Share

Chapter 19

MIA

LINGID SA KAALAMAN ng dalawa na may isang bulto na tahimik na nakikinig sa kanilang pag- uusap.

"Napapabilib mo talaga ng todo Mia," wika ni Merna na di pa rin mapigilan ang tawa. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya sa direksiyon ng pinto at makita roon si Matthew.

Nakatiim- bagang ito habang nakatingin sa kanya. May hawak itong bouquet ng mga bulaklak at halos madurog na iyon sa higpit ng pagkakahawak nito.

'God! naririnig nito ang mga sinasabi niya at ang pinag- uusapan nila ni Merna! At sa hitsura nito, mukhang sineseryoso nito ang mga narinig. Marahil ay iniisip nitong totoo ang lahat ng iyon gayong nagbibiruan lamang sila ni Merna katulad ng madalas nilang gawin noon kapag pinag- uusapan nila ang binata.

"M-matthew...." mahinang bigkas niya. "I didn't know you were coming. Ang sabi mo ay--"

"Mabuti na lang pala at dumaan pa rin ako rito," madilim na madilim ang ekspresyon ng mukha nito. "I happen to be at the right time and at the right place. Narinig ko ang lahat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status