"Miss Lianna, ito ang regalo ng paghingi ng tawad na inihanda ni Mr. Del Fierro para sa iyo. Sabi niya, kailangan niyang isaalang-alang ang pangalan ng pamilya Del Fierro sa ilang bagay, kaya’t maaaring nainsulto ka. Hindi niya intensyong mapahiya ka, kaya sana huwag ka nang magalit." Napasinghap si Lianna habang tinakpan ang bibig. Hindi niya maitago ang gulat sa kanyang mga mata, at pabirong umismid, "Ang kuya talaga, gusto akong lambingin sa ganitong paraan. Napaka-effort naman." Tahimik namang nakatingin si Lizzy sa gilid, malamig ang ekspresyon. Pasimpleng tumingin si Lianna sa kanya at bahagyang ngumiti, ngunit hindi ito ang karaniwan niyang eleganteng gawi. Sa halip, puno ng hamon ang kanyang tingin. Kumuha siya ng isa sa mga kahon ng regalo at lumapit kay Lizzy. "Kitang-kita mo ba, Lizzy? Kahit ikwento ko ang mga pangit na bagay tungkol sa'yo at masira ang pangalan ng pamilya Del Fierro, ako pa rin ang itinuturing nilang kayamanan. At ikaw? Ano ka nga ba?” Lumapit siya at bu
Bahagyang kumunot ang magandang kilay ni Lysander, at ang tono niya’y malamig."Ano'ng problema?"Ngumiti si Lianna at ipinaliwanag, "Alam ko ang relasyon ni Uncle Glenn sa'yo, kaya sinadya kong pumili ng oras para bumisita. "At saka, pareho kaming interesado sa sining, kaya nakapag-usap kami nang kaunti.” Lumapad lalo ang ngiti niya at tumingin kay Lysander na para bang may iniisip. “Lysander, nandito ka ba para kumain kasama si Uncle Glenn? O baka naman…"Hindi siya binigyan ni Lysander ng pagkakataong magpatuloy. Biglang naging malamig ang tono nito. "Pasensya na, may appointment ako ngayon, at wala akong oras para sa iba."Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Lianna, pero nanatili pa rin ang kanyang ngiti, na para bang hindi siya naapektuhan o nahiya. Walang balak si Lysander na mag-aksaya ng oras sa kanya, kaya tumuloy ito papasok.Sa malamig na tono, nagbitaw pa siya ng huling salita. "Miss Del Fierro, sana maintindihan mo ang hangganan. Wala akong kaugnayan sa'yo o dahilan para m
Habang nagsasalita siya, ang hininga niya ay dumampi sa leeg ni Lizzy—makiliti at medyo sensitibo. Hindi mapigilan ni Lizzy ang pag-init ng kanyang mukha.Hawak niya ang braso ni Lysander at mahinang nagtanong, "Kaya mo pa bang maglakad?"Tumango si Lysander at mahinahong nagpatulong sa kanya. Pagdating nila sa garahe, habang isinusuot ni Lizzy ang seatbelt ni Lysander, tila may kakaibang pakiramdam siya. Para bang isang totoong mag-asawa, na inaalagaan ang kanyang lasing na asawa.Pagkadating sa hotel, gusto na sanang umuwi ni Lizzy. Pero biglang nagsalita si Roj, medyo nag-aalangan, "Kung malaman ito ng matanda, baka hindi maganda ang kalabasan... "Tahimik si Lizzy nang ilang minuto, at sa huli ay napabuntong-hininga."Sige na nga, hindi na muna ako aalis. Magpa-book ka ng kwarto sa tabi para sa akin."Ngumiti si Rojmei at sinabing, "Ma'am, salamat po at napakaalaga ninyo ngayong gabi."Pagkatapos nito, bumili si Lizzy ng gamot laban sa hangover. Pagbalik niya sa hotel room, nakita
Hindi niya mapigilang isipin si Mr. Robles, na kahapon sana ay makikita at makikilala niya na pero biglang mayroon itong gagawin kaya hindi natuloy. Kung pagsasama-samahin ang sinasabi sa comment section, si Lianna at Mr. Robles ay dati nang malapit sa isa’t isa. Malaki ang posibilidad na gusto ni Mr. Robles si Lianna kaya siya sumunod sa kagustuhan nitong magpakasal kay Lysander. Kaya naman siguro, umalis na lang siya agad sa usapan kahapon.Lumabas si Lizzy sa post at gustong ipadala ang link ng mga tsismis na ito kay Lysander. Pero nang i-click niya ang avatar ni Lysander sa WeChat, natigilan siya.Wala naman talagang dahilan para guluhin pa siya sa ganitong bagay.Sa gitna ng kasikatan, sinamantala ni Lianna ang pagkakataong mag-anunsyo na tatanggap siya ng mga apprentice sa Haida. Hindi lang iyon, magpe-perform din siya ng solo sa Haida.Dahil dito, unti-unting sumikat ang Haida at si Lianna.Tiningnan ni Lizzy ang oras ng anunsyo ni Lianna at nakaisip siya ng plano. Ngayong dad
May naririnig na tawag mula sa labas, kaya kinuha ni Lianna ang music sheet sa mesa at lumabas habang maayos na inaayos ang kanyang palda.Bago siya tuluyang makalabas, sinadya niyang banggain si Lizzy sa balikat. Nang makita ni Lizzy ang pasimpleng galit sa kilos nito, bahagya lamang siyang ngumiti. Pagkatapos ay bumalik siya sa lugar ng occasion.Subalit hindi siya binigyan ng staff ng lugar para umupo. Sa halip, itinuro nito ang plataporma at medyo padabog na sinabi,"Hayun, sa kaliwang upuan, iyon ang espesyal na inihanda para sa'yo ni Miss Lianna.Sinabi niyang ikaw ang kapatid niya, kaya kapag tumugtog siya, dapat nandiyan ka para masabing magkasama kayong dalawa."Isa pang bagay—bumili si Lianna ng maraming press releases isang araw bago ang occasion at pinalabas ang tungkol sa “banggaan” nila ni Lizzy sa party na ito.Sa istorya ng mga press release, siya pa rin ang kawawang biktima—maganda, elegante, ngunit madalas laitin, at sobrang inaapi ni Lizzy kaya wala itong magawa kun
"I'll just say na totoo ang hinala ko, si Lysander at Lianna ay talagang may relasyon.""Parang gusto ko nang himatayin.""Sigurado akong may relasyon ang dalawa, hindi naman mahilig si Lysander sa ganitong mga okasyon, kaya hindi ba't pumunta siya rito para lang pakinggan si Lianna na tumugtog ng piano?"Itinaas ni Lysander ang kamay para pahintuin ang usapan. "Tama, may fiancée na ako."Pagkasabi niya nito, biglang namula ang mukha ni Lianna, sobrang hiya na halos hindi na siya makatingin kay Lysander.Agad namang naging komportable ang host at nagmungkahi na pagsamahin ang dalawa sa iisang entablado. Ngunit ang kilay ni Lysander ay lalong kumunot, at ang mukha niya’y hindi naitago ang pagkainis.Si Roj, na nasa tabi niya, ay nagsalita na may halong pagka-iritado, "Ang ibig sabihin ni Mr. Sanchez ay may fiancée na siya at kailangan niyang umiwas sa anumang espekulasyon. Para lang klaruhin, hindi si Miss Lianna ang fiancée niya, kaya huwag kayong magkamali ng iniisip."Bagama’t malam
Malakas na pinukpok ni Mentor Ven ang sahig gamit ang tungkod. Ang kanyang mga mata ay nagiging mas matalim, puno ng galit.“Noong sinabi kong manatili ka sa tabi ko para mag-aral ng piano, ginawa ko iyon alang-alang sa pangalan ng pamilya Del Fierro. Pero ano ang ginawa mo? Winalang-bahala mo ang mga sinabi ko!" Binagsak niya ang mga piyesa ng musika sa sahig.Si Mentor Ven, na palaging mahinahon at elegante sa harap ng media, ngayon pa lang nagalit nang ganito."Ngayon, gagawin ko itong malinaw sa iyo. Kahit itapon ko at sunugin ang mga piyesang ito, hindi ko sila ipi-play para sa iyo. Pinutol mo ang tiwala ko sa'yo. Simula ngayon, wala na akong kinikilalang alaga na tulad mo!”"Teacher..." Nanlumo ang mukh
Hindi sumagot si Marvin, nakakunot ang noo na tila nag-aalangan. Sa magiliw na tono, nakiusap si Ericka, "Daddy, pumayag ka na. It’s true, she is good in terms of partnership, at sigurado akong hindi ka niya bibiguin. Ano ba, pati ba naman ako hindi mo pinagkakatiwalaan?"Hindi napigilan ni Marvin ang matawa, ngunit napagaan nito ang kanyang pag-uugali."Sige, pag-usapan natin."Nagniningning ang mga mata ni Lizzy. Ngumiti siya kay Lysander at nagbiro, "Huwag kang mag-alala, Mr. Sanchez. Gagawin ko ang lahat para mapapayag si Marvin sa pagkakataong ito."Hindi sumagot si Lysander, pero bahagyang tumingkad ang ngiti sa kanyang mga labi.Maganda ang naging daloy ng usapan tungkol sa ko
“Talaga bang desidido ka nang hindi makasama si Jarren? Kahit alam mong kung hindi mo siya pakakasalan, maaapektuhan ang negosyo ng pamilya?”Ngumiti si Lizzy. “Mom, ang ibig sabihin mo ba rito ay hindi ka naniniwala kay Kuya? Isang henyo rin si Kuya pagdating sa negosyo, natatakot ka pa rin ba na kung wala ang pamilya Sanchez, babagsak ang Del Fierro?”Biglang sumimangot nang todo ang mukha ni Madel. “Lizzy, huwag kang masyadong makasarili. Bibigyan kita ng isang huling pagkakataon. Si Jarren ang pinakamainam na pagpipilian mo. At alam mo rin na kung hindi ka magpapakasal, ipapadala ka namin ulit sa abroad para mag-isip-isip, kagaya ng ginawa namin noon.”Alam na ni Lizzy na darating sila sa ganitong usapan. Kalmado niyang tinugunan ito. “Kahit hindi pa ako handang magpakasal, pwede ko naman siyang makasama muna nang matagal-tagal. At saka, si Jarren mismo, hindi naman nagmamadali sa kasal. Hindi mo naman pwedeng pilitin na pumayag siya, di ba? Baka nga wala siyang balak na magpakasa
Halos mapa-roll eyes na si Lizzy, pero pinigilan niya ang sarili. Hindi niya na talaga kayang maghintay pa. Wala siyang magagawa, tulad ng sinabi ng helper.Kung hindi siya pupunta, baka kung gaano pa katagal ang magiging gulo nito. Kaya’t napabuntong-hininga siya at sinabing, “Sige, dalhin mo na ako doon.”Pagdating sa kwarto, binuksan niya ang pinto at nadatnan si Madel na isinasara ang bintana. Dahil sa lakas ng ihip ng hangin mula sa labas, at ilang taon na ring mahina ang kalusugan ni Madel. Halos hindi na siya nawawalan ng gamot.Noong mga unang taon, sa sobrang pagkaabala ni Madel sa paghahanap kay Lianna, halos makalimutan na nito ang kumain at matulog. Dahil doon, nagdulot ito ng sakit sa kanyang katawan na dala pa rin niya hanggang ngayon.Napatingin si Lizzy sa kanya at saglit na nabalot ng alaala. Sa mga nakaraang taon, ginawa ni Lizzy ang lahat ng paraan upang mahanapan ng magaling na doctor si Madel. Paminsan-minsan, siya pa mismo ang nagluluto ng mga tonic soup para sa
Nang marinig ito ni Lizzy, tiningnan lang niya ito nang malamig. Pagkatapos, tumalikod siya at umalis, walang pakialam sa iniisip ng iba.Kung tutuusin, kung hindi dahil sa relo na ginawa ni Sir Joey nang may buong pag-aalaga, gusto na sana niyang itapon ito nang diretso sa basurahan.Sumunod si Jarren sa likuran niya at agad na naabutan siya. "Sobra ka naman talaga ngayon. Kapag ikinasal tayo balang araw, huwag kang maging sobrang dominante. Pamilya mo 'yan, dapat iniisip mo rin kahit paano ang reputasyaon nila.” May halong inis ang tono ng boses nito.Hindi man lang siya tiningnan ni Lizzy. "Jarren, malinaw naman dapat sa'yo ang kooperasyon mo kay Sir Joey. Yung iba, duda kung kilala ko talaga si Sir Joey at kung kaya kong bilhin ang relo niya. Pero ikaw, alam mo kung sino talaga ang nakakakuha ng relo, hindi ba?"Napipi si Jarren at hindi nakapagsalita. Gustuhin man niyang magsabi ng kung ano, napabuntong-hininga na lang siya at mainit na hinila ang kanyang damit."Ang ibig kong sa
Tahimik na tumingin si Lizzy sa paligid, malamig ang ekspresyon niya, at walang bakas ng pagbabago sa kanyang mukha.Napakunot ang noo ni Jarren nang magtama ang kanilang mga mata. Tulad ng iniisip ng iba, sigurado siyang wala talagang naihandang regalo si Lizzy, o kung meron man, hindi ito maipagmamalaki.Sa sandaling iyon, bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi. Nakakahiya, kung alam lang niya, mas mabuti pang hindi na lang siya pumunta.Ngunit bahagyang ngumiti si Lizzy, puno ng panunuya. “Ayos lang,” sabi niya sa isip, “hindi ko naman inaasahan ang isang walang silbing lalaki na ito.”Tumindig siya, hinawakan ang laylayan ng kanyang palda, at naglakad palapit. Bagamat simpleng istilo lang ang suot niya, nagmistula itong pang-mamahaling damit sa ganda ng kanyang tindig.Ang kanyang mga mata ay kumikislap, at kahit si Lianna, na naka-light makeup, ay tila napag-iwanan sa ganda niya.Naiinis si Lianna dahil alam niyang kahit anong gawin niya, hindi niya magagaya ang aura ni Lizzy bilan
Napasimangot si Lizzy at marahas na inalis ang kamay ni Jarren. "Mag-show ka na lang. Kung masyado kang sweet sa akin, hindi mo ba natatakot na baka magwala si Amanda, umiyak, at magbantang magpakamatay?"Sumimangot ang mukha ni Jarren, ngunit nanatili itong tahimik. Naglakad ang dalawa sa gitna ng mga tao, magkasunod.Bagama’t hindi sila mukhang magkasintahan, kilala si Jarren bilang isang tao na hindi basta sumusunod kanino man. Ang makita siya sa likod ni Lizzy ay sapat para mag-isip ang mga tao. Mukhang hindi totoo ang mga tsismis na naghiwalay na sila.Dahil dito, napatingin ang mga tao sa pamilya Del Fierro nang may kaunting respeto at paghanga.Sa wakas, dumating na ang star ng selebrasyon. Si Liam, sa kanyang pormal na bihis, ay nagmukhang gwapo, elegante, at parang isang disenteng binatang may mataas na posisyon.Hawak ang kamay ni Lianna, bumaba sila mula sa hagdan. Si Lianna naman ay nakasuot ng mahabang damit na kulay asul na parang langit, elegante at marangal, ang kanyan
Ang lalaking nasa litrato, na nasa kanyang dalawampu’t taong gulang, ay may maliwanag na ngiti, ngunit nananatiling nakapirmi sa sandaling iyon.Limang taon na ang nakalipas nang pumunta siya sa France upang gawin ang ilang bagay at tapusin ang mga ipinagkatiwala sa kanya ng matanda. Ngunit habang ginagawa niya ito, tinugis siya ng mga hindi kilala, at sa pagtakbo niya, muntik na siyang mamatay.Ang taong nasa litrato ay nagbuwis ng kanyang buhay upang bigyan siya ng pagkakataong makatakas. Nang matagpuan ang kanyang katawan, hindi na ito halos makilala dahil sa sobrang tindi ng sinapit.Simula noon, naging sugat ito sa puso ni Lysander. Taon-taon, bumabalik siya sa lugar na ito upang magbigay-pugay sa yumaong kaibigan.Bumukas ang pintuan mula sa labas. Isang babae ang pumasok na nakasuot ng mahabang itim na bestida. Maganda ang kanyang mukha, at ang kanyang mga mata, na kasing lambot ng tubig, ay namumugto mula sa pag-iyak. May nakasabit na maliit na puting bulaklak sa kanyang maha
Si Lizzy ay nakatingin kay Lysander nang tulala, kitang-kita sa mga mata ng lalaki ang malamig na titig.“Hindi ko alam kung paano mo nagagawa ‘to…” parang may gusto pa siyang sabihin pero napigilan niya ang sarili.Sabay silang napatingin sa pintuan nang may kumatok.Narinig nila ang boses ni Amanda na humihikbi. “Mr. Sanchez, okay ka lang? Ang nangyari kanina kasalanan ko, gusto kong humingi ng tawad sa’yo nang personal.”Hindi sigurado si Lizzy kung imahinasyon lang niya, pero nang marinig ni Lysander ang pagtawag ni Amanda kay Lysander bigla na lang sumiklab ang galit nito. Ang malamig niyang mga mata ay lalong naging matalim.“Magpapahinga muna si Mr. Sanchez, ako na ang bahala rito.” Sinamantala ni Lizzy ang pagkakataon, hinila niya ang kamay ni Lysander niya at tumayo.Pagbukas niya ng pinto, bumulaga sa kanya si Amanda na namumula ang mata sa pag-iyak. Sinamahan niya ito ng mapaklang ngiti.“Ang kapal ng mukha mo. Hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas ng loob na makihalu
Pagod at hilo na ang utak ni Lizzy, at ang kanyang katawan ay parang napakabigat, wala siyang lakas na maiangat kahit kaunti. Bago siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niyang papalapit si Lysander kasama ang ilang tao.Ang babaeng nasa kanyang mga bisig ay magaan, ang buong katawan ay mainit, at ang paghinga nito’y mababaw. Parang isang taong nasa bingit ng kamatayan na mahigpit na kumakapit sa huling pag-asa.Hawak-hawak nito ang damit sa dibdib ni Lysander, ayaw bumitaw, habang parang may binubulong.Pinahid ni Roj ang pawis sa kanyang noo. "Mr. Sanchez, magpapadala na ako ng sasakyan papunta sa ospital kaagad."Umiling si Lysander. "Magiging magulo kapag pumunta sa ospital, baka makita pa tayo. Sa Sanchez house na lang tayo pumunta.""Yes, sir."Naramdaman ni Lizzy na parang nasa isang kakaibang panaginip siya.Sa panaginip, yakap siya ni Lysander. Ang mas nakakagulat pa, sa panaginip na iyon, hindi siya nandidiri o naasiwa sa ganitong kalapit sa kanya.Napakalinaw ng pakiramdam
Nakasilay sa liwanag si Lysander, taglay ang malamig na postura. Ang madilim niyang mga mata ay walang bahid na emosyon. Nakatingin ito kay Lucas bago bumaling kay Lizzy.Nakangiti si Lucas, na para bang sobrang saya ng mood niya. “Lysander, anong problema? Pumunta ka ba kay Dad para sa yacht? Huwag kang mag-alala, nahanap ko na ang may sala, at dadalhin ko siya kay Dad.”Biglang ngumiti si Lysander, ngunit ang ngiti niya ay puno ng lamig at pangungutya. “Hindi na kailangan. Mas mabuting mag-isip ka na lang kung paano mo ipapaliwanag ito kay Dad mamayang gabi. Para lang takpan ang kalokohan ni Jarren, pinilit mong paaminin ang isang mahina at inosenteng babae para sa kanya. At sa pangalan pa ng pamilya natin, nagbigay ka ng pressure sa Del Fierro family. Napakagaling.”Namutla bigla ang mukha ni Lucas at napatingin siya kay Lysander na parang hindi makapaniwala. Ganoon din ang ekspresyon ni Lizzy, na gulat na gulat. Narinig pala ni Lysander ang lahat ng nangyari.Bagamat hindi ito ang