to be continued.... Author's Note: Nagmo-moment lang po sila Queen. Relax
“Anong iniiyak iyak niyo diyan?” tanong ni Lady Lay sa amin ni Doc Mia. “Ito kasing si Elizabeth, pinapaiyak ako,” sabi ni Doc. Nagbaba ako nang tingin dahil nahihiya akong salubungin ang mga titig ni Lady Lorelay sa akin. “Hindi pa ba sumasakit ang tiyan mo?” tanong niya kaya wala akong choice kun’di tignan siya muli. “Hindi pa po ma’am,” sabi ko. Nakita kong lumapit siya sa akin. Huminto siya sa harapan ko at tinignan ako. “Can I touch your tummy?” Tumango ako. Naramdaman ko ang kamay niya sa tiyan ko, tila pinapakiramdaman ang baby namin ni Sico. Nakita kong ngumiti siya, siguro naramdaman niya ang baby ko. “Ang kulit,” sabi niya at tumingin kay Doc Mia. “Mia, look, I think my grandson know I am here,” Sa isipan ko ay sobra akong natuwa sa reaction niya. Anak, can you see your lola’s reaction? She smiled because of you. Tumingin ulit sa akin si Lady Lay at hinawakan na naman ang tiyan ko. “What’s his name?” “Ritmo po,” ang sabi ko. Nakita kong natigilan siya. “That’s w
Is it bad to wish that hope it will last? “It’s perfectly baked. Have a taste of it,” sabi ni Lady Lay sa akin at pinatikim sa akin ang ginawa niyang cupcakes. “Masarap po,” nanlalaki ang matang sabi ko. Nakita kong ngumiti siya at binigyan si Doc Mia ng isa. “How was it Mia?” “Masarap. Kailan ba hindi naging masarap mga gawa mong cupcakes?” “Lahat naman sinasabi mong masarap,” “Kasi nga masarap,” “Sinasabi mo lang iyan dahil kaibigan mo ‘ko e,” Nakangiti lang ako habang pinapanood si Doc at Lady Lay na naglalambingan sa harapan ko. May alam ako sa kanila dahil kay Rachelle but seeing them up close on how they are treating each other is another thing. Para silang magkapatid mag-turingan kesa sa magkaibigan lang. “What? Magda-drama ka na naman,” sabi ni Doc at natatawa siyang niyakap ni Lady Lay. Gusto ko maging ganiyan kami ni Rachelle balang araw. Halatang may edad na ang dalawa but they are still look beautiful. Napatingin sa akin si Lady Lay. “Gusto mo pa ng cupcakes?”
“Tara na nga, binobola mo na naman ako e.” Natatawa niya akong inakbayan. “Hindi kita binobola. I’m just being real when I’m with you.” Ang dami pang sinasabi…. Pagpasok namin sa bahay, natigilan ang mama niya at si Doc Mia nang makita kaming dalawa. Napatingin si Lay Lay sa kamay ni Sico na nakaakbay sa akin kaya sinubukan kong lumayo. Nagtagumpay nga ako pero agad namang kinuha ni Sico ang kamay ko at pinagsiklop niya ito. Tuloy ay sumunod ang tingin ng mama niya sa kamay namin. “You’re here ma,” aniya kahit na alam naman niya na nandito. “Bakit? Bawal ba?” “I didn’t say that ma,” Lumapit si Sico sa kaniya at niyakap ito. “Gutom ka na? Nagluto kami ng mommy ninang mo.” “Sige po ma, magbibihis lang ako,” aniya. Tumingin siya sa akin. “Come with me,” “Bakit mo naman isasama si Eli sa pagbihis mo?” tanong ni Doc Mia “Bibihisan niya ako mommy,” Agad ko siyang kinurot dahil sinimangutan siya ni Doc Mia. Natawa si Sico at dinala ang kamay ko sa labi niya. “Fine. Wait me here
“This is what Elizabeth wanted so you need to respect that Sico,” sabi ng mama niya kasi kahit natapos nang sabihin ni Doc Mia na safe ang water therapy, ayaw pa rin ni Sico akong payagan. Nasa sala na kaming lahat at kakatapos lang kumain. “Ma,” “Isa!” Banta ni Lady Lay. Tumingin si Sico sa akin, pero iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at lumapit sa mama niya at nagtago sa likuran nito. “Babe, gusto mo ba akong mahimatay?” madramang tanong niya. “Ako naman ang manganganak Sico, hindi ikaw.” Napaawang ang labi niya sa sinabi ko. “Baby!” “Gusto ko ng water therapy.” Giit ko. Tumingin ako sa kaniya, ngunit nagtago ulit sa likod ng mama niya. Hindi naman siya galit, pero marupok kasi ako, makita ko lang na ayaw niya, parang ayaw ko na rin. Ganoon ko kagusto si Sico. “Bakit nagtatago ka kay mama? Come here and I’ll convince you.” “Stop acting like a child Sico at pumayag ka na,” sabi ni Lady Lay “So pinagtutulungan niyo ‘ko ngayon?” Umalingawngaw ang tawa ni Doc Mia. “Nakakatu
LANDO “How’s Zeym? No sign of recovery?” Henry “I-I don’t know.. Look at her and tell me if she’s fine,” sagot ko habang nakakuyom ang kamao. Mag-iisang taon na siyang comatose, walang nakakaalam kailan siya magigising. “The Sheins are not giving up on her I see,” sabi ni Henry, “I wonder why,” Bumaling ako sa kaniya. “If ever they give up on her then I’ll take her custody.” Tumitig siya sa akin. “Kahit na machine nalang ang bumubuhay sa kaniya?” Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. “Zeym is my friend but man she’s dead,” Umigting ang panga ko. “Leave Henry. I’m not in the mood to talk to you,” Hindi siya nagsalita pero alam kong alam niyang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. “I’m sorry to say this but why are you like this Lando? Sico, her husband is happy now—" “Cause he’s an ass,” “So what do you want? Itigil niya ang buhay dahil na-coma si Zeym?” Galit akong lumapit kay Henry at kwinelyuhan siya. “Are you out of your mind? Why are you siding that bastard?” “
SICO Isang katok sa pinto ng bahay, alam kong si Lando na iyon. I know how he hates me but I didn’t expect na pati si Eli ay idadamay niya. Nalulungkot si Elizabeth sa katotohanang nilalayuan siya ni Lando and because of that, bumabalik sa isipan niya na mali ang meron kami. I didn’t say we are right but I hate to think na isipin niyang mali na mahalin ko siya. “If you’re going to hurt Eli then leave. Kakapanganak pa lang niya,” Tumitig siya sa akin. Nag-aapoy ang mata sa galit and I don’t care cause I itchy to kill him. “Ang kapal talaga ng mukha mo para magmagaling ngayon. Nakalimutan mo na ba talaga na may asawa ka na?” “Hindi ko kailanman kinalimutan si Zeym,” “So gago ka lang talaga? Alam mong may asawa ka pero may binabahay kang iba?” I stared at him. I didn’t know na ang pagsimple niyang pagtulong noon kay Zeym ay naging dahilan para magustuhan niya ito. “Ang ganda ng buhay mo ano? May nasaktan ka pero narito ka at hindi man lang pinagbabayaran ang kasalanang ginawa mo
ELIZABETH“Aw. Ang cute,” sabi ni Moni habang pinagmamasdan si Rit.“He got your porcelain skin. Half of your features and half of kuya Sico’s features ay makikita sa kaniya.”Ngumiti ako. Halata sa mukha ni Moni na tuwang tuwa siya sa pamangkin niya.“But he got his eyes from your dad,” sabi ko.Ngumiti siya ng malapad. “Really? Hindi ko pa nakikita ang mata niya.”“Yes Moni. You’ll see it oras ibuka niya ang mata niya.”“Isa nga siyang Shein,” natutuwang sabi niya.Yes. “I wish blue sa akin lahat o di kaya ay brown. Tuloy, nagsusuot ako lagi ng contact lens,” nakasimangot na aniya habang pinaglalaruan ang kamay ni Ritmo.Moni’s eyes is different. Siya ang unique sa magkakapatid. I like it actually but I think sobrang agaw attention no’n kaya ayaw niya.“Papa will rejoice kapag nakauwi na siya at nalaman niyang blue ang kulay ng mata ni Rit,”“Hindi pa ba nakakauwi si sir?”“Hindi pa. Kasama niya si papa Vicente ngayon at uncle Lee. Saka you should start calling them tita or tito. I
HARMONIA “Moni anak, can you get your ate Eli and tell her na kakain na,” sabi ni mama habang busy kakahanda sa pagkain sa mesa. Katulong niya si mommy Mia. “Sige ma,” sabi ko. Umalis ako ng kusina to find her, nakita ko siya sa garden na bitbit si Rit at nakatingin kay Kua na nakikipaglaro kay Raja at Timber. “Eli,” tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin. “Kain na raw,” “Ahh—sige,” aniya at namula agad. She’s weird sometimes. Bigla bigla nalang siyang namumula ng walang dahilan kapag kausap kami o di kaya ay si mama. Napatingin ako kay Rit. “Hi Rit,” nakangiting sabi ko. “Kaka-dede lang niya,” sabi ni Eli sa akin. “Can I hold him?” “Ayos lang ba? Bibihisan ko muna si Kua sandali,” “Oo naman,” tuwang tuwa na sabi ko at kinuha ang pamangkin kong sobrang bibo at cute. Rit is 5 months old now at sobrang likot na nga naman talaga. Umalis si Eli para puntahan ang mga bata. Dumalaw sila ni kuya Sico pero si kuya ay umalis rin to visit ate Zeym kaya naiwan dito ang mag-ina ni