Dear friends and readers,
Ngayong tapos na ang aking nobela, gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa inyo. Salamat sa paglaan ng oras para samahan ako sa paglalakbay na ito. Napakahalaga ng inyong suporta at pagtangkilik. Sana nagustuhan ninyo ang kwento tulad ng pagkagusto ko sa pagsusulat nito. Kung may mga bahagi na nagustuhan ninyo o hindi gaanong nagustuhan, malugod kong tinatanggap ang inyong mga feedback at suhestiyon. Ang inyong mga puna ay mahalaga at makakatulong sa akin upang mas mag-improve pa bilang manunulat. Muli, maraming salamat sa pagiging bahagi ng kakaibang paglalakbay sa kuwento ng pagmamahalan nina Mia and Matthew. Warm regards, FunbunMuling sumilip si Mia sa loob ng opisina ng kanyang asawa pero wala parin siyang nakikitang tao roon. Kaya naisip niyang bumalik na lang sa condo. Mabigat ang kanyang mga hakbang na tinungo ang pasilyo ngunit bigla siyang napatigil nang may naulinigang tinig. Medyo may distansiya ang boses na iyon mula sa kinaroroonan niya, kaya pilit niyang hinagilap kung saan ba ang pinanggalingan non. Saka niya napansin na parang naroon sa loob ng conference room. Kaya agad siyang pumaparoon at marahang binuksan ang pintuan upang silipin kung sino ang nasa loob. Ngunit bigla siyang natigilan sa nakita. Ang kaisa- isang taong hinintay at hinanap niya kanina ay nandito lang pala sa loob ng conference room, at ang pinakamasaklap ay may kahalikan itong babae. Hindi siya agad makakakilos, Para siyang naninigas sa kanyang kinatatayuan habang pinanood ang mala- romantikong eksena. "Yes, babe, I know you can't resist me. And I know you'll still love me. So, I'm here now, coming back just for you, M
"So, Ano'ng balak mong gawin ngayon?" Hindi alam ni Matthew kung ano ang isasagot sa tanong ni Danny , ang kaibigan at right hand niya sa kompanya. Pagkatapos matiyak na ligtas na sa peligro at komplikasyon ang abuela ay nagpasya siyang umalis na muna ng hospital upang makapag isip-isip ng paraan. Hinayaan niyang ang bunsong kapatid na muna ang magbantay at matulog doon kasama ng matanda.Kahit madaling-araw na, dumeretso parin siya sa bahay ng matalik na kaibigan. Pupungas- pungas pa ito nang pagbuksan siya ng pinto kanina. Alam niyang sunud- sunod na reklamo sana ang matatanggap niya kanina mula rito kung hindi lamang nito makita na problemado siya. Naglabas ito ng beer sa terasa ng bahay nito.Mabuti na lamang at hindi nagising ang asawa nitong si Amanda. Inaanak niya ang limang taong gulang nitong anak ng mga ito. "Hindi ko alam, pare," mabigat ang loob na sagot niya rito. "Kailanman, hindi ko hinangad na manggaling sakin ang ikinalulungkot o ikabibigat ng loob ni Lola. She's all
MIA'S POVANO? BABAYARAN ako ng kuya mo para magsinungaling kay Lola Lina? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Ano na lang ang iisipin ni Lola Lina sa akin kapag natuklasan niya ang totoo? At saka, hellooo...?? Kapani-paniwala bang magugustuhan ako ng mayabang...... este, masungit na Matthew na yon, eh, allergic nga sa akin 'yon, di ba? Saka bakit na ako ang naisip ng kuya mo na pagpapanggaping nobya, ang dami- dami namang babaeng umaaligid sa kanya? Doon na lang siya mamili," mahabang litanya ni Mia nang marinig ang sinabi ng best friend niyang si Merna."Ano ba ang pumasok sa kukote ni Matthew Delos Reyes at naisipang siya pa ang napili nitong magpanggap na girlfriend nito sa harap ni Lola Lina?"Alam niya na wala itong magandang pakikitungo sa kanya noon pa. Sa tuwing magkakasalubong sila, parang lagi siya nitong inuuri at nilalait kapag tinitingnan siya nito. Pagkatapos ngayon ay may gana pa itong hingin ang tulong niya? Ano sha helloo..!'Mia, hindi naman niya actually hiningi ang tulo
MIA'S POV"ALAM MO, hindi ako naniniwala na si Lola Lina ang nagsabi niyan. Parang ikaw lang ang may pakiramdam ng ganoon. Sira ka talaga. "" Hindi, ah!" tanggi niyo. "Ipinaparating ko lang sa'yo na magiging believable na maging kayo ni Kuya para kay Lola Lina. Ikaw pa, eh gustong- gusto ka ni Lola." kinilig na sabi pa nito. Ang totoo, gusto talaga niyang makatulong para bumuti ang kalagayan ni Lola Lina. Siya pa nga ang unang nakapansin noon ng pananamlay nito. Pero maisip pa lang kasi niya na makakasama niya si Matthew, hindi lang siya nagdadalawang- isip kundi nagtatatlong- isip pa.'Eh, hindi ba't minsan naman, inisip at pinangarap mo kung paano maging nobya ng isang tuald ni Matthew Delos Reyes? Na- iilusyon ka pa nga na ikaw ang babaeng makakapagbabago sa pananaw niya sa pag-ibig at makapagbabalik ng ngiti at sigla sa mukha niya. Aminin! naiisip niya.Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang isiping iyon. Napakatagal nang panahon na iyon. Beinte- singko anyos na siya ngayon at
"MASYADO KANG MABILIS magpatakbo ng motorsiklo," aniya, hindi napigilan ang sarili. "Kung bakit naman kasi motorsiklo pa ang napili mo?" "Kung hindi naman motorsiklo ang gamit ko, tiyak na uusok ang ilong mo sa galit at pagkainip sa paghihintay sa akin. Sa tindi ng traffic siguradong aabutin ako nang siyam- siyam at pagdating ko rito, siguradong makakatikim ako ng sermon sa'yo at madagdaganna naman ang mga bagay na ikaayaw mo sa akin. So thanks to my baby, I'm here on time," anitong hinaplos pa ang motorsiklo nito. "Naniniwala ako na delikado ang motorsiklo lalo na at sa highway mo yan pinapatakbo at ang bilis pa ng pagpatakbo mo," aniyang hindi napigilang langkapan ng concern ang tono sa isang bagay na ikinagulat niya mismo. Lalo pang lumuwang ang pagkakangisi nito. Umiling- iling na pumalatak ito. "Concerned ka sa kaligtasan ko, Mr. Delos Reyes? Kailan pa?" Nag- init ang kanyang mukha. Agad siyang nag- iwas ng tingin dito. "Pumasok na tayo sa loob mainit na rito," aniy
MIA POVGUSTONG mapahagalpak ng tawa ni Mia habang pinagmamasdan niya ang tila paglalaban ng isip ni Matthew. Tila hindi nito alam kung seseryosuhin ang mga sinasabi niya o hindi. Kaya naman nang titigan siya nito ay ni hindi siya ngumiti. Pinanatili niyang seryoso ang ekspresyon ma mukha niya kahit pa ang totoo ay gustung- gusto na niyang matawa. Makaganti man lang siya kahit sa simpleng paraang iyon. Kung anu- ano ang kalolokohan na sinasabi at itinatanong niya rito at wala naman itong mapagpipilian kundi sumagot sa mga tanong niya. Masarap din palang paglaruan ang mokong na ito, eh. sa loob- loob niya. "Naku, ito lang naman pala ang tinutukoy sa menu, eh," aniya na ang tinutukoy ay ang pagkaing inihain ng waiter sa kanila. " Hindi ko makilala ang mga tawag dito sa menu, iyon pala beef lang din na nilagyan ng kung anu- anong dekorasyon. Tapos ang mahal mahal pa. Naku, wala rin itong ipinagkaiba sa tapa na niluluto sa tapsilogan namin. Baka mas mainam pa iyon kasi may libreng toyo,
MATTHEW POVWALA NA SA PANINGIN NI Matthew ang motorsiklo ni Mia ngunit nanatili pa rin siyang tulala at hindi makahuma sa huling salitang binitiwan nito kanina. Hindi niya alam kung seryoso ito, o talagang gusto lamang nitong gulatin siya. Kung ang huli ang intensiyon nito, nagtagumpay ito. Totoong na- shock siya ng husto. 'Number one rule, huwag kang mai-inlove sa akin... mahihirapan ka lang. Hindi kita type... mga katagang laging umaalingawngaw sa isip niya.Napailing na lang siya. Kahit kailan, ang lakas talaga ng loob ng babaeng iyon. Siya, iniisip nitong maii-inlove dito? She must be dreaming! Kung hindi siya nito type, lalo namang hindi niya ito type. At imposibleng magkagusto siya rito. At tama ito. He hated her guts. He didn't like the way she talked and the way she acted. Malayung- malayo ang personalidad nila. Bukod doon, hindi maalis sa isip niya na pareho ito at si Jenny ng pinanggalingan. Isang oportunista si Jenny at manloloko. Hindi niya hinuhusgahan ang pagkatao ni
MIA POVTAHIMIK NA pumasok sa loob ng sasakyan sina Matthew at Mia. Parehong walang kibo ang dalawa sa loob ng sasakyan ng huli patungo sa Tapsilogan niya. At alam niya ang dahilan niyon. Pareho silang nakakaramdam ng guilt. Parehong nanunuot sa kalamnan nila ang sinabi ni Lola Lina kanina. Tulad niya, marahil ay iniisip rin nito ang paniniwala ni Lola Lina na totoong magnobyo sila ni Matthew. Napabuntung- hininga siya. Napakahirap dalhin niyon sa dibdib. Tinamaan siya sa mga sinasabi kanina ni Lola Lina. Sa ilang sandali ay parang gusto na rin niyang maniwalang totoo ngang sila ni Matthew ay totoong nagmamahalan.Nakakatouch naman kasi ang mga binibitiwang mga salita ni Lola Lina. At some point back there, she had wished everything wasn't a lie. That she and Matthew weren't pretending. And for that magical moment, she had quietly wished she could really be the woman who could make Matthew believe in love again.At iyon ang talagang halos hindi niya mapaniwalaan. Hindi siya makapaniw