Share

Chapter 80

MIA

UMALIS na si Merna pero eto parin siya nanatiling tulala sa loob ng kanyang opisina. Ang isip niya'y naguguluhan kung ano ba ang kanyang gagawin. Dapat ba siyang makinig sa sinabi ng kaibigan o hahayaan na lamang ang asawa at ang babae nito.

'You weren't a Mia for nothing' muling umaalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ni Merna. Kilala siya sa pagiging matatag at matapang pero bakit kaydali lamang niyang sumusuko kapag usapang puso na ang pag-uusapan? Aminado siya, na isa ito sa mga weaknesses niya.

Nagtatalo parin ang kanyang isipan kung uuwi ba o mananatili muna dito ng ilang sandali? Nanaisin man niyang umuwi ngunit hindi pa siya handang harapin ang pagmumukha ni Matthew.

Isang malakas na katok ang pumukaw sa kanyang iniisip. Nagtataka siya kung sino ang pumupunta dito sa ganitong oras. Naisip niyang baka si Merna dahil ito lang ang may alam na andito siya ngayon, baka may nakalimutan lang kaya bumalik.

Marahang tinungo niya ang pinto at binuksan.

"O, Merna bak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status