“Good afternoon Rekdi.” Bati sa akin ni Racquel, ang production assistant namin. Rekdi ang tawag nila sa akin for an obvious reason, binaligtad na direk.
Tinanguan ko lang siya saka inabot ang papel na ibinigay niya sa akin. Successful ang story conference na naganap last week kahit pa na-late ako ng dating noong araw na iyon. At ngayon nga ay unang araw ng Pre-production namin. Pagmi-meetingan ang mga dapat ihanda sa araw ng shoot.
Next week ay start na ng shoot namin kaya naman aligaga na kami, kailangang plantsado na ang lahat bago pa man mag umpisa. Pinakaayaw ko sa lahat na mahahassle sa mismong araw ng trabaho.
“Juls.” Baling ko sa assistant director ko, habang pinapasadahan ng tingin ang sequence breakdown na inibot sa akin ni Racquel. “Nainform na ba si Jonathan sa schedule ng taping natin? Baka mamaya ay late ang mga artista niya ha, lalo na yang si Jc. Balita ko ay napakahinhin niyang kumilos.” Tukoy ko sa isang acto
Chap 7"Good afternoon po. Ako po yung practicumer na pinapapunta ni Ms. Perez. Nandito po ba si direk Richard?" Dali dali kong sabi sa mga taong nadatnan ko after kong kumatok at buksan ang glassdoor.Kasi naman sabi ni kuyang guard dumiretso na daw ako sa loob. Hindi ko alam kung tamang pinto ba ang binuksan ko pero dahil ito ang unang pintuan na nakita ko kaya heto ako ngayon. Nag aalangan man ay nilakasan ko ang loob ko.Bigla akong nakaramdam ng hiya noong sabay sabay silang tumingin sa kinatatayuan ko at tila ba nagtataka. Akala mo alien ako na pinasok ko ang sarili nilang mundo. Parang lalo pa akong nahiya, paano ba naman ay very obvious ang mantsa sa blouse ko na natapunan ng juice na iniinom ko habang nagdadrive, nagkataon pang wala akong dalang spare blouse. Kaya kaysa naman ma-late, gumora na din ako.Tumayo ang isang bumbayin na lalaki at lumapit sa akin.
“Dad, aalis ka na naman?” Natuwa na sana ko dahil sa wakas ay naabutan ko siya dito sa bahay pero nawala agad ang sayang naramdaman ng mapansin ko ang bag na dala dala niya. Excited pa mandin sana akong ipaalam sa kanya na nakakuha na ako ng internship, kahit pa hindi iyon ang talagang plano ko noong una.“Andyan ka na pala, mabuti at naabutan mo ako. Ikaw na muna ang bahala dito at may conference lang akong dadaluhan sa Singapore. Isasama ko na rin ang Tita Alice mo para naman makapamasyal na rin siya.” Tukoy niya sa sekretaryang ngayon ay papakasalan na raw. “Nagtatampo na sa akin iyon at hindi ko siya naipapasyal lately dahil ang daming trabaho sa opisina.”“Mabuti pa si Tita Alice, kapag nagtatampo bumabawi ka. Sa akin kaya dad, kailan ka babawi? Kailan ka magkakaroon ng oras para sa akin?” hindi ko na naiwasang manumbat. Masyado nang mabigat ang nararamdaman kong pagtatampo. Alam kong hindi siya ganito, hindi niya ak
“Sino?” halos mabingi ako sa lakas ng pagpapaulit sa akin ni Apz nang sabihin ko kung sino ang director ng teleserye na pagprapracticuman ko. Mukhang hindi pa nasiyahan na malakas ang boses niya, tumayo pa talaga ang kaibigan kong ito sa aking harapan. Nandito kami sa gazebo ng university dahil vacant namin. May isang oras pa bago magsimula ang journalism subject namin na siyang pinakapaborito ko. Balak ko sanang magbasa ng notes ko habang naghihintay ng oras pero mukhang Malabo ko ng magawa iyon, paano ba naman ay tila nag hyper ventilate ang kaibigan ko mula ng marinig ang sinabi ko. “Direk Richard Asuncion daw ang pangalan noong director doon sa teleserye.” Pag-uulit ko naman kahit na hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagliwanag ang mga mata ng mga kausap ko pagkabanggit sa pangalan ng director, akala mo ay magandang balita ang dala dala ko sa kanila. “Seryoso ka Stacy? Wala ka man lang reaksyon diyan. Hindi mo kilala si Direk R
Chapter 10 Final pre-prod meeting na ngayon bago mag umpisa ang shoot. Kailangan na plantsado na ang lahat bago magstart mag shoot lalo pa at medyo mabusisi ang gagawing pilot episode. Ito ang pinaka importanteng part ng isang programa. Dito makikita ang magiging impression ng audience sa programa. "Ahmmm, Rekdi." pukaw ni Jonathan sa atensyon ko. "Yes Jonathan? Don't tell me na may conflict na agad sa sched ng mga artista mo?" bilang isang talent coordinator ay ayusin ang schedules ng mga artistang kailangan sa set. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat, hindi pa man nag uumpisa ay may hassle na, bad vibes sabi nga ng iba. “Nakikiusap kasi ang manager ni A.” tukoy niya sa bidang lalaki namin. “Baka pwedeng mahiram si A ng kahit tatlong oras lang. May book launch lang kasi s’ya sa Galle. Sa hapon pa naman iyun rekdi, tengga t
Chapter 11“Hello po, Sir Sam.” Bungad ko pagsagot niya sa telepono. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago muling magpatuloy sa pagsasalita. “Medyo male-late po ako. Nagloko lang po kasi ang sasakyan ko.” Saglit akong nakinig sa sinasabi niya sa kabilang linya. “No sir, ayos lang po ako, tinopak lang po ito. Ganito kasi talaga minsan ang sakit nitong kotse ko, kailangan lang pong palamigin muna ang makina.” Nagsalita uli siya sa kabilang linya. “Yes po. Pasensiya na po talaga but I think medyo malapit na rin po ako sa location.” Nanghihina kong tinapos ang tawag, buti na lang talaga at nai-save ko ang cellphone number ni sir Sam noong magtext siya about sa pull-out.Kung kailan naman talaga ako nagmamadali dahil today ang unang araw ng shoot saka naman nagka aberya ng ganito. Bigla na lang huminto at ayaw magstart. “Napakagaling mo talaga tumayming!” hindi ko napigilang kausap sa sasakyan k
"Pasensya na po kayo at na-late ak-“ magpapaliwanag sana ako kung bakit ako na-late dahil hindi ko matanggap ang mga narinig kong sinabi niya tungkol sa akin. Pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, para bang saglit kong nalimutan ang dapat na paliwanag ko noong humarap sa akin si Direk Richard, naumid na lang ang dila ko. How come? Hello earth?Pinaglalaruan ba talaga ako ng langit? Pero baka naman kamukha niya lang, paanong mangyayaring nandito si Tisoy? Yes, si Tisoy na nakasama ko noong gabing iyon. Paanong si Direk Richard at Tisoy ay iisa? Napailing ako, hindi ito totoo. Siguradong kamukha lang niya si Tisoy. Malabong mangyari iyon.But no, base sa shock na nakikita ko sa mga mata niya ay mukhang nagulat din siya, nagulat din siya na makikita at makakaharap niya ako dito.“Oh, hello Miss Practicumer. I am Direk Richard.” Hindi tulad ko, mukhang nakabawi na siya agad sa pagkabigla sa muli naming pagkikita. Nagawa niya pa akong ngitian
Chapter 13Maayos ko namang nagawa ang in-assign sa aking trabaho ni Ate Raq. Bagaman may idea na ako kung paano ang kalakaran ng shoot dahil sa course ko ay hindi ko pa rin maiwasang ma-amaze kung paanong ambibilis magsipagkilos ng mga tao dito.Nakilala ko na rin ang ibang tao dito bukod sa mga nakilala ko noong umattend ako sa pre-prod meeting dati, ang dalawang makukulit na cameraman na sina Kuya Mike at Kuya Eric. Parati nila akong binibiro kanina na nagagawa ko namang sakyan dahil puro harmless jokes lang naman ang mga iyon. Over all ay naging smooth naman ang first morning ko sa shoot kahit may aberyang nangyari kaninang umaga sa akin.Pagsapit ng lunchbreak ay bumalik ang kaba ko, kaniya-kanyang puwesto ang crew at staff. Hindi ko alam kung saan ako sasabay sa pagkain. Si Ate Raq pa lang ang naka-close ko pero nakuwento niya sa akin na lagi raw silang magkasabay kumain ng boyfriend niya. Ayoko naman na sumabay sa kanila dahil baka makaistorbo pa ak
Chapter 14Last pung. Last sequence) Nagkakasiyahan na ang lahat dahil naging masaya at maayos ang unang araw ng shoot. Siyempre, masaya din ako dahil marami akong natutunan ngayong aarw na ito. Hindi naman pala boring magtrabaho dito, isip ko. Akala ko ay hindi ako mag eenjoy noong umpisa pero kabaligtaran ang nangyari. Masaya din ako na naging maayos naman ang pakikisama ng lahat sa akin, except him.Ewan ko ba, may pakiramdam akong galit sa akin si Tisoy. Tuwing nakikita ko siyang nakatingin sa akin ay may hindi maipaliwanag sa mga mata niya. Hindi ko alam kung galit ba iyong nakikita ko o inis. Pero naisip ko, nakit naman siya magagalit sa akin? Anong pwedeng dahilan?Dahil ba alam ko ang sikreto niya? Dahil alam kong bukod sa pagdidirek niya ay alam kong suma sideline pa siya? Hindi ko naman ipagkakalat iyon ah. Hindi ko ipagsasabi kanino man na minsan ko siyang nakitang nagsasayaw sa isang gay bar.Ang hindi ko maintindihan at kanina ko pa ini