Chapter 14
Last pung. Last sequence) Nagkakasiyahan na ang lahat dahil naging masaya at maayos ang unang araw ng shoot. Siyempre, masaya din ako dahil marami akong natutunan ngayong aarw na ito. Hindi naman pala boring magtrabaho dito, isip ko. Akala ko ay hindi ako mag eenjoy noong umpisa pero kabaligtaran ang nangyari. Masaya din ako na naging maayos naman ang pakikisama ng lahat sa akin, except him.
Ewan ko ba, may pakiramdam akong galit sa akin si Tisoy. Tuwing nakikita ko siyang nakatingin sa akin ay may hindi maipaliwanag sa mga mata niya. Hindi ko alam kung galit ba iyong nakikita ko o inis. Pero naisip ko, nakit naman siya magagalit sa akin? Anong pwedeng dahilan?
Dahil ba alam ko ang sikreto niya? Dahil alam kong bukod sa pagdidirek niya ay alam kong suma sideline pa siya? Hindi ko naman ipagkakalat iyon ah. Hindi ko ipagsasabi kanino man na minsan ko siyang nakitang nagsasayaw sa isang gay bar.
Ang hindi ko maintindihan at kanina ko pa ini
“Ano Rekdi, kamusta kagabi? Parang may laman ang pagtatanong sa akin ni Juls. Nandito kami sa production office dahil mayroon kaming pre-production meeting.‘Anong kamusta? Eh hindi ba at magkakasama naman tayo kagabi?” takang tanong ko dahil lahat naman sila ay kasama ko sa shoot hanggang kaninang madaling araw, kaya hindi ko makita ang point ng pangungumusta ni Juls sa akin ngayon.“Iyong after noon Rekdi, after pack-up.”“After?” saglit pa akong nag-isip. “Eh ‘di umuwi, nagpahinga, natulog.” Balewala kong sagot. Hindi ko alam kung saan papunta itong usapang ito. I don’t really mind iyong pagtatanong nila, sa tagal ba naman naming magkakasama. Para na kami isang pamilya, pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako tinatanong ng ganito ngayon.“Balita namin hinatid ka ni Stacy sa bahay ninyo.” Hindi na yata nakatiis na singit ni Jonathan na kanina lang a
Second day ng shoot, this time ay nakisabay na ako sa service dahil sa Tanay pa ang location, malayo at siguradong hindi ako pamilyar sa daan papunta. Dahil medyo malayo ang location ay hindi ko naiwasan ang makatulog habang nasa biyahe. Hindi pa rin ako nakakabawi ng tulog since last shoot. Pakiramdam ko ay puyat na puyat pa rin ako. Iniisip ko tuloy kung paanong kinakaya ng mga tao dito ang ganitong routine. Magshu-shoot hanggang madaling-araw, minsan daw ay inuumaga pa then papasok pa sa office kinabukasan for their pre-prod meeting.Pagdating sa location ay inaya akong pumwesto na sa mesa. Nagbreakfast muna ako kasabay ng mga kasama ko sa service kanina. Medyo palinga-linga ako dahil hindi ko pa napapansin si Direk. Yes, kailangang sanayin ko ang sarili ko sa pagtawag sa kanya ng Direk, mahirap na at baka madulas na naman ako. Mapahamak na naman ako ng sarili kong bibig. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin sa susunod.“Parating na ‘yu
Wow! Infairness ay medyo maaga kami mapa-pack up today. Alas onse pa lang pero patapos na kami agad. Ang saya lang. Naisip ko na makakatulog ako ng mahaba since sa hapon pa naman ang klase ko the next day. Makakabawi rin ako sa puyat.Sabi ng mga kasama ko dito ay ganito naman daw lagi si Direk. Mabilis magtrabaho kaya naman gustong gusto nilang lahat ito. Huwag lang daw talaga na sobrang nakaka stress na mga eksena dahil nagtatransform si Direk into a dragon. Inaabot lang daw ng madaling araw or umaga kapag kumplikado ang mga eksena just like last time, pang-pilot episode kasi ang mga iyon kaya kailangang mabusisi.“Raq!” Narinig kong tawag ni Direk Juls kay Ate Raq na katabi ko ngayon. Nagliligpit na kami ng mga gamit, tumutulong ako dahil doon ako sa service nakasakay kasabay nila. “Sasabay daw sana sina Tita Pearl at iyong dalawang talent na kasama niya. Pinauwi na daw kasi niya iyong driver niya kanina dahil nanganak ang asawa. Kay
Thursday, meaning ay may klase ako. Buti na lang at hapon pa. Kaya kahit medyo kulang sa tulog ay pinilit ko ang katawan ko na pasukan ang klase ko ngayon.Nakaupo ako dito sa bench habang hinihintay ang mga kaibigan ko na nagpaalam na sandaling may bibilhin sa canteen. Binubuklat buklat ko ang libro kong hawak pero hindi ako makapag concentrate sa pagbabasa. Hindi ko naiwasang balikan ang mga nangyari kagabi, rather kanina pala.Ramdam ko ang medyo pagbilis ng pagdadrive niya kaysa kanina. Alam ko, pareho kami ng nararamdaman sa ngayon kaya naman kahit mahirap ay pinilit ko ang sarili ko na huwag lumingon sa gawi niya dahil baka kung saan pa kami humantong, or worst ay baka maaksidente pa kami.Pakiramdam ko ay sobrang tagal ng biyahe namin bago pa man kami makarating sa bahay niya. Nang sa wakas ay maipasok niya sa gate ang kotse niya ay walang sali-salita niya akong kinabig. Mainit na halik uli, tila ba doon nakasalalay ang ekonomiy
Friday ngayon, meaning shoot day. Dinaanan ko sina Ida at Apz sa mga bahay nila para isama sa location ngayon sa Pasig. Nagulat ako na parehong silang ayos na ayos, malayo sa hitsura nila kapag ordinaryong araw. Feeling ko ay nagmukha akong driver nila ngayon, naka simpleang tshirt lang kasi ako at saka jeans. Usual get up ko kapag nagpupunta sa shoot.Halos sumakit na ang tenga ko sa kuwentuhan nila tungkol kina A at M. Kung makapagpalitan ng kwentuhan ay akala mo hindi pareho ng binabasang article, iisa lang naman. Pero kahit papano ay natutuwa ako sa kanila, medyo nakakalimutan ko ang kabang nararamdaman ko ngayon sa muli naming pagkikita ni Direk. Hindi ko alam kung paano aakto pagkatapos ng may muntik na namang mangyari sa amin noong nakaraan.Nang inihinto ko ang kotse ay hinarap ko sila saka binilinan. “Basta girls behave lang kayo ha. Hintayin natin ang go signal na puwede na kayong lumapit sa kanila. Bawal ang pasaway.”Inaya k
“Alam mo nakakainis kayong dalawa!” naiinis kong sabi sa mga kaibigan ko habang sinasamahan sila pabalik sa sasakyan ko. Doon muna sila habang wala pa sina A at M.“Bakit? Ano ba ang ginawa namin para mainis ka sa amin ng ganyan?” Si Ida na akala mo walang alam.“Baka dahil sa sinabi natin na ayaw niya sa tisoy at bumbayin ang talagang gusto niya.”“Bakit? Totoo naman iyon ah. Ganoong mga tipo naman talaga ang gusto mo, wala akong natatandaang nagka crush ka sa isang tisoy.” Himig paninisi pa ang maririnig kay Ida ngayon.“Pero Stacy, gwapo iyong si Sir Sam ah. Aminin mo, type mo ano?” panunukso sa akin ni Apz na pereho nilang ikinatili. Sarap talagang sabunutan ng dalawang ito.Tiningnan ko sila ng masama. “Hindi pa tayo tapos.” Pananakot ko sa kanila. “Baka gusto niyong hindi makalapit sa mga idol ninyo.” Dagdag ko pa, pero siyempre ay joke lang iyon
Back to work na, alam kong hindi pa tapos ang PT issue kahit na pinapaliwanagan ko na ang mga tao ko. Pero alam ko na kahit papaano at titigilan na muna nila ang mga nanunuksong tingin nila kay Stacy. Naaliw na naawa ako sa kanya kanina noong magsalita ang mga kaibigan niya. Pulang pula ang mukha niya kaya naman matindi ang hangarin kong hilahin siya para yakapin siya kanina, matinding pagpipigil lang ang ginawa ko sa sarili ko.Speaking of PT, ano na kayang nangyari sa mga iyon? Nakalimutan ko na nga palang itanong sa kanya ang tungkol doon. Sana naman ay ginamit niya. Wala naman talaga akong balak na bilhan siya ng madaling araw na pauwi kami, kaya lang ay nainis ako sa kanya. Halatang napipilitan lang siya na kibuin ako kaya naisipan kong gawin iyon. Alam ko na medyo off ‘yung ginawa ko pero nakuha ko naman ang atensyon niya.Pero kailangan ko talaga siyang tanungin tungkol doon, mahirap na. Hindi ako protected ng gabing iyon at hindi lang isang
“Stacy, pasabay ako ha. Sige na please, ang hirap kasing magcommute dahil Saturday.” Sabi ni Apz sa akin, hindi kasi pumasok si Ida ngayon dahil maysakit kaya ako ang kinukulit niya. Nandito kami nakatambay sa gazebo dahil maagang nadismiss ang klase. May biglaang meeting daw ang mga professor ngayong araw.“Pero wala akong dalang kotse,” hindi tumitinging sagot ko kay Apz habang patingin tingin ako sa relo ko.Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako, “Seryoso? Ikaw? Wala kang dalang kotse? As in magco-commute ka?”“Grabe ka naman maka-react diyan, para namang napakarami naming kotse at imposible na magcommute ako ngayon.”“Eh kasi naman, parang hindi ikaw. Ayaw na ayaw mong magcommute kasi nga may trauma ka na dahil once ka nang natsansingan sa jeep.”“Pwede naman na magbook ako ng grab o kaya may pila naman ng taxi sa labas.”“Pero bakit nga ba hind