"Badtrip talagang buhay to! Bwisit!" Naiinis kong sabi sa sarili ko habang walang tigil ang pag inom ng bloody mary. Nandito ako ngayon sa isang bar, actually hindi ito isang ordinaryong bar, gay bar.
Sa sobrang sama ng loob ko kanina sa bahay, nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa makita ko ang bar na ito. Walang pagdadalawang isip, agad akong nagbayad ng entrance fee para makapasok. Mukhang duda pa ang receptionist sa edad ko kaya padabog ko pang ipinakita sa kanya ang aking driver’s license.
Bago sa akin ang lugar na ito. Ako si Stacy Mendoza, isang mabait na anak, masunuring simula nang ipinanganak. ‘Ni minsan ay hindi ko sinuway si Dad, ‘ni minsan hindi ako humindi sa mga utos niya sa akin. Kahit ba hindi ko na iyon gusto, kahit ba hindi na bukal sa puso ko, sinunod ko siya. Pero mukhang hanggang doon na lang, pagod na akong parating maghintay sa atensyon ni dad. Simula noong mamatay si mommy last year, nawalan na ako ng kakampi. Lumayo na ang loob sa akin ng tatay ko. Hindi na siya nagpapakita ng pagmamalasakit sa akin. Madaals ay hindi na siya umuuwi sa bahay namin.
At kanina nga, pag uwi ko ng bahay from the university, imagine my shock nang sabihin ni Dad na magpapakasal na siya. Magpapakasal na sila ng secretary nya. What? ‘Yung secretary nya na alam ko kahit na noong buhay pa si Mom ay nilalandi na ang Daddy ko. Ganun lang yun? Isang taon pa lang since mawala si mommy ay magpapakasal na agad sila? At kailan pa sila nagkarron ng relasyon?
Naiiyak ako na gusto kong magwala. Gusto kong sampalin ang mukha ng babaeng iyon kanina noong dalhin sya sa bahay ni Dad. Pero nagtimpi ako, kahit papano naman ginagalang ko pa si Dad. Kaya heto ako ngayon. Gusto ko sana, kahit man lang ngayon, kahit isang beses lang sa buhay ko ay maging isang masamang anak. Gusto kong maexperience ang mga hindi ko pa neeexperience sa buhay ko.
"Ladies and gents, are you ready for our big surprise?!" Narinig kong sabi sa mic ng isang baklang host.
Napukaw ang pansin ko sa madilim na stage, may silhouette ng isang lalaki. Naisip ko, ganito pala rito. Dahil nga first time kong makapasok sa ganitong klaseng lugar ay naexcite ako sa mapapanood ko.
"Here he is, Tisoy!" Muling sabi ng host.
At ‘yun nga, ang madilim na stage ngayon ay may lumiwanag dahil sa spotlight na nakatutok dito. May isang tila shower room. At talagang may shower, may tubig na lumalabas. In fairness sa bar na ito, naisip ko.
Tumutok ang mga mata ko sa lalaking nakatalikod na ngayon ay parang tuwang tuwa sa pagpapakabasa sa shower. Aakalain na nasa sariling banyo at ninanamnam ang agos ng tubig sa kanyang katawan. Balewala rito ang makabasag eardrum na hiyawan ng mga nanonood.
"Wow sexy back!" nasabi ko habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang lalaki sa stage. Halos mabingi ako sa hiyawan ng mga babae, matrona at mga baklang kasama kong nanonood ngayon.
"Humarap ka na please," hiling ko while secretly telling my self na baka naman puro likod lang ito, walang face value, baka dinadaan lang sa likod.
Parang narinig ‘ata niya ang piping hiling ko, dahil ‘yun nga, unti unti syang humarap nang nakangiti.
"Pakshet!" Tuluyan na akong natulala. As if namagnet na ang mga mata ko sa mga mata niya.
Ang hot niya habang patuloy na nagpapakabasa. Maya maya ay marahan niyang hinubad ang suot niyang muscle shirt, pinigilan ko nang magmura, mukhang magiging palamura ako dahil sa lugar na ito. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganito. First time kong mamangha ng ganito pagkakita sa isang lalaki.
Naririnig ko pa rin ang hindi magkamayaw na hiyawan, siya ay patuloy na sumasayaw habang tumutulo ang tubig sa katawan. Napalunok na lang ako ng sundan ko ang tinutumbok ng bawat tubig na pumapatak na mula sa shower. Those biceps, ang dibdib, the abs, at teka lang, hinuhubad na niya ang shorts niyang suot. Naparami ang inom ko dahil hindi ko na yata kinakaya ang mga napapanood.
Napaorder akong muli ng inumin nang makita ko siyang naka trunks na lang. Shit! Hiyaw ko sa isip at saka tinawag ang isa pang waiter at binulungan ng makalapit ito sa akin.
Mayamaya lumapit sa akin ang isang matabang bading, ang manager ng bar.
"Madamme! Type mo sya?" malanding tanong nito sa akin.
Tumango lamang ako, hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaking nagsasayaw sa stage.
"Kaya lang hindi kami basta basta nagpapalabas ng mga boylet namin dito, lalo pa at baguhang katulad niya," napansin niya yata ang pagkaatat sa mukha ko. Hindi naman siguro ako naglalaway na parang aso na nakakita ng buto.
"Magkano?” Gigil kong tanong.
"Ayyy gusto ko yan!" Pumapalakpak naman nitong sagot sa akin.
"Just bring him here after the show, wala tayong pag uusapan sa pera," ginaya ko lang ‘yung mga nababasa ay napapanood ko sa mga sitwasyong ganito. Hindi ako takot sa kung magkano ang kailangan kong bayaran, ang gusto ko lang ay makasama ang lalaking iyon at huwag maunahan ng mga matrona at bading sa paligid ko. Bukod sa credit cards ay tiyak na sapat ang dala kong cash. Hindi naman ako magastos na tao kaya naiipon ko ang allowance na binibigay ni Dad sa akin.
Maya maya ay umalis na ang baklang kausap ko, hawak ang perang iniabot ko sa kanya. Kasabay ito ng pagtatapos ng shower scene sa stage. Naririnig kong sumisigaw ng more ang mga tao sa paligid, pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi na muling nagpakita sa ibabaw ng stage ang lalaki.
Muling lumapit sa akin ang baklang kausap ko kanina. At ngayon napatulala akong muli, dahil kasama na niya si tisoy. Malapitan ko na siyang nakikita. Nakapagpalit na ito ng damit. He is now looking fresh and, hmmm yummy? Masama ang epekto sa akin ng lugar na ito, kung anu-ano ang naiisip ko.
"Madam, heto na po si tisoy. " sabi niya sa akin at iniwan na nga niya kaming dalawa. Humila ng upuan sa aking tabi si tisoy.
"Bakit tisoy?" nonsense kong tanong noong makaupo na siya ng tuluyan.
Ngumiti lang sya sa akin, showing off his dimples. Wala na, mukhang malalaglag yata ang suot kong panty. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, epekto yata ng iniinom ko o talagang may matinding charisma ang lalaking ito na mahuhook sa kanya ang sinumang ngitian.
"So, your name?" Tanong n’ya sa akin, napansin ko ang confidence sa pagsasalita niya ng ingles, mukhang sanay makisalamuha sa mga tulad ko.
“ Huwag mo nang alamin ang pangalan ko, hindi na mahalaga iyon,” sagot ko sa kanya. Hindi na rin naman kami magkikita pagkatapos ngayon kaya hindi ko makita ang dahilan para malaman pa niya ang pangalan ko.
Umorder akong muli ng inumin namin.
"Don’t you think you are too young to be in this place?" tumitig siya sa akin. “How old are you?”
"Excuse me, 22 na ako noh!" defensive kong sagot sa kanya.
"You don’t look like 22 to me, you look like a baby."
"’Wanna try me? I'll prove na hindi na ako bata, I can make you moan," mayabang kong hamon sa kanya. Mukhang naparami na yata ang nainom ko kung kaya kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko sukat akalain na masasabi ko ang mga ganito.
"Really? Hmmmm let’s see." sabay dukwang malapit sa tenga ko at bumulong, “Should I be the one to make you moan?”
Agad akong nakaramdam ng kakaibang kilabot sa katawan. First time kong maranasan ito.
Upang pagtakpan ang kilabot na nararamdaman ay agad akong tumayo at hinila siya palabas ng lugar na iyon. Nang makalabas ay pinasakay ko siya sa kotse ko. Noong pareho na kaming nasa loob ng sasakyan ay napatulala ako sa harapan ng manibela, hindi ko na alam ang gagawin ko. Saan kami pupunta at anong gagagwin naming? Bago sa akin ang lahat ng ito. Ano ba ang next step na dapat gawin?
Mukhang nahalata niya yata ang pag aalinlangan ko. "My place," narinig kong sabi niya, kaya naman tiningnan ko sya.
"It seems like you are lost on where to bring me. So I’m suggesting my place instead. Don’t worry, mag isa lang ako doon. " Tiningnan nya ako ng diretso sa mata, at ‘yun na ewan ko ba, namagnet na naman yata ako kaya bumaba akong muli ng kotse at nakipagpalit ng puwesto sa kanya.
Naramdaman ko nang ini-start na nya ang kotse at ‘yun nga at papunta na kami kung saan man yung bahay niya. Dahil hindi naman ako sanay uminom, nahihilong sumandal na lang ako sa upuan ng kotse ko at saka hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan.
Nagising na lamang ako sa marahang tapik sa pisngi ko.
"Nandito na tayo?” tanong ko sa kanya. Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan at iginiya akong papasok sa isang magandang two storey house.
"Sa iyo to?" taking tanong kong sa kanya. Nagulat ako dahil ng pagalain ko ang mga mata ko sa paligid ay pawang magaganda at mamahalin ang mga kagamitan na nadoon, bukod pa sa talagang maganda ang bahay niya.
Tumango lang sya sa akin, saka nagpaalam na may kukunin lamang. Habang tinatanaw siyang palayo ay napaisip ako ako kung paano siya nagkaroon ng ganito kagandang bahay, ganoon ba kalaki ang kita sa pagiging dancer sa gay bar? Baka may taga sustento, nang iintriga kong isip. Mukhang naloko ako nung bading na manager sa bar nang sabihin niyang baguhan lang itong kasama ko, isip-isip ko.
Bumalik si Tisoy na may bitbit na bote ng alak at kung anu-ano pa."Dahil sabi mo naman hindi ka na baby ‘di ba? So game ka sa bodyshots?" Nanghahamong tanong niya sa akin."Oo naman," sagot ko sa kanya. May idea naman ako kahit papaano kung ano ang bodyshots. Nauna akong umupo sa sahig na sinundan naman niya."Let’s put some twist," nakita kong naglabas siya ng papel at ballpen. "Isulat natin kung saan-saang part ng katawan tayo magbody shot then let’s spin a bottle to know who's turn would it be, pero kailangan nating magtanggal ng isang pirasong suot natin evetytime na matatapat sa atin ang bottle, so game?”"Game!" hindi papatalong sagot ko pero kinakabahan ako. Sa totoo lang ay naguluhan ako sa dami ng twist. Bakit hindi na lang kami humiga at magsex? Daming pasakalye eh doon din naman ang punta namin ‘di ba?Mayamaya nakita ko kung ano ang mga isinulat niya, ears, neck, lips, tongue, shoulder, back, n
Naalimpungatan ako sa tama ng liwanag na tumatagos sa bintanang hubad sa kurtina kung kaya naman dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko."Teka where the hell are my curtains?" Naguguluhan kong sabi sabay linga sa paligid ko para lang marealize na nasa ibang kwarto ako,Mayamaya naramdaman ko na lang bigla ang isang brasong yumakap sa akin mula sa likuran."It’s still early Babe" inaantok pang sabi ng katabi ko. Nang lingunin ko s’ya ay saka ko lang naalala ang mga nangyari nang nakaraang gabi, ang mga bagay na nagawa ko. Mga bagay na ginawa namin. Parang nagflash back sa isipan ko lahat ng maiinit na sandaling pinagsaluhan namin kagabi kaya naman mariin akong napapikit. Hindi makapaniwalang nagawa ko ang mga bagay an iyon."I need to go," hindi lumilingong sabi ko sa kanya, tumayo ako sabay dampot ng kumot at maingat na ibinalot sa hubad kong katawan. Iniiwasang mapatingin sa side niya dahil alam kong wala siyang suot na kahit ano tul
Pagdating ng bahay, nalungkot akong muli. Hindi ko na naman dinatnan si Dad. Mag isa na naman ako dahil nagpaalam umuwi ng probinsiya ang kasambahay namin.Dire-diretso ako sa banyo para maligo dahil male-late na nga ako sa klase, masungit pa naman ang prof namin.Habang naliligo ay hindi ko naiwasang balikan sa isipan ang mga nangyari simula kagabi, mula sa pagpunta ko sa gay bar hanggang sa paggising ko kaninang umaga sa ibang kama.Muling naalala ang dancer na nakasama ko magdamag, Malabo na sigurong magkita kaming muli dahil hinding hindi na ako babalik sa lugar na iyon. Bagama’t may panghihinayang na hindi ko man lang nalaman ang totoo niyang pangalan ay binalewala ko na. Alam ko sa sarili kong ibabaon ko na sa limot ang pagkakamaling iyon sa buhay ko. Yes, isa lamang iyong pagkakamali. Kahibangan dahil sa sama ng loob.Minadali ko na ang pagligo at pagbibihis saka sumakay muli sa kotse ko at nagdrive na papuntang university.Pagkapark n
“Arghh!” nagising akong masakit ang ulo. Dumagdag pa ang init ng araw na tumatagos mula sa blinds na nakatakip sa malaking bintana sa kuwarto ko. Naalala ko ang dahilan ng pagsakit ng ulo ko ngayon, medyo naparami yata ang nainom ko kagabi dagdag pa na wala pang laman ang sikmura mula kahapon. Dahil sa kaba ay hindi ko nagawang kumain, hindi ko alam kung paano ko mairaraos ang pagsayaw sa bar, hindi nga pala ordinaryong bar iyon kundi isang gay bar. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon at pagtanggap ng mga taong makakapanood sa gagawin ko kaya naman ay nakaisang boteng alak yata ako bago umakyat sa stage, nanghiram muna ako ng lakas ng loob sa espiritu ng alak. Noong sa tingin ko ay sapat na ang kapal ng mukha ko ay sinenyasan ko na ang manager na ready na akong magperform. Sa lakas ng liwanag na tumatama sa stage ay hindi ko alintana ang mga taong alam kong tila handang sumagpang sa akin anumang oras. Full of confidence akong humarap at nagsimu
“Good afternoon Rekdi.” Bati sa akin ni Racquel, ang production assistant namin. Rekdi ang tawag nila sa akin for an obvious reason, binaligtad na direk.Tinanguan ko lang siya saka inabot ang papel na ibinigay niya sa akin. Successful ang story conference na naganap last week kahit pa na-late ako ng dating noong araw na iyon. At ngayon nga ay unang araw ng Pre-production namin. Pagmi-meetingan ang mga dapat ihanda sa araw ng shoot.Next week ay start na ng shoot namin kaya naman aligaga na kami, kailangang plantsado na ang lahat bago pa man mag umpisa. Pinakaayaw ko sa lahat na mahahassle sa mismong araw ng trabaho.“Juls.” Baling ko sa assistant director ko, habang pinapasadahan ng tingin ang sequence breakdown na inibot sa akin ni Racquel. “Nainform na ba si Jonathan sa schedule ng taping natin? Baka mamaya ay late ang mga artista niya ha, lalo na yang si Jc. Balita ko ay napakahinhin niyang kumilos.” Tukoy ko sa isang acto
Chap 7"Good afternoon po. Ako po yung practicumer na pinapapunta ni Ms. Perez. Nandito po ba si direk Richard?" Dali dali kong sabi sa mga taong nadatnan ko after kong kumatok at buksan ang glassdoor.Kasi naman sabi ni kuyang guard dumiretso na daw ako sa loob. Hindi ko alam kung tamang pinto ba ang binuksan ko pero dahil ito ang unang pintuan na nakita ko kaya heto ako ngayon. Nag aalangan man ay nilakasan ko ang loob ko.Bigla akong nakaramdam ng hiya noong sabay sabay silang tumingin sa kinatatayuan ko at tila ba nagtataka. Akala mo alien ako na pinasok ko ang sarili nilang mundo. Parang lalo pa akong nahiya, paano ba naman ay very obvious ang mantsa sa blouse ko na natapunan ng juice na iniinom ko habang nagdadrive, nagkataon pang wala akong dalang spare blouse. Kaya kaysa naman ma-late, gumora na din ako.Tumayo ang isang bumbayin na lalaki at lumapit sa akin.
“Dad, aalis ka na naman?” Natuwa na sana ko dahil sa wakas ay naabutan ko siya dito sa bahay pero nawala agad ang sayang naramdaman ng mapansin ko ang bag na dala dala niya. Excited pa mandin sana akong ipaalam sa kanya na nakakuha na ako ng internship, kahit pa hindi iyon ang talagang plano ko noong una.“Andyan ka na pala, mabuti at naabutan mo ako. Ikaw na muna ang bahala dito at may conference lang akong dadaluhan sa Singapore. Isasama ko na rin ang Tita Alice mo para naman makapamasyal na rin siya.” Tukoy niya sa sekretaryang ngayon ay papakasalan na raw. “Nagtatampo na sa akin iyon at hindi ko siya naipapasyal lately dahil ang daming trabaho sa opisina.”“Mabuti pa si Tita Alice, kapag nagtatampo bumabawi ka. Sa akin kaya dad, kailan ka babawi? Kailan ka magkakaroon ng oras para sa akin?” hindi ko na naiwasang manumbat. Masyado nang mabigat ang nararamdaman kong pagtatampo. Alam kong hindi siya ganito, hindi niya ak
“Sino?” halos mabingi ako sa lakas ng pagpapaulit sa akin ni Apz nang sabihin ko kung sino ang director ng teleserye na pagprapracticuman ko. Mukhang hindi pa nasiyahan na malakas ang boses niya, tumayo pa talaga ang kaibigan kong ito sa aking harapan. Nandito kami sa gazebo ng university dahil vacant namin. May isang oras pa bago magsimula ang journalism subject namin na siyang pinakapaborito ko. Balak ko sanang magbasa ng notes ko habang naghihintay ng oras pero mukhang Malabo ko ng magawa iyon, paano ba naman ay tila nag hyper ventilate ang kaibigan ko mula ng marinig ang sinabi ko. “Direk Richard Asuncion daw ang pangalan noong director doon sa teleserye.” Pag-uulit ko naman kahit na hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagliwanag ang mga mata ng mga kausap ko pagkabanggit sa pangalan ng director, akala mo ay magandang balita ang dala dala ko sa kanila. “Seryoso ka Stacy? Wala ka man lang reaksyon diyan. Hindi mo kilala si Direk R
“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
“Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
“Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo
“Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo
“Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma