Home / Romance / Billionaire's Stubborn Wife / Chapter 2: Finally Married

Share

Chapter 2: Finally Married

WALA sa sariling pumirma si Tori sa papel na iniabot ng kanyang ama. Tulala lang siya at hindi alam kung ano ang mga pinag-uusapan nila. Simula ng bumaba siya, wala ng ibang laman ang utak niya kung hindi katapusan na ng kalayaan niya.

Three days ago, she talked to his father. Sinabi niyang papayag na siyang magpakasal pero sa isang kondisyon. Pinagpapasalamat niyang wala ang kanyang kapatid dahil baka kontrahin lang nito ang desisyon niya. Hindi kaagad pumayag ang kanyang ama sa gusto niya. Pero ng makitang seryoso siya, pumayag ito. Sapat na ang kaalamang kaagad na gumawa ng paraan ang ama niya para maisakatuparan ang hiling niya.

"It's settled," sabi ng lawyer na umagaw sa atensyon niya. "You're now Mrs. Devroux Fuentabela. Wishing you a happy life with him." Tumayo ito at naglahad ng kamay.

Wala sa sariling nakipagkamay siya. Ano na ang mangyayari sa kanya ngayon na kasal na siya? Matutulad ba siya sa kanyang kapatid?

Devroux Fuentabela was known to be mysterious. May mga balita tungkol sa kanya pero hindi karamihan. Hindi naman kasi ito mahilig magpa-interview.

He was known to be one of the hottest bachelor in town. Marami ang gustong makasilo sa kanya pero mailap ito. May mga naiuugnay sa kanyang mga babae pero wala namang kumpirmasyon mula sa lalaki kaya hindi nila alam kung may katotohanan ba ang mga ito.

He was also known for being one of the youngest bachelors to run a multi-billion dollar listed company. At a young age, he already worked in their family's company and later created his empire.

Nang makaalis ang abogado, umalis siya ng kanilang bahay na hindi nagpapaalam kung saan siya pupunta. Nasabi ng kanyang ina kanina na nakahanda na ang mga gamit niyang dadalhin sa bago niyang tirahan. Ano pa ba ang magagawa niya. Nakaplano na ang lahat sa buhay niya. Pero kung inaasahan nilang susundin niya pa rin lahat ng gusto nila, doon sila nagkakamali.

Ginusto nila ang bagay na ito kaya dapat handa sila sa magiging epekto. Kapag nakuha na niya ang hiling niya, sarili naman niya ang aasikasuhin niya.

"LEGAL NA PO ANG LAHAT,"imporma ng abogado sa kliyente niya. "Nariyan na lahat ng dokyumentong kailangan mo."

Ngumisi ang lalaki. "Tell them that I got the upper hand. Isang kamali lang nila, mawawala lahat ng pinaghirapan nila."

Tumango ang abogado at nagpaalam na. Sumunod naman na pumasok sa opisina ang isang lalaking may nakapaskil na nang-aasar na ngisi sa mga labi.

"Hello, my newly married friend. How's life? Saan ang honeymoon place?"

"Shut up! I'm not in the mood for your sh*ts, Vasquez." Napahilot ito sa sentido ng sumagi sa isipan niya ang natanggap na mensahe mula sa kaibigan niyang may-ari ng bar.

Nasa isang board meeting siya kanina ng makatanggap ng mensahe mula kay Harym. Bumisita raw ito doon at nakitang may naglalasing na babae. Hindi daw sana niya ito papansinin kung hindi niya lang narinig ang sinasabi nito. Pangalan niya raw ang binabanggit nito at minumura siya.

Kahit hindi tanungin ni Devroux kung sino ang babae, may ideya na siya. Isa lang naman ang babaeng gusto siyang mawala sa mundo ngayon. At ng ipadala ng kaibigan ang litrato, napabuga na lang siya ng hininga. Sakit talaga sa ulo ang dala ng babae.

Sa isang linggong nakalipas, walang gabi na hindi ito naglasing. Kasama nito ang mga kaibigan na naglalasing pero ito ang laging inaalalayan pauwi. Kinailangan niya pang bayaran ang bartender para may magmatyag dito sakaling may bumastos.

Walang ibang kahulugan ang mga ginawa niya. Ayaw niya lang madungisan ang pangalan niya. Kadikit na nito ang pangalan niya kaya dapat hindi ito nagkakalat.

"Pinapasundo ka ni Harym. May lakad daw ito pero hindi maiwan ang pinababantayan mo."

"May trabaho pa ako, Ford. May isa pa akong board meeting."

Pwede naman siyang mag-utos ng susundo sa babae pero hindi niya magawang tumawag. Muntikan na rin niyang ipakansela lahat ng meeting niya para siya na mismo ang sumundo. Tumawag ang ama nito kanina at sinabing umalis daw ito ng walang paalam pagkatapos pirmahan ang kontrata.

Sinabihan na siyang naging matigas ang ulos nito pagkatapos nitong malaman ang tungkol sa kasal. Hindi niya inasahang gabi-gabi itong maglalasing. Buti na lang at hindi ito nagwawala.

"Ano ba ang pinababantayan mo? Is it your wife? Naglalasing ba dahil sa'yo?" May himig pang-aasar ang tono nito. "Bakit ka nga ba nagpakasal sa kanya? Mas mayaman ka naman kumpara sa kanila kaya hindi mo sila kailangan. Hindi ako maniniwalang dahil may gusto ka sa kanya dahil bato 'yang puso mo, bro."

Sumandal siya sa swivel chair at tumitig sa kisame ng kanyang opisina. "I have my own reasons. It has nothing to do with her. Nagkataon lang na anak siya ng tatay niya."

Hindi siya ang may gustong pakasalan ito. Ang ama nito ang nagpresinta ng kasal. Hindi siya pumayag noong una dahil wala pa siyang balak mag-asawa. But that man talked to his parents na siyang nagpagulo ng lahat. Ilang taon ng humihingi ng apo ang mga ito kaya ginamit ang pagpapakasal para makuha ang gusto nila.

Ginamit rin nila ang isang bagay na gustong-gusto niya para pumayag siya. Wala siyang pagpipilian kung hindi tanggapin ang alok nilang kasal. Pinaimbestigahan niya ang babae at nakitang matino naman ito. Pasok na pasok ito sa standards ng mga magulang niya. Pero hindi niya inasahang may itinatago pala ito.

"You'll end up like Kurt if you won't stop this immediately." He's talking about their other married friend who's now a father of two. Hindi biro ang pinagdaanan nito na pati sila ay hindi makapaniwalang nalampasan nila ito.

"Let's just cross the bridge when we get there," aniya at sakto namang kumatok ang sekretarya niya.

"Hinihintay ka na po nila, Sir."

"Susunod ako," aniya at kinuha ang cellphone para tawagan si Harym. "Bring her to my house. Kapag pumalag, itali mo." Pinatay niya ang tawag na hindi hinihintay ang sagot nito.

"Kakailanganin mo ng maraming gamot sa sakit ng ulo, kaibigan," kantiyaw ni Ford. "Tatawagan ko na ba si Bren?"

"Go and find someone to fvck, Vasquez." Tumayo siya at isinuot ang coat. "O baka mas mabuting simulan mo ng suyuin si Prya kung gusto mong makuha ang mana mo."

Napamura ang kaibigan na ikinatawa niya. Kahinaan talaga nito ang makukuhang mana sa Lolo niya. Kapag hindi siya pinakasalan ni Prya, ibibigay ito sa kapatid niya.

"S-SHINO KA BA?" Lasing na asik ni Tori sa lalaking kanina pa siya pinipilit pauwiin. "Gushto ko pang uminom!" Ipiniksi niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.

"Pinapasundo ka na ng asawa mo."

Nagpanting ang tenga niya sa narinig. "A-Ashawa?" Pagak siyang natawa. "Shabihin mo sha kanya," itinuro niya ang daliri sa exit ng bar, "tang*na niya!"

Kung nasa matino itong pag-iisip, hindi ito papayag na magpakasal sa kanya. Mayaman na ito kaya hindi na nito kailangan ang kung ano mang kayang ibigay ng kumpanya ng tatay niya. Wala pa sa kalingkingan ng kumpanya nito ang sa kanila.

"Bwishit ang lalaking 'yon. Bwishit ka." Dinuro niya ito sa dibdib. "Bwishit kayong lahat!" Tinungga niya ang boteng nasa harapan niya. "Ano ba?!" Angil niya ng agawin ito ng lalaki. Pilit niyang inaagaw ito pero mas inilayo ito ng lalaki. "Humingi ka ng sha'yo!" Pinagbabayo niya ang dibdib nito. "Letshe ka!"

Hinuli nito ang mga kamay niya. Nagpumiglas siya pero hindi siya nito pinakawalan. " Wala akong kasalanan sa'yo kaya 'wag mo akong awayin. Napag-utusan lang ako ng asawa mo na dalhin ka sa bahay niya."

"Ashawa. Ashawa. Ashawa." Gamit ang natitirang lakas, kumawala siya sa hawak nito na muntik na niyang ikahulog sa kinauupuan niya. Buti na lang at naging maagap ito sa paghawak sa braso niya.

"Don't be stubborn, woman." He was already frustrated. "Kung ayaw mo sa asawa mo, siguradong ayaw niya rin sa'yo. Look at yourself. Tama bang magpakalasing ka dito?"

Nanlilisik ang mga matang tumingala siya dito. Sa isang iglap, parang nawala ang kalasingan niya. Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa kanya at dinuro ito. "Wala kang karapatang sermonan ako. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko dahil buhay ko ito."

Nakatingin lang sa kanya ang lalaki habang hinahalungkat niya ang kanyang bag. Naglapag siya ng ilang libo at basta na lang naglakad palabas. Pero bago niya pa marating ang pinto, napatigil siya ng makita kung sino ang papasok. Kaagad na napunta sa kanya ang mga mata nitong nanlilisik.

Hindi niya alam kung aatras ba siya o aaktong hindi ito nakita. Alin man sa dalawa, siguradong wala siyang kawala. Kanina pa siya tinatawagan ng mga magulang niya dahil dumating na raw ang susundo siya kanya. Kailangan na raw niyang pumunta sa bahay ng asawa niya.

Hindi naputol ang tinginan nila hanggang sa makalapit ito sa harapan niya. Parang tumahimik ang buong paligid at tanging sila na lang ang natitira sa lugar. Malakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba. Is he going to hurt her like what happened to her sister? Pagbabawalan na rin ba siyang lumabas?

Bago pa magsalita ang lalaki, inunahan na niya. "Uuwi na ako."

Pinagtaasan siya nito ng kilay na para bang tinatansya kung nagsasabi siya ng totoo.

"Sa papel lang tayo kasal kaya wala kayong karapatang diktahan ako." Nilampasan niya ito pero pinigilan siya sa braso. "Ano ba?!" Asik niya.

"Come with me." Basta na lang siya nitong kinaladkad palabas. Nang makalapit sila sa isang sasakyan, binuksan nito ang pinto at itinulak siya papasok. "Shut your mouth and put on your seatbelt."

Bago pa siya makahuma sa pagkabigla ay sumara na ang pinto. Awang ang mga labing sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa kabilang pinto.

Good God! Ito na ba ang simula ng kalbaryo ng buhay niya. Ayaw niyang matulad sa kapatid niya.

She desperately tried to open the door but it's locked. Kailangan niyang lumayo. Mali ang desisyon niyang pumayag sa gusto nila.

Nang magsalita ang kasama, tuluyan na siyang nawalan ng pag-asang makalabas pa.

"You're just wasting your energy. You put yourself in this situation so accept the consequences."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status