Home / Romance / Body Shot / Chapter 5

Share

Chapter 5

Author: Raquiza Sausa
last update Huling Na-update: 2021-10-22 17:24:40

“Arghh!” nagising akong masakit ang ulo. Dumagdag pa ang init ng araw na tumatagos mula sa blinds na nakatakip sa malaking bintana sa kuwarto ko.

Naalala ko ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko ngayon, medyo naparami yata ang nainom ko kagabi dagdag pa na wala pang laman ang sikmura  mula kahapon.

Dahil sa kaba ay hindi ko nagawang kumain, hindi ko alam kung paano ko mairaraos ang pagsayaw sa bar, hindi nga pala ordinaryong bar iyon kundi isang gay bar. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon at pagtanggap ng mga taong makakapanood sa gagawin ko kaya naman ay nakaisang boteng alak yata ako bago umakyat sa stage, nanghiram muna ako ng lakas ng loob sa espiritu ng alak. Noong sa tingin ko ay sapat na ang kapal ng mukha ko ay sinenyasan ko na ang manager na ready na akong magperform.

Sa lakas ng liwanag na tumatama sa stage ay hindi ko alintana ang mga taong alam kong tila handang sumagpang sa akin anumang oras. Full of confidence akong humarap at nagsimula ng dance routine na natutunan ko kanina lang din. Hindi naman sa pagmamayabang, alam ko naman na may ibubuga ang katawan ko para maging star dancer ngayong gabi. Ebidensya ang halos nakabibinging tili at sigaw ng mga tao doon, mga bakla, matrona, dalaga, halo halo na sila. Lalo pang lumakas ang sigawan nang mag umpisang mabasa ng shower ang buo kong katawan. Pinagbuti ko ang paggiling habang ninanamnam ang tubig na dumadaloy sa aking katawan, nagawa ko pang tumingala na para bang sarap na sarap ang aking pakiramdam. Iniisip na nasa sariling banyo at wala sa matao at maingay na lugar na iyon.

Sa kabila ng liwanag na bumubulag sa aking mga mata ay hindi ko naiwasang mapansin ang isang babaeng nag iisa sa kanyang puwesto. Bukod tangi na  siya lamang ang hindi humihiyaw sa kabila ng ingay sa paligid niya. Agad kong napansin ang lungkot sa mga mata niya noong saglit na magtama ang aming mga mata. Mas lalo ko pang ginalingan ang paggiling ng aking katawan, umaasang pagtuunan ako ng pansin ng babaeng iyon.

Mas lalo pa akong ginanahang ipakita ang talent ko sa pagsayaw noong muli ay mapansin kong hindi na humihiwalay ang tingin niya sa akin. Para bang nabato balani na siya at ayaw na niya akong lubayan ng tingin. Pwes lalo pa kitang babaliwin, matindi ang urge ko na mapansin niya. Pero bakit, anong dahilan? Dahil siguro may pakiramdam akong iba siya, naiiba siya sa lahat ng tao na nandito sa loob ng bar.

Pero ano itong nararamdaman ko, hindi ko maipaliwanag. Hindi ko kailanman naramdaman ang ganito. Sanay akong makahalubilo ang iba’t ibang klase ng tao dahil na rin sa nature ng aking trabaho pero bago sa akin ang lahat ng ito. Matindi ang pagnanais ko na umalis sa kinaroroonan at lapitan ang babaeng pumukaw sa aking isipan saka iaalis siya sa magulong mundo. Para bang nakalimutan ko pasumandali kung nasaan at ano ang ginagawa ko sa lugar na iyon.

Tila nagising ako ng marinig ang nakabibinging hiyawan at palakpakan ng mga taong nakapaligid sa akin. Wala na palang music, hudyat na tapos na ang number ko noong gabing iyon. Mabilis akong pumanaog sa stage kahit na naririnig ko ang walang katapusang more mula sa audience. Hindi na ako lumingon at dumiretso na sa dressing room kung nasaan ang mga gamit ko.

Mabilis kong dinampot ang mga damit ko para makapagpalit. May nararamdaman akong takot, takot hindi para sa sarili, kung hindi para sa babaeng nakita ko kanina. Umaasa akong hindi pa siya umaalis at maabutan ko pa siya pagkatapos kong magbihis. Para bang nais ko siyang protektahan.

Papasok na sana ako sa banyo ng may kumatok, binuksan ko ang pinto at medyo nairita ng mapagbuksan ang manager ng bar. Inis ako sa kanya dahil lantad na lantad kung paano niya ako pagnasaan noong una kaming magkaharap, tinitigan ako mula ulo hanggang paa at pabalik na akala mo hinuhubaran ako sa isip niya. Nagawa pa akong offeran na ibabahay daw niya ako. Kayang kaya niya daw tustusan lahat ng luho ko pati na ng pamilya ko. Hahahaha! In his dreams, pero kahit pa sa panaginip niya ayaw kong mangyari iyon, hindi ko yata masisikmura na ibahay ng isang binabae. Wala akong problema sa kung anong klaseng tao sila pero ayaw kong maugnay sa kanila romantically, not my cup of tea.

“Bakit?” maaskad kong tanong sa kanya, hindi ko niluluwagan ang pagkakabukas ng pinto  kahit pa kita ko sa mga mata niya ang pagnanais na pumasok,  dahil medyo natatakot ako na mapag isa kami sa loob ng kuwarto. Medyo may kalakihan din ang katawan niya at hindi ko alam kung ano ang maari niyang magawa sa akin, kung hanggang saan ang kaya niya. Mabuti na ang nag iingat, baka makapatay pa ako kapag may ginawa siyang kagaguhan sa akin.

“Pagkatapos mo diyan lumabas ka muna.”

Kunot noon ang isinukli ko sa kanya.

“Sige na, isa lang naman. Wala na akong choice. Mapilit yung babae at isa pa nagbayad agad, sobra sobra pa.”

“Per-“aapila sana ako dahil wala sa usapan namin ang te-table ako. Malinaw ang usapan na hanggang isang sayaw lang. iyon lang ata wala ng iba pa.

“Alam kong wala sa usapan natin ito, pero kasi naawa ako sa babae. Mukhang lungkot na lungkot.” Pagkarinig ko niyon ay agad kong naalala ang babaeng pumukaw sa pansin ko kanina habang nagpeperform sa stage.

Tinanguan ko na lang ang manager saka muling sinara ang pintuan.

Matapos makapagpalit ay mabilis akong lumabas bitbit ang cellphone at wallet ko. Ito lang naman ang dala ko kanina noong magpunta ako sa bar, ang damit na suot ko kanina sa stage ay provided na nila.

Agad akong iginiya ng manager sa babaeng sinasabi niya, kinabahan ako  dahil ang direksyon na tinatahak naming ay papunta sa mesa ng babaeng iyon.

"Madam, heto na po si Tisoy. " narinig kong pakilala sa akin. Tisoy, iyon nga pala ang stage name na binigay niya sa akin kanina. Mabilis na umalis ang manager pagkatapos akong kindatan.

Agad ko namang hinila ang upuan sa tabi niya saka umupo.

“Bakit Tisoy?” tanong niya sa akin matapos kong makaupo.

Nginitian ko lang siya, ngiting parang tanga dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayong malapitan ko na siyang kaharap. Pero iba yata ang epekto sa kanya ng dimples ko dahil napansin kong medyo natulala siya.

Agad lumakas ang loob ko na makita ko ang epekto ng ngiti ko sa kanya, ngiti pa lang iyon ha.

Tinanong ko ang pangalan niya pero ayaw niyang sabihin  kaya nagkibit balikat lang ako.

Tinitigan ko siya at napansin ko na mas bata pa siya sa paningin ko ngayong malapitan ko siyang nakikita, sabi ko pa nga ay mukha siyang minor pero tigas niya iyong itinanggi.

"’Wanna try me? I'll prove na hindi na ako bata, I can make you moan." Nagulat ako ng marinig ko ang mga salitang iyon sa kanya.

Pero dahil nga sa nainom ko kanina idagdag pa ang inorder niyang alak ay lalo akong nakaramdam ng kakaiba.

Dumukwang ako sa kanya at saka siya binulungan.

Nang walang anu-ano ay tumayo siya at hinila ako palabas mula sa magulo at maingay na lugar na iyon. Iginiya niya ako palapit sa nakaparadang kotse doon at saka pinasakay. Matapos niyang makaupo sa harap ng manibela ay napansin ko ang pagdadalawang isip niya. Mukhang aatras pa yata, isip isip ko. Kahit may konting idea ako sa gusto niyang mangyari ng gabing iyon ay naghinay hinay ako. Alam kong dala lamang ng alak kaya ganito siya, halata kong tulad ko ay hindi siya sanay sa mga nangyayari ngayon.

Sa kabila ng tapang na ipinapakita niya ay alam kong may babaeng lungkot na lungkot na nagtatago. At matindi ang pagnanais kong tuklasin iyon, alamin ang dahilan ng lungkot sa kanyang mga mata at subukang alisin at palitan ng saya.

“My place,” sabi ko na lang dahil mukhang wala siyang idea kung saan kami pupunta. Mas nanaisin ko pang dalhin siya sa bahay ko dahil alam ko nasafe siya doon, malayo sa maingay at delikadong lugar na kinaroroonan naming.

Pero napaisip ako, safe nga ba siya? Magiging safe ba siya kung kaming dalawa lamang ang nasa bahay, ngayon pa? Ngayon pang malakas ang nararamdaman kong atraksyon sa babaeng ni hindi ko alam ang pangalan.

Ako na ang nagdrive papunta sa bahay at agad siyang pinapasok ng makarating doon. Pansin ko ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha niya ng igala niya ang mga mata sa bahay ko. Pagpasok pa lamang ng gate ay umawang na ang kanyang bibig, halata ang pagtataka na nararamdaman niya. Sino nga ba ang mag aakala na mayroon akong ganitong bahay kung ang nasa isip ay isa lamang akong dancer sa bar. Paniguradong iniisip niya na may baklang tumutustos sa akin kung hindi man ay isang matrona.

Lihim akong napangiti at saka nagpaalam sa kanya na may kukunin lang sa kusina.

“Richard, kumalma ka.” Kausap ko sa sarili ko nang mapag isa sa kusina. Hindi malaman kung ano ang unang kukunin. Mukhang sa unang pagkakataon sa buhay ko ay hindi ako sigurado sa dapat kong gawin. May ibang hatid sa sistema ko ang babaeng kasama ko ngayon na never ko pang naramdaman sa tanang buhay ko.

“Tequila,” basa ko sa nag iisang alak na meron ako doon. Naubos nga pala ang stock ko noong nagpunta ang grupo ko dito sa bahay. “Pwede na ito.”

Paglabas ko ng kusina ay nakita ko siyang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita.

“Bodyshots?” naalala kong sinabi ko sa kanya na hindi niya naman tinanggihan.

Isinuggest ko pa na lagyan ng twist ang gagawin namin. Tinitingnan ko siya habang sinusulat ko ang mga parte ng katawan na makakaranas ng bodyshot, nakita ko siyang napapalunok. Kinabahan akong muli dahil naisip ko na baka umatras na siya at matakot.

Noong magsimula kami ay unti unti ring uminit ang paligid namin, para bang may apoy na anumang oras ay tutupukin kami. Humanga ako at kinabahan na rin sa pinapakita niyang tapang, nangako sa sariling anuman ang kahihinatnan namin ngayong gabi ay hindi ako titigil na alamin ang dahilan ng lungkot sa kanyang mga mata. Gusto kong ako ang mag alis noon.

Nagtimpi ako, pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko hinayaang humulagpos ang pagtitimping nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung saan kami aabutin kapag hinayaan kong tangayin ng pagnanasang kanina ko pa nararamdaman mula ng magtama ang mga mata namin sa bar.

Muntik na akong panawan ng ulirat ng hubarin niya ang suot na blazer at lumantad ang puno ng kanyang dibdib.

“Nice shoulders,” nasabi ko na lang ng mapansin niyang sa dibdib niya ako nakatingin. Bakit ba, eh sa makatawag pansin naman talaga iyon pero siyempre hindi ko kinakailangang ipahalata sa kanya iyon.

Nagpatuloy ang paglalaro naming habang unti unti ring nababawasan ang mga suot naming damit.

Pinaikot ko ang bote at saka bumunot ng papel. Nang mabasa ang nakasulat doon ay agad kong binudburan ng asin ang aking dila. Iba ibang senaryo na ang naiisip ko. Nakita ko siyang dumukwang at naramdaman ko na lang ang dila niya sa aking dila habang nilalasahan ang asin na ibinudbod ko doon.

Ibang kilabot ang bumalot sa aking katawan at tuluyan na nga na humulagpos ang kanina ko pang pagtitimpi. Ipinaikot ko ang aking braso sa maliit niyang bewang saka mariin siyang hinalikan.

“I can’t take it anymore.” Tunog daing kong sabi saka ipinaupo siya sa aking kandungan. Wala na Richard, natuluyan ka na, tupok na tupok ka na. Nasaan na ang pagnanais mong protektahan siya kung sa sarili mo pa lang ay nanganganib na siya?  Bumaba ang halik ko sa leeg niya kasabay ng paghila sa tube top niyang suot. Lalo pang nag init ang pakiramdam ko dahil walang pag aalinlangan siyang sumasagot sa bawat halik ko sa kanya. Maging ang mga kamay niya ay hindi na malaman kung saang parte ng katawan ko idadantay.

Napahiga ako ng marahan niya akong itulak sa sofa saka ginaya ang mga ginawa ko sa kanya kanina. Dalang-dala na ako, init na init na ang pakiramdam ko. Hindi na ako makapaghintay na madala siya sa aking kwarto at maihigasa aking kama.

Naputol ang pagbabalik ko sa mga nangyari kagabi ng marinig ko na magring ang cellphone ko. Naalala ko na mula sa sala ay ipinatong ko ‘yun somewhere dito sa kwarto kanina noong nag attempt akong ihatid siya.

“Rekdi.” Narinig kong sabi ni Sam pagkasagot ko ng tawag niya,  si Sam ang matalik kong kaibigan at isang production manager. “Kanina pa ako text ng text sa iyo ah.”

“Bakit ba? Kagigising ko lang.” naiinis ko pang sabi dahil naputol ang pag aalala ko sa mga nangyari kagabi.

“Rekdi alas-dos na, kagigising mo pa lang?” gulat niyang sagot. “Napuyat ka noh?”

Hindi ko na pinansin ang tunog pang aasar niya, mas pinagtuunan ko ng pansin ang sinabi niyang oras. Two pm na? Ala una ang meeting namin ngayon.

“Kumpleto na ba kayo diyan?”

“Yes Rekdi.” Shit, isip ko. Hindi ko ugaling ma late sa meeting namin. Dapat ay ehemplo ako ng mga tao ko.

“Sige, I’ll be there in 15 minutes. For now, i-distribute mo muna yung week 1 and 2 na script, maliligo lang ako.

Pagkababa ko ng telepono ay dali dali akong pumasok sa banyo at naligo. Mabuti at malapit lang ang office naming mula sa bahay ko. Nakalimutan kong ngayon nga pala ang story conference ng bago kong ididirek na teleserye. Yes, I am Richard Asuncion, a TV director and a scriptwriter as well.

Kaugnay na kabanata

  • Body Shot   Chapter 6

    “Good afternoon Rekdi.” Bati sa akin ni Racquel, ang production assistant namin. Rekdi ang tawag nila sa akin for an obvious reason, binaligtad na direk.Tinanguan ko lang siya saka inabot ang papel na ibinigay niya sa akin. Successful ang story conference na naganap last week kahit pa na-late ako ng dating noong araw na iyon. At ngayon nga ay unang araw ng Pre-production namin. Pagmi-meetingan ang mga dapat ihanda sa araw ng shoot.Next week ay start na ng shoot namin kaya naman aligaga na kami, kailangang plantsado na ang lahat bago pa man mag umpisa. Pinakaayaw ko sa lahat na mahahassle sa mismong araw ng trabaho.“Juls.” Baling ko sa assistant director ko, habang pinapasadahan ng tingin ang sequence breakdown na inibot sa akin ni Racquel. “Nainform na ba si Jonathan sa schedule ng taping natin? Baka mamaya ay late ang mga artista niya ha, lalo na yang si Jc. Balita ko ay napakahinhin niyang kumilos.” Tukoy ko sa isang acto

    Huling Na-update : 2021-10-22
  • Body Shot   Chapter 7

    Chap 7"Good afternoon po. Ako po yung practicumer na pinapapunta ni Ms. Perez. Nandito po ba si direk Richard?" Dali dali kong sabi sa mga taong nadatnan ko after kong kumatok at buksan ang glassdoor.Kasi naman sabi ni kuyang guard dumiretso na daw ako sa loob. Hindi ko alam kung tamang pinto ba ang binuksan ko pero dahil ito ang unang pintuan na nakita ko kaya heto ako ngayon. Nag aalangan man ay nilakasan ko ang loob ko.Bigla akong nakaramdam ng hiya noong sabay sabay silang tumingin sa kinatatayuan ko at tila ba nagtataka. Akala mo alien ako na pinasok ko ang sarili nilang mundo. Parang lalo pa akong nahiya, paano ba naman ay very obvious ang mantsa sa blouse ko na natapunan ng juice na iniinom ko habang nagdadrive, nagkataon pang wala akong dalang spare blouse. Kaya kaysa naman ma-late, gumora na din ako.Tumayo ang isang bumbayin na lalaki at lumapit sa akin.

    Huling Na-update : 2021-10-22
  • Body Shot   Chapter 8

    “Dad, aalis ka na naman?” Natuwa na sana ko dahil sa wakas ay naabutan ko siya dito sa bahay pero nawala agad ang sayang naramdaman ng mapansin ko ang bag na dala dala niya. Excited pa mandin sana akong ipaalam sa kanya na nakakuha na ako ng internship, kahit pa hindi iyon ang talagang plano ko noong una.“Andyan ka na pala, mabuti at naabutan mo ako. Ikaw na muna ang bahala dito at may conference lang akong dadaluhan sa Singapore. Isasama ko na rin ang Tita Alice mo para naman makapamasyal na rin siya.” Tukoy niya sa sekretaryang ngayon ay papakasalan na raw. “Nagtatampo na sa akin iyon at hindi ko siya naipapasyal lately dahil ang daming trabaho sa opisina.”“Mabuti pa si Tita Alice, kapag nagtatampo bumabawi ka. Sa akin kaya dad, kailan ka babawi? Kailan ka magkakaroon ng oras para sa akin?” hindi ko na naiwasang manumbat. Masyado nang mabigat ang nararamdaman kong pagtatampo. Alam kong hindi siya ganito, hindi niya ak

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Body Shot   Chapter 9

    “Sino?” halos mabingi ako sa lakas ng pagpapaulit sa akin ni Apz nang sabihin ko kung sino ang director ng teleserye na pagprapracticuman ko. Mukhang hindi pa nasiyahan na malakas ang boses niya, tumayo pa talaga ang kaibigan kong ito sa aking harapan. Nandito kami sa gazebo ng university dahil vacant namin. May isang oras pa bago magsimula ang journalism subject namin na siyang pinakapaborito ko. Balak ko sanang magbasa ng notes ko habang naghihintay ng oras pero mukhang Malabo ko ng magawa iyon, paano ba naman ay tila nag hyper ventilate ang kaibigan ko mula ng marinig ang sinabi ko. “Direk Richard Asuncion daw ang pangalan noong director doon sa teleserye.” Pag-uulit ko naman kahit na hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagliwanag ang mga mata ng mga kausap ko pagkabanggit sa pangalan ng director, akala mo ay magandang balita ang dala dala ko sa kanila. “Seryoso ka Stacy? Wala ka man lang reaksyon diyan. Hindi mo kilala si Direk R

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Body Shot   Chapter 10

    Chapter 10 Final pre-prod meeting na ngayon bago mag umpisa ang shoot. Kailangan na plantsado na ang lahat bago magstart mag shoot lalo pa at medyo mabusisi ang gagawing pilot episode. Ito ang pinaka importanteng part ng isang programa. Dito makikita ang magiging impression ng audience sa programa. "Ahmmm, Rekdi." pukaw ni Jonathan sa atensyon ko. "Yes Jonathan? Don't tell me na may conflict na agad sa sched ng mga artista mo?" bilang isang talent coordinator ay ayusin ang schedules ng mga artistang kailangan sa set. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat, hindi pa man nag uumpisa ay may hassle na, bad vibes sabi nga ng iba. “Nakikiusap kasi ang manager ni A.” tukoy niya sa bidang lalaki namin. “Baka pwedeng mahiram si A ng kahit tatlong oras lang. May book launch lang kasi s’ya sa Galle. Sa hapon pa naman iyun rekdi, tengga t

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Body Shot   Chapter 11

    Chapter 11“Hello po, Sir Sam.” Bungad ko pagsagot niya sa telepono. Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago muling magpatuloy sa pagsasalita. “Medyo male-late po ako. Nagloko lang po kasi ang sasakyan ko.” Saglit akong nakinig sa sinasabi niya sa kabilang linya. “No sir, ayos lang po ako, tinopak lang po ito. Ganito kasi talaga minsan ang sakit nitong kotse ko, kailangan lang pong palamigin muna ang makina.” Nagsalita uli siya sa kabilang linya. “Yes po. Pasensiya na po talaga but I think medyo malapit na rin po ako sa location.” Nanghihina kong tinapos ang tawag, buti na lang talaga at nai-save ko ang cellphone number ni sir Sam noong magtext siya about sa pull-out.Kung kailan naman talaga ako nagmamadali dahil today ang unang araw ng shoot saka naman nagka aberya ng ganito. Bigla na lang huminto at ayaw magstart. “Napakagaling mo talaga tumayming!” hindi ko napigilang kausap sa sasakyan k

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Body Shot   Chapter 12

    "Pasensya na po kayo at na-late ak-“ magpapaliwanag sana ako kung bakit ako na-late dahil hindi ko matanggap ang mga narinig kong sinabi niya tungkol sa akin. Pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, para bang saglit kong nalimutan ang dapat na paliwanag ko noong humarap sa akin si Direk Richard, naumid na lang ang dila ko. How come? Hello earth?Pinaglalaruan ba talaga ako ng langit? Pero baka naman kamukha niya lang, paanong mangyayaring nandito si Tisoy? Yes, si Tisoy na nakasama ko noong gabing iyon. Paanong si Direk Richard at Tisoy ay iisa? Napailing ako, hindi ito totoo. Siguradong kamukha lang niya si Tisoy. Malabong mangyari iyon.But no, base sa shock na nakikita ko sa mga mata niya ay mukhang nagulat din siya, nagulat din siya na makikita at makakaharap niya ako dito.“Oh, hello Miss Practicumer. I am Direk Richard.” Hindi tulad ko, mukhang nakabawi na siya agad sa pagkabigla sa muli naming pagkikita. Nagawa niya pa akong ngitian

    Huling Na-update : 2021-10-23
  • Body Shot   Chapter 13

    Chapter 13Maayos ko namang nagawa ang in-assign sa aking trabaho ni Ate Raq. Bagaman may idea na ako kung paano ang kalakaran ng shoot dahil sa course ko ay hindi ko pa rin maiwasang ma-amaze kung paanong ambibilis magsipagkilos ng mga tao dito.Nakilala ko na rin ang ibang tao dito bukod sa mga nakilala ko noong umattend ako sa pre-prod meeting dati, ang dalawang makukulit na cameraman na sina Kuya Mike at Kuya Eric. Parati nila akong binibiro kanina na nagagawa ko namang sakyan dahil puro harmless jokes lang naman ang mga iyon. Over all ay naging smooth naman ang first morning ko sa shoot kahit may aberyang nangyari kaninang umaga sa akin.Pagsapit ng lunchbreak ay bumalik ang kaba ko, kaniya-kanyang puwesto ang crew at staff. Hindi ko alam kung saan ako sasabay sa pagkain. Si Ate Raq pa lang ang naka-close ko pero nakuwento niya sa akin na lagi raw silang magkasabay kumain ng boyfriend niya. Ayoko naman na sumabay sa kanila dahil baka makaistorbo pa ak

    Huling Na-update : 2021-10-23

Pinakabagong kabanata

  • Body Shot   Chapter 146

    “T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag

  • Body Shot   Chapter 145

    “Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya

  • Body Shot   Chapter 144

    “No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum

  • Body Shot   Chapter 143

    Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu

  • Body Shot   Chapter 142

    Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang

  • Body Shot   Chapter 141

    “Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m

  • Body Shot   Chapter 140

    “Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo

  • Body Shot   Chapter 139

    “Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo

  • Body Shot   Chapter 138

    “Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma

DMCA.com Protection Status