Kakabili ko lang ng Don Darko. Kape us habang nakangiti sa eksena. HAHAHA
ELIZABETH Sinamahan ako ni Sico na bumili ng pregnancy test kit at ngayon nga ay nasa loob kami ng CR para tignan kung positive ba o hindi ang resulta. Nang makita kong positive, nanlalaki ang mata ko nang balingan siya nang tingin. “Pinalitan mo talaga ng vitamis ang pills ko!” Inosente siyang tumango at kinuha ang pregnancy test kit sa akin. Agad na lumapad ang ngiti sa labi niya at ang kasiyahan doon ay mahahalata naman talaga. “It’s positive!!” Sabi niya at agad akong niyakap. Nabigla pa ako sa reaction niya kahit na alam kong inaasahan naman niya na buntis talaga ako. Masaya ako na nagdadalawang tao ako but at the same time, may bigat sa dibdib ko dahil kung may kasalanan na ako dati kay Zeym, pinatungan ko na naman ng panibago. “Paano si Zeym oras na magising siya Sico?” bulong ko at alam kong natigilan siya. “What do you mean?” kunot noong tanong niya. Or mali ang tanong ko? Paano ako at ang bata kung magising si Zeym? “You don’t have to worry. Zeym and I talked alread
ELIZABETH Sico tried to change but sometimes he fails. I didn’t cut my connection to Henry, isa iyon sa kasunduan namin ni Sico kung gusto niyang maging maayos kami. Just like now, Henry will visit us dahil naging abala siya nitong mga nagdaan sa trabaho kahit na hinala ko ay iniiwasan niya lang ako. Hindi pumasok si Sico sa trabaho niya ngayon kasi alam niyang dadalaw si Henry dito sa bahay. “Sigurado ka bang ayos lang na hindi ka pumasok?” tanong ko kay Sico. “Yes hon. Ayos lang,” nakangiting aniya sabay patay ng cellphone niya na kanina pa panay ring. Pinagsingkitan ko siya nang mata at nagkunwari naman siyang kumuha ng kape para lang makaalis sa harapan ko. “Mama! Mama! Anong oras darating si tito?” tanong ni Kua na may dala pang paint brush. Kua is busy with his hobby. Puro pa pintura ang kamay niya. “Mamaya pa siguro anak. Why?” tanong ko habang pinupunasan ang pintura sa pisngi niya. “Nothing. May gusto akong ipakita sa kaniya,” Napatingin ako kay Sico nang mapansin na
ELIZABETH Henry came, nagulat pa siya nang makita niya si kuya Lando dito mismo sa tabi ko. “You came too, bra?” “Because you’re here,” sabi ni kuya at sumilip pa kay Sico na kunwari hindi kami pinapansin pero alam kong ang tainga ay nasa amin. “Hi Henry,” lumapit ako sa kaniya para batiin siya but I could feel Sico’s piercing eyes at my back before I could move my foot. Itinaas ko nalang ang kamay ko just to greet Henry imbes na lalapit ako to hug him and kiss his cheeks, the usual greetings we do. “I bought you a cake,” aniya. Ngumiti ako. “Nag-abala ka pa. Ginawan kita ng desserts dito but anyway, thank you for this.” “You’re welcome, Eli,” he said in his normal yet sweet voice. “Mama, is tito here?!” we can hear Kua’s voice. He’s excited to see Henry. Can’t blame him, masiyadong mailap si Henry mula ng nagsama kami ni Sico sa iisang bahay. “TITO!!” Kitang kita naming lahat ang ngiti ni Kua nang makita ang tito niya at ganoon rin si Henry sa kaniya. “Kua!” “I missed you
Ginawa ko ang lahat for Henry to feel comfortable dito sa bahay kahit na presensya palang ni Sico, ay nagpapabigat lang sa hangin dito sa loob ng bahay. Kasalukuyan ngayong nagpi-paint si Kua kasama ni Henry habang paminsan minsan ay kinakausap ko siya tungkol sa mga naging lakad niya nitong mga nakaraang buwan.Henry answered me with outmost respect he can give me, pero ramdam kong may barriers na sa pagitan namin. Hindi ko alam kung gusto ba niyang pumunta dito o napipilitan lang dahil kay Kua. "Talaga tito galing kang Spain?" tanong ni Kua nang marinig mula kay Henry na umuwi itong Spain."I told you, doon ako nakatira,""Mama told me doon siya lumaki. Pwede mo 'kong isama sa Spain tito kung uuwi ka ulit doon?"Tumingin si Henry sa akin ngunit sandali lang."If your mama gives you permission then why not?"Tumingin si Kua sa akin ngunit ibinalik niya rin agad ang paningin niya sa canvas."May school kami tito e so alam ko na ang sasabihin ni mama,"Hindi ko maiwasang matawa sa s
ELIZABETH Nagkatinginan kami ni Sico. Hindi ko mapigilan na hindi mahiya sa harapan ng anak namin. Hindi ko aakalain na aabot kami sa puntong ito. Nagtataka na siguro siya sa pagkatao niya lalo’t madalas sila ni Sico dumalaw kay Zeym sa hospital. “Mama is pregnant because mama and papa love each other, Kua,” sabi ni Sico, sinusubukang ipaliwanag kay Kua kung bakit buntis ako. Kumunot ang noo ng anak ko. “But she’s not your wife,” “Who told you that she’s not my wife? Mama is my wife,” Napatingin ako kay Sico. Nagsinungaling siya sa harapan ng anak namin. Nang tignan ko si Kua, nakita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya. Para siyang naiiyak na nakahinga ng maluwag. Nang lumingon siya sa akin, agad siyang tumakbo at yumakap sa hita ko. “Mama, I’m so sorry,” aniya at nagsimulang umiyak. “I doubted you mama. I’m sorry… I invited tito Henry dito sa bahay cause I want to ask him about the truth.” Tumingala siya sa akin. Kua maybe a kid but he’s smart. Lumuhod ako p
ELIZABETH “Goodbye baby/Goodbye mama,” sabay na sabi ng dalawang taong importante sa buhay ko. I raised my hand and wave them back. “It’s not that hot outside, let’s go out and come with me for a walk,” ang sabi ni Doc Mia sa likuran ko nang makaalis ang dalawa papasok sa skwelahan at opisina. Pilit akong ngumiti kay Doc. Ramdam kong ayaw niya pa rin sa akin. I clearly remember how I acted back then. After that long years, mukhang hindi pa rin niya ako gusto. Sico asked her to be with me dahil manganganak na ako. Though nakabalik na si Michelle sa amin, iyong maid, hindi pa rin mapakali si Sico na iwan ako mag-isa. “Huwag kang malikot at magbubuhat masiyado at baka manganak ka ng wala sa oras,” sabi ni Doc habang nakatingin sa tiyan kong malaki na lalo’t kabuwanan ko. “Hayaan mo si Michelle ang magluto at maglinis sa bahay. Mag exercise ka ng konti para hindi ka masiyadong mahirapan manganak.” Malamig ang boses niya ng sinabi niya iyon pero hindi siya sa akin galit. Hindi lang t
“Let’s go? Baka mamaya uminit pa sa labas,” sabi ni Doc. Tumango ako at sumunod sa kaniya. “Ma’am Eli, may gusto po ba kayong kainin mamaya?” tanong ni Michelle nang salubungin niya ako habang palabas. Umiling ako. “Kahit ano lang, Michelle. Salamat,” ngumiti ako at sumunod na kay Doc na naghihintay sa akin sa unahan. Nakakalakad pa naman ako kahit na malaki na ang tiyan. “Ang laki ng lupang binili ni Sico,” unang sabi ni Doc Mia habang palabas kami sa gate. Totoo. Ang laki, pati bahay ay malaki rin, pinapa-renovate pa nga ni Sico ang ibang anggulo. Nahinto lang ang renovation dahil malapit na akong manganak. Ayaw niya akong maingayan o madisturbo kahit na ayos lang naman kung may mga workers dito. “I heard hindi ka na dumadalaw kay Zeym,” tumingin ako kay Doc. “Nahihiya po akong dumalaw sa kaniya. I only agreed to be with Sico and Kua para bantayan sila hangga’t hindi pa siya nagigising but unexpectedly, I got pregnant. Nahihiya akong m-magpakita.” Tumango si Doc, tila ba naii
“Anong iniiyak iyak niyo diyan?” tanong ni Lady Lay sa amin ni Doc Mia. “Ito kasing si Elizabeth, pinapaiyak ako,” sabi ni Doc. Nagbaba ako nang tingin dahil nahihiya akong salubungin ang mga titig ni Lady Lorelay sa akin. “Hindi pa ba sumasakit ang tiyan mo?” tanong niya kaya wala akong choice kun’di tignan siya muli. “Hindi pa po ma’am,” sabi ko. Nakita kong lumapit siya sa akin. Huminto siya sa harapan ko at tinignan ako. “Can I touch your tummy?” Tumango ako. Naramdaman ko ang kamay niya sa tiyan ko, tila pinapakiramdaman ang baby namin ni Sico. Nakita kong ngumiti siya, siguro naramdaman niya ang baby ko. “Ang kulit,” sabi niya at tumingin kay Doc Mia. “Mia, look, I think my grandson know I am here,” Sa isipan ko ay sobra akong natuwa sa reaction niya. Anak, can you see your lola’s reaction? She smiled because of you. Tumingin ulit sa akin si Lady Lay at hinawakan na naman ang tiyan ko. “What’s his name?” “Ritmo po,” ang sabi ko. Nakita kong natigilan siya. “That’s w
HULI(THIRD PERSON)“Are you not bothered na laging kuya mo ang napupuri?” Rit smiled at the ladies at umiling.“Why would I?”“He’s the eldest so hindi ba parang sa kaniya una mapupunta ang yaman ng pamilya niyo?”Dalawa lang sila ni Kuarter yet they were always be compared to each other by the lads.“I can get rich if I want,” Rit answered as he si pped his wine from the glass.“Your parents allowed you to drink?” manghang tanong ng mga kaedaran niya na kasama sa social gatherings ng elites.“Yeah. I have an amazing parents,”Kanina pa gustong umuwi ni Rit. Wala lang siyang choice kun’di makipagplastikan sa mga taong kailangan niyang makasalamuha.He’s a college student but already reigning an empire at the young age. Even the Shein didn’t know that. Rit pretended to be dumb and a weakling baby where in face he’s dangerous like his ancestors.Bored niyang tinitignan ang ilang mga numero na pumapasok sa bank account niya. Profits from the investments he made since he was in high schoo
ZEYM “Coffee?” nag-angat ako ng tingin at nakita si Eli na inaabutan ako ng kape. Si Sico ay kausap si Rachelle kasama ni Lando. “Ang lalim ng iniisip. Tungkol ba ito kay Hanny?” “Kua said that he saw her. Naaawa ako sa anak natin. Kung saan maayos na siya, bumalik na naman ang trauma niya.” “Baka kamukha lang ni Hanny ang nakita niya. We’re there at nakita naming nilibing ang abo niya,” Alam ko. Lahat din nang nakakita ay sinabing patay na si Hanny. Ang amin lang ay sana makalimutan na ni Kua ang batang iyon dahil ayaw naming makita siyang pawisan na gumigising sa gitna ng gabi. Hinawakan ni Eli ang kamay ko at ngumiti. “Everything will be fine. Dalawa tayong ina niya ang magtutulungan para malampasan niya ulit ang mga bangungot ng nakaraan niya.” Eli is right. Dapat kong alisin ang mga negatibong ideya sa isipan ko. Enjoyin ko nalang ang outing namin ngayon. Narito kami lahat sa bahay ni Eli at Sico. Nandito rin si daddy Zee kasama ni Doc Mia at ibang mga kaibigan ni papa gay
ZEYM Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong basahin ang libro na binili ni Lando sa akin. Kanina pa ako nakangiti na parang baliw pero ang totoo ay umuusok na itong ulo ko sa inis sa kaniya. “Sweetie, you want te—err what happened?” nabitin sa ere ang sasabihin niya nang makita ang itsura ko. “You wanna die?” He looked confuse. “What’s this?” sabi ko at pinakita sa kaniya ang librong binili niya. “A book?” hindi niya sure na sagot. Bigla siyang napalunok nang makita na mas lalong lumabas ang kunot sa noo ko. “Mukha ba akong s3x addict?” nanlaki ang mata niya at tinignan ang libro na hawak ko. Mukhang na-realize niya anong libro ang binili niya sa akin. “Ah—actually, I forgot something—" “Come here,” Magpapalusot pa siya para makaalis. “What?” “I said, come here,” Napalunok siya at kinakabahan na humahakbang papunta sa akin. Do I look like a monster at ganiyan siya katakot? Umupo siya sa kama, sa tabi ko. Lumapit ako sa kaniya na agad niyang ikin
Nasa likuran ako ni Kua at tinitignan namin ang mga tao na hinahatid ang abo ni Hanny sa paglalagyan niyo. Akala ko nga ay ilalagay ng pamilya ni Hanny ang abo niya sa bahay but it turned out na ilalagay din pala pa rin nila ito sa sementeryo. I’m wondering bakit kailangan e-cremate kung ililibing din pala nila? Kung sabagay, mula sa nalaman ko ay minamaltrato ang bata kaya siguro ayaw ng pamilya niya panatilihin ang abo nito sa bahay nila. Nasa malayo kami ni Kua, umiiyak ang anak ko habang nakatingin sa malaking picture portrait ni Hanny. Hindi ko siya kilala personally, pero kung sino man siya, alam kong mabuting bata siya dahil gustong gusto siya ng anak ko. Matapos ang libing, umuwi na kami agad. Sinalubong kami ni Rit na nag-aalala sa kuya niya. Kua on the other hand went to his room. Ayaw niya sigurong makita na nag-aalala kami sa kaniya. “Is he gonna be okay, mama?” tanong ng anak ko. Tumango ako. “Yes cause your brother is strong anak,” “I’m afraid he’s not, mama,”
ELIZABETH My boys were so OA to the point na hindi ko alam kung miinis o matatawa ako sa pinaggagawa nila. It’s been almost 2 weeks nang makalabas ako, at naghihilom na ang sugat ko. Nakauwi na nga rin kami ni Sico sa bahay namin, and as for Kua, he asked Zeym to stay with us. Zeym agreed dahil aalis rin naman sila ni Lando for 1 month. Alam na kung saan ang pakay nila. Anyway, masaya kaming lahat para kay Zeym. Kung ano ang trato sa kaniya ng lahat no’ng sila pa ni Sico, ay ganoon pa rin naman ngayon. It’s just that, everyday na siyang nakangiti at blooming. Halatang masaya siya sa piling ni kuya Lando. Kakabalik lang ni Sico sa trabaho, dahil halos ayaw niya akong iwan mag-isa sa bahay lalo’t kapag may pasok ang mga bata kaya natagalan talaga ang pagbalik niya. Tambak na ang trabaho niya sa opisina. Si Rit, sa public school pa rin siya pumapasok. I asked him kung gusto ba niyang lumipat ng school noon kung nasaan ang school ng kuya niya, he firmly said NO kahit na lagi niyang g
RICO Pinitik ako ni papa sa noo. Ang sakit! “Tuwang tuwa ka pa na pinakaisahan niyo ni Lando ang kapatid mo?” tumingin si papa kay Lando, na agad na yumuko. “Sorry ulit tito,” sabi ni Lando sa tabi ni Zeym. “Oh ayan… Sige papa, pagalitan niyo ang dalawang iyan.” Sabi ni Zeym na ginagatungan si papa. Sinamaan ko siya nang tingin pero pinitik lang ni papa ang noo ko ulit. “Oh nasaan na ang tapang niyo kanina?” sabi ni Zeym. Tumingin ako kay Sico na walang malay. Nasa couch siya. Matapos sabihin ng nurse kanina na na-cremate si Elizabeth ay bigla siyang nahimatay. Maayos naman ang vitals ng gago. Ayaw lang niyang gumising. “Papa masakit na,” reklamo ko. Nakita ko si Moni na kumakain ng ice cream at tinatawanan ako. Bakit parang magkakampi sila dito sa bahay? Si Elizabeth ay nasa tabi lang ni Sico, hawak ang kamay at pinupunasan ang pawis ni Sico gamit ang panyo. “Linisin niyo ni Lando mamaya ang mga sasakyanan ko,” sabi ni papa sa akin na ikinalaki ng mata ko. “Pa/tito?” saba
Pagdating ko ng bahay, sinalubong ako agad nina tita at tito kasama ni Moni at mga anak ko. “Mama, we’re so worried about you…” Sabi ni Kua na umiiyak at nakayakap sa akin. “Mama, I missed you so much. Are you still sick mama?” inosenteng tanong ni Rit sa akin. Wala akong masabi kun’di ang ngumiti sa dalawang anak ko. Masiyado akong na overwhelmed sa pinapakita nila sa akin. “I’m sorry… Nag-aalala ba kayo kay mama?” Sabay silang tumango, ang cute. “Asus.. Ang mga baby ni mama ay… Miss na miss ko kayo mga anak.” HinaIikan ko sila sa mga labi nila kahit na pati ako ay naiiyak na rin. Para na kaming timang dito lahat na nag-iiyakan. “I promise you mama, from now on, I will protect you from danger,” ang sabi ni Kua, seryosong sinasabi sa akin na po-protektahan niya ako. Nasabi sa akin ni Zeym na tinuturuan niya si Kua sa martial arts at kung paano humawak ng baril. Wala naman aknong nakikitang problema doon at isa pa, alam kong babantayan niya ng maigi ang anak namin. “Me too mam
SICO Where am I? “Sico,” napabangon ako nang marinig ang boses ni Eli. “Where are you going? Why are you going that way?” She smiled and continue to walk. I started to run to catch her up but she’s unbelievably fast. “Honey? Where are you going?” Hindi ulit siya nakinig. Nanitili lang siyang naglalakad kahit alam niyang sinusundan ko siya. Each step I make to move forward, mas lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko. What’s happening? Bakit nasa labas siya? Wait—where are we? Why are we in the garden? Whose garden is this? “Eli,” tawag ko ulit sa kaniya but this time, huminto na siya. “Stay Sico,” matapos niyang sabihin iyon, hindi ko na magalaw ang paa ko. “Anong ginagawa mo? Why I can’t move?” “Sico, thank you for loving me.” She smiled, then naalala ko na nasa hospital siya. “Bakit? Saan ka pupunta?” tanong ko. Kinakabahan na ako, ayokong iwan niya kami. “Sico, you need to be strong dahil may mga anak pa tayo,” ang sabi niya. “Stop it Eli. Saan ba ito? Come here baby…
Pagkadating ni Moni ay kasama niya si Lando. Matapos humaIik ni Lando sa gilid ng noo ko, sinabi ko sa kaniya na tignan niya muna si Rit kung maayos na ba ang kalagayan nito. “Bumaba na ang lagnat niya. Don’t worry.” Sabi niya sa amin. Tumango ako at nilapitan si Rit para haIikan ang noo nito. “Are you okay?” bulong niya sa akin. Tumango ako. “Pwede mo bang e check rin si Sico?” Tumitig si Lando sa mga mata ko bago tumango. “No need, Lando. I’m fine,” “Sico, you’re not. Titignan lang ni Lando ang kalusugan mo dahil baka mamaya, bigla kang mag collapse.” Sabi ko “Kuya, sige na please. You need to stay healthy for your sons. Nag-aalala na nga sila para kay ate Eli tapos paano nalang kung pati ikaw ay madala sa hospital?” sabi ni Moni. Natahimik si Sico at kalaunan ay pumayag na rin. Chineck na siya ni Lando at kami ni Moni ay nakamasid lang sa kanila. “So far, maayos naman ang heart, liver, intestine, esophagus—" “Are you making fun of me, Lando?” Sinamaan siya nang tingin ni