“KUNG ako sa’yo, Devroux, magtitino na ako ngayon pa lang,” ani Shola, ang asawa ng kanyang kaibigan na si Kurt. Ihinehele nito ang bunso nilang anak na halos katatapos lang dumede. “Pahalagahan mo ang asawa mo kahit na sa papel lang naman kayo kasal. Lagot ka kapag kinarma ka dahil sa mga kalokohan niyong magkakaibigan.”
“Bakit nadamay na naman ako d’yan?” angil naman ng asawa nitong kakagaling lang sa kusina at may dalang isang baso ng tubig.
“Bakit? Aangal ka? Totoo namang tarantado kayong magkakaibigan ah!”
Ibinaba ni Kurt ang baso sa center table bago itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko. Natawa na lang si Devroux dahil sa ginawa ng kaibigan. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang isang Kurt Delovo ay titiklop dahil sa isang babae? Ang nagagawa nga naman ng pagmamahal.
“Kausapin mo ‘yan,” inginuso siya ni Shola. “Narinig ko ang usapan nila ni Ford kanina na may ka-date siya mamaya. May asawa na nga, kakalantari pa ng iba. Pare-pareho lang talaga kayong mga lalaki. Hindi ba talaga kayo marunong makuntento sa isa?”
Sa hindi inaasahang pagkakataon, sabay pa silang napakamot sa batok ni Kurt. Ang sama ng tingin na ipinupukol sa kanila ng babae. Naabutan kasi sila nito ni Ford na nag-uusap kanina tungkol sa isang anak ng business partner nila. Ito ang inutusan ng ama na kumausap sa kanya. Alam na alam na nila ang nais na mangyari ng matandang lalaki pero pumayag pa rin siyang makipagkita sa babae.
Hindi narinig ni Shola ang buong usapan nila ni Ford. Ang akala siguro nito ay basta-basta na lang siyang makikipagkita sa ibang babae. He will never do that. He’s now a married man kahit na wala namang pagmamahalan sa pagitan nila ng kanyang asawa. Kilala niya ang kanyang ina at kapag nalaman nitong nagloloko siya habang may asawa, baka ilibing siya nito ng buhay.
“‘Yang na sa pagitan ng dalawa niyong hita ang magpapahamak sa inyo.” Binalingan nito si Kurt. “Alagaan mo ito,” iniabot nito ang bata na kaagad namang tinanggap ng lalaki. Nakapameywang na hinarap siya nito. “Sumasakit talaga ang ulo ko dahil sa inyong magkakaibigan.”
Naiiling na tumayo siya. “Meeting lang ang pupuntahan ko, Shola.”
Naningkit ang mga mata nito na para bang tinatantiya kung nagsasabi siya ng totoo. “Meeting of what? Genitals?”
Nasamid si Kurt sa sarili nitong laway. Kakaiba talaga ang tabas ng dila ni Shola. Si Devroux naman ay napangisi. Nasasanay na siya sa ugali ng babae.
“I’m not doing anything wrong so stop―”
“Sa ngayon,” putol nito. “Wala ka pang ginagawa sa ngayon. Pa’no sa mga susunod na araw? Kasi may kilala ako,” she glanced at her husbband who automatically averted his gaze to their youngest child,” na gan’yan at sigurado akong kilala mo rin.”
“Past is past, Shola. Kasal na kayo ni Kurt.”
She rolled her eyes. “Winarningan na kita, Devroux.” Tinalikuran sila nito at tinungo ang kusina.
Nagkatinginan sila ni Kurt at pareho na lang napa-iling. Wala namang mali sa sinabi ni Shola. Napatawad na nito ang asawa pero baka sadyang hindi pa nito tuluyang nakakalimutan ang ginawa ni Kurt.
Nagpaalam na siya sa kaibigan ng makitang oras na para sa meeting niya. Sa isang café ang napag-usapan lugar kaya dumiretso na siya doon. Sakto namang kararating lang din ng babae kaya sabay na silang pumasok. Halos kakaalis lang ng waiter ng may marinig siyang isang pamilyar na pangalan.
“Tori!”
Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Medyo nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang naglalakad palapit sa pwesto nila.
What is she doing here?... he mentally asked himself.
Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagngisi nito ng magkasalubong ang mga paningin nila. Napa-iling na lang siya ng tumigil ito sa tabi niya. Sinamaan niya ito ng tingin ng kausapin siya nito. Kahit na matigas ang ulo nito, kampante siyang hindi ito gagawa ng eksena.
Nang sabihin ni Fiona na ‘getting there’, tumaas ang kilay niya. Kaya nagdadalawang-isip siyang pumayag sa meeting dahil dito. Iniisip nilang magkakaroon sila ng relasyon kapag nakausap siya.
“His wife.”
Hindi niya napigilang ngumisi ng marinig ang sinabi ni Tori. Akala niya ay ililihim nito ang kasal nila dahil kinamumuhian siya nito. Kung pwede nga lang ay inilibing na siya nito ng buhay.
HINDI alam ni Tori kung matatawa ba siya sa nakitang reaksyon ng babae pagkatapos nitong marinig ang sinabi niya. Her eyes slightly widened as her lips parted. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanila ni Devroux. Nagbubunyi ang kalooban ni Tori dahil sa nakikita.
“Hindi ba nasabi sa’yo ni Devroux na may asawa na siya?” dagdag pang-aasar niya pa. But instead of answering her, napunta sa kamay niya ang tingin nito. Napatikhim siya ng mapagtanto ang ginawa ng babae. Sinipat niya ang kanang kamay. “Are you looking for my wedding ring?”
All of a sudden, the girl’s reaction changed. Nawala na ang pagtataka at napalitan na ng katapangan. “You’re not married,” siguradong saad niya.
Napataas ang kanang kilay ni Tori. She checked her left hand. Kung titignan ng mabuti, ang gitnang daliri niya ay medyo nakataas na siyang ikina-ismid ni Lea na napansin ang ginagawa niya. “I don’t have my ring because me and my husband,” she glanced at Devroux who had a small smirk plastered on his face, “had an argument. Gusto mo bang malaman ang dahilan ng away namin?”
Nawala ang matapang na aura ng babae na ikina-iling ni Tori. Kinuha niya ang baso ng tubig. Nanlaki ang mata ng babae at napatayo bigla. Kunot-noo naman itong tinignan ni Tori. Si Lea naman ay medyo napa-atras. Samantalang si Devroux ay nanatiling naka-upo at nanonood lang. Gusto nitong makita kung ano ang gagawin ng kanyang asawa.
“Akala mo ba ay ibubuhos ko sa’yo ito?” She shook her head. “No, darling. Wala tayo sa pelikula. At kung may gagawin man ako sa’yo, I’ll just let karma do the job for me.” Uminom siya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng babae. Ibinalik niya sa lamesa ang baso bago hinarap ang asawa na awtomatikong pinagtaasan siya ng kilay habang nakahalukipkip. “
“Kaya ba ayaw mong umalis ako ng bahay dahil may date ka? Sana sinabi mo na lang para tapos ang usapan.”
Walang pakialam si Tori sa gagawin ni Devroux sa buhay basta huwag lang siyang pakikilaman sa mga gagawin niya. She just acted that way towards that woman dahil naiinis siya sa lalaki. Ang lakas ng loob nitong pagbawalan siyang umalis tapos ito naman pala ang lalabas at may date pa. Nasaan ang hustisya?
Seconds passed and Devroux stayed quiet. Napabuntong hininga na lang si Tori. “You can do whatever you want but stop meddling with my business. Let me do my thing and we’re good.” Bumaling siya sa babae na nanatiling nakatayo at nakamasid sa kanila. “Enjoy your date with him.” She gave her a smile. Pero hindi pa man siya nakaka-isang hakbang palayo sa kanila ay muli siyang tumingin sa babae.
“What?” medyo iritang tanong nito.
“A simple piece of advice, Miss. Save yourself before it’s too late.” Bago pa makasagot ang babae ay hinila na niya si Lea pabalik sa lamesa nila. Noon niya lang napagtanto na naagaw nila ang atensyon ng mga customers. But she couldn’t care less. Inis siya kaya niya nagawa ‘yon. Kasalanan lahat ni Devroux. Ito ang dapat na sisihin.
LUMIPAS ang mga araw na hindi nagkakasalubong ang landas nilang mag-asawa dahil pansamantala siyang nakikitira sa condo ni Lea. Ilang beses na siyang tinawagan ng kanyang ama para pauwiin pero nagmatigas siya. Iniwasan na rin nilang puntahan ang bar na pinupuntahan nila dahil baka biglang magkita sila ni Devroux.
Kaninang umaga lang ay tumawag ulit ang kanyang ama para sabihing umuwi na siya sa kanyang asawa. Katulad ng mga nagdaang araw, nagmatigas pa rin siya. Buti na lang ay nagkaroon na siya ng magandang rason para hindi umuwi. Ipinaalaga raw ni Devroux sa kaibigan nito. Uuwi lang siya kapag ibinalik na nito ang aso.
“Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone mo, Jillian Victoria Alonzo Fuentabela. Sumasakit na ang ulo ko,” reklamo ni Lea na nakahilata sa tabi niya.
Nakasimangot na inabot niya ang cellphone sa bedside table at sinagot ang tawag na hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. “Tori speaking,” bagot na aniya.
“Go home. Your dog is back.”
Nanlalaki ang mga mata niya mabosesan ito. “Devroux?” Tinignan niya ang cellphone para tignan kung tama siya. “Sh*t!” mura niya ng makita ang pangalan nito. Napabalikwas pa siya ng bangon. “Where’s willlow?”
“Umuwi ka kung ayaw mong tuluyan kong itapon ang aso mo.” Bago pa siya makasagot ay pinatay na nito ang tawag.
“I need to go home,” aniya at nagkukumahog na kinuha ang mga gamit niya. Ni hindi na nga siya nakapagpaalam ng maayos sa kaibigan at basta na lang umalis.
Pagdating sa bahay nila, halos takbuhin na niya ang kwarto niya. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang natutulog si Willow sa higaan nito. Dahan-dahan niyang nilapitan ito at hinaplos ang ulo. Saktong pagtayo niya ay ang pagbukas naman ng pinto.
“Where have you been?”
Huminga siya ng malalim. “Kay Lea lang,” mahinang sagot niya. Wala siyang ganang makipagbangayan sa lalaki. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa mga nagdaang araw.
Tumulong sila sa isang orphanage na magpa-feeding program. Iyon ang pinagkaabalahan niya kaya hindi siya umuuwi. Ayaw na ayaw ng kanyang ama na sumasama ssiya sa mga gano’n kaya hindi na niya sinabi.
Ilang segudo silang magkatingin lang ni Devroux. Pansin niyang nagtataka ito sa inaasal niya. Sino nga ba naman ang hindi magtataka kung bigla na lang siyang mahinahon makipag-usap sa lalaki?
“Are you sick?” basag nito sa katahimikan. “You’re weird.”
Nagkibit-balikat lang siya at naglakad patungo sa kama niya. Parang walang nakamasid sa kanya na bigla na lang siyang dumapa pahiga. “Bukas na tayo magbangayan. Matutulog na ako.”
Narinig niyang sumara ang pinto kaya akala niya ay lumabas na ito. Pero nahigit niya ang kanyang hininga ng may humawak sa braso niya at bigla siyang pinatihaya. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa salarin.
“H-Hey!” aniya pero walang emosyon lang siya nitong tinitigan. “Go out. Matutulog na ako.”
Binitawan siya nito. “Get up. Eat first before you sleep,” aniya at iniwanan na siyang awang ang mga labi.
Weird…
NAGISING si Tori na masakit ang kanyang ulo. Nang damhin niya ang kanyang leeg at noo ay mainit siya. May lagnat siya kaya tinawagan niya si Lea para ipaalaga muna ang aso niya. Ang kaso, may lakad ito kaya napilitan siyang bumaba. Umiikot ang paningin niya habang pababa ng hagdanan kaya inabot siya ng ilang minuto bago nakarating sa kusina.Mas lalong sumakit ang kanyang ulo ng makitang walang tao. Napabuntong hininga na lang siya ng mapagtantong baka pinauwi ni Devroux ang mga ito."Argh! Kainis naman!" napapadyak pa ito dahil sa inis.Nanghihina niyang pinilit maglakad pabalik sa silid niya. Mahigpit ang kapit niya sa hawakan ng hagdanan para lang hindi siya mawalan ng balanse. Pero ng isang baitang na lang ang aakyatin niya, biglang umikot ang paningin niya. Akala niya ay mahuhulog na siya pero may humawak sa kamay niya."Hey! Careful!" a baritone voice said. Ang hawak nito sa kamay niya ay napunta sa bewang niya."D-Dizzy..." mahinang aniya at sumandal sa dibdib ng nakahawak sa k
"SIT DOWN, YOUNG LADY!" Malakas na utos ng ama ni Tori ng tumayo siya. "You don't disrespect me like that."Mas tumalim ang ipinukol niyang tingin dito. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal!" Sigaw niya. "You told me to study Business Management, I did it just to make you proud. I even graduated as Magna Cum Laude because you want me to be like Ate Veronica. Sinunod ko lahat ng gusto mo pero hinding-hindi ako papayag na ipakasal mo ako sa taong kahit kailan ay hindi ko pa nakilala. Disown me if you want but I will never obey you this time!"Nakatingin lang sa kanya ang kapatid at ina dahil wala naman silang magawa para tulungan siya. Pareho lang silang hindi kayang kontrahin ang haligi ng kanilang tahanan."I'm not asking for your opinion. You don't have a choice but to obey me.""Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan?" Kulang na lang ay magpapadyak ito dahil sa frustration. "Ayaw ko ngang magpakasal ngayon!"Pinagising siya kanina dahil may sasabi
WALA sa sariling pumirma si Tori sa papel na iniabot ng kanyang ama. Tulala lang siya at hindi alam kung ano ang mga pinag-uusapan nila. Simula ng bumaba siya, wala ng ibang laman ang utak niya kung hindi katapusan na ng kalayaan niya.Three days ago, she talked to his father. Sinabi niyang papayag na siyang magpakasal pero sa isang kondisyon. Pinagpapasalamat niyang wala ang kanyang kapatid dahil baka kontrahin lang nito ang desisyon niya. Hindi kaagad pumayag ang kanyang ama sa gusto niya. Pero ng makitang seryoso siya, pumayag ito. Sapat na ang kaalamang kaagad na gumawa ng paraan ang ama niya para maisakatuparan ang hiling niya."It's settled," sabi ng lawyer na umagaw sa atensyon niya. "You're now Mrs. Devroux Fuentabela. Wishing you a happy life with him." Tumayo ito at naglahad ng kamay.Wala sa sariling nakipagkamay siya. Ano na ang mangyayari sa kanya ngayon na kasal na siya? Matutulad ba siya sa kanyang kapatid?Devroux Fuentabela was known to be mysterious. May mga balita t
"WHERE ARE YOU GOING?"Tumigil si Tori bago pa tuluyang makalabas. Inis na humarap siya sa taong nasa bukana ng kusina at nakatingin ng masama sa kanya. "Sa impyerno, sama ka? Matagal ka ng hinihintay ni satanas."Pagdating nila sa bahay niya kagabi, naabutan nila ang kanyang mga magulang. Kung wala lang siguro si Devroux ay baka nasermunan na siya ng ama. Humingi ito ng pasensya kay Devroux dahil sa naging asta niya. Hindi niya tuloy napigilang umikot ang mga mata niya.Hindi rin naman nagtagal ang mga ito na ikinahinga niya ng maluwag. Baka kung ano pa ang masabi niya sa ama niya. Pero ng sila na lang dalawa ni Devroux, kulang na lang ay tumakbo siya pasunod sa mga magulang niya.Wala siyang sermon na narinig mula sa lalaki. Sinabihan lang siyang pumunta na sa sarili niyang silid at magpahinga. Doon niya naramdaman ang sakit ng ulo kaya hindi na siya kumontra."Sino ang nagsabi sa'yong pwede kang umalis ng bahay?""Ako. Gusto kong lumabas kaya lalabas ako."Hindi siya mag-iinom ngay
ABALA si Tori sa pagpapaligo sa asong binili niya ng may kumalampag sa pinto ng kanyang kwarto. Alam niya kung sino ito kaya nagkunwari siyang walang narinig. Bahala itong mapagod kumatok.“Open this damn door, Jillian Victoria!”Tori rolled her eyes as she dried the dog using a towel. Kung magulang niya sana ang bumanggit sa buong pangalan niya, kanina pa siya nagkumahog tumayo at buksan ang pinto. Sino ito sa tingin niya para sundin niya? Asawa lang naman niya ito sa papel.“Don’t mind him, Willow.” She kissed the dog’s nose before going out of the bathroom. “Papansin lang siya. Kulang kasi sa aruga.” The dog wiggles its tail that made her chuckled. Parang naiintindihan nito ang mga sinabi niya.“Open this door, woman!”She sighed. Hindi talaga ito titigil kaya ibinaba niya ang aso na kaagad pumunta sa higaan nito. Isang masamang tingin kaagad ang pinambungad niya sa lalaki ng pagbuksan niya ito ng pinto."May balak ka bang sirain ang pinto, Devroux Fuentabela?" Asik niya bago pa it