Chapter 10
Final pre-prod meeting na ngayon bago mag umpisa ang shoot. Kailangan na plantsado na ang lahat bago magstart mag shoot lalo pa at medyo mabusisi ang gagawing pilot episode. Ito ang pinaka importanteng part ng isang programa. Dito makikita ang magiging impression ng audience sa programa.
"Ahmmm, Rekdi." pukaw ni Jonathan sa atensyon ko.
"Yes Jonathan? Don't tell me na may conflict na agad sa sched ng mga artista mo?" bilang isang talent coordinator ay ayusin ang schedules ng mga artistang kailangan sa set. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat, hindi pa man nag uumpisa ay may hassle na, bad vibes sabi nga ng iba.
“Nakikiusap kasi ang manager ni A.” tukoy niya sa bidang lalaki namin. “Baka pwedeng mahiram si A ng kahit tatlong oras lang. May book launch lang kasi s’ya sa Galle. Sa hapon pa naman iyun rekdi, tengga t
Chapter 11“Hello po, Sir Sam.” Bungad ko pagsagot niya sa telepono. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago muling magpatuloy sa pagsasalita. “Medyo male-late po ako. Nagloko lang po kasi ang sasakyan ko.” Saglit akong nakinig sa sinasabi niya sa kabilang linya. “No sir, ayos lang po ako, tinopak lang po ito. Ganito kasi talaga minsan ang sakit nitong kotse ko, kailangan lang pong palamigin muna ang makina.” Nagsalita uli siya sa kabilang linya. “Yes po. Pasensiya na po talaga but I think medyo malapit na rin po ako sa location.” Nanghihina kong tinapos ang tawag, buti na lang talaga at nai-save ko ang cellphone number ni sir Sam noong magtext siya about sa pull-out.Kung kailan naman talaga ako nagmamadali dahil today ang unang araw ng shoot saka naman nagka aberya ng ganito. Bigla na lang huminto at ayaw magstart. “Napakagaling mo talaga tumayming!” hindi ko napigilang kausap sa sasakyan k
"Pasensya na po kayo at na-late ak-“ magpapaliwanag sana ako kung bakit ako na-late dahil hindi ko matanggap ang mga narinig kong sinabi niya tungkol sa akin. Pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, para bang saglit kong nalimutan ang dapat na paliwanag ko noong humarap sa akin si Direk Richard, naumid na lang ang dila ko. How come? Hello earth?Pinaglalaruan ba talaga ako ng langit? Pero baka naman kamukha niya lang, paanong mangyayaring nandito si Tisoy? Yes, si Tisoy na nakasama ko noong gabing iyon. Paanong si Direk Richard at Tisoy ay iisa? Napailing ako, hindi ito totoo. Siguradong kamukha lang niya si Tisoy. Malabong mangyari iyon.But no, base sa shock na nakikita ko sa mga mata niya ay mukhang nagulat din siya, nagulat din siya na makikita at makakaharap niya ako dito.“Oh, hello Miss Practicumer. I am Direk Richard.” Hindi tulad ko, mukhang nakabawi na siya agad sa pagkabigla sa muli naming pagkikita. Nagawa niya pa akong ngitian
Chapter 13Maayos ko namang nagawa ang in-assign sa aking trabaho ni Ate Raq. Bagaman may idea na ako kung paano ang kalakaran ng shoot dahil sa course ko ay hindi ko pa rin maiwasang ma-amaze kung paanong ambibilis magsipagkilos ng mga tao dito.Nakilala ko na rin ang ibang tao dito bukod sa mga nakilala ko noong umattend ako sa pre-prod meeting dati, ang dalawang makukulit na cameraman na sina Kuya Mike at Kuya Eric. Parati nila akong binibiro kanina na nagagawa ko namang sakyan dahil puro harmless jokes lang naman ang mga iyon. Over all ay naging smooth naman ang first morning ko sa shoot kahit may aberyang nangyari kaninang umaga sa akin.Pagsapit ng lunchbreak ay bumalik ang kaba ko, kaniya-kanyang puwesto ang crew at staff. Hindi ko alam kung saan ako sasabay sa pagkain. Si Ate Raq pa lang ang naka-close ko pero nakuwento niya sa akin na lagi raw silang magkasabay kumain ng boyfriend niya. Ayoko naman na sumabay sa kanila dahil baka makaistorbo pa ak
Chapter 14Last pung. Last sequence) Nagkakasiyahan na ang lahat dahil naging masaya at maayos ang unang araw ng shoot. Siyempre, masaya din ako dahil marami akong natutunan ngayong aarw na ito. Hindi naman pala boring magtrabaho dito, isip ko. Akala ko ay hindi ako mag eenjoy noong umpisa pero kabaligtaran ang nangyari. Masaya din ako na naging maayos naman ang pakikisama ng lahat sa akin, except him.Ewan ko ba, may pakiramdam akong galit sa akin si Tisoy. Tuwing nakikita ko siyang nakatingin sa akin ay may hindi maipaliwanag sa mga mata niya. Hindi ko alam kung galit ba iyong nakikita ko o inis. Pero naisip ko, nakit naman siya magagalit sa akin? Anong pwedeng dahilan?Dahil ba alam ko ang sikreto niya? Dahil alam kong bukod sa pagdidirek niya ay alam kong suma sideline pa siya? Hindi ko naman ipagkakalat iyon ah. Hindi ko ipagsasabi kanino man na minsan ko siyang nakitang nagsasayaw sa isang gay bar.Ang hindi ko maintindihan at kanina ko pa ini
“Ano Rekdi, kamusta kagabi? Parang may laman ang pagtatanong sa akin ni Juls. Nandito kami sa production office dahil mayroon kaming pre-production meeting.‘Anong kamusta? Eh hindi ba at magkakasama naman tayo kagabi?” takang tanong ko dahil lahat naman sila ay kasama ko sa shoot hanggang kaninang madaling araw, kaya hindi ko makita ang point ng pangungumusta ni Juls sa akin ngayon.“Iyong after noon Rekdi, after pack-up.”“After?” saglit pa akong nag-isip. “Eh ‘di umuwi, nagpahinga, natulog.” Balewala kong sagot. Hindi ko alam kung saan papunta itong usapang ito. I don’t really mind iyong pagtatanong nila, sa tagal ba naman naming magkakasama. Para na kami isang pamilya, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako tinatanong ng ganito ngayon.“Balita namin hinatid ka ni Stacy sa bahay ninyo.” Hindi na yata nakatiis na singit ni Jonathan na kanina lang a
Second day ng shoot, this time ay nakisabay na ako sa service dahil sa Tanay pa ang location, malayo at siguradong hindi ako pamilyar sa daan papunta. Dahil medyo malayo ang location ay hindi ko naiwasan ang makatulog habang nasa biyahe. Hindi pa rin ako nakakabawi ng tulog since last shoot. Pakiramdam ko ay puyat na puyat pa rin ako. Iniisip ko tuloy kung paanong kinakaya ng mga tao dito ang ganitong routine. Magshu-shoot hanggang madaling-araw, minsan daw ay inuumaga pa then papasok pa sa office kinabukasan for their pre-prod meeting.Pagdating sa location ay inaya akong pumwesto na sa mesa. Nagbreakfast muna ako kasabay ng mga kasama ko sa service kanina. Medyo palinga-linga ako dahil hindi ko pa napapansin si Direk. Yes, kailangang sanayin ko ang sarili ko sa pagtawag sa kanya ng Direk, mahirap na at baka madulas na naman ako. Mapahamak na naman ako ng sarili kong bibig. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin sa susunod.“Parating na ‘yu
Wow! Infairness ay medyo maaga kami mapa-pack up today. Alas onse pa lang pero patapos na kami agad. Ang saya lang. Naisip ko na makakatulog ako ng mahaba since sa hapon pa naman ang klase ko the next day. Makakabawi rin ako sa puyat.Sabi ng mga kasama ko dito ay ganito naman daw lagi si Direk. Mabilis magtrabaho kaya naman gustong gusto nilang lahat ito. Huwag lang daw talaga na sobrang nakaka stress na mga eksena dahil nagtatransform si Direk into a dragon. Inaabot lang daw ng madaling araw or umaga kapag kumplikado ang mga eksena just like last time, pang-pilot episode kasi ang mga iyon kaya kailangang mabusisi.“Raq!” Narinig kong tawag ni Direk Juls kay Ate Raq na katabi ko ngayon. Nagliligpit na kami ng mga gamit, tumutulong ako dahil doon ako sa service nakasakay kasabay nila. “Sasabay daw sana sina Tita Pearl at iyong dalawang talent na kasama niya. Pinauwi na daw kasi niya iyong driver niya kanina dahil nanganak ang asawa. Kay
Thursday, meaning ay may klase ako. Buti na lang at hapon pa. Kaya kahit medyo kulang sa tulog ay pinilit ko ang katawan ko na pasukan ang klase ko ngayon.Nakaupo ako dito sa bench habang hinihintay ang mga kaibigan ko na nagpaalam na sandaling may bibilhin sa canteen. Binubuklat buklat ko ang libro kong hawak pero hindi ako makapag concentrate sa pagbabasa. Hindi ko naiwasang balikan ang mga nangyari kagabi, rather kanina pala.Ramdam ko ang medyo pagbilis ng pagdadrive niya kaysa kanina. Alam ko, pareho kami ng nararamdaman sa ngayon kaya naman kahit mahirap ay pinilit ko ang sarili ko na huwag lumingon sa gawi niya dahil baka kung saan pa kami humantong, or worst ay baka maaksidente pa kami.Pakiramdam ko ay sobrang tagal ng biyahe namin bago pa man kami makarating sa bahay niya. Nang sa wakas ay maipasok niya sa gate ang kotse niya ay walang sali-salita niya akong kinabig. Mainit na halik uli, tila ba doon nakasalalay ang ekonomiy