“Alam mo nakakainis kayong dalawa!” naiinis kong sabi sa mga kaibigan ko habang sinasamahan sila pabalik sa sasakyan ko. Doon muna sila habang wala pa sina A at M.
“Bakit? Ano ba ang ginawa namin para mainis ka sa amin ng ganyan?” Si Ida na akala mo walang alam.
“Baka dahil sa sinabi natin na ayaw niya sa tisoy at bumbayin ang talagang gusto niya.”
“Bakit? Totoo naman iyon ah. Ganoong mga tipo naman talaga ang gusto mo, wala akong natatandaang nagka crush ka sa isang tisoy.” Himig paninisi pa ang maririnig kay Ida ngayon.
“Pero Stacy, gwapo iyong si Sir Sam ah. Aminin mo, type mo ano?” panunukso sa akin ni Apz na pereho nilang ikinatili. Sarap talagang sabunutan ng dalawang ito.
Tiningnan ko sila ng masama. “Hindi pa tayo tapos.” Pananakot ko sa kanila. “Baka gusto niyong hindi makalapit sa mga idol ninyo.” Dagdag ko pa, pero siyempre ay joke lang iyon
Back to work na, alam kong hindi pa tapos ang PT issue kahit na pinapaliwanagan ko na ang mga tao ko. Pero alam ko na kahit papaano at titigilan na muna nila ang mga nanunuksong tingin nila kay Stacy. Naaliw na naawa ako sa kanya kanina noong magsalita ang mga kaibigan niya. Pulang pula ang mukha niya kaya naman matindi ang hangarin kong hilahin siya para yakapin siya kanina, matinding pagpipigil lang ang ginawa ko sa sarili ko.Speaking of PT, ano na kayang nangyari sa mga iyon? Nakalimutan ko na nga palang itanong sa kanya ang tungkol doon. Sana naman ay ginamit niya. Wala naman talaga akong balak na bilhan siya ng madaling araw na pauwi kami, kaya lang ay nainis ako sa kanya. Halatang napipilitan lang siya na kibuin ako kaya naisipan kong gawin iyon. Alam ko na medyo off ‘yung ginawa ko pero nakuha ko naman ang atensyon niya.Pero kailangan ko talaga siyang tanungin tungkol doon, mahirap na. Hindi ako protected ng gabing iyon at hindi lang isang
“Stacy, pasabay ako ha. Sige na please, ang hirap kasing magcommute dahil Saturday.” Sabi ni Apz sa akin, hindi kasi pumasok si Ida ngayon dahil maysakit kaya ako ang kinukulit niya. Nandito kami nakatambay sa gazebo dahil maagang nadismiss ang klase. May biglaang meeting daw ang mga professor ngayong araw.“Pero wala akong dalang kotse,” hindi tumitinging sagot ko kay Apz habang patingin tingin ako sa relo ko.Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako, “Seryoso? Ikaw? Wala kang dalang kotse? As in magco-commute ka?”“Grabe ka naman maka-react diyan, para namang napakarami naming kotse at imposible na magcommute ako ngayon.”“Eh kasi naman, parang hindi ikaw. Ayaw na ayaw mong magcommute kasi nga may trauma ka na dahil once ka nang natsansingan sa jeep.”“Pwede naman na magbook ako ng grab o kaya may pila naman ng taxi sa labas.”“Pero bakit nga ba hind
Nagising ako nang maramdaman ko na may nakatingin sa akin, pagdilat ko ay tama nga ang pakiramdam ko. Mataman na naman niya akong tinititigan, para bang mawawala ako sa harapan niya kung kukurap siya. Luminga muna ako sa paligid at naguluhan nang makita ang hindi pamilyar na tanawin sa labas. Napatuwid pa ako ng upo nang mapansin na medyo may kadiliman na pala, mukhang napahaba ang pagtulog ko. “Nasaan na po tayo?” tanong ko kay Direk.Umayos muna siya sa pagkakaupo bago ako sinagot, “nasa Antipolo tayo, I hope you don’t mind na dito kita dinala.”Tumango tango ako saka bahagyang pinasadahan ng hagod ang buhok ko. Sigurado akong magulo na iyon dahil sa pagtulog ko. Kukunin ko pa sana ang compact mirror ko sa bag nang bumukas ang pintuan sa tabi ko. Hindi ko namalayan na nakababa na pala si Direk ng sasakyan. Wala na akong nagawa kung hindi ang ipagpaliban ang pagsipat sa hitsura ko, agad ko nang inabot ang kamay niya na handa
Tahimik ang naging biyahe namin pauwi. Namalayan ko na lang na inihinto niya ang kotse sa harapan ng bahay namin na ipinagtaka ko. May piping hiling ang puso ko na hindi pa sana matapos ang gabing ito sa amin. Masyado akong nag-enjoy sa pagkwekwentuhan naming dalawa.“Teka, bakit dito? Bahay po namin ito ah.”“Alam ko, inaangkin ko ba?” papilosopo niyang sagot kaya naman inirapan ko siya bilang sagot.“Para ma-meet ko ang parents mo. At saka nabanggit kasi ni Raq na masarap kang magluto ng pasta, nagbaon ka raw last time. Ang daya mo nga, hindi mo man lang ako pinatikim.”“Iba naman po ang tinikman n’yo noon,” bulong ko.“Ano? Did I hear it right?”“Wala po.” Pagkakaila ko. “Wala naman po akong sinabi. Mabuti pa po ay bumaba na tayo, pasalamat na lang po talaga kayo at laging kumpleto ang ingredients ko rito sa bahay.”Inalalayan ni
Maaga pa lang, sobrang aga pa to the point na nauna pa ako sa alarm clock ko. Ganito yata talaga kapag sobrang excited, kahit pa napuyat ako sa pag iisip ng mga nangyari kahapon at posibleng mangyari ngayon ay maaga pa rin akong nagising. Medyo magulo pa sa akin ang nangyayari, mayroon pang hindi klaro. Mayroon pa ako na hindi maintindihan sa sitwasyon, ang tanging sigurado ko lang ay masaya ako kapag kasama ko si Direk, na parang nakukumpleto na ang buong araw ko kapag nakikita ko siyang nakangiti sa akin. Nandoon pa rin ang hindi pamilyar na kaba pero mas nananaig ang excitement sa tuwing nakakasama ko siya.Saka ko na nga iisipin ang lahat ng ito, ie-enjoy ko na muna ang mga oras na magkasama kami. Mayamaya pa ay narinig ko na ang pagtunog ng doorbell, ibig sabihin ay dumating na siya para sunduin ako katulad ng sinabi niya kagabi. Hinga muna ng malalim, dinampot ko ang bag ko saka lumabas na ng kuwarto. Naabutan ko si Direk na pinaupo na ni Manang, hindi nat
Tahimik kaming naglakad pabalik sa kotse niya. Nagsimulang maging tahimik si Direk habang kumakain kami, saglit lang siyang nakipagkwentuhan kay Luke pagkatapos ay nagyaya na siyang umalis na akala mo ay nawala sa mood. Kahit ngayong pinaandar na niya ang kotse ay nananatili pa rin siyang hindi nagsasalita. Wala iyong usual niyang pagiging makulit, wala iyong nakasanayan kong pagbibiro niya kaya naninibago ako.Nag umpisa lang naman siyang manahimik noong hindi ko sinagot ang tanong niya tungkol sa PT na binigay niya sa akin noon. Ano namang isasagot ko? Sa hindi ko pa naman talaga ginamit, at wala namang dahilan para gamitin ko iyon dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba. Katawan ko ito kaya alam ko kung may nagbago sa akin, so far ay wala naman kaya panatag ako na hindi na kailangang gamitin ang mga iyon.“Ihahatid na kita sa bahay ninyo ha.” Basag niya sa katahimikan pero hindi pa rin ako nililingon. Nagtataka man ay tinanguan ko na l
Monday, na-late ako ng dating sa location namin sa Fairview. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay na gagamitin for the shoot today.Nakita ko si Ate Raq na nakikipag usap sa boyfriend niya kaya binati ko siya. “Good morning ate,” bati ko.“Uy Stacy, good morning. Parang iba ang aura mo ngayon, may sakit ka ba?” umiling lang ako bilang sagot. “Dumiretso ka na sa dining, nandoon silang lahat. Medyo lumayo ka lang ng konti kay Rekdi at kanina pa mainit ang ulo.”Nagtaka ako sa sinabi niya, noong hinatid naman ako kagabi ni Direk ay okay na okay siya. Ano kaya ang naging problema? Baka work related o baka naman dahil hindi siya nakakaraket dahil dalawang araw din kaming parating magkasama? Baka hinahanap ng katawan niya ang pagsasayaw doon, may nabasa akong tungkol sa ganoon.Nginingitian ko ang bawat taong nasasalubong ko saka tuloy-tuloy nang pumunta sa dining. Nagugutom na rin ako dahil hindi ako nak
Panibagong araw, kahit na alam ko na wala namang masyadong gagawin sa school dahil Intrams ay pumasok pa rin ako. Sayang din ang attendance, may extra points din iyon kaya kahit hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam ko ay sumige pa rin ako sa pagpasok.Nandito lang kami sa loob ng classroom, kung anu-ano ang ginagawa ng mga kasama ko rito. Kanya kanyang umpukan dahil umalis na rin naman agad ang professor namin.“So, friend ano na ang status ninyo ni Direk Richard?” tanong sa akin ni Apz. Pandidilatan ko sana siya pero huli na, narinig na siya ni Ida.“Status? Anong status?” takang tanong nito. Wala kasi siya noong Sabado kaya wala siyang idea kung ano ang nangyari that day.“Wala lang iyon, huwag ka ngang maniwala diyan kay Apz. Nang-iintriga lang iyan.” Pagde-deny ko pa.“Ah, so may lihimang nangyayari?” Kunwari ay may himig na pagtatampong sabi ni Ida, nakonsensya naman tuloy ako.