Share

Chapter 7

Author: Funbun
last update Last Updated: 2024-05-16 15:51:24

MATTHEW POV

WALA NA SA PANINGIN NI Matthew ang motorsiklo ni Mia ngunit nanatili pa rin siyang tulala at hindi makahuma sa huling salitang binitiwan nito kanina. Hindi niya alam kung seryoso ito, o talagang gusto lamang nitong gulatin siya. Kung ang huli ang intensiyon nito, nagtagumpay ito. Totoong na- shock siya ng husto.

'Number one rule, huwag kang mai-inlove sa akin... mahihirapan ka lang. Hindi kita type... mga katagang laging umaalingawngaw sa isip niya.

Napailing na lang siya. Kahit kailan, ang lakas talaga ng loob ng babaeng iyon. Siya, iniisip nitong maii-inlove dito? She must be dreaming! Kung hindi siya nito type, lalo namang hindi niya ito type. At imposibleng magkagusto siya rito.

At tama ito. He hated her guts. He didn't like the way she talked and the way she acted. Malayung- malayo ang personalidad nila. Bukod doon, hindi maalis sa isip niya na pareho ito at si Jenny ng pinanggalingan. Isang oportunista si Jenny at manloloko.

Hindi niya hinuhusgahan ang pagkatao ni Mia ngunit hindi niya maiwasang maalala si Jenny rito. Magkaiba ang dalawa sa kilos, ugali at pananamit. Ngunit sa kabila niyon, naiisip niya si Jenny kapag nakikita niya si Mia. Parehong mukhang inosente ang mga ito ngunit hindi ba't nagkamali siya ng pagkilatis sa tunay na pagkatao ng dating nobya?

Bakit niya kailangang maapektuhan nang ganoon sa sinabi ni Mia? Alam naman niyang imposibleng mangyari ang sinabi nito. He would never fall in love with Amia Acosta. She wasn't just his type.

Hanggang sa makauwi siya ay hindi pa rin maalis- alis sa isip niya ang sinabi nito. Agad na binuksan ang kanyang laptop at magsimulang magtrabaho. Nais niyang maging busy ang utak niya upang sa ganoon ay maiiwasan at mai- alis na sa isip niya ang mga salitang binitawan ng dalaga sa kanya kanina.

LUMIPAS ANG MGA ARAW at heto sila ngayon ni Mia kaharap ang kanyang abuela. Ipinakilala niya rito na si Mia ang bagong girlfriend niya. Hindi siya makapaniwala na wala siyang makitang reaksyon mula rito. Hindi niya inaakalang walang kahirap- hirap na tatanggapin ng kanyang abuela ang pagpapakilala niya kay Mia bilang kanyang nobya. Inaasahan niya na magdududa ito at magtatanong nang husto kung paanong nangyaring naging magkasintahan sila ng dalag.

"Oh, it's about time...." Iyon lang ang sinasabi nito, ngiting- ngiti pa. Kitang- kita sa anyo nito na masayang masaya ito sa ibinalita nila ni Mia dito.

He didn't know but it seemed Tranquelina Delos Reyes had been expecting it to happen. At ngayon ay masayang- masaya ito na nangyari na ang inaasahan nito. Hindi niya maiwasang magtaka.

Alam niyang naging malapit na nang husto si Mia sa puso ng kanyang abuela. habang pinagmamasdan niya ang dalawa na naglalakad sa hardin, pagkatapos nilang mag usap ay agad naman nitong isinama si Mia. Ni hindi na nito magawang imbitahin ako na sumama sa kanila. Nasaksihan niya kung paano napapangiti at napapatawa ng dalaga ang kanyang abuela. Humahalaklak pa nga ang matanda. Well, malamang ay kung anu- ano na namang kalokohan ang sinasabi ni Mia dito.

He composed himself When they saw them approaching. May hawak na tungkod ang lola niya habang nakahawak ito sa braso ni Mia.

"Naku, hijo, hindi ko mapilit itong si Mia na dito na kayo mag- lunch," sabi ng kanyang abuela nang makalait ang mga ito

"Sa ibang mga araw na lang ho, Lola," nakangiting wika naman ni Mia. "Kailangan ho talaga ako ngayon sa tapsilogan dahil may sakit iyong dalawang helper namin. Dagsa ho kasi ang mga tao, lalo na kapag lunchtime."

"Pangako mo 'yan, hija. Aasahan ko 'yan. Kulang pa ang pagkukuwentuhan natin," anang Lola niya. Kapagkuwan ay bumaling ito sa kanya at kinuha ang kamay niya. Binalingan ito ni Mia at kinuha rin ang kamay ng dalaga.

Bago pa sila makahuma ay pinagsalikop na nito ang mga kamay nila.

"Hindi niyo alam kung paano niyo ako pinaligaya sa magandang balita na ibinigay niyo sa akin. Sa puso ko, alam ko na darating ang araw na ito. Ang makita ko kayong dalawa na matagpuan ang tunay na pag- ibig sa katauhan ng isat-isa. Magmahalan kayo mga apo. Mia, mahalin mo at alagaan ang apo ko. He'd been through a lot. At alam ko na ikaw ang makakapagpabalik ng paniniwala niya sa pag- ibig." masayang pahayag ng matanda.

Hindi nakakibo si Mia. Mukhang ito man ay talagang nagulat sa sinabi ng kanyang abuela.

"At, ikaw, Matthew hijo..." baling ng matanda sa kanya. Alam kong hindi ka nagkamali ng pagpili ng babaeng mamahalin sa pagkakataong ito. Alagaan mo si Mia. Ibigay mo sa kanya nang lubos ang pagmamahal at pagtitiwala mo. Doon lang ay masaya na ako." dagdag nito.

Pagkatapos ay salitan silang niyakap ng matanda. Nang dumako ang tingin niya kay Mia ay nahuli niya ang pasimpleng pagpahid nito ng luha.

"L-lola, kailangan na ho naming umalis. Babalik na lang ho ako sa ibang araw," sabi ng dalaga.

"O, siya sige, lumakad na kayo. Matthew, mag- iingat sa pagmamaneho lalo na at kasama mo si Mia," bilin pa ng abuela sa kanya.

Siya man ay halos hindi makakibo. Tila nanuot sa bawat himaymay ng kanyang katawan ang mga salitang binitiwan sa kanila ng abuela. And he felt so guilty.

"Yes, Lola. We'll go ahead," kapagkuwan ay sabi niya pagkatapos halikan sa noo ang matanda. At ganoon rin ang ginawa ng dalaga sa kanyang abuela.

HABOL ng tingin ni Donya Tranquelina ang papalayong sina Matthew at Mia habang nakapagkit sa mga labi ang matamis na ngiti.

Lingid sa kaalaman ni Matthew, gising na siya noong sa ospital at narinig niya ang pag- uusap nito at ng kapatid na si Merna. Alam niyang nagpapanggap lamang na magnobyo ito at si Mia. Ngunit hindi siya nagagalit sa mga ito. Bagkus ay masaya siya na ang dalagang si Mia ang kinuha ng dalawa.

Naniniwala siyang kung may babae mang may kakayahang pawiin ang lungkot ni Matthew at ibalik ang tiwala nito sa pag- ibig, ay si Mia iyon. Habang nagpapanggap ang mga ito, magkakaroon ng pagkakataon ang dalawa na makilala ang isat-isa. At sigurado siya na mabubuksan muli ang puso ni Matthew sa pagkakataong ito.

Napangiti siya sa isiping iyon. Kung nalalaman lang ng mga ito na maraming paraan ang pag- ibig . Walang sinuman ang makakakontrol o makakalinlang kapag ito ay kusang titibok. Alam niya sa puso niya na darating ang araw na matatagpuan din ng mga ito ang pag- ibig para sa isat-isa. Hindi niya alam kung kailan o paano ngunit ito ay nasisiguro niya. Kusa itong matatagpuan sa katauhan ng bawat isa. At iyon ang pinakahihintay niya na mangyari.

Nakikita niya iyon sa pakikitungo ng mga ito sa isat-isa. In time, she knew, they would both see it too. Sana lang, kapag dumating ang araw na iyon ay huwag maging matigas ang ulo ng mga ito at hayaan ang sarili na yakapin ang damdaming iyon. Kapag ginagawa ng mga ito iyon, tiyak na magiging napakasaya ng mga ito.

Maaring matanda na nga siya ngunit alam pa rin niya kung paano kumikilatis ng mga taong totoong ayaw sa isat-isa at ng mga taong pilit lamang ignorahin ang tunay na nararamdaman sa isat-isa. Alam din niya king saang kategorya nabibilang sina Matthew at Mia.

Dahil noon pa man ay nakikita niya sa bawat titig ng mga ito ang tunay na naramdaman para sa isat-isa, ngunit ay hindi nila ito binigyang pansin bagkus ay pinaiiral ng mga ito ang kani- kanilang pride. Natatakpan nito ang damdamin na nais umusbong. At ngayon ang pagkakataon upang matuklasan ng bawat isa ang nararamdaman na pilit itinago sa kanilang puso.

Sa isiping iyon, masayang pumasok na siya sa loob ng bahay. Dalangin niya na sana ay naroon pa siya upang ma- abutan at makikita pa ang magiging mga apo niya sa tuhod na mula sa dalawang ito. At siya ang pinaka- masayang Lola kapag dumating ang araw na iyon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ssam_grl
...️...️...️ go mia
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • CEO's Love Redemption    Chapter 8

    MIA POVTAHIMIK NA pumasok sa loob ng sasakyan sina Matthew at Mia. Parehong walang kibo ang dalawa sa loob ng sasakyan ng huli patungo sa Tapsilogan niya. At alam niya ang dahilan niyon. Pareho silang nakakaramdam ng guilt. Parehong nanunuot sa kalamnan nila ang sinabi ni Lola Lina kanina. Tulad niya, marahil ay iniisip rin nito ang paniniwala ni Lola Lina na totoong magnobyo sila ni Matthew. Napabuntung- hininga siya. Napakahirap dalhin niyon sa dibdib. Tinamaan siya sa mga sinasabi kanina ni Lola Lina. Sa ilang sandali ay parang gusto na rin niyang maniwalang totoo ngang sila ni Matthew ay totoong nagmamahalan.Nakakatouch naman kasi ang mga binibitiwang mga salita ni Lola Lina. At some point back there, she had wished everything wasn't a lie. That she and Matthew weren't pretending. And for that magical moment, she had quietly wished she could really be the woman who could make Matthew believe in love again.At iyon ang talagang halos hindi niya mapaniwalaan. Hindi siya makapaniw

    Last Updated : 2024-05-17
  • CEO's Love Redemption    Chapter 9

    MIA POV PAKAUNTI na ang tao at iilan na lang ang natitirang kumain sa loob. Kaya ay nagpahanda na si Mia ng pagkain para sa kanilang tanghalian. "Ano'ng pumasok sa isip mo?" agad na tanong ni Mia sa binata nang sa wakas ay makaupo na sila at maihain ang kanilang tanghalian. Kanina niya pa itong gustong itanong rito ngunit ay walang siyang pagkakataon na isatinig iyon dahil nais niya muna na mapagsolo sila at para walang makakarinig sa pag- uusapan nila. Nakaalis na ang mga kapatid niya para pumasok sa school. Parehong sizzling na pusit ang napili nilang ulam na may side fish na ginisang pechay. Mukhang napagod at nagutom nang husto si Matthew. Hindi agad ito sumagot sa tanong niya dahil abala ito sa pagkain. Lalo itong gumuwapo kapag ganoong hinahayaan nito sa sariling maging simple at makihalubilo sa mga simpleng tao. Hindi niya maiiwasang mapangiti habang pinanood niya ito na maganang kumain. Ibang- iba ito kaysa noong inang magsalo sila sa pagkain sa isang fancy restaurant up

    Last Updated : 2024-05-18
  • CEO's Love Redemption    Chapter 10

    MIA POV MAGKALAHATING ORAS na ang lumipas mula nang umalis si Matthew. Heto at hindi pa rin mapakali si Mia. Wala sa sarili na pinanood ang pinto na kilabasan ng binata. Mabuti na lang at iilan na lang ang tao at di niya na kailangang tumulong sa mga tagasilbi sa kusina. Muli siyang napaupo nang ma- realize na tila masaydo siyang naapektuhan. Nang mahimigan niya ang lungkot at galit sa tinig nito habang nagsasalita kanina, parang gusto niyang pawiin iyon. Gusto niyang tulungang maiba pang pananaw nito sa pag- ibig. Sa maikling oras, nasaksihan niya na hindi puwedeng maging totoong matapobre ang isang Matthew Delos Reyes gayong may kakayahan itong magsilbi at makitungo nang maganda at maayos sa mga ordinaryong tao. Tumulong ito sa canteen nila gayong may- ari ito ng isang malaking kompanya at sanay na pinagsisilbihan at sinusunod ang bawat utos nito. Señorito ito sa tunay na kahulugan ng salitang iyon. Ngunit kanina ay nagsilbi itong waiter doon. At nakita niyang parang nakawala

    Last Updated : 2024-05-20
  • CEO's Love Redemption    Chapter 11

    MERNA POVHINDI MAGKADAUNGAGA sa bilisang paglalakad si Merna na pauwi sa kanilang bahay. Pagkarating ay agad na hinanap ng kanyang mga mata ang bulto ng kanyang Lola Lina. Nang hindi niya matagpuan ito sa loob ay agad na lumabas siyang muli at pinuntahan ang sa may bandang hardin. Ito ang lugar na pinakapaboritong tambayan ng kanyang Lola sa tuwing ito'y mapag- isa. Malamig at presko ang ihip ng hangin sa bahaging iyon. May iilan kasing mga puno na siyang nagbigay nang shelter sa lahat na magagawi dito. At sa bandang gilid ay mayroong iilang upuan na gawa sa isang semento. Sinadyang pinagawa at kinulayan pa ang mga ito. Hindi naman nagpapahuli ang mga magagandang bulaklak na nakapalibot sa bawat bahagi ng lugar na iyon. Well- trimmed naman yong mga halaman na bougainvillea na naka hanay sa pina ka- gilid na bahagi kanilang mansiyon. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw niya mula rito ang kanyang abuela na nakaupo at parang kinakausap nito ang mga bulaklak na ngayo'y nagsisimula n

    Last Updated : 2024-05-21
  • CEO's Love Redemption    Chapter 12

    MIAHINDI NIYA MAINTINDIHAN kung bakit totoong naiinis siya. Dapat kasi ay napagsabihan na nito ang sekretarya ng proper attire kapag nasa opisina at hindi iyong mukhang pang GRO ang isinusuot. Huwag sabihin ng mokong na ito na gusto rin nito ang tanawing nakikita araw- araw kaya okay lang dito na ganoon lage ang magiging attire ng sekretarya?Nang muli niya itong tingnan, nakangiti ito ngunit agad ding pinalis. "Actually, naunahan mo lang ako. I was about to tell Cindy that starting tomorrow she better come to work with a proper dressed. Isang linggo pa lang siya bilang temporary secretary ko. Nasa bakasyon pa kasi si Tita Emmily, who is my longtime secretary." anito'Mabuti naman kung ganoon, hindi rin pala magtatagal ang babaeng iyon' sa loob loob niya. Temporary lang naman pala eh' dagdag pa. "Anyway, What brought you here?" pagkaraan tanong nito."Nakalimutan mo na? Sabi ko na nga ba," Kumunot ang noo nito."Imi- meet natin si Lola Lina for lunch. Kanina pa ako nag- antay ng t

    Last Updated : 2024-05-22
  • CEO's Love Redemption    Chapter 13

    MATTHEW POVNAPABUNTUNG- HININGA na lamang si Matthew na sumakay sa motorsiklo ni Mia. Hindi niya alam kung paano siya nakumbinsing sumakay sa motorsiklo nito. Puwede naman siyang magmatigas at piliing sumakay pa rin sa kotse niya. Siya ang dapat na masunod dahil siya ang lalaki. Bukod doon, siya dapat ang mangingibabaw sa naging kasunduan nila hindi ang babaeng ito. Wala naman sana siyang balak na bagtasin ang daan sakay lamang ang motorsiklo nito. Ngunit nang matanto niyang hindi niya mapapasakay ito sa kotse niya at ayaw naman niya na hahayaan itong mag- isang magmotorsiklo lalo na at alam niya kung gaano ito kabilis magpapatakbo. Naisip niya na at least ay masasaway niya ito kung masyado ng mabilis ang pagpapatakbo nito. Kaya sa huli ay sumakay na lang rin siya.'Just enjoy the ride, okay?" iyon ang sabi ni Mia bago pinaharurot ang dala nitong motorsiklo. At parang ganoon na nga ang nangyayari ngayon. Habang tumatagal na kasama niya ito sa motorsiklo ay totoong nag- e enjoy na s

    Last Updated : 2024-05-22
  • CEO's Love Redemption    Chapter 14

    MIAPAGKATAPOS ng lunch date nina Mia at Matthew kasama si Lola Lina ay inihatid nila ang matanda hanggang sa kotse nito. It was Merna who was supposed to accompany Lola Lina to the restaurant, pero may klase pa raw ito.Nasaksihan ni Mia ang katakut- takot na bilin ni Matthew sa driver ng Lola nito na mag- ingat sa pagmamaneho. Pagkatapos ay si Lola Lina naman ang binalingan nito upang bilinan na huwag magpapagod at magpahinga lang. Kitang kita niya ang pag- aalala at pagmamahal nito sa pamilya nito. Sayang ang kakayahan nitong magmahal nang ganoon kung ibuburo lamang nito ang sarili sa nakaraan. Magawa man lang niyang maibalik ito sa dati ay masaya na siya. Kahit na hindi siya ang babaeng mamahalin nito.Ikinagulat niya ang realisasyong iyon.'Naku, sinasabi ko na nga ba, eh! You really care for this man now! anang isang bahagi ng isip niya.Napabuntung- hininga siya. Ang totoo, hindi naman nawala ang amor at concern niya para sa binata. Siguro, itinago lamang niya iyon sa isang su

    Last Updated : 2024-05-23
  • CEO's Love Redemption    Chapter 15

    MIA"WE LOOK LIKE FOOLS back there," naiiling na wika ni Matthew kay Mia na hindi pa rin mai- alis sa mga labi ang ngiti. Mag- aalas singko na ng hapon at nasa loob sila ng isang magandang garden ng restaurant. Matatanaw nila mula rito ang hubog ng Taal Lake.Habang hinihintay ang ipinaluto nilang seafoods, pinagsasawa nila ang kanilang mga mata sa magandang tanawin.Hindi masyadong matao ang kinaroroonan nila kaya malaya silang gawin ang pagkukuha ng mga litrato sa magagandang view sa paligid. "Happy fools I should say," wika ni Mia. Hindi maalis- alis ang ngiti sa mga labi niya at ganoon rin ito. Ang gu-guwapo nitong tingnan kapag hindi nakasimangot."Ginagawa mo ba ito ng madalas?" tanong nito. "Minsan nga lang eh. I would love to do it more often nga, eh," sagot niya. "Motorsiklo lang ang gamit mo?" Nasa tinig na naman nito ang pag- aalala. At sa tuwing mararamdaman niyang nag -alala ito, tila pumipitlag ang bahagi ng puso niya sa tuwa.Tumango siya. "Okay lang sa mama mo?"

    Last Updated : 2024-05-24

Latest chapter

  • CEO's Love Redemption    Gratitude message

    Dear friends and readers, Ngayong tapos na ang aking nobela, gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa inyo. Salamat sa paglaan ng oras para samahan ako sa paglalakbay na ito. Napakahalaga ng inyong suporta at pagtangkilik. Sana nagustuhan ninyo ang kwento tulad ng pagkagusto ko sa pagsusulat nito. Kung may mga bahagi na nagustuhan ninyo o hindi gaanong nagustuhan, malugod kong tinatanggap ang inyong mga feedback at suhestiyon. Ang inyong mga puna ay mahalaga at makakatulong sa akin upang mas mag-improve pa bilang manunulat. Muli, maraming salamat sa pagiging bahagi ng kakaibang paglalakbay sa kuwento ng pagmamahalan nina Mia and Matthew. Warm regards, Funbun

  • CEO's Love Redemption    Epilogue

    "Honey! help! m-manganak na yata ako!" sigaw ni Mia sa asawa. Nasa beach resort sila ngayon kasama ang kanilang pamilya. Siya ang pumili nitong lugar na kanilang pagbabakasyonan ng isang linggo. Pag- aari ito ng kaibigan ni Danny na matalik na kaibigan ng asawang si Matthew. At nandito rin ang mga ito kasama ang asawa at ang dalawang anak. "Mia, honey! What happened?" tila natataranta nitong tanong at napatakbo sa kinaroroonan niya. "Hon, ang sakit ng tiyan ko! manganganak na yata ako, Matthew!" nahihirapang wika niya sa asawa. Na ngayo'y sa sobrang pagkakataranta ay hindi na nito alam ang gagawin nais niyang matawa sa hitsura nito na pabalik- balik ang pagtakbo na hindi alam kung ano ang uunahin. "Ang kotse, ang kotse ihanda ko muna, hon!" sabi nitong aktong muling umalis. "No, hon... aahhh...!" sigaw niya sa hindi napigilang sakit. Patakbo naman itong bumalik sa kanya. "Masakit na ba talaga, hon? teka t-tawagin ko muna sila n-nanay Maria." taranta pa ring sabi nito na nag

  • CEO's Love Redemption    Special Chapter

    A SMILE APPEARED on his lips as he watched his wife, Mia, who was very busy taking photos everywhere." Halos ay wala itong kapaguran sa buong araw nilang pamamasyal. Nalibot na yata nila ang buong syudad dito sa Maldives pero kitang- kita parin ang pagiging energetic nito. "Smile, honey! Say cheese!" sigaw nito sa kanya habang kinunan siya nito ng litrato mula sa kinaroroonan nito. Napangiti naman siyang sumunod dito. Ewan ba niya kung bakit lahat ng gusto nito ay nahirapan siyang tanggihan kaya mas pinili na lang niyang sunud- sunuran sa mga kagustuhan nito lalo na at nakikita niya kung gaano ito kasaya. They're having their dinner inside a floating restaurant. Nakuha pa niyang maging romantic sa tulong ng waitress na uma- assist sa kanya upang lagyan ng candlelight ang mesa na kung saan naroroon ang kanilang pagkain. After the dinner nagpaalam ang asawang pumunta muna restroom at agad naman siyang pumayag. Naisipan niyang kumuha ng litrato gamit ang sariling phone ngunit b

  • CEO's Love Redemption    Chapter 82 Big day

    Mia, the radiant bride, gracefully walked down the aisle, her beauty captivating everyone present. With the backdrop of Boracay's pristine beach, her appearance was nothing short of breathtaking. Her flowing gown gently swayed with the ocean breeze, making her look like a vision of elegance and grace. As Mia walked down the aisle, Matthew couldn't take his eyes off her. His heart swelled with emotion, and a radiant smile spread across his face. Standing at the altar, with the stunning Boracay beach as the backdrop. Matthew's love and admiration for Mia were evident in his gaze, capturing the essence of their unforgettable day. Though, this was the second time for them to get married pero iba parin sa pakiramdam ang makita ang asawang si Mia na naglalakad sa gitna. All eyes set on her. Parang gustong kumawala ang luha ni Matthew sa kanyang mata dahil sa natatamong kagalakan. Pero pinigilan niya. "Huwag kang magkamaling umiyak dito Matthew baka isipin ng mga tao inaaway kita,"

  • CEO's Love Redemption    Chapter 81

    MATULIN na mga araw ang lumipas dumating na ang pinakahihintay ng mag-asawa. Lumipad patungong Boracay ang kanilang pamilya dahil doon gaganapin ang kanilang kasal. Sa mismong beach house na pinagawa ng asawa ang napili nilang venue. The wedding of Mia and Matthew will be a beautiful celebration set in the stunning beach house of Matthew, located on the picturesque island of Boracay. The couple has chosen this idyllic location to share their special day with loved ones, surrounded by the soothing sounds of the ocean and breathtaking views of the beach. All special guests will arrive two days before the wedding, allowing ample time to settle in, relax, and enjoy the serene beauty of Boracay. The pre-wedding days will be filled with joyous activities, giving everyone a chance to create lasting memories before the main event. Ini- enjoy muna ng lahat bago ang kanilang kasal. They even engage any various activities na mayroon sa Boracay. Maituturing na isang bakasyon ang kanilang p

  • CEO's Love Redemption    Author's Note

    Dear readers, Malapit na pong matapos ang aking kwento, at nais kong humingi ng inyong suporta sa pamamagitan ng inyong mga komento at suhestiyon. Ito po ay nagbibigay inspirasyon sa akin upang magpatuloy sa pagsusulat. Ito po ang unang beses kong magsulat ng nobela, at umaasa akong magugustuhan ninyo ang aking isinulat na kuwento. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta! Funbun

  • CEO's Love Redemption    Chapter 80

    MIA UMALIS na si Merna pero eto parin siya nanatiling tulala sa loob ng kanyang opisina. Ang isip niya'y naguguluhan kung ano ba ang kanyang gagawin. Dapat ba siyang makinig sa sinabi ng kaibigan o hahayaan na lamang ang asawa at ang babae nito. 'You weren't a Mia for nothing' muling umaalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ni Merna. Kilala siya sa pagiging matatag at matapang pero bakit kaydali lamang niyang sumusuko kapag usapang puso na ang pag-uusapan? Aminado siya, na isa ito sa mga weaknesses niya. Nagtatalo parin ang kanyang isipan kung uuwi ba o mananatili muna dito ng ilang sandali? Nanaisin man niyang umuwi ngunit hindi pa siya handang harapin ang pagmumukha ni Matthew. Isang malakas na katok ang pumukaw sa kanyang iniisip. Nagtataka siya kung sino ang pumupunta dito sa ganitong oras. Naisip niyang baka si Merna dahil ito lang ang may alam na andito siya ngayon, baka may nakalimutan lang kaya bumalik. Marahang tinungo niya ang pinto at binuksan. "O, Merna bak

  • CEO's Love Redemption    Chapter 79

    HINDI umuwi sa condo si Mia ng araw na 'yon. Hanggang sa sumapit ang gabi ay nanatili lamang siyang nakaupo sa may bench ng park. Dito siya dinala ng kanyang mga paa pagkatapos masaksihan ang panlolokong ginawa ng asawang si Matthew. Batid niyang nagsisituyuan na ang mga luha niya sa kanyang mga mata. She doesn't want to cry again so pilit niyang kalmahin at patatagin ang sarili. May iilang dumaan na di maiiwasang mapatingin sa gawi niya. "How could you do this to me, Matthew? How?" bulalas niya na parang kausap lamang ang sarili. Wala siyang balak na umuwi ngayong gabi. Panay ang ring ng phone niya, pero wala siyang ganang sagutin yon. Lalo na kung ang manlolokong asawa lang naman ang tumatawag. Ayaw pa niyang marinig ang mga sasabihin ng asawa dahil takot siyang malaman kung ano ang mga salitang lalabas sa mga bibig nito. Hindi pa niya kayang tanggapin kung sakaling aaminin nito sa kanya ang nagawang pagkakamali. Hanggang ngayon ay nasa kanyang pandinig pa rin ang mga salitang

  • CEO's Love Redemption    Chapter 78

    SUMAPIT ang graduation day ng kapatid ni Mia na si Myra. Abala naman ang buong pamilya sa pag eestima ng mga bisita. Sunud- sunod na dumating ang kaibigan at kaklase nina Myra at Mickey. "Hello ma'am, Mia," malaki ang ngiting pagbati ng kanyang sekretarya. Dumating itong mag- isa. Ito lang kasi ang iniimbita niya lalo na at naging kaibigan rin ito mg kapatid. Nitong mga nakaraang araw sinimulan niya na ang pagsasanay sa kapatid sa loob ng opisina. Tinuturuan niya muna ito sa mga basic na paraan sa paghawak ng negosyo, sinanay niya ito para may katuwang na rin siya sa pamamahala ng kanilang papalaking business. Mabilis namang nagkagamayan ng loob sina Janella at Myra, palibhasa ay hindi lang magkalayo ang edad ng dalawa, kaya ito nagkakasundo agad. Wala naman siyang problema sa pag uugali ng kanyang sekretarya dahil kahit na bibong komedyante ito pero pagdating sa trabaho magaling at masipag ito. Yon nga lang pagdating sa breaktime halos napapaligiran ito ng mga kasamahan dahil s

DMCA.com Protection Status