MIA POV
GUSTONG mapahagalpak ng tawa ni Mia habang pinagmamasdan niya ang tila paglalaban ng isip ni Matthew. Tila hindi nito alam kung seseryosuhin ang mga sinasabi niya o hindi. Kaya naman nang titigan siya nito ay ni hindi siya ngumiti. Pinanatili niyang seryoso ang ekspresyon ma mukha niya kahit pa ang totoo ay gustung- gusto na niyang matawa. Makaganti man lang siya kahit sa simpleng paraang iyon. Kung anu- ano ang kalolokohan na sinasabi at itinatanong niya rito at wala naman itong mapagpipilian kundi sumagot sa mga tanong niya. Masarap din palang paglaruan ang mokong na ito, eh. sa loob- loob niya. "Naku, ito lang naman pala ang tinutukoy sa menu, eh," aniya na ang tinutukoy ay ang pagkaing inihain ng waiter sa kanila. " Hindi ko makilala ang mga tawag dito sa menu, iyon pala beef lang din na nilagyan ng kung anu- anong dekorasyon. Tapos ang mahal mahal pa. Naku, wala rin itong ipinagkaiba sa tapa na niluluto sa tapsilogan namin. Baka mas mainam pa iyon kasi may libreng toyo, kalamansi, at sili. May libre ding soup, ha. Minsan, punta ka para matikman mo ang pinakamasarap na tapsilog sa buong mundo," aniya rito. Nakatingin lang ito sa kanya na tila kay lalim ng iniisip nito. "Oops, sorry,hindi ka nga pala kumakain sa mga kainan na nasa tabi- tabi lang. Pero huwag ka, malinis ang tapsilogan namin. Iyong ang number one rule ko. Dapat hindi lang masarap ang pagkain, kundi presentable at malinis din ang lugar. Puwede mo na rin iyong pagtiyagaan. Iyon, eh kung mapapadaan ka roon minsan," patuloy pa niya. "Let's see," maikling sagot nito. " Pero hindi kita pinipilit, ha? Alam ko naman ang kalidad mo ,eh. Hinding hindi ka mapapadaan sa mga ganoong lugar. Lalo na kung peak hours katulad ng breakfast, lunch, dinner. Marami kasing mga estudyante at empleyadong kumakain doon." "One day, maybe I could visit," sabi nito Alam niyang sinabi lamang nito iyon upang hindi siya mapahiya. Pero alam niyang kailanman ay hindi nito gugustuhing maligaw sa tapsilogan nila. Pinagmamasdan niya ito habang kumakain. Daig pa nito ang isang sundalo, de- numero ang kilos. Aral na aral, ayos na ayos. Pati sa pagkain, parang isang task iyon na kailangan nitong e perfect. Tila hindi nito magagawang mag relax para ma- enjoy nito ang kinakain. Gusto tuloy niyang makita at makilala ang dati nitong nobya na si Jenny. Para masabunutan at makurot niya nang pinung- pino sa singit amg babaeng iyon. Nang sa ganoon ay maiganti man lang niya ang kaapihang dinanas ni Matthew sa mga kamay ng babae. Ito ang dahilan kung bakit ganoon ngayon ang binata parang robot na walang damdamin. Kahit naiinis siya rito, nakaramdam din naman siya ng awa sa binata. Subsob ito sa trabaho. Sinisigurado nitong maayos ang kompanyang itinayo ng abuelo nito at pati na rin ang buhay ng dalawang babaeng mahalaga rito na sina Lola Lina at Merna. Pero napapabayaan naman nito ang sarili. Tila nakalimutan na nitong maging masaya. Nakakaawa talaga ang mga taong may kinikimkimna galit sa dibdib at tila punung- puno ng lungkot ang mga mata. At dahil sa mataman niyang pag- aaral dito, hindi niya namalayang nag- angat pala ito ng tingin sa kanya kaya huling- huli siyang nakatitig rito. "May problema ba?" tanong nito, nakakunot naman ang noo. "H-ha? W-wala," agad niyang tugon. "May problema ba sa pagkain mo? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong pa nito. "Hindi, hindi," biglang natarantang sagot niya. "Actually, masarap nga, eh. Mahal nga lang masyado pero masarap talaga." "Then why aren't you eating?" tanong nito. "Ha?" "Why were you staring at me?" "Ahm... well, I just wondering kung... kung ganyan ka ba talaga." Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "I mean, ganyan... kumakain na nga't lahat, para ka pa ring tensed. Parang iyong problema ng mundo, nandiyan lahat sa mga balikat mo. Dapat, kapag kaumakain tayo, ine- enjoy natin ang pagkain. Para mare- relax tayo at nababawasan ang pagod natin. Kasi ako, kaming buong pamilya, pinaka- relaxation na namin ang pagkain. Kapag nasa harap kami ng hapag, doon kami nagkukuwentuhan, nagtatawanan, nagbibiruan. Kumbaga nag- e enjoy talaga kami." Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilang sabihin kung ano ang nasa isip niya kahit alam niyang hindi nito nagustuhan ang pag- oobserba niya rito habang kumakain ito. "Hindi lang talaga ako madaldal," masungit na sabi nito. "At ako madaldal, ganoon ba?" sabi niya. "Well inaamin ko naman. Way ko na rin iyon ng pagtatanggal ng stress at tensiyon sa katawan ko. The more I talk, the more na ang ibig sabihin n'on ay tensiyonado......" Napahinto siya nang ma realize kung ano ang nasabi niya. Para na rin niyang ibinuko ang sarili na tahasang sinabi rito na tensed siya nang mga sandaling iyon dahil kaharap niya ito. Unti- unting sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi nito. "Meaning, tensiyonado ka right now? Is it because of me?" tanong nito. Iniisip marahil nito na nakapuntos na ito sa kanya sa wakas. Napatuwid siya ng upo. Pero hindi siya magpapaisa rito, lalo na ang magpapatalo. "Matagal na akong nate- tense kapag nasa paligid ka, eh," diretsang wika niya. Bakit pa niya itatanggi ang bagay na iyon?" Di ako makakilos nang matino. Palagi kong iniisip na baka mamaya, may nakikita ka na namang mali sa kilos o sa sinasabi ko. Kung makatingin ka kasi, parang palaging nang- uuri. Parang kapag nasa bahay ninyo ako, kailangan mo akong bantayan at baka kung ano ang gawin ko. Iniisip ko pa nga dati na baka iniisip mo na may iuuwi akong pigurin o anumang mamahaling bagay mula sa bahay ninyo. " Nagulat ito sa sinabi niya, " Ganoon ang iniisip mo tungkol sa akin?" tila hindi makapaniwalang tanong nito. "Malay ko ba," nagkibit- balikat na sagot niya. "You think the worst about me. Iyon ang pakiramdam ko, ha. Kaya nga ingat na ingat ako kapag nasa bahay ninyo ako at nalaman kong naroon ka." Nanatiling nakatitig ito sa mukha niya. "Huwag na nga nating pag- usapan iyon," sabi niya. " Pareho naman nating alam na hindi natin gusto ang isat-isa. I mean, you hate my guts. You hate the way I speak; pati pagkilos ko. At ganoon din naman ako, eh. I hate the way you treat me. Well, given na iyon. At least kaya naman nating maging civil sa isat-isa. Okay na iyon. Kain na nga tayo." Muli niyang binalikan ang kanyang pagkain. Nang makita niyang hindi pa rin ito kumikilos ay muli siyang nag- angat ng tingin. Nanatili lang itong nakatitig sa pagkain na nasa harap nito. Hey, bakit nakatitig ka lang diyan sa pagkain mo? kumain ka na, at nang makauwi na tayo, sabi niya rito. Saka lang ito na tila natauhan. Muli itong kumain. "So, kailan natin sasabihin kay Lola Lina?" tanong niya rito nang tapos na silang kumain at hinihintay na lamang ang bill nila. Dalawang linggo na ang nakalipas buhat nang i- discharge si Lola Lina mula sa hospital. "Sa isang araw na," sagot nito. " Okay," aniya. "Wala ka na bang ibibilin o sasabihing rules bago tayo maghiwalay?" "Wala na." "Okay." Nauna na siyang tumayo pagkatapos nitong bayaran ang kinain nila. Magkasunod silang lumabas ng restaurant. Dumiretso na siya sa kinaroroonan ng motorsiklo niya. Akmang isusuot na niya ang helmet nang magsalita ito. "Are you sure okay ka lang diyan sa motor na yan?" tanong nito. "Okay na okay ako rito. Huwag kang mag- alala honey," pabirong sabi niya. Agad na namula nag mukha nito. Natawa siya. "Dapat masanay ka na. Ang sagwa naman kung laging mamumula ang mukha mo tuwing tatawagin kitang "honey," tudyo niya ulit. "Sige, una na ako. Ingat ka." "Okay." Binuksan na nito ang pinto ng kotse nito. Naisuot na niya ang helmet niya nang may maalala siya. Muli niyang hinubad iyon. "Matthew!" tawag niya rito. Napahinto ito sa pagtangkang pagsakay sa kotse nito. "Yes?" "Ako pala ang may nakalimutang rule na dapat sabihin sa iyo. Actually, ito ang number one rule ko para sa'yo," sabi niya. Pinilit niyang huwag matawa o mapangiti hangga't hindi p siya nakakalayo rito. "What is it?" "Number one rule, huwag kang mai -inlove sa akin. Nagkaintindihan ba tayo?" Rumehistro ang pagkabigla sa mukha nito. "It's for your own sake," pilyang dugtong niya. "Mahihirapan ka lang. Hindi kita type. Bye!" Dali- dali na niyang isinuot ang helmet at agad na pinaharurot palayo ang motorsiklo. Napangiti siya nang makita ang sa side mirror ng motor na hindi pa rin ito kumikilos sa kinatatayuan nito. Habol pa nga siya nito ng tingin. "Gotcha! Eh, di nagulat kita ng hustong mokong ka!" Kung kanina'y namula ito, tila tinakasan naman ito ng dugo ang mukha nito nang sabihin niyang hindi dapat ito ma- inlove sa kanya. Nakapuntos siya sa lalaki. Na siya naman talaga niyang intensiyon! Ngayon pa lang, ay parang nag e enjoy na siya sa mga pinanggagawa tila hindi niya ma- imagineang sarili at si Matthew Delos Reyes bilang magnobyo, parang ang sagwa! Ngunit ipinapangako niya sa sarili na habang nagpapanggap silang magnobyo, pasasakitin niya ang ulo nito sa mga kung anu- anong bagay na hihilingin niya rito. "Makaganti man lang ba," nakalabing bulong niya.MATTHEW POVWALA NA SA PANINGIN NI Matthew ang motorsiklo ni Mia ngunit nanatili pa rin siyang tulala at hindi makahuma sa huling salitang binitiwan nito kanina. Hindi niya alam kung seryoso ito, o talagang gusto lamang nitong gulatin siya. Kung ang huli ang intensiyon nito, nagtagumpay ito. Totoong na- shock siya ng husto. 'Number one rule, huwag kang mai-inlove sa akin... mahihirapan ka lang. Hindi kita type... mga katagang laging umaalingawngaw sa isip niya.Napailing na lang siya. Kahit kailan, ang lakas talaga ng loob ng babaeng iyon. Siya, iniisip nitong maii-inlove dito? She must be dreaming! Kung hindi siya nito type, lalo namang hindi niya ito type. At imposibleng magkagusto siya rito. At tama ito. He hated her guts. He didn't like the way she talked and the way she acted. Malayung- malayo ang personalidad nila. Bukod doon, hindi maalis sa isip niya na pareho ito at si Jenny ng pinanggalingan. Isang oportunista si Jenny at manloloko. Hindi niya hinuhusgahan ang pagkatao ni
MIA POVTAHIMIK NA pumasok sa loob ng sasakyan sina Matthew at Mia. Parehong walang kibo ang dalawa sa loob ng sasakyan ng huli patungo sa Tapsilogan niya. At alam niya ang dahilan niyon. Pareho silang nakakaramdam ng guilt. Parehong nanunuot sa kalamnan nila ang sinabi ni Lola Lina kanina. Tulad niya, marahil ay iniisip rin nito ang paniniwala ni Lola Lina na totoong magnobyo sila ni Matthew. Napabuntung- hininga siya. Napakahirap dalhin niyon sa dibdib. Tinamaan siya sa mga sinasabi kanina ni Lola Lina. Sa ilang sandali ay parang gusto na rin niyang maniwalang totoo ngang sila ni Matthew ay totoong nagmamahalan.Nakakatouch naman kasi ang mga binibitiwang mga salita ni Lola Lina. At some point back there, she had wished everything wasn't a lie. That she and Matthew weren't pretending. And for that magical moment, she had quietly wished she could really be the woman who could make Matthew believe in love again.At iyon ang talagang halos hindi niya mapaniwalaan. Hindi siya makapaniw
MIA POV PAKAUNTI na ang tao at iilan na lang ang natitirang kumain sa loob. Kaya ay nagpahanda na si Mia ng pagkain para sa kanilang tanghalian. "Ano'ng pumasok sa isip mo?" agad na tanong ni Mia sa binata nang sa wakas ay makaupo na sila at maihain ang kanilang tanghalian. Kanina niya pa itong gustong itanong rito ngunit ay walang siyang pagkakataon na isatinig iyon dahil nais niya muna na mapagsolo sila at para walang makakarinig sa pag- uusapan nila. Nakaalis na ang mga kapatid niya para pumasok sa school. Parehong sizzling na pusit ang napili nilang ulam na may side fish na ginisang pechay. Mukhang napagod at nagutom nang husto si Matthew. Hindi agad ito sumagot sa tanong niya dahil abala ito sa pagkain. Lalo itong gumuwapo kapag ganoong hinahayaan nito sa sariling maging simple at makihalubilo sa mga simpleng tao. Hindi niya maiiwasang mapangiti habang pinanood niya ito na maganang kumain. Ibang- iba ito kaysa noong inang magsalo sila sa pagkain sa isang fancy restaurant up
MIA POV MAGKALAHATING ORAS na ang lumipas mula nang umalis si Matthew. Heto at hindi pa rin mapakali si Mia. Wala sa sarili na pinanood ang pinto na kilabasan ng binata. Mabuti na lang at iilan na lang ang tao at di niya na kailangang tumulong sa mga tagasilbi sa kusina. Muli siyang napaupo nang ma- realize na tila masaydo siyang naapektuhan. Nang mahimigan niya ang lungkot at galit sa tinig nito habang nagsasalita kanina, parang gusto niyang pawiin iyon. Gusto niyang tulungang maiba pang pananaw nito sa pag- ibig. Sa maikling oras, nasaksihan niya na hindi puwedeng maging totoong matapobre ang isang Matthew Delos Reyes gayong may kakayahan itong magsilbi at makitungo nang maganda at maayos sa mga ordinaryong tao. Tumulong ito sa canteen nila gayong may- ari ito ng isang malaking kompanya at sanay na pinagsisilbihan at sinusunod ang bawat utos nito. Señorito ito sa tunay na kahulugan ng salitang iyon. Ngunit kanina ay nagsilbi itong waiter doon. At nakita niyang parang nakawala
MERNA POVHINDI MAGKADAUNGAGA sa bilisang paglalakad si Merna na pauwi sa kanilang bahay. Pagkarating ay agad na hinanap ng kanyang mga mata ang bulto ng kanyang Lola Lina. Nang hindi niya matagpuan ito sa loob ay agad na lumabas siyang muli at pinuntahan ang sa may bandang hardin. Ito ang lugar na pinakapaboritong tambayan ng kanyang Lola sa tuwing ito'y mapag- isa. Malamig at presko ang ihip ng hangin sa bahaging iyon. May iilan kasing mga puno na siyang nagbigay nang shelter sa lahat na magagawi dito. At sa bandang gilid ay mayroong iilang upuan na gawa sa isang semento. Sinadyang pinagawa at kinulayan pa ang mga ito. Hindi naman nagpapahuli ang mga magagandang bulaklak na nakapalibot sa bawat bahagi ng lugar na iyon. Well- trimmed naman yong mga halaman na bougainvillea na naka hanay sa pina ka- gilid na bahagi kanilang mansiyon. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw niya mula rito ang kanyang abuela na nakaupo at parang kinakausap nito ang mga bulaklak na ngayo'y nagsisimula n
MIAHINDI NIYA MAINTINDIHAN kung bakit totoong naiinis siya. Dapat kasi ay napagsabihan na nito ang sekretarya ng proper attire kapag nasa opisina at hindi iyong mukhang pang GRO ang isinusuot. Huwag sabihin ng mokong na ito na gusto rin nito ang tanawing nakikita araw- araw kaya okay lang dito na ganoon lage ang magiging attire ng sekretarya?Nang muli niya itong tingnan, nakangiti ito ngunit agad ding pinalis. "Actually, naunahan mo lang ako. I was about to tell Cindy that starting tomorrow she better come to work with a proper dressed. Isang linggo pa lang siya bilang temporary secretary ko. Nasa bakasyon pa kasi si Tita Emmily, who is my longtime secretary." anito'Mabuti naman kung ganoon, hindi rin pala magtatagal ang babaeng iyon' sa loob loob niya. Temporary lang naman pala eh' dagdag pa. "Anyway, What brought you here?" pagkaraan tanong nito."Nakalimutan mo na? Sabi ko na nga ba," Kumunot ang noo nito."Imi- meet natin si Lola Lina for lunch. Kanina pa ako nag- antay ng t
MATTHEW POVNAPABUNTUNG- HININGA na lamang si Matthew na sumakay sa motorsiklo ni Mia. Hindi niya alam kung paano siya nakumbinsing sumakay sa motorsiklo nito. Puwede naman siyang magmatigas at piliing sumakay pa rin sa kotse niya. Siya ang dapat na masunod dahil siya ang lalaki. Bukod doon, siya dapat ang mangingibabaw sa naging kasunduan nila hindi ang babaeng ito. Wala naman sana siyang balak na bagtasin ang daan sakay lamang ang motorsiklo nito. Ngunit nang matanto niyang hindi niya mapapasakay ito sa kotse niya at ayaw naman niya na hahayaan itong mag- isang magmotorsiklo lalo na at alam niya kung gaano ito kabilis magpapatakbo. Naisip niya na at least ay masasaway niya ito kung masyado ng mabilis ang pagpapatakbo nito. Kaya sa huli ay sumakay na lang rin siya.'Just enjoy the ride, okay?" iyon ang sabi ni Mia bago pinaharurot ang dala nitong motorsiklo. At parang ganoon na nga ang nangyayari ngayon. Habang tumatagal na kasama niya ito sa motorsiklo ay totoong nag- e enjoy na s
MIAPAGKATAPOS ng lunch date nina Mia at Matthew kasama si Lola Lina ay inihatid nila ang matanda hanggang sa kotse nito. It was Merna who was supposed to accompany Lola Lina to the restaurant, pero may klase pa raw ito.Nasaksihan ni Mia ang katakut- takot na bilin ni Matthew sa driver ng Lola nito na mag- ingat sa pagmamaneho. Pagkatapos ay si Lola Lina naman ang binalingan nito upang bilinan na huwag magpapagod at magpahinga lang. Kitang kita niya ang pag- aalala at pagmamahal nito sa pamilya nito. Sayang ang kakayahan nitong magmahal nang ganoon kung ibuburo lamang nito ang sarili sa nakaraan. Magawa man lang niyang maibalik ito sa dati ay masaya na siya. Kahit na hindi siya ang babaeng mamahalin nito.Ikinagulat niya ang realisasyong iyon.'Naku, sinasabi ko na nga ba, eh! You really care for this man now! anang isang bahagi ng isip niya.Napabuntung- hininga siya. Ang totoo, hindi naman nawala ang amor at concern niya para sa binata. Siguro, itinago lamang niya iyon sa isang su
Dear friends and readers, Ngayong tapos na ang aking nobela, gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa inyo. Salamat sa paglaan ng oras para samahan ako sa paglalakbay na ito. Napakahalaga ng inyong suporta at pagtangkilik. Sana nagustuhan ninyo ang kwento tulad ng pagkagusto ko sa pagsusulat nito. Kung may mga bahagi na nagustuhan ninyo o hindi gaanong nagustuhan, malugod kong tinatanggap ang inyong mga feedback at suhestiyon. Ang inyong mga puna ay mahalaga at makakatulong sa akin upang mas mag-improve pa bilang manunulat. Muli, maraming salamat sa pagiging bahagi ng kakaibang paglalakbay sa kuwento ng pagmamahalan nina Mia and Matthew. Warm regards, Funbun
"Honey! help! m-manganak na yata ako!" sigaw ni Mia sa asawa. Nasa beach resort sila ngayon kasama ang kanilang pamilya. Siya ang pumili nitong lugar na kanilang pagbabakasyonan ng isang linggo. Pag- aari ito ng kaibigan ni Danny na matalik na kaibigan ng asawang si Matthew. At nandito rin ang mga ito kasama ang asawa at ang dalawang anak. "Mia, honey! What happened?" tila natataranta nitong tanong at napatakbo sa kinaroroonan niya. "Hon, ang sakit ng tiyan ko! manganganak na yata ako, Matthew!" nahihirapang wika niya sa asawa. Na ngayo'y sa sobrang pagkakataranta ay hindi na nito alam ang gagawin nais niyang matawa sa hitsura nito na pabalik- balik ang pagtakbo na hindi alam kung ano ang uunahin. "Ang kotse, ang kotse ihanda ko muna, hon!" sabi nitong aktong muling umalis. "No, hon... aahhh...!" sigaw niya sa hindi napigilang sakit. Patakbo naman itong bumalik sa kanya. "Masakit na ba talaga, hon? teka t-tawagin ko muna sila n-nanay Maria." taranta pa ring sabi nito na nag
A SMILE APPEARED on his lips as he watched his wife, Mia, who was very busy taking photos everywhere." Halos ay wala itong kapaguran sa buong araw nilang pamamasyal. Nalibot na yata nila ang buong syudad dito sa Maldives pero kitang- kita parin ang pagiging energetic nito. "Smile, honey! Say cheese!" sigaw nito sa kanya habang kinunan siya nito ng litrato mula sa kinaroroonan nito. Napangiti naman siyang sumunod dito. Ewan ba niya kung bakit lahat ng gusto nito ay nahirapan siyang tanggihan kaya mas pinili na lang niyang sunud- sunuran sa mga kagustuhan nito lalo na at nakikita niya kung gaano ito kasaya. They're having their dinner inside a floating restaurant. Nakuha pa niyang maging romantic sa tulong ng waitress na uma- assist sa kanya upang lagyan ng candlelight ang mesa na kung saan naroroon ang kanilang pagkain. After the dinner nagpaalam ang asawang pumunta muna restroom at agad naman siyang pumayag. Naisipan niyang kumuha ng litrato gamit ang sariling phone ngunit b
Mia, the radiant bride, gracefully walked down the aisle, her beauty captivating everyone present. With the backdrop of Boracay's pristine beach, her appearance was nothing short of breathtaking. Her flowing gown gently swayed with the ocean breeze, making her look like a vision of elegance and grace. As Mia walked down the aisle, Matthew couldn't take his eyes off her. His heart swelled with emotion, and a radiant smile spread across his face. Standing at the altar, with the stunning Boracay beach as the backdrop. Matthew's love and admiration for Mia were evident in his gaze, capturing the essence of their unforgettable day. Though, this was the second time for them to get married pero iba parin sa pakiramdam ang makita ang asawang si Mia na naglalakad sa gitna. All eyes set on her. Parang gustong kumawala ang luha ni Matthew sa kanyang mata dahil sa natatamong kagalakan. Pero pinigilan niya. "Huwag kang magkamaling umiyak dito Matthew baka isipin ng mga tao inaaway kita,"
MATULIN na mga araw ang lumipas dumating na ang pinakahihintay ng mag-asawa. Lumipad patungong Boracay ang kanilang pamilya dahil doon gaganapin ang kanilang kasal. Sa mismong beach house na pinagawa ng asawa ang napili nilang venue. The wedding of Mia and Matthew will be a beautiful celebration set in the stunning beach house of Matthew, located on the picturesque island of Boracay. The couple has chosen this idyllic location to share their special day with loved ones, surrounded by the soothing sounds of the ocean and breathtaking views of the beach. All special guests will arrive two days before the wedding, allowing ample time to settle in, relax, and enjoy the serene beauty of Boracay. The pre-wedding days will be filled with joyous activities, giving everyone a chance to create lasting memories before the main event. Ini- enjoy muna ng lahat bago ang kanilang kasal. They even engage any various activities na mayroon sa Boracay. Maituturing na isang bakasyon ang kanilang p
Dear readers, Malapit na pong matapos ang aking kwento, at nais kong humingi ng inyong suporta sa pamamagitan ng inyong mga komento at suhestiyon. Ito po ay nagbibigay inspirasyon sa akin upang magpatuloy sa pagsusulat. Ito po ang unang beses kong magsulat ng nobela, at umaasa akong magugustuhan ninyo ang aking isinulat na kuwento. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta! Funbun
MIA UMALIS na si Merna pero eto parin siya nanatiling tulala sa loob ng kanyang opisina. Ang isip niya'y naguguluhan kung ano ba ang kanyang gagawin. Dapat ba siyang makinig sa sinabi ng kaibigan o hahayaan na lamang ang asawa at ang babae nito. 'You weren't a Mia for nothing' muling umaalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ni Merna. Kilala siya sa pagiging matatag at matapang pero bakit kaydali lamang niyang sumusuko kapag usapang puso na ang pag-uusapan? Aminado siya, na isa ito sa mga weaknesses niya. Nagtatalo parin ang kanyang isipan kung uuwi ba o mananatili muna dito ng ilang sandali? Nanaisin man niyang umuwi ngunit hindi pa siya handang harapin ang pagmumukha ni Matthew. Isang malakas na katok ang pumukaw sa kanyang iniisip. Nagtataka siya kung sino ang pumupunta dito sa ganitong oras. Naisip niyang baka si Merna dahil ito lang ang may alam na andito siya ngayon, baka may nakalimutan lang kaya bumalik. Marahang tinungo niya ang pinto at binuksan. "O, Merna bak
HINDI umuwi sa condo si Mia ng araw na 'yon. Hanggang sa sumapit ang gabi ay nanatili lamang siyang nakaupo sa may bench ng park. Dito siya dinala ng kanyang mga paa pagkatapos masaksihan ang panlolokong ginawa ng asawang si Matthew. Batid niyang nagsisituyuan na ang mga luha niya sa kanyang mga mata. She doesn't want to cry again so pilit niyang kalmahin at patatagin ang sarili. May iilang dumaan na di maiiwasang mapatingin sa gawi niya. "How could you do this to me, Matthew? How?" bulalas niya na parang kausap lamang ang sarili. Wala siyang balak na umuwi ngayong gabi. Panay ang ring ng phone niya, pero wala siyang ganang sagutin yon. Lalo na kung ang manlolokong asawa lang naman ang tumatawag. Ayaw pa niyang marinig ang mga sasabihin ng asawa dahil takot siyang malaman kung ano ang mga salitang lalabas sa mga bibig nito. Hindi pa niya kayang tanggapin kung sakaling aaminin nito sa kanya ang nagawang pagkakamali. Hanggang ngayon ay nasa kanyang pandinig pa rin ang mga salitang
SUMAPIT ang graduation day ng kapatid ni Mia na si Myra. Abala naman ang buong pamilya sa pag eestima ng mga bisita. Sunud- sunod na dumating ang kaibigan at kaklase nina Myra at Mickey. "Hello ma'am, Mia," malaki ang ngiting pagbati ng kanyang sekretarya. Dumating itong mag- isa. Ito lang kasi ang iniimbita niya lalo na at naging kaibigan rin ito mg kapatid. Nitong mga nakaraang araw sinimulan niya na ang pagsasanay sa kapatid sa loob ng opisina. Tinuturuan niya muna ito sa mga basic na paraan sa paghawak ng negosyo, sinanay niya ito para may katuwang na rin siya sa pamamahala ng kanilang papalaking business. Mabilis namang nagkagamayan ng loob sina Janella at Myra, palibhasa ay hindi lang magkalayo ang edad ng dalawa, kaya ito nagkakasundo agad. Wala naman siyang problema sa pag uugali ng kanyang sekretarya dahil kahit na bibong komedyante ito pero pagdating sa trabaho magaling at masipag ito. Yon nga lang pagdating sa breaktime halos napapaligiran ito ng mga kasamahan dahil s