Tahimik kaming naglakad pabalik sa kotse niya. Nagsimulang maging tahimik si Direk habang kumakain kami, saglit lang siyang nakipagkwentuhan kay Luke pagkatapos ay nagyaya na siyang umalis na akala mo ay nawala sa mood. Kahit ngayong pinaandar na niya ang kotse ay nananatili pa rin siyang hindi nagsasalita. Wala iyong usual niyang pagiging makulit, wala iyong nakasanayan kong pagbibiro niya kaya naninibago ako.
Nag umpisa lang naman siyang manahimik noong hindi ko sinagot ang tanong niya tungkol sa PT na binigay niya sa akin noon. Ano namang isasagot ko? Sa hindi ko pa naman talaga ginamit, at wala namang dahilan para gamitin ko iyon dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba. Katawan ko ito kaya alam ko kung may nagbago sa akin, so far ay wala naman kaya panatag ako na hindi na kailangang gamitin ang mga iyon.
“Ihahatid na kita sa bahay ninyo ha.” Basag niya sa katahimikan pero hindi pa rin ako nililingon. Nagtataka man ay tinanguan ko na l
Monday, na-late ako ng dating sa location namin sa Fairview. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay na gagamitin for the shoot today.Nakita ko si Ate Raq na nakikipag usap sa boyfriend niya kaya binati ko siya. “Good morning ate,” bati ko.“Uy Stacy, good morning. Parang iba ang aura mo ngayon, may sakit ka ba?” umiling lang ako bilang sagot. “Dumiretso ka na sa dining, nandoon silang lahat. Medyo lumayo ka lang ng konti kay Rekdi at kanina pa mainit ang ulo.”Nagtaka ako sa sinabi niya, noong hinatid naman ako kagabi ni Direk ay okay na okay siya. Ano kaya ang naging problema? Baka work related o baka naman dahil hindi siya nakakaraket dahil dalawang araw din kaming parating magkasama? Baka hinahanap ng katawan niya ang pagsasayaw doon, may nabasa akong tungkol sa ganoon.Nginingitian ko ang bawat taong nasasalubong ko saka tuloy-tuloy nang pumunta sa dining. Nagugutom na rin ako dahil hindi ako nak
Panibagong araw, kahit na alam ko na wala namang masyadong gagawin sa school dahil Intrams ay pumasok pa rin ako. Sayang din ang attendance, may extra points din iyon kaya kahit hindi pa masyadong maayos ang pakiramdam ko ay sumige pa rin ako sa pagpasok.Nandito lang kami sa loob ng classroom, kung anu-ano ang ginagawa ng mga kasama ko rito. Kanya kanyang umpukan dahil umalis na rin naman agad ang professor namin.“So, friend ano na ang status ninyo ni Direk Richard?” tanong sa akin ni Apz. Pandidilatan ko sana siya pero huli na, narinig na siya ni Ida.“Status? Anong status?” takang tanong nito. Wala kasi siya noong Sabado kaya wala siyang idea kung ano ang nangyari that day.“Wala lang iyon, huwag ka ngang maniwala diyan kay Apz. Nang-iintriga lang iyan.” Pagde-deny ko pa.“Ah, so may lihimang nangyayari?” Kunwari ay may himig na pagtatampong sabi ni Ida, nakonsensya naman tuloy ako.
Araw ng shoot ngayon. Dahil medyo late ang calltime kaya hindi ko kinailangang gumising ng sobrang aga katulad ng mga nakaraang shoot. Since coding ang kotse ko ngayon, nag-grab na lang ako papunta sa location namin. Mabuti na lang at malapit lang iyon, sa may Quezon Avenue lang daw. Buti na lang talaga at hindi na ako nakakaramdam ng pagkahilo ngayon. Kailangan ko na sigurong magpa check-up sa doctor at baka anemic na naman ako katulad nang dati.Pagbaba ng grab car ay hindi ko naiwasang kabahan nang makita kung nasaan ako ngayon. Paano ba naman, may naalala ako sa location namin ngayon. Kailangan ba talagang sa isang bar kami ngayon, hindi ordinaryong bar kung hindi katulad ng isang napuntahan ko noong gabi na iyon.Matagal lang akong nasa labas, hindi pansin ang paglabas masok ng mga crew na may buhat na kung anu-anong equipment. Nagdadalawang isip akong pumasok, feeling ko ay ipagkakanulo ko ang sarili ko once tumapak ako sa lugar na ito. Nakatingin l
Saktong pagkabalik ko mula sa sasakyan ay nakita ko si Stacy sa entrance ng bar, alam ko mula sa pagkakatitig niya sa signage ay may naalala siya sa lugar na ito. May mga ala-alang bumalik sa isipan niya, katulad ng mga naalala ko kanina pagkarating ko sa location.“Memories?” Hindi ko naiwasang itanong mula sa kanyang likuran. “Bakit ayaw mo pang pumasok? May naalala ka ano?” dagdag ko pa. Napilitan na akong unahan siya sa paghakbang dahil hindi niya man lang ako tinapunan kahit na isang saglit na sulyap. Pero imbes na ngiti ay isang irap ang natanggap ko mula sa kanya, saka mabilis akong nilampasan.Hahabulin ko pa sana siya at sasabayan sa pagpunta sa breakfast table nang makita ko siyang masayang sinalubong ni Sam. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawang pag alalay ni Sam sa siko ni Stacy samantalang papunta lang naman sila sa kinaroroonan ni Raq. Maayos naman ang kulay niya ngayon, malayo sa pamumutla niya noong nakaraang araw ka
Lumingon akong muli sa pinanggalingan ko kaya naman kitang kita ko ang tingin niya sa akin. Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko na sanang bigyan ng kahulugan ang klase ng tinging iyon, ayaw ko nang umasa, ayaw ko nang masaktan. Ayoko nang manghula sa kung ano ang mayroon kami, nagmumukha lang akong tanga, nagmumukha lang akong assumera.Pero ano na naman ang ibig sabihin ng halik na iyon? Bakit gusto na namang umasa ng puso ko? At ano iyong sinabi niya? Kung bibigyan ko ba siya ng karapatan ay bibigyan ko siya? Bakit, hihingi nga ba siya? Gusto ba talaga niya ng karapatan? At bakit ko ba pinoproblema ito, masisira lang nito ang focus ko sa goal na sinet ko para sa sarili ko.Hingang malalim, iyon muna ang ginawa ko. May iba pa pala akong dapat ipag-alala. Paano kung nakita ni Ate Raq na magkasama kami ni Direk, anong ipapaliwanag ko sa kanya? Worst is, paano kung nakita niya kung ano ang ginagawa namin?I felt relieve nang makalapit kay Ate, mukha n
“Feel at home ha.” Sabi niya sa akin nang makapasok kami sa bahay niya. Nagpatiuna siya sa akin paakyat at saka dinala ako sa isang kuwarto. “Ayos lang ba sa iyo ito? Kaya lang ay walang banyo dito sa loob ha, you have to go sa dulo ng hallway.” Saglit siyang nag isip tapos ay muling nagsalita, “Pwede ka rin namang doon na lang sa kwarto ko, may sariling banyo doon, may bathtub pa.”Napahinto ako pagkarinig sa sinabi niya. Biglang may eksenang pumasok sa isipan ko.“Uy, naalala niya.” Tudyo niya sa akin nang mapansin niya ang naging reksyon ko sa sinabi niya. “Iyan, nag-blush na naman siya. Siyempre ay joke lang iyon. Hindi ba at nagpromise naman ako sa iyo na behave ako. Pero kapag pinilit mo ako, wala naman akong magagawa.” Irap uli ang isinagot ko sa kanya.Pero paano ko ba masasabi sa kanya ang problema ko? May dala akong toiletries, undies at extra shirt at pants. Pero wala akon
“So, what do you like to eat?” tanong niya nang pareho na kaming nakadulog sa hapag.Tiningnan ko ang mga pagkaing nasa mesa na nakalimutan namin kanina pagkatapos ay muli ko siyang tiningnan para sabihin kahit ano pero inunahan niya ako.“Teka lang, sinasabi ko sa iyo ha hindi ako kasama sa pagpipilian. Kumain ka na muna before mo ‘yan i-consider.”Nakatikim tuloy siya ng isang pinong kurot sa tagiliran.“Naku! Huwag mo muna akong hawakan, utang na loob. Pinagbigyan lang kita sa time-out dahil alam kong gutom na gutom ka na.”Inirapan ko tuloy siya dahil doon, so kaya lang pala talaga kami tumigil ay dahil sa gutom na ako. May pakiramdam naman talaga ako kanina na ayaw niya pang tumigil, na balak niya pa na magpatuloy kami sa kuwarto niya. Kaya lang ay narinig niya ang pagkalam ng sikmura ko, nakonsensya yata kaya pinagbigyan muna akong kumain. Nakakaubos naman talaga ng lakas at nakakagutom
“Ano na Stacy, sama ka sa amin magpunta sa mall?” maaga uli kami ngayon kumpara sa normal naming dismissal kaya nag aaya sina Ida at Apz na magpunta sa mall at manood na rin sine pagkatapos mamasyal. Magrelax daw muna kami dahil pare-pareho kaming stressed sa kanya kanya naming practicum. Isa pa ay matagal na rin kaming hindi nakakapag bonding magkakaibigan. Pero kasi naman, may iba akong lakad ngayon.“Hindi kasi ako pwede.” Sa isip ko ay nag iisip na akong magandang idadahilan sa kanila.Panay ang tingin ko sa cellphone ko habang kausap ko ang mga kaibigan ko, paano ba naman ay kanina pa text ng text itong boyfriend ko. Napangiti ako sa isiping iyon. Yes, finally ay nagkaintindihan na kaming dalawa, boyfriend ko na siya at girlfriend na niya ako. Sa dami ng mga nangyaring pakiramdaman sa pagitan namin, nagkaaminan rin kami. Kahit pa na matindi ang kagustuhan ko na sana ay pareho kami ng nararamdaman, hindi pa rin nawala ang takot