Nae-excite ako sa kwento na ito. hahaha
ELIZABETH Pumasok akong muli sa bahay at tinawagan si Sico para sabihin sa kaniyang hindi ako natutuwa sa ginawa niya. Isang ring palang sinagot na niya agad. “Hon, napatawag ka? Miss mo na ako?” “Sico, bumalik ka at mag-usap tayo!” Tumahimik sandali sa kabilang linya “…….” “Hello? Sico!!” “I see. Pinaglilihian mo ‘ko ngayon? Ahm… Can I attend the meeting first hon and I’m yours after?” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Sico—" “Malapit na ako sa office. Talk to you later. Anyway, it’s ‘honey’ for you baby.” Sabi niya at pinutol ang tawag. Napakurap-kurap ako nang bigla niyang ibaba ang tawag. Hindi ako agad nakapagsalita ng ilang minuto at napatitig na lamang sa cellphone ko. Hindi ko alam anong mararamdaman ko kaya uminom nalang ako ng tubig. Napahawak ako as tiyan ko at naisip na may laman ba ito? Hindi pa naman siguro ako buntis noh? ‘Di ba? Hindi naman ako buntis? Though I’m irregular, wala pa namang sign na buntis nga ako. Saka bakit ba kasi kumpyansa siya na b
ELIZABETH Sinamahan ako ni Sico na bumili ng pregnancy test kit at ngayon nga ay nasa loob kami ng CR para tignan kung positive ba o hindi ang resulta. Nang makita kong positive, nanlalaki ang mata ko nang balingan siya nang tingin. “Pinalitan mo talaga ng vitamis ang pills ko!” Inosente siyang tumango at kinuha ang pregnancy test kit sa akin. Agad na lumapad ang ngiti sa labi niya at ang kasiyahan doon ay mahahalata naman talaga. “It’s positive!!” Sabi niya at agad akong niyakap. Nabigla pa ako sa reaction niya kahit na alam kong inaasahan naman niya na buntis talaga ako. Masaya ako na nagdadalawang tao ako but at the same time, may bigat sa dibdib ko dahil kung may kasalanan na ako dati kay Zeym, pinatungan ko na naman ng panibago. “Paano si Zeym oras na magising siya Sico?” bulong ko at alam kong natigilan siya. “What do you mean?” kunot noong tanong niya. Or mali ang tanong ko? Paano ako at ang bata kung magising si Zeym? “You don’t have to worry. Zeym and I talked alread
ELIZABETH Sico tried to change but sometimes he fails. I didn’t cut my connection to Henry, isa iyon sa kasunduan namin ni Sico kung gusto niyang maging maayos kami. Just like now, Henry will visit us dahil naging abala siya nitong mga nagdaan sa trabaho kahit na hinala ko ay iniiwasan niya lang ako. Hindi pumasok si Sico sa trabaho niya ngayon kasi alam niyang dadalaw si Henry dito sa bahay. “Sigurado ka bang ayos lang na hindi ka pumasok?” tanong ko kay Sico. “Yes hon. Ayos lang,” nakangiting aniya sabay patay ng cellphone niya na kanina pa panay ring. Pinagsingkitan ko siya nang mata at nagkunwari naman siyang kumuha ng kape para lang makaalis sa harapan ko. “Mama! Mama! Anong oras darating si tito?” tanong ni Kua na may dala pang paint brush. Kua is busy with his hobby. Puro pa pintura ang kamay niya. “Mamaya pa siguro anak. Why?” tanong ko habang pinupunasan ang pintura sa pisngi niya. “Nothing. May gusto akong ipakita sa kaniya,” Napatingin ako kay Sico nang mapansin na
ELIZABETH Henry came, nagulat pa siya nang makita niya si kuya Lando dito mismo sa tabi ko. “You came too, bra?” “Because you’re here,” sabi ni kuya at sumilip pa kay Sico na kunwari hindi kami pinapansin pero alam kong ang tainga ay nasa amin. “Hi Henry,” lumapit ako sa kaniya para batiin siya but I could feel Sico’s piercing eyes at my back before I could move my foot. Itinaas ko nalang ang kamay ko just to greet Henry imbes na lalapit ako to hug him and kiss his cheeks, the usual greetings we do. “I bought you a cake,” aniya. Ngumiti ako. “Nag-abala ka pa. Ginawan kita ng desserts dito but anyway, thank you for this.” “You’re welcome, Eli,” he said in his normal yet sweet voice. “Mama, is tito here?!” we can hear Kua’s voice. He’s excited to see Henry. Can’t blame him, masiyadong mailap si Henry mula ng nagsama kami ni Sico sa iisang bahay. “TITO!!” Kitang kita naming lahat ang ngiti ni Kua nang makita ang tito niya at ganoon rin si Henry sa kaniya. “Kua!” “I missed you
Ginawa ko ang lahat for Henry to feel comfortable dito sa bahay kahit na presensya palang ni Sico, ay nagpapabigat lang sa hangin dito sa loob ng bahay. Kasalukuyan ngayong nagpi-paint si Kua kasama ni Henry habang paminsan minsan ay kinakausap ko siya tungkol sa mga naging lakad niya nitong mga nakaraang buwan.Henry answered me with outmost respect he can give me, pero ramdam kong may barriers na sa pagitan namin. Hindi ko alam kung gusto ba niyang pumunta dito o napipilitan lang dahil kay Kua. "Talaga tito galing kang Spain?" tanong ni Kua nang marinig mula kay Henry na umuwi itong Spain."I told you, doon ako nakatira,""Mama told me doon siya lumaki. Pwede mo 'kong isama sa Spain tito kung uuwi ka ulit doon?"Tumingin si Henry sa akin ngunit sandali lang."If your mama gives you permission then why not?"Tumingin si Kua sa akin ngunit ibinalik niya rin agad ang paningin niya sa canvas."May school kami tito e so alam ko na ang sasabihin ni mama,"Hindi ko maiwasang matawa sa s
ELIZABETH Nagkatinginan kami ni Sico. Hindi ko mapigilan na hindi mahiya sa harapan ng anak namin. Hindi ko aakalain na aabot kami sa puntong ito. Nagtataka na siguro siya sa pagkatao niya lalo’t madalas sila ni Sico dumalaw kay Zeym sa hospital. “Mama is pregnant because mama and papa love each other, Kua,” sabi ni Sico, sinusubukang ipaliwanag kay Kua kung bakit buntis ako. Kumunot ang noo ng anak ko. “But she’s not your wife,” “Who told you that she’s not my wife? Mama is my wife,” Napatingin ako kay Sico. Nagsinungaling siya sa harapan ng anak namin. Nang tignan ko si Kua, nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya. Para siyang naiiyak na nakahinga ng maluwag. Nang lumingon siya sa akin, agad siyang tumakbo at yumakap sa hita ko. “Mama, I’m so sorry,” aniya at nagsimulang umiyak. “I doubted you mama. I’m sorry… I invited tito Henry dito sa bahay cause I want to ask him about the truth.” Tumingala siya sa akin. Kua maybe a kid but he’s smart. Lumuhod ako p
ELIZABETH “Goodbye baby/Goodbye mama,” sabay na sabi ng dalawang taong importante sa buhay ko. I raised my hand and wave them back. “It’s not that hot outside, let’s go out and come with me for a walk,” ang sabi ni Doc Mia sa likuran ko nang makaalis ang dalawa papasok sa skwelahan at opisina. Pilit akong ngumiti kay Doc. Ramdam kong ayaw niya pa rin sa akin. I clearly remember how I acted back then. After that long years, mukhang hindi pa rin niya ako gusto. Sico asked her to be with me dahil manganganak na ako. Though nakabalik na si Michelle sa amin, iyong maid, hindi pa rin mapakali si Sico na iwan ako mag-isa. “Huwag kang malikot at magbubuhat masiyado at baka manganak ka ng wala sa oras,” sabi ni Doc habang nakatingin sa tiyan kong malaki na lalo’t kabuwanan ko. “Hayaan mo si Michelle ang magluto at maglinis sa bahay. Mag exercise ka ng konti para hindi ka masiyadong mahirapan manganak.” Malamig ang boses niya ng sinabi niya iyon pero hindi siya sa akin galit. Hindi lang t
“Let’s go? Baka mamaya uminit pa sa labas,” sabi ni Doc. Tumango ako at sumunod sa kaniya. “Ma’am Eli, may gusto po ba kayong kainin mamaya?” tanong ni Michelle nang salubungin niya ako habang palabas. Umiling ako. “Kahit ano lang, Michelle. Salamat,” ngumiti ako at sumunod na kay Doc na naghihintay sa akin sa unahan. Nakakalakad pa naman ako kahit na malaki na ang tiyan. “Ang laki ng lupang binili ni Sico,” unang sabi ni Doc Mia habang palabas kami sa gate. Totoo. Ang laki, pati bahay ay malaki rin, pinapa-renovate pa nga ni Sico ang ibang anggulo. Nahinto lang ang renovation dahil malapit na akong manganak. Ayaw niya akong maingayan o madisturbo kahit na ayos lang naman kung may mga workers dito. “I heard hindi ka na dumadalaw kay Zeym,” tumingin ako kay Doc. “Nahihiya po akong dumalaw sa kaniya. I only agreed to be with Sico and Kua para bantayan sila hangga’t hindi pa siya nagigising but unexpectedly, I got pregnant. Nahihiya akong m-magpakita.” Tumango si Doc, tila ba naii