MIAHINDI NIYA MAINTINDIHAN kung bakit totoong naiinis siya. Dapat kasi ay napagsabihan na nito ang sekretarya ng proper attire kapag nasa opisina at hindi iyong mukhang pang GRO ang isinusuot. Huwag sabihin ng mokong na ito na gusto rin nito ang tanawing nakikita araw- araw kaya okay lang dito na ganoon lage ang magiging attire ng sekretarya?Nang muli niya itong tingnan, nakangiti ito ngunit agad ding pinalis. "Actually, naunahan mo lang ako. I was about to tell Cindy that starting tomorrow she better come to work with a proper dressed. Isang linggo pa lang siya bilang temporary secretary ko. Nasa bakasyon pa kasi si Tita Emmily, who is my longtime secretary." anito'Mabuti naman kung ganoon, hindi rin pala magtatagal ang babaeng iyon' sa loob loob niya. Temporary lang naman pala eh' dagdag pa. "Anyway, What brought you here?" pagkaraan tanong nito."Nakalimutan mo na? Sabi ko na nga ba," Kumunot ang noo nito."Imi- meet natin si Lola Lina for lunch. Kanina pa ako nag- antay ng t
MATTHEW POVNAPABUNTUNG- HININGA na lamang si Matthew na sumakay sa motorsiklo ni Mia. Hindi niya alam kung paano siya nakumbinsing sumakay sa motorsiklo nito. Puwede naman siyang magmatigas at piliing sumakay pa rin sa kotse niya. Siya ang dapat na masunod dahil siya ang lalaki. Bukod doon, siya dapat ang mangingibabaw sa naging kasunduan nila hindi ang babaeng ito. Wala naman sana siyang balak na bagtasin ang daan sakay lamang ang motorsiklo nito. Ngunit nang matanto niyang hindi niya mapapasakay ito sa kotse niya at ayaw naman niya na hahayaan itong mag- isang magmotorsiklo lalo na at alam niya kung gaano ito kabilis magpapatakbo. Naisip niya na at least ay masasaway niya ito kung masyado ng mabilis ang pagpapatakbo nito. Kaya sa huli ay sumakay na lang rin siya.'Just enjoy the ride, okay?" iyon ang sabi ni Mia bago pinaharurot ang dala nitong motorsiklo. At parang ganoon na nga ang nangyayari ngayon. Habang tumatagal na kasama niya ito sa motorsiklo ay totoong nag- e enjoy na s
MIAPAGKATAPOS ng lunch date nina Mia at Matthew kasama si Lola Lina ay inihatid nila ang matanda hanggang sa kotse nito. It was Merna who was supposed to accompany Lola Lina to the restaurant, pero may klase pa raw ito.Nasaksihan ni Mia ang katakut- takot na bilin ni Matthew sa driver ng Lola nito na mag- ingat sa pagmamaneho. Pagkatapos ay si Lola Lina naman ang binalingan nito upang bilinan na huwag magpapagod at magpahinga lang. Kitang kita niya ang pag- aalala at pagmamahal nito sa pamilya nito. Sayang ang kakayahan nitong magmahal nang ganoon kung ibuburo lamang nito ang sarili sa nakaraan. Magawa man lang niyang maibalik ito sa dati ay masaya na siya. Kahit na hindi siya ang babaeng mamahalin nito.Ikinagulat niya ang realisasyong iyon.'Naku, sinasabi ko na nga ba, eh! You really care for this man now! anang isang bahagi ng isip niya.Napabuntung- hininga siya. Ang totoo, hindi naman nawala ang amor at concern niya para sa binata. Siguro, itinago lamang niya iyon sa isang su
MIA"WE LOOK LIKE FOOLS back there," naiiling na wika ni Matthew kay Mia na hindi pa rin mai- alis sa mga labi ang ngiti. Mag- aalas singko na ng hapon at nasa loob sila ng isang magandang garden ng restaurant. Matatanaw nila mula rito ang hubog ng Taal Lake.Habang hinihintay ang ipinaluto nilang seafoods, pinagsasawa nila ang kanilang mga mata sa magandang tanawin.Hindi masyadong matao ang kinaroroonan nila kaya malaya silang gawin ang pagkukuha ng mga litrato sa magagandang view sa paligid. "Happy fools I should say," wika ni Mia. Hindi maalis- alis ang ngiti sa mga labi niya at ganoon rin ito. Ang gu-guwapo nitong tingnan kapag hindi nakasimangot."Ginagawa mo ba ito ng madalas?" tanong nito. "Minsan nga lang eh. I would love to do it more often nga, eh," sagot niya. "Motorsiklo lang ang gamit mo?" Nasa tinig na naman nito ang pag- aalala. At sa tuwing mararamdaman niyang nag -alala ito, tila pumipitlag ang bahagi ng puso niya sa tuwa.Tumango siya. "Okay lang sa mama mo?"
CONTINUATION FROM CHAPTER 15......... MATTHEW POV DALA NG malalim na iniisip ay hindi napansin ni Matthew ang pagsasalita ni Mia. Kaharap niya ito ngunit walang siyang maintindihan sa sinabi ng dalaga dahil naglalakbay ng kanyang isip sa mga bagay na patungkol sa rito."What did you say?" tanong niya na bahagyang nagulat. "Sabi ko, kumain ka na. Kanina kapang tulala diyan. Ano ba kasi ang iniisip mo? anito."Hindi naman siguro natin in- order ang mga pagkaing 'yan para titigan lang, hindi ba? Kinakain iyan Matthew at inuubos. " nakangising sabi nito.Napakurap naman ang binata sa sinabi nito. She possessed that power to make him smile and feel good. To make him doings that he normally wouldn't do. At para sa kanya, nakakapag- alala iyon. The last time na may hinahayaan siyang babae na makapasok ng tuluyan sa buhay at sa puso, nadurog lang sa sakit ang kanyang puso.'But she seems different. She's real', udyok niya sa kanyang isipan. Nang makita niya ang maganang pagkain ay nahawa
MIA POV NOW, WHAT CAN YOU SAY about my driving skill?" nakangising tanong ni Matthew kay Mia. Naroon na sila sa tapat ng bahay nina Mia. Ngumiti lamang siya sa binata. "Oh, come on. I- compliment mo naman ako," sabi pa nito. Tila nahawa na talaga itong si Matthew sa kakulitan niya. Maano bang ito na naman ang ayaw paawat ngayon. Ito na naman ang nangungulit kagaya ng pamamaraan niya. Natawa na lang siya nang maisip iyon. Madali lang pala itong mahawa. "Good!" sabi niyang natatawa. "All right, you were very good." "See? Eh, di bilib ka na rin sa akin ngayon?"Natutuwa siya dahil talagang nag loosen- up ito. Parang bulang naglaho ang kapormalan nito pagdating sa pakikitungo sa kanya."Oo na po, ang galing- galing nyo na po." aniya. "Well, gusto mo bang pumasok sa loob at makilala ang buong pamilya ko? " alok niya rito. "I'd love to," tugon nito na ikinatalon ng puso niya. Nasa terasa na sila nga bahay nang pigilan siya nito sa braso. "Bakit?" nagtatakang tanong niya rito.
MIA POVIKINAGULAT NI MIA ang pagbisita ni Matthew sa kanya ng napakaaga. "Ano'ng ginagawa mo rito?" maang na tanong niya sa binata nanh magsadya ito sa bahay nila nang sobrang aga.Ala- sais pa lamang ng umaga at kakaalis lamang ng mga kapatid niya upang pumasok sa school. Nakapajama pa siya at maluwang na T- shirt dahil kalalabas pa lamang niya ng kanyang kuwarto. Humihigop siya ng kape nang makarinig siya ng katok sa main door nila. "I have a surprise for you," nakangiting turan nito na may halong excitement. "Ha? Ano? Hindi ko naman birthday," aniya."Bakit kailangan pa bang may birthday sa tuwing e su- surprise?" anito. "Well, just see for yourself, " wika nito sabay na marahang hinila ang kamay niya palabas ng bahay. Nagkataong lang na siya lang mag- isa roon dahil maagang namamalengke ang kanyang nanay.Hindi pa rin binitawan nito ang kamay niya. Hinila siya nito hanggang sa labas ng gate nila. Paglabas nila ay tumambad sa kanya ang isang apple green na kotse. "Do you lik
MIA LINGID SA KAALAMAN ng dalawa na may isang bulto na tahimik na nakikinig sa kanilang pag- uusap. "Napapabilib mo talaga ng todo Mia," wika ni Merna na di pa rin mapigilan ang tawa. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya sa direksiyon ng pinto at makita roon si Matthew. Nakatiim- bagang ito habang nakatingin sa kanya. May hawak itong bouquet ng mga bulaklak at halos madurog na iyon sa higpit ng pagkakahawak nito. 'God! naririnig nito ang mga sinasabi niya at ang pinag- uusapan nila ni Merna! At sa hitsura nito, mukhang sineseryoso nito ang mga narinig. Marahil ay iniisip nitong totoo ang lahat ng iyon gayong nagbibiruan lamang sila ni Merna katulad ng madalas nilang gawin noon kapag pinag- uusapan nila ang binata. "M-matthew...." mahinang bigkas niya. "I didn't know you were coming. Ang sabi mo ay--""Mabuti na lang pala at dumaan pa rin ako rito," madilim na madilim ang ekspresyon ng mukha nito. "I happen to be at the right time and at the right place. Narinig ko ang lahat
Dear friends and readers, Ngayong tapos na ang aking nobela, gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa inyo. Salamat sa paglaan ng oras para samahan ako sa paglalakbay na ito. Napakahalaga ng inyong suporta at pagtangkilik. Sana nagustuhan ninyo ang kwento tulad ng pagkagusto ko sa pagsusulat nito. Kung may mga bahagi na nagustuhan ninyo o hindi gaanong nagustuhan, malugod kong tinatanggap ang inyong mga feedback at suhestiyon. Ang inyong mga puna ay mahalaga at makakatulong sa akin upang mas mag-improve pa bilang manunulat. Muli, maraming salamat sa pagiging bahagi ng kakaibang paglalakbay sa kuwento ng pagmamahalan nina Mia and Matthew. Warm regards, Funbun
"Honey! help! m-manganak na yata ako!" sigaw ni Mia sa asawa. Nasa beach resort sila ngayon kasama ang kanilang pamilya. Siya ang pumili nitong lugar na kanilang pagbabakasyonan ng isang linggo. Pag- aari ito ng kaibigan ni Danny na matalik na kaibigan ng asawang si Matthew. At nandito rin ang mga ito kasama ang asawa at ang dalawang anak. "Mia, honey! What happened?" tila natataranta nitong tanong at napatakbo sa kinaroroonan niya. "Hon, ang sakit ng tiyan ko! manganganak na yata ako, Matthew!" nahihirapang wika niya sa asawa. Na ngayo'y sa sobrang pagkakataranta ay hindi na nito alam ang gagawin nais niyang matawa sa hitsura nito na pabalik- balik ang pagtakbo na hindi alam kung ano ang uunahin. "Ang kotse, ang kotse ihanda ko muna, hon!" sabi nitong aktong muling umalis. "No, hon... aahhh...!" sigaw niya sa hindi napigilang sakit. Patakbo naman itong bumalik sa kanya. "Masakit na ba talaga, hon? teka t-tawagin ko muna sila n-nanay Maria." taranta pa ring sabi nito na nag
A SMILE APPEARED on his lips as he watched his wife, Mia, who was very busy taking photos everywhere." Halos ay wala itong kapaguran sa buong araw nilang pamamasyal. Nalibot na yata nila ang buong syudad dito sa Maldives pero kitang- kita parin ang pagiging energetic nito. "Smile, honey! Say cheese!" sigaw nito sa kanya habang kinunan siya nito ng litrato mula sa kinaroroonan nito. Napangiti naman siyang sumunod dito. Ewan ba niya kung bakit lahat ng gusto nito ay nahirapan siyang tanggihan kaya mas pinili na lang niyang sunud- sunuran sa mga kagustuhan nito lalo na at nakikita niya kung gaano ito kasaya. They're having their dinner inside a floating restaurant. Nakuha pa niyang maging romantic sa tulong ng waitress na uma- assist sa kanya upang lagyan ng candlelight ang mesa na kung saan naroroon ang kanilang pagkain. After the dinner nagpaalam ang asawang pumunta muna restroom at agad naman siyang pumayag. Naisipan niyang kumuha ng litrato gamit ang sariling phone ngunit b
Mia, the radiant bride, gracefully walked down the aisle, her beauty captivating everyone present. With the backdrop of Boracay's pristine beach, her appearance was nothing short of breathtaking. Her flowing gown gently swayed with the ocean breeze, making her look like a vision of elegance and grace. As Mia walked down the aisle, Matthew couldn't take his eyes off her. His heart swelled with emotion, and a radiant smile spread across his face. Standing at the altar, with the stunning Boracay beach as the backdrop. Matthew's love and admiration for Mia were evident in his gaze, capturing the essence of their unforgettable day. Though, this was the second time for them to get married pero iba parin sa pakiramdam ang makita ang asawang si Mia na naglalakad sa gitna. All eyes set on her. Parang gustong kumawala ang luha ni Matthew sa kanyang mata dahil sa natatamong kagalakan. Pero pinigilan niya. "Huwag kang magkamaling umiyak dito Matthew baka isipin ng mga tao inaaway kita,"
MATULIN na mga araw ang lumipas dumating na ang pinakahihintay ng mag-asawa. Lumipad patungong Boracay ang kanilang pamilya dahil doon gaganapin ang kanilang kasal. Sa mismong beach house na pinagawa ng asawa ang napili nilang venue. The wedding of Mia and Matthew will be a beautiful celebration set in the stunning beach house of Matthew, located on the picturesque island of Boracay. The couple has chosen this idyllic location to share their special day with loved ones, surrounded by the soothing sounds of the ocean and breathtaking views of the beach. All special guests will arrive two days before the wedding, allowing ample time to settle in, relax, and enjoy the serene beauty of Boracay. The pre-wedding days will be filled with joyous activities, giving everyone a chance to create lasting memories before the main event. Ini- enjoy muna ng lahat bago ang kanilang kasal. They even engage any various activities na mayroon sa Boracay. Maituturing na isang bakasyon ang kanilang p
Dear readers, Malapit na pong matapos ang aking kwento, at nais kong humingi ng inyong suporta sa pamamagitan ng inyong mga komento at suhestiyon. Ito po ay nagbibigay inspirasyon sa akin upang magpatuloy sa pagsusulat. Ito po ang unang beses kong magsulat ng nobela, at umaasa akong magugustuhan ninyo ang aking isinulat na kuwento. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta! Funbun
MIA UMALIS na si Merna pero eto parin siya nanatiling tulala sa loob ng kanyang opisina. Ang isip niya'y naguguluhan kung ano ba ang kanyang gagawin. Dapat ba siyang makinig sa sinabi ng kaibigan o hahayaan na lamang ang asawa at ang babae nito. 'You weren't a Mia for nothing' muling umaalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ni Merna. Kilala siya sa pagiging matatag at matapang pero bakit kaydali lamang niyang sumusuko kapag usapang puso na ang pag-uusapan? Aminado siya, na isa ito sa mga weaknesses niya. Nagtatalo parin ang kanyang isipan kung uuwi ba o mananatili muna dito ng ilang sandali? Nanaisin man niyang umuwi ngunit hindi pa siya handang harapin ang pagmumukha ni Matthew. Isang malakas na katok ang pumukaw sa kanyang iniisip. Nagtataka siya kung sino ang pumupunta dito sa ganitong oras. Naisip niyang baka si Merna dahil ito lang ang may alam na andito siya ngayon, baka may nakalimutan lang kaya bumalik. Marahang tinungo niya ang pinto at binuksan. "O, Merna bak
HINDI umuwi sa condo si Mia ng araw na 'yon. Hanggang sa sumapit ang gabi ay nanatili lamang siyang nakaupo sa may bench ng park. Dito siya dinala ng kanyang mga paa pagkatapos masaksihan ang panlolokong ginawa ng asawang si Matthew. Batid niyang nagsisituyuan na ang mga luha niya sa kanyang mga mata. She doesn't want to cry again so pilit niyang kalmahin at patatagin ang sarili. May iilang dumaan na di maiiwasang mapatingin sa gawi niya. "How could you do this to me, Matthew? How?" bulalas niya na parang kausap lamang ang sarili. Wala siyang balak na umuwi ngayong gabi. Panay ang ring ng phone niya, pero wala siyang ganang sagutin yon. Lalo na kung ang manlolokong asawa lang naman ang tumatawag. Ayaw pa niyang marinig ang mga sasabihin ng asawa dahil takot siyang malaman kung ano ang mga salitang lalabas sa mga bibig nito. Hindi pa niya kayang tanggapin kung sakaling aaminin nito sa kanya ang nagawang pagkakamali. Hanggang ngayon ay nasa kanyang pandinig pa rin ang mga salitang
SUMAPIT ang graduation day ng kapatid ni Mia na si Myra. Abala naman ang buong pamilya sa pag eestima ng mga bisita. Sunud- sunod na dumating ang kaibigan at kaklase nina Myra at Mickey. "Hello ma'am, Mia," malaki ang ngiting pagbati ng kanyang sekretarya. Dumating itong mag- isa. Ito lang kasi ang iniimbita niya lalo na at naging kaibigan rin ito mg kapatid. Nitong mga nakaraang araw sinimulan niya na ang pagsasanay sa kapatid sa loob ng opisina. Tinuturuan niya muna ito sa mga basic na paraan sa paghawak ng negosyo, sinanay niya ito para may katuwang na rin siya sa pamamahala ng kanilang papalaking business. Mabilis namang nagkagamayan ng loob sina Janella at Myra, palibhasa ay hindi lang magkalayo ang edad ng dalawa, kaya ito nagkakasundo agad. Wala naman siyang problema sa pag uugali ng kanyang sekretarya dahil kahit na bibong komedyante ito pero pagdating sa trabaho magaling at masipag ito. Yon nga lang pagdating sa breaktime halos napapaligiran ito ng mga kasamahan dahil s