Home / Romance / Billionaire's Stubborn Wife / Chapter 3: First Wave Of Stubbornness

Share

Chapter 3: First Wave Of Stubbornness

"WHERE ARE YOU GOING?"

Tumigil si Tori bago pa tuluyang makalabas. Inis na humarap siya sa taong nasa bukana ng kusina at nakatingin ng masama sa kanya. "Sa impyerno, sama ka? Matagal ka ng hinihintay ni satanas."

Pagdating nila sa bahay niya kagabi, naabutan nila ang kanyang mga magulang. Kung wala lang siguro si Devroux ay baka nasermunan na siya ng ama. Humingi ito ng pasensya kay Devroux dahil sa naging asta niya. Hindi niya tuloy napigilang umikot ang mga mata niya.

Hindi rin naman nagtagal ang mga ito na ikinahinga niya ng maluwag. Baka kung ano pa ang masabi niya sa ama niya. Pero ng sila na lang dalawa ni Devroux, kulang na lang ay tumakbo siya pasunod sa mga magulang niya.

Wala siyang sermon na narinig mula sa lalaki. Sinabihan lang siyang pumunta na sa sarili niyang silid at magpahinga. Doon niya naramdaman ang sakit ng ulo kaya hindi na siya kumontra.

"Sino ang nagsabi sa'yong pwede kang umalis ng bahay?"

"Ako. Gusto kong lumabas kaya lalabas ako."

Hindi siya mag-iinom ngayon kung iyon ang iniisip nito. Masakit pa ang kanyang ulo. May gusto siyang puntahan ngayon para mawala ang pagka-inis niya. Hinihintay na siya ni Kate kanina pa.

"Hindi ka ba sinabihan ng mga magulang mo? Hindi ka na dalaga."

Pagak siyang natawa. "Dahil ba may asawa na ako ay hindi na ako pwedeng lumabas? Kokontrolin mo na ang buhay ko? Kung oo, tang*na mo!"

Umigting ang panga ng kanyang asawa. "Watch your mouth, woman. I'm still the head of this house." Naglakad ito palapit sa kanya. Imbes na umatras siya, taas noong sinalubong niya ang tingin nito. "Continue being stubborn and you'll regret the consequences."

"Dapat na ba akong kabahan, Mr. Fuentabela?" Ngumisi siya. "Pare-pareho tayong may kasalanan sa sitwasyon na ito kaya tanggapin niyo kung ano'ng nangyayari. Kung matigas man ang ulo ko, kasalanan niyo. I sacrificed my freedom just to marry you so let me do what I want."

Hindi siya magpapakontrol kanino man. Kung mahihirapan siya, idadamay niya ang mga ito. Sama-sama silang pumunta sa impyerno at makipag-reunion kay satanas.

"Hindi mo gugustuhing galitin ako, Alonzo. Kung demonyo ang tatay mo, mas malala ako."

Those words sent shivers down her spine pero hindi niya ipinahalatang natakot siya. She won't give him the satisfaction of seeing her scared.

"Sanga-sanga rin ang sungay ko para lang alam mo. Alam kong pinaimbestigahan mo ako pero kulang ang resultang nakuha mo. Nasabi ba ng imbestigador mo na kaya kong gawing miserable ang buhay mo?" She smirked. "Hindi, 'di ba?"

He stared at her intently. "Do what you want. Just don't blame me for the consequences of your actions." He turned his back and went upstairs.

Pinanood niya ito hanggang sa mawala ito sa paningin niya. "Tignan natin kung kaya niyong panindigam ang mga desisyon niyo," aniya bago umalis ng bahay.

She'll make them taste their own medicine, by hook or by crook.

"KUMUSTA NAMAN ANG BUHAY MAY ASAWA?" Tanong ni Kurt na may munting ngisi. "Masaya ba, bro?"

Napahalakhak si Harym na pinukol ng masamang tingin ni Devroux. "Gaano kasakit ang ulo mo ngayon, pre? Kaya pa?"

"Mas matigas pa yata ang ulo ng asawa mo kumpara sa'yo," dagdag naman ni Ford.

Huminga siya ng malalim. Tama ang mga kaibigan niya. Matigas ang ulo ng asawa niya. Mas sumasakit pa ang ulo niya dahil dito kumpara sa trabaho niya. Her parents gave him the consent to discipline her, he's just waiting for the right time. Marami pa siyang trabaho kaya hindi niya maasikaso. Pero kapag nagkaroon siya ng oras, pagsisisihan nitong nagpapasaway ito.

"Ano ba talaga ang plano mo sa kanya? Wala namang kasalanan sa'yo ang asawa mo. May utang ba sa'yo ang tatay niya?" Pag-iiba sa usapan ni Harym.

"It's all her father's fault," agad na sagot niya. "Wala akong alam kung bakit siya nadamay. Nagkataon lang na siya ang biktima ng tatay niya."

Plano ng tatay ni Tori ang lahat. May gusto lang makuha si Devroux kaya siya pumayag. Hindi ibibigay ng mga magulang niya ang gusto niya kung hindi niya pakakasalan si Tori. Kilala niya ang kanyang mga magulang. Kung ano ang sinabi ng mga ito, 'yon ang mangyayari.

Hindi mana ang gusto niya. Wala siyang pakialam kung ibigay nika ang lahat sa kapatid niya. His brother deserves those things. Ang gusto niya lang ay isang bagay at gagawin niya ang lahat para makuha 'yon.

"Tungkol ba ito sa nangyari noon kaya ka pumayag magpakasal?" Kurt asked. "Gusto mo pa rin bang makuha?"

His jaw clenched. "Akin 'yon. Dapat na sa'kin 'yon."

"Kayang-kaya mong kunin kahit hindi ka magpakasal."

Natahimik siya sa sinabi ni Harym. Nakatingin sa kanya ang mga kaibigan niya. Mas lalong umigting ang panga niya.

"Kung ano man ang plano mo, kung masasaktan si Tori kalaunan, itigil mo na, bro," ani Kurt. "Hihintayin mo pa bang maulit ang mga ginawa ko noon?"

Sariwa pa sa alaala niya ang tinutukoy ni Kurt. Kung may nakaranas man ng pinagdaanan niya ngayon, si Kurt 'yon. Butas ng karayom ang pinasukan nito bago narating ang kinaroroonan niya ngayon. Saksi sila sa naging hirap nito.

"Wala akong masamang balak sa kanya. Pumayag siyang magpakasal sa'kin kaya panindigan niya."

"Pumayag siya dahil wala siyang pagpipilian. Hindi siya katulad mo na kayang lusutan ang kasunduan ng pamilya niyo," ani Harym. "Galit na galit siya sa'yo, pre. Gago ka raw kasi pumayag kang magpakasal sa kanya kahit kayang-kaya mo namang umayaw. Kalayaan niya ang itinaya niya kaya naiintindihan ko na kung bakit matigas ang ulo niya. Bata pa siya, Roux."

"Tama si Harym," segunda ni Kurt. "Sa gano'ng edad, marami pa siyang gustong gawin. Kumbaga sa ibon, nagsisimula pa lang siyang matutong lumipad. Hindi siya handa sa buhay may asawa."

Napahilot sa sentido si Devroux. Mas lalong sunasakit ang ulo niya dahil tama sila. Inilabas niya ang cellphone niya at may tinawagan. Sumagot ito sa ikatlong ring.

"Victoria Alonzo speaking."

Natigilan ang mga kaibigan niya at matiim siyang pinanood.

"Where are you?"

Ilang segundong tahimik ang kabilang linya bago niya narinig ang inis na boses nito. "Pakialam mo ba?"

Huminga siya ng malalim para kontrolin ang sarili. "Maayos ang tanong ko—"

"And so?" Putol nito. "Buhay mo ang pakialaman mo, 'wag ang akin. Sa papel lang tayo kasal, Mr. Fuentabela. Sinabi ko na sa'yong gagawin ko kung ano ang gusto ko."

"Pangalan ko ang dinadala mo. May karapatan akong pakialaman ka." Tumayo siya at tinungo ang hardin ng bahay ni Kurt. Ayaw niyang marinig ng mga kaibigan kung pa'no siya sagot-sagutin ng babae.

Maybe it's his pride talking. Nanay niya lang ang hinahayaan niyang bungangaan siya dahil may karapatan ito. Siya ang tipo ng lalaking ayaw magpakontrol sa babae at alam iyon ng mga kaibigan niya.

Pagak na natawa ang babae. "Wala akong pakialam sa pangalan mo. Kung natatakot kang madungisan ko ang pangalan mo, 'wag kang mag-alala dahil hindi naman ako masamang tao para sirain ito."

"Where are you?" he asked again.

"Wala ka ngang pakialam. Bakit ba ang kulit-kulit mo? Ilang beses ka bang inire ng nanay mo?"

Humigpit ang hawak niya sa cellphone. Siya pa ngayon ang makulit? Tinatanong lang naman niya kung nasaan ito para alam niya ang isasagot kapag tumawag ang mga magulang nito.

Tama nga si Kurt sa sinabi nito noon na sakit talaga sa ulo ang mga babae. Ngayon alam na niya kung bakit laging aburido ang kaibigan noon kapag si Tasya ang usapan.

"Any minute, your parents will call me to ask your whereabouts. Ano'ng gusto mong isagot ko sa kanila?"

"Sabihin mong narito ako sa impyerno. Sumunod na lang sila kamo kung gusto nila para sama-sama na kaming lahat."

Bago pa siya makasagot ay namatay na ang tawag. He sighed before going back inside. Matigas talaga ang ulo ng babae. Gano'n ba niya hindi kagusto ang magpakasal? O baka naman dahil siya ang pinakasalan?

"I need to go," aniya pagkabalik.

"Nahanap mo na?" Ani Ford.

Umiling siya. "May trabaho pa akong tatapusin."

"Make time for your wife, bro, baka sakaling tumino."

Napatango ang dalawa niyang kaibigan sa sinabi ni Kurt. Tumango na lang din siya para tapos na ang usapan.

One way or another, he'll make her regret being hardheaded. Just wait for it, Jillian Alonzo.

"SIGURADO KA BA TALAGA DITO?" Halata sa boses ni Lea ang kaba. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan kung bumili ng pintura ang kaibigan at sinabing papalitan ang ayos ng bahay ng asawa nito.

Hindi man lubos na kilala ni Lea si Devroux, alam niyang gulo ang kahihinatnan ng gagawin ni Tori. Kanina niya pa tinawagan si Kate para may kasama siyang pumigil sa plano nito. Pati si Kate ay kinabahan din sa plano ni Tori.

"Ang pangit ng kulay ng kwarto ko, Lea. Dahil ba sa babae ako ay pink na ang kulay? Ang pangit!" Umakto pa siyang nasusuka. "Papalitan ko ang kulay kahit magalit pa siya. Bahay ko na rin 'yon, Lea."

"Ako ang kinakabahan sa gagawin mo, Tori. Gulo lang 'yan. Kung gusto mong 'wag kang pakialaman, dapat hindi ka gumagawa ng ikakagalit niya. Hindi mo lubusang kilala ang napangasawa mo."

Wala naman talagang may lubusang nakakakilala kay Devroux. At tama si Lea, gulo talaga ang kahihinatnan ng gagawin ni Tori.

Tori just rolled her eyes. "Kapag napalitan ko na, wala na siyang magagawa. Pera ko naman ang gagamitin ko."

"Pera mo nga pero bahay niya 'yon. Alalahanin mong hindi mo pa tuluyang nakukuha ng buo ang kapalit ng pagpapakasal mo, Victoria."

Natahimik siya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil hanggang ngayon, wala pang update ang ama niya. Hindi niya rin naman matawagan ang kanyang kapatid dahil wala itong sariling cellphone. Baka asawa pa nito ang makasagot kapag sa bahay nila ang tinawagan niya.

Huminga siya ng malalim. "Dadalhin ko na muna sa orphanage ang mga pinamili ko," tukoy niya sa mga pintura. "Hindi ko na muna isasagawa ang plano ko." Hinila niya ang kaibigan papunta sa counter. Ipapa-deliver na lang niya ang mga ito.

Tumawag si Kate na dumaan daw muna ito sa isang pet shop at baka raw matagalan ito kaya sila na ang nagpunta. Pagpasok palang niya, naagaw ng isang maltese ang atensyon niya.

"Don't tell me you're going to get that," ani Lea. "Pag-isipan mo lahat ng desisyon mo, Victoria."

"It's just a dog, Clementine." Malawak ang ngiting nakatingin siya sa aso na kumakaway ang buntot. Tinawag niya ang isang babae at walang pagdadalawang isip na sinabing kukunin niya ang aso.

Laglag ang pangang nakatingin sa kanya si Lea na ikinatawa niya. Pati si Kate ay nabigla sa naging desisyon niya.

"You're insane, Victoria Alonzo Fuentabela," aniya. "You're going to be the end of me."

Hindi niya pinansin ang mga komento nila. She was also humming as she enter the house while hugging the dog. Nanlalaki ang mga mata ng mayordoma ng makita ang hawak niya.

"I-Iha, bakit ka may dalang gan'yan? Jusko kang bata ka!" Histerikal na aniya.

Kunot-noong tinignan niya ang asong buhay niya. "It's just a dog, manang."

"Lagot tayong lahat kapag nakita 'yan ni Devroux."

"Po? Bakit siya magagalit?"

Ang cute ng aso, bakit magagalit siya? Hindi naman nito pera ang ginamit niyang pambili. Hindi rin naman ito ang mag-aalaga.

"Hindi mo ba alam?"

Halos magsalubong na ang mga kilay niya. "Alam po ang alin?"

"Ayaw niya sa mga may balahibo, iha."

Awtomatikong tumaas ang kaliwang kilay niya at gumuhit ang munting ngisi sa mga labi niya. "I'll keep this dog," aniya at pumanhik na sa kanyang silid.

Seems like buying the dog is worth it. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakita ang aso? Siguradong epic. What if bumili pa siya ng isa? The more the merrier.

Let's all experience hell, people...she said mentally, plotting her next action.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status