MIA'S POV
"ALAM MO, hindi ako naniniwala na si Lola Lina ang nagsabi niyan. Parang ikaw lang ang may pakiramdam ng ganoon. Sira ka talaga. " " Hindi, ah!" tanggi niyo. "Ipinaparating ko lang sa'yo na magiging believable na maging kayo ni Kuya para kay Lola Lina. Ikaw pa, eh gustong- gusto ka ni Lola." kinilig na sabi pa nito. Ang totoo, gusto talaga niyang makatulong para bumuti ang kalagayan ni Lola Lina. Siya pa nga ang unang nakapansin noon ng pananamlay nito. Pero maisip pa lang kasi niya na makakasama niya si Matthew, hindi lang siya nagdadalawang- isip kundi nagtatatlong- isip pa. 'Eh, hindi ba't minsan naman, inisip at pinangarap mo kung paano maging nobya ng isang tuald ni Matthew Delos Reyes? Na- iilusyon ka pa nga na ikaw ang babaeng makakapagbabago sa pananaw niya sa pag-ibig at makapagbabalik ng ngiti at sigla sa mukha niya. Aminin! naiisip niya. Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang isiping iyon. Napakatagal nang panahon na iyon. Beinte- singko anyos na siya ngayon at hindi na teenager. Mas matanda siya ng tatlong taon ky Merna. Nagpang- abot sila nito sa kolehiyo dahil dalawang taon siyang nahinto sa pag- aaral bago nakapagkolehiyo. Kinakailangan kasi niyang magtrabaho muna nang maging sakitin ang nanau niya noon. " Ano, Mia? pumayag ka na," hirit pa rin ni Merna. "Eh..." "Please? for me? for Lola? please? "Sigurado ka bang kasado na ito sa kuya mo? I mean, pumayag na siya na ako ang maging girlfriend..... este, pretend girlfriend niya?" Sunud- sunod na tumango ito. "Hanggang 3months lang, ha?" paniniguro niya. "Yup!" excited na sabi nito," "In- specify din ni Kuya na hanggang three months lang. Funny, pero yan din ang sinisiguro sa akin ni Kuya." Well, hindi lang si Matthew Delos Reyes ang ayaw tumagal ang pagpapanggap na gagawin nila. Siya rin naman. Akala yata nito ay atat siyang maging girlfriend nito kahit pa nga kunwari lang. Bonus na lang ang perang ibibigay nito aa kanya. Sabi nga ni Merna, kahit tanggihan niya iyon, hindi raw papayag ang kuya nito na hindi bayaran ang serbisyo niya. Pero kakayanin nga kaya niya ang tatlong buwan na kasama si Matthew? Bumuntong- hininga na lamang siya sa iisiping magkasama sila ng taong mailap at napakasungit pa. MATTHEW POV KABABABA lang ni Matthew ng kotse niya nang marinig niya ang ugong na paparating na motorsiklo. Sa tabi ng kotse niya sa parking lot ng restaurant na iyon pumarada ang motorsiklo. Napasimangot siya dahil sa tingin niya ay masyadong mabilis magpapatakbo ang driver niyon. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang makilala kung sino ang naturang driver na iyon nang magtanggal ito ng helmet. Ang driver pala niyon ay walang iba kundi ang taong katatagpuin niya sa lugar na 'yon, si Amia Acosta aka Mia ang babaeng taga ibang planeta. Ito ang maituturing niyang pinakakakaibang babaeng kamalas- malasang nakilala niya. Hindi ito katulad ng mga babaeng nakasanayan na niyang makahalubilo na pawang mga pormal at sosyal. Ni wala yata sa bokabolaryo nito ang salitang 'mahinhin'. Patunay ang uri ng sasakyang napili nito. Sinong matinong babae ang gagamit ng motorsiklo bilang pangunahing transportasyon nito? Bukod sa panlalaki iyon, napakadelikado pa. At napakabilis pa nitong magpatakbo! Babaeng- babae naman ang hitsura nito kahit palagi itong naka- jeans o naka- cargo shorts. Pero kung kumilos ito daig pa ang isang lalaki.. ang siga. Magkasalungat na magkasalungat ang hitsura at paraan ng pagkilos nito. Mahaba at parang napakalambot ng alun- along buhok nito na natural na kakulay ng buhok ng mais. Maamo at maganda rin ang mukha nito. ,Papara nga itong mayaman dahil maputi at makinis ang kutis nito. Marami itong ilalampasong socialites na mga kakilala niya na kailangan pang maglagay ng katakut- takot na koloretes sa mukha bago lumabas ng bahay. Samantalang itong si Amia ay nakapaka effortless lang nito kapag nag-aayos sa sarili. Parang simpleng polbo lang atang ginamit nito ni walang bahid ng lipstick sa mga labi, natural lang itong mapupula na parang kay sarap halikan. Saglit siyang natigilan sa naisip tungkol sa hitsura ng babaeng taga ibang planeta. Patuloy na napansin niya na hindi rin pala ito mahilig magsuot ng burloloy sa katawan na karaniwang nakikita niya sa mga babae. Kahit kailan ay di niya rin ito nakikitang magsuot ng maiksing palda o shorts dahil laging lampas tuhod ang suot nitong cargo shorts. Hindi rin nakakaligtas sa mga mata niya ang makikinis nitong binti. Maganda rin ang hubog ng katawan nito na laging nagtatago sa suot nitong t- shirt o di kaya'y mga loose shirts. Ipinagtataka nga niya kung paano nito napapanatili ang ganoong kutis samantalang napakasimple lamang nito. Minsan nga ay naisipan niyang magtanong kay Merna tungkol sa bagay na iyon. Ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil alam niyang magtataka ang kapatid niya at baka isang nakakatakot na pangangantiyaw ang aanihin niya. At baka pagtatawanan pa siya ng kapatid kaya mas pinili na lang niya na huwag na lang magtanong ng kung ano tungko sa buhay ng kaibigan nito. Salungat na salungat sa pagkikilos at pananalita nito ang kabuuang anyo ni Amia. Walang pakimi- kimi sa bawat galaw nito. Hindi ito natatakot na madumihan ang kamay at kuko nito kapag kinakalikot ang makina ng motorsiklo. May ilang pagkakataon pa noon na nasira ang kotse niya at nagkataong nasa bahay nila ang babae. Magpapatawag pa sana siya ng mekaniko pero tinawanan siya nito. Naalala ko pa ang sinabi niya noon. 'Di na kailangan. Yakang- yaka ko na 'yan. Easy lang 'yan. Hindi ako makakapaniwalang wala kang alam sa basic na pagkukumpuni ng sasakyan. Ibang klase talaga ang mga mayayaman, ayaw madumihan ang mga kamay. Lahat ng simpleng sira ng sasakyan ay i- asa agad sa mga mekaniko. Aksayado sa pera'. Iyon ang sinabi nito noon sa kanya. Napahiya siya sa tinuran nito. Kalalaki naman niyang tao, mas alam pa nito ang tungkol sa pagkukumpuni ng sasakyan. Ngunit ngayong naalala niya ang pangyayaring iyon, wala siyang nadamang anumang inis rito. Bagkus ay nangingiti pa nga siya at naaaliw. Ganoon talaga ito. Noong una, nakita niyang ilag ito sa kanya. Ngunit nang tila magsawa ito sa cold treatment niya rito, hindi na ito nag- abala pang maging pleasant sa kanya. Hindi na siya nito pinapansin at minsan pa nga ay nahuhuli niyang palihim siya nitong iniirapan. At kapag hindi niya matiis na hindi magparinig dito, nagpaparinig din ito sa kanya. Hindi talaga ito nagpapautang lahat ng ginawa ko sa kanya ay ibinalik rin niya sa akin. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Noong nasa kolehiyo pa ito, sumasali ito sa basketball kapag intramurals. Iyon ang kuwento sa kanya ni Merna. Kababaeng tao ay basketball ba naman ang sinalihang sports. Marunong din itong magtubero. Nang minsan ding magkaproblema ang lalabo nila, ito ang umayos niyon kahit pa naroon naman siya. Kaya nga tuwang - tuwa rito ang abuela niya. Para daw kasi itong lalaki dahil napakaraming kayang gawin. Naalala ko rin ang sinabi niya noon.. 'Wala naman ho kasing lalaki sa gagawa ng mga ganito sa bahay namin. Tatlo ho kaming magkakapatid na babae at malaki ang tanda ko sa kanila. Para ho kasi akong inihanda ng tatay ko para kung mawala man siya...." sabi nito noon sa lola niya. Napalapit nang husto ang kanyang abuela. Maging ang mga kasambahay nila ay kinatutuwaan ito. Kapag pumasok siya sa bahay at narinig niya ang malalakas na tawanan mula sa kusina, alam na niyang naroon ito. Siya lamang ang tanging umiiwas dito. Hindi niya alam ngunit tila sinuman ang makahalubilo nito ay magugustuhan agad ito. Pagbabalik tanaw niya noon. "Ano, pasado naman ba?" tanong ni Mia na nakapagpahinto sa paglalakbay ng isip niya. Nang tingnan niya ito , prente itong nakaupo sa motorsiklo nito, paharap sa kanya. Nakapatong ang braso nito sa manibela niyon. Nakangisi ito. Mukhang kanina pa siya nito pinagmamasdan. "Ayos lang ba sa'yo ang attire ng girlfriend mo?" nanunudyong dagdag nito. Awtomatikong sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito. Maong na jeans at T-shirt na tamang- tama lamang ang sukat sa katawan ang suot nito. Naka-print sa T-shirt na suot nito ang mga katagang "when I'm good, I'm very good and when I'm bad, I'm even better." Puting sneakers ang sapin nito sa mga paa. Ang buhok naman nito ay hinayaan lamang nitong nakalugay. Simpleng itim na sports watch ang tanging alahas nito sa katawan na tipong panlalaki dahil malaki iyon sa may palapulsuhan niya. "Pasensiya ka na, honey at hindi ako nakabestida, ha? Hindi na rin ako nag- abalang magpunta sa parlor. At mahihirapan lang ako kung pipilitin kong magsuot ng may takong sa sapatos. Kaya, eto, I came here to meet you as you knew me," sabi nito. "I'm sorry if I disappointed you. Pero hindi naman siguro kasama sa pagtanggap ko sa trabahong alok mo ang pag- iiba ko ng bihis, hindi ba?" "You looked fine," simpleng sabi niya. "Good!" agad namang sagot nito."MASYADO KANG MABILIS magpatakbo ng motorsiklo," aniya, hindi napigilan ang sarili. "Kung bakit naman kasi motorsiklo pa ang napili mo?" "Kung hindi naman motorsiklo ang gamit ko, tiyak na uusok ang ilong mo sa galit at pagkainip sa paghihintay sa akin. Sa tindi ng traffic siguradong aabutin ako nang siyam- siyam at pagdating ko rito, siguradong makakatikim ako ng sermon sa'yo at madagdaganna naman ang mga bagay na ikaayaw mo sa akin. So thanks to my baby, I'm here on time," anitong hinaplos pa ang motorsiklo nito. "Naniniwala ako na delikado ang motorsiklo lalo na at sa highway mo yan pinapatakbo at ang bilis pa ng pagpatakbo mo," aniyang hindi napigilang langkapan ng concern ang tono sa isang bagay na ikinagulat niya mismo. Lalo pang lumuwang ang pagkakangisi nito. Umiling- iling na pumalatak ito. "Concerned ka sa kaligtasan ko, Mr. Delos Reyes? Kailan pa?" Nag- init ang kanyang mukha. Agad siyang nag- iwas ng tingin dito. "Pumasok na tayo sa loob mainit na rito," aniy
MIA POVGUSTONG mapahagalpak ng tawa ni Mia habang pinagmamasdan niya ang tila paglalaban ng isip ni Matthew. Tila hindi nito alam kung seseryosuhin ang mga sinasabi niya o hindi. Kaya naman nang titigan siya nito ay ni hindi siya ngumiti. Pinanatili niyang seryoso ang ekspresyon ma mukha niya kahit pa ang totoo ay gustung- gusto na niyang matawa. Makaganti man lang siya kahit sa simpleng paraang iyon. Kung anu- ano ang kalolokohan na sinasabi at itinatanong niya rito at wala naman itong mapagpipilian kundi sumagot sa mga tanong niya. Masarap din palang paglaruan ang mokong na ito, eh. sa loob- loob niya. "Naku, ito lang naman pala ang tinutukoy sa menu, eh," aniya na ang tinutukoy ay ang pagkaing inihain ng waiter sa kanila. " Hindi ko makilala ang mga tawag dito sa menu, iyon pala beef lang din na nilagyan ng kung anu- anong dekorasyon. Tapos ang mahal mahal pa. Naku, wala rin itong ipinagkaiba sa tapa na niluluto sa tapsilogan namin. Baka mas mainam pa iyon kasi may libreng toyo,
MATTHEW POVWALA NA SA PANINGIN NI Matthew ang motorsiklo ni Mia ngunit nanatili pa rin siyang tulala at hindi makahuma sa huling salitang binitiwan nito kanina. Hindi niya alam kung seryoso ito, o talagang gusto lamang nitong gulatin siya. Kung ang huli ang intensiyon nito, nagtagumpay ito. Totoong na- shock siya ng husto. 'Number one rule, huwag kang mai-inlove sa akin... mahihirapan ka lang. Hindi kita type... mga katagang laging umaalingawngaw sa isip niya.Napailing na lang siya. Kahit kailan, ang lakas talaga ng loob ng babaeng iyon. Siya, iniisip nitong maii-inlove dito? She must be dreaming! Kung hindi siya nito type, lalo namang hindi niya ito type. At imposibleng magkagusto siya rito. At tama ito. He hated her guts. He didn't like the way she talked and the way she acted. Malayung- malayo ang personalidad nila. Bukod doon, hindi maalis sa isip niya na pareho ito at si Jenny ng pinanggalingan. Isang oportunista si Jenny at manloloko. Hindi niya hinuhusgahan ang pagkatao ni
MIA POVTAHIMIK NA pumasok sa loob ng sasakyan sina Matthew at Mia. Parehong walang kibo ang dalawa sa loob ng sasakyan ng huli patungo sa Tapsilogan niya. At alam niya ang dahilan niyon. Pareho silang nakakaramdam ng guilt. Parehong nanunuot sa kalamnan nila ang sinabi ni Lola Lina kanina. Tulad niya, marahil ay iniisip rin nito ang paniniwala ni Lola Lina na totoong magnobyo sila ni Matthew. Napabuntung- hininga siya. Napakahirap dalhin niyon sa dibdib. Tinamaan siya sa mga sinasabi kanina ni Lola Lina. Sa ilang sandali ay parang gusto na rin niyang maniwalang totoo ngang sila ni Matthew ay totoong nagmamahalan.Nakakatouch naman kasi ang mga binibitiwang mga salita ni Lola Lina. At some point back there, she had wished everything wasn't a lie. That she and Matthew weren't pretending. And for that magical moment, she had quietly wished she could really be the woman who could make Matthew believe in love again.At iyon ang talagang halos hindi niya mapaniwalaan. Hindi siya makapaniw
MIA POV PAKAUNTI na ang tao at iilan na lang ang natitirang kumain sa loob. Kaya ay nagpahanda na si Mia ng pagkain para sa kanilang tanghalian. "Ano'ng pumasok sa isip mo?" agad na tanong ni Mia sa binata nang sa wakas ay makaupo na sila at maihain ang kanilang tanghalian. Kanina niya pa itong gustong itanong rito ngunit ay walang siyang pagkakataon na isatinig iyon dahil nais niya muna na mapagsolo sila at para walang makakarinig sa pag- uusapan nila. Nakaalis na ang mga kapatid niya para pumasok sa school. Parehong sizzling na pusit ang napili nilang ulam na may side fish na ginisang pechay. Mukhang napagod at nagutom nang husto si Matthew. Hindi agad ito sumagot sa tanong niya dahil abala ito sa pagkain. Lalo itong gumuwapo kapag ganoong hinahayaan nito sa sariling maging simple at makihalubilo sa mga simpleng tao. Hindi niya maiiwasang mapangiti habang pinanood niya ito na maganang kumain. Ibang- iba ito kaysa noong inang magsalo sila sa pagkain sa isang fancy restaurant up
MIA POV MAGKALAHATING ORAS na ang lumipas mula nang umalis si Matthew. Heto at hindi pa rin mapakali si Mia. Wala sa sarili na pinanood ang pinto na kilabasan ng binata. Mabuti na lang at iilan na lang ang tao at di niya na kailangang tumulong sa mga tagasilbi sa kusina. Muli siyang napaupo nang ma- realize na tila masaydo siyang naapektuhan. Nang mahimigan niya ang lungkot at galit sa tinig nito habang nagsasalita kanina, parang gusto niyang pawiin iyon. Gusto niyang tulungang maiba pang pananaw nito sa pag- ibig. Sa maikling oras, nasaksihan niya na hindi puwedeng maging totoong matapobre ang isang Matthew Delos Reyes gayong may kakayahan itong magsilbi at makitungo nang maganda at maayos sa mga ordinaryong tao. Tumulong ito sa canteen nila gayong may- ari ito ng isang malaking kompanya at sanay na pinagsisilbihan at sinusunod ang bawat utos nito. Señorito ito sa tunay na kahulugan ng salitang iyon. Ngunit kanina ay nagsilbi itong waiter doon. At nakita niyang parang nakawala
MERNA POVHINDI MAGKADAUNGAGA sa bilisang paglalakad si Merna na pauwi sa kanilang bahay. Pagkarating ay agad na hinanap ng kanyang mga mata ang bulto ng kanyang Lola Lina. Nang hindi niya matagpuan ito sa loob ay agad na lumabas siyang muli at pinuntahan ang sa may bandang hardin. Ito ang lugar na pinakapaboritong tambayan ng kanyang Lola sa tuwing ito'y mapag- isa. Malamig at presko ang ihip ng hangin sa bahaging iyon. May iilan kasing mga puno na siyang nagbigay nang shelter sa lahat na magagawi dito. At sa bandang gilid ay mayroong iilang upuan na gawa sa isang semento. Sinadyang pinagawa at kinulayan pa ang mga ito. Hindi naman nagpapahuli ang mga magagandang bulaklak na nakapalibot sa bawat bahagi ng lugar na iyon. Well- trimmed naman yong mga halaman na bougainvillea na naka hanay sa pina ka- gilid na bahagi kanilang mansiyon. Mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw niya mula rito ang kanyang abuela na nakaupo at parang kinakausap nito ang mga bulaklak na ngayo'y nagsisimula n
MIAHINDI NIYA MAINTINDIHAN kung bakit totoong naiinis siya. Dapat kasi ay napagsabihan na nito ang sekretarya ng proper attire kapag nasa opisina at hindi iyong mukhang pang GRO ang isinusuot. Huwag sabihin ng mokong na ito na gusto rin nito ang tanawing nakikita araw- araw kaya okay lang dito na ganoon lage ang magiging attire ng sekretarya?Nang muli niya itong tingnan, nakangiti ito ngunit agad ding pinalis. "Actually, naunahan mo lang ako. I was about to tell Cindy that starting tomorrow she better come to work with a proper dressed. Isang linggo pa lang siya bilang temporary secretary ko. Nasa bakasyon pa kasi si Tita Emmily, who is my longtime secretary." anito'Mabuti naman kung ganoon, hindi rin pala magtatagal ang babaeng iyon' sa loob loob niya. Temporary lang naman pala eh' dagdag pa. "Anyway, What brought you here?" pagkaraan tanong nito."Nakalimutan mo na? Sabi ko na nga ba," Kumunot ang noo nito."Imi- meet natin si Lola Lina for lunch. Kanina pa ako nag- antay ng t
Dear friends and readers, Ngayong tapos na ang aking nobela, gusto kong magpasalamat sa bawat isa sa inyo. Salamat sa paglaan ng oras para samahan ako sa paglalakbay na ito. Napakahalaga ng inyong suporta at pagtangkilik. Sana nagustuhan ninyo ang kwento tulad ng pagkagusto ko sa pagsusulat nito. Kung may mga bahagi na nagustuhan ninyo o hindi gaanong nagustuhan, malugod kong tinatanggap ang inyong mga feedback at suhestiyon. Ang inyong mga puna ay mahalaga at makakatulong sa akin upang mas mag-improve pa bilang manunulat. Muli, maraming salamat sa pagiging bahagi ng kakaibang paglalakbay sa kuwento ng pagmamahalan nina Mia and Matthew. Warm regards, Funbun
"Honey! help! m-manganak na yata ako!" sigaw ni Mia sa asawa. Nasa beach resort sila ngayon kasama ang kanilang pamilya. Siya ang pumili nitong lugar na kanilang pagbabakasyonan ng isang linggo. Pag- aari ito ng kaibigan ni Danny na matalik na kaibigan ng asawang si Matthew. At nandito rin ang mga ito kasama ang asawa at ang dalawang anak. "Mia, honey! What happened?" tila natataranta nitong tanong at napatakbo sa kinaroroonan niya. "Hon, ang sakit ng tiyan ko! manganganak na yata ako, Matthew!" nahihirapang wika niya sa asawa. Na ngayo'y sa sobrang pagkakataranta ay hindi na nito alam ang gagawin nais niyang matawa sa hitsura nito na pabalik- balik ang pagtakbo na hindi alam kung ano ang uunahin. "Ang kotse, ang kotse ihanda ko muna, hon!" sabi nitong aktong muling umalis. "No, hon... aahhh...!" sigaw niya sa hindi napigilang sakit. Patakbo naman itong bumalik sa kanya. "Masakit na ba talaga, hon? teka t-tawagin ko muna sila n-nanay Maria." taranta pa ring sabi nito na nag
A SMILE APPEARED on his lips as he watched his wife, Mia, who was very busy taking photos everywhere." Halos ay wala itong kapaguran sa buong araw nilang pamamasyal. Nalibot na yata nila ang buong syudad dito sa Maldives pero kitang- kita parin ang pagiging energetic nito. "Smile, honey! Say cheese!" sigaw nito sa kanya habang kinunan siya nito ng litrato mula sa kinaroroonan nito. Napangiti naman siyang sumunod dito. Ewan ba niya kung bakit lahat ng gusto nito ay nahirapan siyang tanggihan kaya mas pinili na lang niyang sunud- sunuran sa mga kagustuhan nito lalo na at nakikita niya kung gaano ito kasaya. They're having their dinner inside a floating restaurant. Nakuha pa niyang maging romantic sa tulong ng waitress na uma- assist sa kanya upang lagyan ng candlelight ang mesa na kung saan naroroon ang kanilang pagkain. After the dinner nagpaalam ang asawang pumunta muna restroom at agad naman siyang pumayag. Naisipan niyang kumuha ng litrato gamit ang sariling phone ngunit b
Mia, the radiant bride, gracefully walked down the aisle, her beauty captivating everyone present. With the backdrop of Boracay's pristine beach, her appearance was nothing short of breathtaking. Her flowing gown gently swayed with the ocean breeze, making her look like a vision of elegance and grace. As Mia walked down the aisle, Matthew couldn't take his eyes off her. His heart swelled with emotion, and a radiant smile spread across his face. Standing at the altar, with the stunning Boracay beach as the backdrop. Matthew's love and admiration for Mia were evident in his gaze, capturing the essence of their unforgettable day. Though, this was the second time for them to get married pero iba parin sa pakiramdam ang makita ang asawang si Mia na naglalakad sa gitna. All eyes set on her. Parang gustong kumawala ang luha ni Matthew sa kanyang mata dahil sa natatamong kagalakan. Pero pinigilan niya. "Huwag kang magkamaling umiyak dito Matthew baka isipin ng mga tao inaaway kita,"
MATULIN na mga araw ang lumipas dumating na ang pinakahihintay ng mag-asawa. Lumipad patungong Boracay ang kanilang pamilya dahil doon gaganapin ang kanilang kasal. Sa mismong beach house na pinagawa ng asawa ang napili nilang venue. The wedding of Mia and Matthew will be a beautiful celebration set in the stunning beach house of Matthew, located on the picturesque island of Boracay. The couple has chosen this idyllic location to share their special day with loved ones, surrounded by the soothing sounds of the ocean and breathtaking views of the beach. All special guests will arrive two days before the wedding, allowing ample time to settle in, relax, and enjoy the serene beauty of Boracay. The pre-wedding days will be filled with joyous activities, giving everyone a chance to create lasting memories before the main event. Ini- enjoy muna ng lahat bago ang kanilang kasal. They even engage any various activities na mayroon sa Boracay. Maituturing na isang bakasyon ang kanilang p
Dear readers, Malapit na pong matapos ang aking kwento, at nais kong humingi ng inyong suporta sa pamamagitan ng inyong mga komento at suhestiyon. Ito po ay nagbibigay inspirasyon sa akin upang magpatuloy sa pagsusulat. Ito po ang unang beses kong magsulat ng nobela, at umaasa akong magugustuhan ninyo ang aking isinulat na kuwento. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta! Funbun
MIA UMALIS na si Merna pero eto parin siya nanatiling tulala sa loob ng kanyang opisina. Ang isip niya'y naguguluhan kung ano ba ang kanyang gagawin. Dapat ba siyang makinig sa sinabi ng kaibigan o hahayaan na lamang ang asawa at ang babae nito. 'You weren't a Mia for nothing' muling umaalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ni Merna. Kilala siya sa pagiging matatag at matapang pero bakit kaydali lamang niyang sumusuko kapag usapang puso na ang pag-uusapan? Aminado siya, na isa ito sa mga weaknesses niya. Nagtatalo parin ang kanyang isipan kung uuwi ba o mananatili muna dito ng ilang sandali? Nanaisin man niyang umuwi ngunit hindi pa siya handang harapin ang pagmumukha ni Matthew. Isang malakas na katok ang pumukaw sa kanyang iniisip. Nagtataka siya kung sino ang pumupunta dito sa ganitong oras. Naisip niyang baka si Merna dahil ito lang ang may alam na andito siya ngayon, baka may nakalimutan lang kaya bumalik. Marahang tinungo niya ang pinto at binuksan. "O, Merna bak
HINDI umuwi sa condo si Mia ng araw na 'yon. Hanggang sa sumapit ang gabi ay nanatili lamang siyang nakaupo sa may bench ng park. Dito siya dinala ng kanyang mga paa pagkatapos masaksihan ang panlolokong ginawa ng asawang si Matthew. Batid niyang nagsisituyuan na ang mga luha niya sa kanyang mga mata. She doesn't want to cry again so pilit niyang kalmahin at patatagin ang sarili. May iilang dumaan na di maiiwasang mapatingin sa gawi niya. "How could you do this to me, Matthew? How?" bulalas niya na parang kausap lamang ang sarili. Wala siyang balak na umuwi ngayong gabi. Panay ang ring ng phone niya, pero wala siyang ganang sagutin yon. Lalo na kung ang manlolokong asawa lang naman ang tumatawag. Ayaw pa niyang marinig ang mga sasabihin ng asawa dahil takot siyang malaman kung ano ang mga salitang lalabas sa mga bibig nito. Hindi pa niya kayang tanggapin kung sakaling aaminin nito sa kanya ang nagawang pagkakamali. Hanggang ngayon ay nasa kanyang pandinig pa rin ang mga salitang
SUMAPIT ang graduation day ng kapatid ni Mia na si Myra. Abala naman ang buong pamilya sa pag eestima ng mga bisita. Sunud- sunod na dumating ang kaibigan at kaklase nina Myra at Mickey. "Hello ma'am, Mia," malaki ang ngiting pagbati ng kanyang sekretarya. Dumating itong mag- isa. Ito lang kasi ang iniimbita niya lalo na at naging kaibigan rin ito mg kapatid. Nitong mga nakaraang araw sinimulan niya na ang pagsasanay sa kapatid sa loob ng opisina. Tinuturuan niya muna ito sa mga basic na paraan sa paghawak ng negosyo, sinanay niya ito para may katuwang na rin siya sa pamamahala ng kanilang papalaking business. Mabilis namang nagkagamayan ng loob sina Janella at Myra, palibhasa ay hindi lang magkalayo ang edad ng dalawa, kaya ito nagkakasundo agad. Wala naman siyang problema sa pag uugali ng kanyang sekretarya dahil kahit na bibong komedyante ito pero pagdating sa trabaho magaling at masipag ito. Yon nga lang pagdating sa breaktime halos napapaligiran ito ng mga kasamahan dahil s