Home / Romance / Billionaire's Stubborn Wife / Chapter 6: Stubborn Princess

Share

Chapter 6: Stubborn Princess

NAGISING si Tori na masakit ang kanyang ulo. Nang damhin niya ang kanyang leeg at noo ay mainit siya. May lagnat siya kaya tinawagan niya si Lea para ipaalaga muna ang aso niya. Ang kaso, may lakad ito kaya napilitan siyang bumaba. Umiikot ang paningin niya habang pababa ng hagdanan kaya inabot siya ng ilang minuto bago nakarating sa kusina.

Mas lalong sumakit ang kanyang ulo ng makitang walang tao. Napabuntong hininga na lang siya ng mapagtantong baka pinauwi ni Devroux ang mga ito.

"Argh! Kainis naman!" napapadyak pa ito dahil sa inis.

Nanghihina niyang pinilit maglakad pabalik sa silid niya. Mahigpit ang kapit niya sa hawakan ng hagdanan para lang hindi siya mawalan ng balanse. Pero ng isang baitang na lang ang aakyatin niya, biglang umikot ang paningin niya. Akala niya ay mahuhulog na siya pero may humawak sa kamay niya.

"Hey! Careful!" a baritone voice said. Ang hawak nito sa kamay niya ay napunta sa bewang niya.

"D-Dizzy..." mahinang aniya at sumandal sa dibdib ng nakahawak sa kanya.

"You okay?"

Mariin siyang pumikit para maibsan kahit kaonti ang sakit ng ulo niya. Naramdaman niyang may dumampi sa leeg at noo niya pero nanatili siyang nakapikit.

"You're burning!" he exclaimed. "Bakit hindi ka nagsasabi?!" halata ang inis sa boses nito pero mababanaag pa rin ang pag-aalala.

"I'm d-dizzy, Roux."

"Fvck, babe!"

The next thing she knew, she was being lifted then put down on the soft bed. She immediately curled up like a ball, closing her eyes tightly.

She hated having a fever. She hated being weak like this.

"What do you want, babe?" Roux softly asked. "Are you hungry?"

Umiling siya. Naramdaman niyang lumundo ang kama bago may humaplos sa buhok niya. "It h-hurts, Roux..." May tumulong luha sa kanyang kaliwang mata hanggang sa sunod-sunod na.

"Shhh, babe," pang-aalo nito ng marinig ang hikbi ng dalaga. "I'll call Lea, okay?"

"She's busy."

"Your other friend?"

"B-Busy."

Ayaw niyang iwan ng mga kaibigan niya ang kung ano mang ginagawa nila dahil lang sa may sakit siya. She can take care of herself. Hindi naman ito ang unang beses na nagkasakit siya at busy ang mga ito. Nakaligtas siya noon, magagawa niya rin ngayon.

"What do you want me to do then?" He kept caressing her hair. "Want me to buy something?"

This was the first time for him to take care of someone who was sick. Wala siyang ideya kung ano ang gagawin kaya niya tinatanong ang dalaga. Ayaw niyang magkamali at dagdagan ang sakit ng ulo nito.

"J-Just..." humikbi ito. "Just stay."

Tumahimik ang silid niya at tumigil ang lalaki sa paghaplos sa buhok niya kaya may lalo siyang naluha. She just needs someone beside her.

"O-Okay lang kung a-ayaw mo." Nilingon niya ito. He was staring at her intently. "You can go. You can leave me here." Pinilit niyang ngumiti. "K-Kaya ko, Roux. You can go to her," tukoy niya kay Fiona, ang babaeng huling nakita niyang kasama nito.

Roux let out a sigh and left her bed. "I'll just get your meds downstairs." He immediately left her room after that.

Naiwan na nakaawang ang labi ni Tori. What just happened?

After a few minutes, Roux came back holding a tray. Inilapag nito ang dala sa tabi niya.

"You cooked?" she asked when she saw what he brought.

"You need to eat before taking your meds," he simply said before helping her sit down. Pinasandal siya nito sa headboard ng kama bago ito naupo sa gilid ng kama niya. "Susubuan na lang kita para makainom ka na ng gamot."

"Kaya ko, Roux."

"I know." Inilapit nito ang kutsarang may laman na sabaw sa kanya. "Set aside your stubbornness for now."

Gusto niya sanang kumontra pero pinigilan niya. She rolled her eyes and opened her mouth. He helped her finish the soup and let her take her meds after.

"You take a rest. I have work but I'll check you from time to time."

She just nodded and then closed her eyes dahil sumasakit na naman ang ulo niya. Naramdaman niyang inayos nito ang kumot niya bago niya narinig ang pagsarado nito ng pinto.

"For Pete's sake, stop being stubborn, Jillian Victoria!" tuluyan ng naputol ang pinipigilang inis ni Devroux. "Let go of that blanket and eat."

"Ayoko nga sabi eh!" angil ni Tori ng hilain niya ang kumot nito. "Ang pait niyan!"

"Dalawang araw ka ng may lagnat dahil sa katigasan ng ulo mo. Let go, Tori!" Pwersahan niyang hinila ang kumot kaya nahila niya ito.

"Roux!" she exclaimed. "Ang kulit mo naman eh!"

"Ako pa talaga?" Inilayo niya ang blanket para hindi na nito mahila. "I just want you to eat so you can take your meds. May sakit ka na nga, bakit ba ang tigas pa rin ng ulo mo?"

Iniwan niya ito kanina dahil sinabi nitong kaya na nitong kumain mag-isa at iinom ito ng gamot pagkatapos. Hinayaan niya ito dahil may tinawagan siya pero pagbalik niya, wala man lang bawas ang pagkain at nakatalukbong ito ng kumot. Kung ano ang iniwanan niyang ayos nito, gano'n din ang naabutan niya.

"Sinabi ko bang alagaan mo ako? Hindi naman, 'di ba?" Bumangon ito at sumandal sa headboard. "Kahapon pa kita pinapapunta sa babae mo. Bakit ka nandito?"

He sighed. Hindi talaga siya mananalo sa babaeng ito. Partida may sakit pa ito. Pa'no na lang kung wala?

"I told you to set aside your stubbornness. That's all I'm asking, Tori." He lowered his pride for her sake. He already called her friends and they were on their way already.

"Mapait nga kasi kaya ayaw kong kainin." She kicked the pillow near the tray kaya muntik ng matapon ang sabaw, buti na lang at naging maagap si Roux.

"That's normal, Tori. Tiisin mo na muna para may laman ang tiyan mo." Naupo ito sa gild ng kama. "Open your mouth."

She glared at him and he glared back. "Ayoko! Ikaw kumain niyan!" pagmamatigas nito at inirapan pa siya.

"Open your mouth before I open it myself, Jillian Victoria."

"Mapait nga kasi ka-ack!" Umagos sa gilid ng labi niya ang sabah ng bigla na lang niyang isinubo ang kutsara habang nagsasalita ito.

Muntikan na itong mabilaukan kaya umubo-ubo ito. Kaagad naman niya itonv inabutan ng tubig.

"Gusto mo bang pwersahin kitang kumain?" Naawa siya sa babae pero isinantabi niya ang nararamdaman dahil sa katigasan ng ulo nito.

"Papatayin mo ba ako?" masama ang tingin na ipinupukol nito sa kanya pero binalewala niya at inilapit muli ang kutsara.

"Katigasan ng ulo mo ang papatay sa'yo."

Napakain at napainom niya ito ng gamot na halos patayin na siya sa sama ng tingin. Saktong kakalabas niya lang sa silid nito ng dumating ang mga kaibigan nito. Ibinilin na lang niya ang babae dahil kailangan niyang pumunta sa opisina niya.

He needs to take a break. Halos maubos ng babae ang pasensya niya. Iba talaga ang katigasan ng ulo nito.

"ANO'NG ginawa mo sa asawa mo?" ani Kate pagkapasok nila sa kwarto ng kaibigan na nakasandal sa headboard ng kama habang kumakain ng mansanas.

"Inaway mo ba?" tanong naman ni Lea na inagaw ang isusubo na sana niya.

"Pinapakain kasi ako ng mapait."

"Tanga!" binatukan siya ni Kate kaya umikot ang paningin niya. "Sorry! Sorry!" alo nito ng mapapikit siya.

"Mapanakit kayo!" angil niya.

"Ang tanga mo kasi," depensa nito. "Mapait talaga lahat ng pagkain kung may lagnat ka."

"Alam ko!"

"Buti hindi ka sinakal?" ani Lea.

"Hindi nga pero muntikan naman akong mabilaukan dahil sa kanya!"

Hindi niya makakalimutan ang nangyari kanina. Maniningil siya kapag nawala na ang letseng lagnat niya. Kung bakit naman kasi siya nilagnat. Hindi naman siya naulanan dahil tirik na tirik naman ang araw. Siguro epekto ito noong natuyuan siya ng pawis.

Her friends stayed with her until Roux came back with a basket of fruits. Pinakain at pinainom na siya ng gamot ng mga kaibagan niya para hindi na raw sila mag-away ng asawa.

"I'll check your temperature later," anito bago siya iniwanan.

And true to what he said, he came back and check her temperature. Ilang beses itong bumalik sa kwarto niya para i-check kung bumaba na ba ang lagnat niya.

And when morning came, she felt better...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status