HINDI umuwi sa condo si Mia ng araw na 'yon. Hanggang sa sumapit ang gabi ay nanatili lamang siyang nakaupo sa may bench ng park. Dito siya dinala ng kanyang mga paa pagkatapos masaksihan ang panlolokong ginawa ng asawang si Matthew. Batid niyang nagsisituyuan na ang mga luha niya sa kanyang mga mata. She doesn't want to cry again so pilit niyang kalmahin at patatagin ang sarili. May iilang dumaan na di maiiwasang mapatingin sa gawi niya. "How could you do this to me, Matthew? How?" bulalas niya na parang kausap lamang ang sarili. Wala siyang balak na umuwi ngayong gabi. Panay ang ring ng phone niya, pero wala siyang ganang sagutin yon. Lalo na kung ang manlolokong asawa lang naman ang tumatawag. Ayaw pa niyang marinig ang mga sasabihin ng asawa dahil takot siyang malaman kung ano ang mga salitang lalabas sa mga bibig nito. Hindi pa niya kayang tanggapin kung sakaling aaminin nito sa kanya ang nagawang pagkakamali. Hanggang ngayon ay nasa kanyang pandinig pa rin ang mga salitang
MIA UMALIS na si Merna pero eto parin siya nanatiling tulala sa loob ng kanyang opisina. Ang isip niya'y naguguluhan kung ano ba ang kanyang gagawin. Dapat ba siyang makinig sa sinabi ng kaibigan o hahayaan na lamang ang asawa at ang babae nito. 'You weren't a Mia for nothing' muling umaalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ni Merna. Kilala siya sa pagiging matatag at matapang pero bakit kaydali lamang niyang sumusuko kapag usapang puso na ang pag-uusapan? Aminado siya, na isa ito sa mga weaknesses niya. Nagtatalo parin ang kanyang isipan kung uuwi ba o mananatili muna dito ng ilang sandali? Nanaisin man niyang umuwi ngunit hindi pa siya handang harapin ang pagmumukha ni Matthew. Isang malakas na katok ang pumukaw sa kanyang iniisip. Nagtataka siya kung sino ang pumupunta dito sa ganitong oras. Naisip niyang baka si Merna dahil ito lang ang may alam na andito siya ngayon, baka may nakalimutan lang kaya bumalik. Marahang tinungo niya ang pinto at binuksan. "O, Merna bakit--
Muli sumilip si Mia sa loob ng opisina ng asawa pero wala talagang katao- tao doon. Kaya naisip niyang bumalik na lang siguro sa condo. Mabigat ang kanyang mga hakbang na tinungo ang pasilyo pero bigla siyang napatigil ulit nang may naulinagang tinig. Medyo distansiya sa kinaroroonan niya ang tinig na yon, kaya pilit niyang hinagilap kung saan ba 'yon banda nanggaling. Saka niya napagtanto na parang naroon sa loob ng conference room nanggaling ang boses. Kaya agad niyang tinungo at marahang binuksan ang pintuan upang silipin sana kung sino ang nasa loob. Ngunit agad siyang natigilan sa nakita. Ang kaisa- isahang taong hinintay at hinanap niya kanina ay nandito lang pala sa loob ng conference room at may kahalikang babae. Hindi siya agad makakakilos, Para siyang naninigas sa kanyang kinatatayuan habang pinanood ang napakaromantik na eksena. "Yes, babe, I know you can't resist me. And I know you'll still love me. So, I'm here now, coming back just for you, Matthew." wika ng ba
"So, Ano'ng balak mong gawin ngayon?" Hindi alam ni Matthew kung ano ang isasagot sa tanong ni Danny , ang kaibigan at right hand niya sa kompanya. Pagkatapos matiyak na ligtas na sa peligro at komplikasyon ang abuela ay nagpasya siyang umalis na muna ng hospital upang makapag isip-isip ng paraan. Hinayaan niyang ang bunsong kapatid na muna ang magbantay at matulog doon kasama ng matanda.Kahit madaling-araw na, dumeretso parin siya sa bahay ng matalik na kaibigan. Pupungas- pungas pa ito nang pagbuksan siya ng pinto kanina. Alam niyang sunud- sunod na reklamo sana ang matatanggap niya kanina mula rito kung hindi lamang nito makita na problemado siya. Naglabas ito ng beer sa terasa ng bahay nito.Mabuti na lamang at hindi nagising ang asawa nitong si Amanda. Inaanak niya ang limang taong gulang nitong anak ng mga ito. "Hindi ko alam, pare," mabigat ang loob na sagot niya rito. "Kailanman, hindi ko hinangad na manggaling sakin ang ikinalulungkot o ikabibigat ng loob ni Lola. She's all
MIA'S POVANO? BABAYARAN ako ng kuya mo para magsinungaling kay Lola Lina? Nasisiraan na ba siya ng ulo? Ano na lang ang iisipin ni Lola Lina sa akin kapag natuklasan niya ang totoo? At saka, hellooo...?? Kapani-paniwala bang magugustuhan ako ng mayabang...... este, masungit na Matthew na yon, eh, allergic nga sa akin 'yon, di ba? Saka bakit na ako ang naisip ng kuya mo na pagpapanggaping nobya, ang dami- dami namang babaeng umaaligid sa kanya? Doon na lang siya mamili," mahabang litanya ni Mia nang marinig ang sinabi ng best friend niyang si Merna."Ano ba ang pumasok sa kukote ni Matthew Delos Reyes at naisipang siya pa ang napili nitong magpanggap na girlfriend nito sa harap ni Lola Lina?"Alam niya na wala itong magandang pakikitungo sa kanya noon pa. Sa tuwing magkakasalubong sila, parang lagi siya nitong inuuri at nilalait kapag tinitingnan siya nito. Pagkatapos ngayon ay may gana pa itong hingin ang tulong niya? Ano sha helloo..!'Mia, hindi naman niya actually hiningi ang tulo
MIA'S POV"ALAM MO, hindi ako naniniwala na si Lola Lina ang nagsabi niyan. Parang ikaw lang ang may pakiramdam ng ganoon. Sira ka talaga. "" Hindi, ah!" tanggi niyo. "Ipinaparating ko lang sa'yo na magiging believable na maging kayo ni Kuya para kay Lola Lina. Ikaw pa, eh gustong- gusto ka ni Lola." kinilig na sabi pa nito. Ang totoo, gusto talaga niyang makatulong para bumuti ang kalagayan ni Lola Lina. Siya pa nga ang unang nakapansin noon ng pananamlay nito. Pero maisip pa lang kasi niya na makakasama niya si Matthew, hindi lang siya nagdadalawang- isip kundi nagtatatlong- isip pa.'Eh, hindi ba't minsan naman, inisip at pinangarap mo kung paano maging nobya ng isang tuald ni Matthew Delos Reyes? Na- iilusyon ka pa nga na ikaw ang babaeng makakapagbabago sa pananaw niya sa pag-ibig at makapagbabalik ng ngiti at sigla sa mukha niya. Aminin! naiisip niya.Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang isiping iyon. Napakatagal nang panahon na iyon. Beinte- singko anyos na siya ngayon at
"MASYADO KANG MABILIS magpatakbo ng motorsiklo," aniya, hindi napigilan ang sarili. "Kung bakit naman kasi motorsiklo pa ang napili mo?" "Kung hindi naman motorsiklo ang gamit ko, tiyak na uusok ang ilong mo sa galit at pagkainip sa paghihintay sa akin. Sa tindi ng traffic siguradong aabutin ako nang siyam- siyam at pagdating ko rito, siguradong makakatikim ako ng sermon sa'yo at madagdaganna naman ang mga bagay na ikaayaw mo sa akin. So thanks to my baby, I'm here on time," anitong hinaplos pa ang motorsiklo nito. "Naniniwala ako na delikado ang motorsiklo lalo na at sa highway mo yan pinapatakbo at ang bilis pa ng pagpatakbo mo," aniyang hindi napigilang langkapan ng concern ang tono sa isang bagay na ikinagulat niya mismo. Lalo pang lumuwang ang pagkakangisi nito. Umiling- iling na pumalatak ito. "Concerned ka sa kaligtasan ko, Mr. Delos Reyes? Kailan pa?" Nag- init ang kanyang mukha. Agad siyang nag- iwas ng tingin dito. "Pumasok na tayo sa loob mainit na rito," aniy
MIA POVGUSTONG mapahagalpak ng tawa ni Mia habang pinagmamasdan niya ang tila paglalaban ng isip ni Matthew. Tila hindi nito alam kung seseryosuhin ang mga sinasabi niya o hindi. Kaya naman nang titigan siya nito ay ni hindi siya ngumiti. Pinanatili niyang seryoso ang ekspresyon ma mukha niya kahit pa ang totoo ay gustung- gusto na niyang matawa. Makaganti man lang siya kahit sa simpleng paraang iyon. Kung anu- ano ang kalolokohan na sinasabi at itinatanong niya rito at wala naman itong mapagpipilian kundi sumagot sa mga tanong niya. Masarap din palang paglaruan ang mokong na ito, eh. sa loob- loob niya. "Naku, ito lang naman pala ang tinutukoy sa menu, eh," aniya na ang tinutukoy ay ang pagkaing inihain ng waiter sa kanila. " Hindi ko makilala ang mga tawag dito sa menu, iyon pala beef lang din na nilagyan ng kung anu- anong dekorasyon. Tapos ang mahal mahal pa. Naku, wala rin itong ipinagkaiba sa tapa na niluluto sa tapsilogan namin. Baka mas mainam pa iyon kasi may libreng toyo,