing together. Nanlaki ang aking mata sa aking mga iniisip kaya naman ipiniling ko ang aking ulo para iwala ang mga ito.Susunod na sana siya sa dalawa nang maalala niya si Cybell. Tumawag ito sa kanya kagabi ngunit hindi niya nasagot dahil nakatulog na nga siya, at kaninang umaga naman ay nakalimutan niya itong tawagan dahil sa gulat niya kay Clyden at naging abala na rin siya sa pagluluto.Bumalik muna siya sa kanilang cottage at tinawagan ang editor niya. Isang tawag pa lang ay sinagot naman nito kaagad iyon."Cy, I
•Gaea•Gabi na ng makauwi kami dahil nawili masyado ang mga kapatid ko sa paglalangoy. Dumating din ang mga pinsan ko para sumabay sa amin dahil aalis din ang isa kong pinsan bukas.Isa itong seaman kaya minsan lamang ito makauwi, kaya kapag umuuwi ito ay palaging nagre-reunion ang buong angkan."Bakit ka kasi nagpakalasing alam mo naman na uuwi ka bukas?" pangaral ko sa kanya at tinampal nang mahina ang kanyang dibdib.Nadala naman kasi siya sa usapan ng mga pinsan ko at naparami ang inom. Si papa rin ay inalalayan na ni papa dahil tumatagilid na ito habang naglalakad."Gaea, sa kwarto mo na patulugin si Clyden. Hindi makakatulog si Klint kapag amoy alak ang katabi niya, okay?" Napabuntong-hininga ako sabay tango. Wala namang problema sa akin iyon dahil palagi naman kaming nagtatabi sa pagtulog ni Clyden.Natigilan ako nang ma-realize ang
•Gaea•Malapit na ala-una nang hapon ko naihatid si Clyden sa port, kaya pagkarating namin doon ay nag-usap lang kami saglit at nagpaalam na rin ito kaagad.Pagkabalik ko ng bahay ay kaagad kong tinawagan si Cybell para kumpirmahin sa kanya na babalik na ako bukas. Kailangan ko ring mag-trabaho, hindi naman pwedeng aasa na lang ako kay Clyden para sa pamilya ko."Gaea, napatawag ka? May kailangan ka ba?" bungad na tanong nito sa akin nang sagutin niya ang tawag."Ah, gusto ko lang ipaalam sa iyo na babalik na ako bukas d'yan. Natapos na ba ang printing?"Kailangan kong pirmahan ang mga libro kaya ko iyon naitanong sa kanya. Kailangan ko ring maghanap ng ibang trabaho dahil hindi naman makakasuporta sa pamilya ko ang kinikita ko sa pagsusulat. Baka pagbalik ko ay maghahanap na ako kaagad ng trabaho, isa akong education graduate per
•Gaea•Kinaumagahan ay maaga akong nagising para maaga rin akong makakuha ng ticket at makabalik din kaagad sa syudad dahil may meeting nga akong pupuntahan mamaya. Hinatid pa ako nila mama dahil minsan lang daw akong umuwi kaya susulitin na niya iyon."Ma, alis na po ako!" paalam ko kay mama. Sasakay na kasi ako ng barko at naroon pa rin sila sa may daanan ng mga pasahero at naghihintay sa akin."Mag-iingat ka roon, Gaea!" hiyaw naman nito pabalik sa akin dahil malayo-layo na rin ang pagitan naming dalawa dahil bawal silang pumasok sa hintayan ng mga pasahero. Kumaway na lang din ako at sumakay na sa barko.Umupo ako sa may labas para mapanuod ang kalmadong dagat, dahil nakakawala iyon ng bigat sa aking pakiramdam. Ilang ulit na rin akong pabalik at alis sa probinsya namin pero sa tuwing bumabalik ako sa syudad ay pakiramdam ko ay bigat ng aking pakiramdam.
•Gaea•Pagkatapos naming makipag-usap sa production team ay kaagad na rin kaming umalis ni Cybell. Huminto pa kami sa isang restaurant para kumain dahil ili-libre ko raw siya dahil may blessing na dumating sa akin.Sinubukan kong tawagan si Clyden ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag ko. Gusto ko sanang ipaalam sa kanya ang nakuha kong trabaho."Uy, Gaea, nakatulala ka naman d'yan? Sino na naman ang iniisip mo?" kunot-noong tanong sa akin ni Cybell. Nagkamot ako sa aking noo bago umiling dahil wala pa akong balak ipaalam sa kanya ang relasyon namin ni Clyden. "Kumain ka na nga baka pumangit ang lasa niyan dahil hindi na mainit."Tumango ako at ibinalik na nga ang pokus ko sa pagkain. Baka busy nga lang si Clyden sa trabaho niya, ako rin naman ang dahilan kung bakit siya pumunta roon."Cybell, sa office ko na lang kaya pirmahan ang mga books? Nex
•Gaea•Pagkatapos naming mag-usap ni Samantha ay sinamahan niya ako sa office. Tinanong ko naman si Cybell kung pwede magdala ng kaibigan sinabi naman niya na pwede naman daw.Ayaw ko rin namang mag-isa habang pumipirma ng mga libro dahil sobrang boring kapag wala akong makausap doon."Sumisikat ka na talaga, Pretty Gaea, parang kahapon lang hanggang 50 books lang ang mapri-print ng publisher mo. Tingnan mo naman ito ngayon!" Malapad akong napangiti sa sinabi ni Samantha. Maski ako sa sarili ko ay hindi rin makapaniwala sa naabot ko ngayon.Ma-swerte lang talaga ako dahil may mga readers akong sumusuporta sa akin ng lubos. Sa tuwing may bagong libro akong inilalabas ay sila palagi iyong nagpro-promote ng books ko. They will always be my star."Laking pasasalamat ko nga sa mga readers ko dahil iba sila sumuporta.""Miss Gaea, nandoon po ang
•Gaea•Nang makarating kami sa apartment namin ay kaagad ko siyang hinila papunta sa sofa para makausap ito nang maayos.Kinukusot nito ang kanyang mga mata kaya alam kong may problema ito. Kapag naiinis, nagagalit o nasasaktan ito at hindi niya mapigilan ang emosyon ay kaagad itong napapaiyak pero kung hindi naman labis ang sakit na nararamdaman nito ay gumagamit ito ng panyo kapag umiiyak dahil ayaw niyang masgasgasan ang kanyang mga mata.Kaya sa tuwing nakikita ko itong umiiyak at ginagamit niya ang kanyang mga kamay bilang pamunas alam ko na kaagad na may problema ito."Anong nangyari sa inyo ng lalaking iyon, Samantha?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking mga kamay at tumingin sa aking mga mata. "Ginawan ka ba niya ng masama?""I really want to cancel the engagement party. I asked him to tell our parent
•CN•Napatingin ako kay daddy na hindi mapirme sa kanyang kinatatayuan. Kahit naikasal na sila dati ay ganoon pa rin ang reaksyon nito ngayon. Walang pinagbago maliban na lang sa amin ni Corrine at ang pagtanda nila mommy ng ilang taon.Labing-limang taon ang lumipas ngunit wala man lang pinagbago sa nararamdaman nilang dalawa. Corrine and I always witness my parents sweetness and love. Sa ilang taon nilang pagsasama may awayan man ngunit hindi ko narinig maski isa sa kanila na nagsabi na maghiwalay, instead I always hear some comforting words.Iyong matatamis na salita ni daddy na nagpapatigil sa pagtatampo ni mommy. Lumingon ako sa may aisle nang marinig ko ang pagkanta ng wedding singer."Kuya, ang ganda ni mommy!" wika ni Corrine sa aking tabi habang nakatitig sa ina namin. Napangiti ako nang makita ang magandang mukha ni mommy. Wala man lang pinagbago sa
•Eychan•Napatingin ako sa dalawang taong kakapasok lang. Nahihiyang naglakad si tita papalapit sa akin habang si Clyden naman na nakasunod dito ay may malapad na ngiti."Kukunin ko lang si CN para makapag-usap kayo nang maayos," usal niya nang makalapit na siya sa akin. Ngumiti ako at tumango sa kanya at pinatayo si CN para mabuhat niya ito. "Kakain muna tayo, big boy, okay? Kailangan natin ng lakas para bantayan si mommy.""Okay po, daddy! Gusto ko pong maging strong para po hindi na ulit masaktan si mommy po." Napangiti ako sa pinag-usapan nilang dalawa at kumaway na sa kanila.Mahina pa ang katawan ko dahil sa nangyaring aksidente, lalo na at kakagising ko pa lang. Pero gusto kong makausap si Tita Letecia hindi ako makatulog hanggat hindi ko ito nakakausap."Gaea, pinapatawag mo raw ako sabi ni Clyden?" mahinahon
•Clyden•Limang oras na ang lumipas at kanina pa ako rito naghihintay ng susundo sa akin ngunit wala namang dumating. Siguro ay naging abala ito sa pagbabantay sa mag-ina ko kaya nakalimutan ni daddy ang pinag-usapan namin kanina.Tiningnan ko ang aking orasan at nang makita ang oras doon ay kaagad na akong nagtawag ng taksi para magpahatid sa hospital na kinaroroonan ni Gaea. Mabilis ang tibok ng aking puso, kinakabahan ako na makita si Gaea sa sitwasyon na kinasasangkutan nito ngayon. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang masaktan ito.Simula nang ma-aksidente ito dati ay pinangako ko na sa aking sarili na iingatan ko na siya ngunit heto at nangyari na naman ulit. "Saan po tayo, sir?" tanong ng taxi driver sa akin nang makasakay na ako at maiayos na ang aking mga gamit."Sa Y General Hospital po, kuya," tugon ko sa kanya at kinuha muli ang cellphone
•Third Person•Ang mga mabibilis na yapak ng mga paa dahil sa takbuhan ng mga nurse at pamilya ng pasyente ang mas lalong nagpagulo sa isipan ni Letecia. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Gaea sa kanya. Sinagip nito ang buhay niya sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Hindi ito nagdalawang-isip na ibuwis ang buhay nito kahit halos itakwil na niya ito.Napatingala ang ginang nang makita niya ang pares ng mga paa sa kanyang harapan. Sumalubong sa kanyang paningin ang nurse na puno rin nang pag-aalala ang mukha habang nakatitig dito."Ma'am, ginagamot na po ang daughter-in-law ninyo, kailangan niyo na pong pumunta sa emergency room para magamot din po kayo." Kumunot ang noo ng matanda at hinawakan ang noong itinuro ng nurse.Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa kamay niyang may dugo. Hindi nito ito iyon namalayan kanina dahil kaag
•Eychan•Napaatras ako nang akmang sasampalin ako nito. Hindi ako pwedeng lumaban pero kung kaya ko namang iwasan ay gagawin ko naman iyon makalayo lang sa gulo. Hindi porke't hindi ako lalaban ay magpapa-api na ako sa kanya nang ganoon kadali, hindi naman ako martyr lalo na at hindi ko naranasan na saktan ng aking mga magulang."Hindi ko alam kung ano ang nakita ng anak ko sayo para pakasalan ka," nakangisi niyang saad at tinitigan ako mula sa aking paa patungo sa ulo. "Wala ka namang ikakabuga at wala kang panama sa ibang babae na kilala ng pamilya namin."Nasaktan ako sa sinabi nito pero pinipilit ko pa rin ang aking sarili na kumalma. Pwede na nga yata akong patungan ng korona para sa pagiging kalmado ko."Hindi po kasi siya bulag, tita, nakikita niya po iyong hindi niyo nakikita," balik ko sa kanya. Nakita ko ang litid ng ugat sa kanyang leeg nang ikuyom
•Gaea•Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa aking pintuan. Tiningnan ko si CN na mahimbing pa rin na natutulog bago marahan na bumaba sa kama. Tinungo ko kaagad ang pintuan at tiningnan kung sino ang kumakatok."Kailangan po kayo?" tanong ko sa kasambahay na nabungaran ko pagbukas ko ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin habang tumatango, mas niluwagan ko pa ang pintuan para magkausap kami nang maayos. "Ano po ang kailangan niyo, nay?"Medyo may katandaan na ito kaya iyon na lang ang ini-address ko sa kanya. "Ma'am, pinapatawag na po kayo nila Mr. Lee sa baba. Kakain na raw po, ma'am," pagbibigay-alam niya.Hindi ko aakalain na sabay-sabay pala rito kung mag-umagahan lalo na at sinabi kagabi ng nakausap kong kasambahay ay minsanan lang magkita o nandito ang mga Lee. Sa dami naman ng negosyo nila ay naiintindihan ko naman ang mga ito.&
•Gaea•Napatingin ako sa mag-ama ko na nasa may paanan ng kama. Nakatayo si CN habang nakaluhod naman sa harapan nito si Clyden para mapantayan ang tangkad ng anak namin."Kapag umalis na si daddy magpakabait ka kay mommy, ah?" bilin nito sa anak. Napangiti ako nang mabilis na tumango si CN ngunit kagat-kagat na ang ibabang labi halatang pinipigil ang pag-iyak."Kailan ka po babalik, daddy? Ilang days po ba ang itutulog ko para pag-gising ko po ay nar'yan na po kayo ulit?" inosente nitong tanong.Tumayo si Clyden at binuhat ang anak para dalhin si CN sa kamang kinauupuan ko. Umupo ang una sa aking tabi habang nakapaupo naman sa kanyang binti si CN."Hindi mo lang namamalayan na nakauwi na pala ako. Pangako iyan, anak, just don't count the days para hindi mo maramdaman ang tagal ng paghihintay, okay?"
•Gaea•Ang malagintong bahay nila Clyden ang muling nakapagtigil sa akin sa paglalakad. Hindi ko maiwasang mailang at subukang ihambing ang sarili ko sa kanya.Kahit na nagtra-trabaho na ako ngayon at may malaking sahod ay hindi pa rin iyon maikukumpara sa yaman ng pamilya niya. 'You can't sit with us' parang iyon ang vibes na nakikita ko sa pamilya nila."Are you okay?" tanong niya sa akin nang mahalata ang pagkatigil ko. Malalim akong napabuntong-hininga at hinanap ng aking mga mata ang pamilya niya, ngunit sa sobrang laki ng mansyon ng mga ito ay hindi naman dumapo ang mga mata ko sa isa sa mga pamilya nito. "Kinakabahan ka pa rin ba? Huwag kang mag-alala, babe, nandito lang ako. Sabihin mo lang sa akin kung may problema ka, okay?""Mommy, huwag ka pong mag-alala nandito rin po ako!" Tumango ako at kinurot ang pisngi ni CN.&nb
•Gaea•Nanatiling nakapokus ang aking paningin kay Clyden na paikot-ikot sa buong kwarto. Akala yata nito ay hindi ko siya papayagan kung aalis siya ngayong araw o sa makalawa.Hindi ako sang-ayon sa biglaang pag-alis nito, pero kung gusto kong magkaayos ang buo naming pamilya ay papahintulutan ko ito. Hindi ko rin maatim na masaktan pa ang bestfriend niya dahil sa paglalayas nito. Kung hindi dahil sa amin ni Russu ay hindi naman iyon mangyayari sa kanya, lalo na at may Terrence na nagmamahal dito."Clyden," tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin na puno nang pagtatanong ang mga mata. Marahan kong tinapik ang bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang makaupo na siya sa aking tabi. "Kanina ka pa paikot-ikot, babe, may problema ka ba?" tanong ko kahit alam ko naman na ang dahilan nito.Hindi siya u