Home / Romance / Body Shot / Chapter 4

Share

Chapter 4

Pagdating ng bahay, nalungkot akong muli. Hindi ko na naman dinatnan si Dad. Mag isa na naman ako dahil nagpaalam umuwi ng probinsiya ang kasambahay namin.

Dire-diretso ako sa banyo para maligo dahil male-late na nga ako sa klase, masungit pa naman ang prof namin.

Habang naliligo ay hindi ko naiwasang balikan sa isipan ang mga nangyari simula kagabi, mula sa pagpunta ko sa gay bar hanggang sa paggising ko kaninang umaga sa ibang kama.

Muling naalala ang dancer na nakasama ko magdamag, Malabo na sigurong magkita kaming muli dahil hinding hindi na ako babalik sa lugar na iyon. Bagama’t may panghihinayang na hindi ko man lang nalaman ang totoo niyang pangalan ay binalewala ko na. Alam ko sa sarili kong ibabaon ko na sa limot ang pagkakamaling iyon sa buhay ko. Yes, isa lamang iyong pagkakamali. Kahibangan dahil sa sama ng loob.

Minadali ko na ang pagligo at pagbibihis saka sumakay muli sa kotse ko at nagdrive na papuntang university.

Pagkapark ng kotse, dinukot ko muna ang lipgloss at powder ko mula sa bag para mabawasan naman ang pangingintab ng mukha ko. Masyado na akong gahol sa oras para maglagay pa ng make up. Noong makita sa salamin na kahit papaano ay presentable na ang hitsura ay bumaba na ako ng sasakyan at naglakad papunta sa classroom ngayong araw.

Pagpasok sa classroom ay agad kong nakita ang dalawa kong kaibigan na sina Apz at Ida.

"Bakit late ka girl?" Tanong sa akin ni Apz nang makaupo ako sa tabi nila. “Napapadalas ang pagiging late mo ngayon ah. Siguro nakikipagdate ka na.”

"Five minutes lang naman ah," defensive kong sabi, kung pwede ko lamang sabihin sa kanila ang dahilan ng pagiging late ko ngayong araw ay siguradong ikagugulat nila. Malayong malayo sa karakter ko ang mga nagawa ko kagabi at kaninang umaga.

"Gaga! Buti na lang late din si Ms. Perez, kung hindi sermon galore ka na naman sa kanya."  Si Ida naman na tatawa tawa pang sabi sa akin.

"Oo nga, bakit nga ba wa--" naputol ang pagtatanong ko sana nang makita kong papasok na sa classroom ang prof namin.

"Good Morning!" Walang kangiti-ngiting bati niya sa amin. Ewan ko ba sa prof namin na ito, kaya dumadami ang wrinkles kasi hindi man lang ngumingiti. Hindi n’ya yata alam na lalo lang dadami ang wrinkles niya sa ginagawang pagsusungit. Para bang pasan n’ya ang mundo sa expression ng mukha.

"Class, we will not  have a discussion today. Ibibigay ko sa inyo ang araw na ito para ma-finalize kung saan kayo magpapracticum. Alam ko naman na  ‘yung iba sa inyo ay nakahanap na pero meron pa ring ewan ko nga ba at feeling yata may babagsak na bayabas sa mga bibig nila kahit hindi sila kumilos. Pero nagawan ko na ng paraan iyan. Meron akong kaibigan na isa ng direktor at nabanggit niya na pwede syang tumanggap ng practicumers para sa teleseryeng gagawin niya. Pwede nyo akong puntahan sa office ko mamaya kung interested kayo." Iyon lang at saka lumabas na sya ng classroom namin.

Yes, I am a student, a graduating Mass Communication student. Masyado yata akong nahook sa problema ko sa tatay ko kaya hindi ko na naalala ang practicum na kinakailangan ko kung gusto kong maka graduate. Hindi puwedeng hindi ako makapagpracticum this semester, bukod sa masisira ang timetable ko ay masisisra pa ang pangako ko kay mommy bago siya mawala.

"Girl, gora tayo?" tanong ni Ida sa akin.

" Huh?" wala sa sariling sagot ko.

"Doon sa sinabi ni Miss. Si Apz wala ng problema dahil sa kuya niya." 

Ngumiwi ako bilang sagot, kasi naman ewww teleserye? Gusto kong maging broadcast journalist kaya ako nag masscom, tapos sasabak ako sa teleserye? Grabe ha. Ang taas, tapos biglang ganun? Hindi sa minamaliit ko ang paggawa ng teleserye pero hindi ko talaga maimagine ang sarili kong magtrabaho sa ganoon.

"Yung reaction mo uy! Wala na tayong choice! Wala na tayong time unless carry mong next schoolyear na mag martsa. Hindi na ako pwede alam mo namang pinapaaral lang ako ng ate ko."

“Grab nyo na Stacy.” Pangungumbinse rin ni Apz sa akin. “Pagtiyagaan mo na muna.”

"Kasi naman teleserye? Anong gagawin natin doon? May matututunan ba tayo  sa shooting?" Nalulungkot kong sabi kay Ida.

"Grabe ka, siguro naman may matututunan tayo doon."

"See? Pati ikaw hindi sigurado!"

"Okay lang yan, beside for sure ang daming papable sa shooting! Naeexcite na ako! Sige na girl, please. Doon na lang tayo, para hindi na rin tayo mahirapan sa paghahanap."

"Ano pa nga bang magagawa ko. Eh di sige gora na." Walang magawang nasabi ko sa kanya. Sa totoo lang ay kinikilabutan ako sa isiping doon ako magpracticum, wala kasi akong kahilig hilig sa ganoon.

“Wait lang.” Paalam ni Ida noong magring ang cellphone niya.

“Kamusta na kayo ng dad mo?’ tanong ni Apz nang kaming dalawa na lang ang natira.

Nagkibit balikat ako. “Ganoon pa rin, pag uwi ko kanina wala na naman siya sa bahay. Hindi siya doon natulog.”

“Pag-uwi  mo? Bakit, saan ka nanggaling?”

Namutla ako sa tanong niya sa akin, hindi ko sinasadya ang nasabi ko. “Doon kasi ako natulog sa tita ko kagabi’” palusot ko na lang na mukhang pinaniwalaan naman ni Apz.

“Sana naman maayos  ninyo kung anuman ‘yan, paniguradong lungkot na lungkot ang mommy mo kung nasaan man siya ngayon. Kasi naman si Tito, ano ba ang naisipan at biglang naging ganyan sa iyo, hindi naman siya dating ganyan noong buhay pa ang mommy mo.”

Nagkibit-balikat na lang ako bilamg sagot, dahil sa totoo lang ay pagod na akong isipin kung ano ang dahilan at nagbago si dad sa akin.

Mayamaya pa ay bumalik na si Ida sa tabi namin.

Anong nangyari?’ Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng kaba nang makita ko ang lungkot sa mukha niya.

“Tumawag kasi si ate, sinabi niyang sumagot na daw iyong kaibigan niyang DJ.”

“And?” naiinip kong tanong.

“Doon na daw ako magpracticum dahil malaki ang chance na ma-absorb ako after graduation. Tutulungan daw ako ng kaibigan niya na makapasok sa radio station.”

“Bakit malungkot ka? Hindi ba dapat masaya ka dahil may sigurado ka ng trabaho after ng graduation?” usisa ni Apz sa kanya.

“Paano ka Stacy, wala kang kasama sa teleserye.”

Nagpilit akong ngumiti saka nagsalita, “Go ka na doon girl, baka magalit ang ate mo kapag hindi ka tumuloy. Huwag mo akong alalahanin, kaya ko anman doong mag isa.”

“Sigurado ka?” panabay pa nilang tanong na may tonong pag-aalala.

Tinanguan ko sila at nginitian. Wala namang mangyayari kung magtatampo ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status