"SIT DOWN, YOUNG LADY!" Malakas na utos ng ama ni Tori ng tumayo siya. "You don't disrespect me like that."
Mas tumalim ang ipinukol niyang tingin dito. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal!" Sigaw niya. "You told me to study Business Management, I did it just to make you proud. I even graduated as Magna Cum Laude because you want me to be like Ate Veronica. Sinunod ko lahat ng gusto mo pero hinding-hindi ako papayag na ipakasal mo ako sa taong kahit kailan ay hindi ko pa nakilala. Disown me if you want but I will never obey you this time!"Nakatingin lang sa kanya ang kapatid at ina dahil wala naman silang magawa para tulungan siya. Pareho lang silang hindi kayang kontrahin ang haligi ng kanilang tahanan."I'm not asking for your opinion. You don't have a choice but to obey me.""Ano ba sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan?" Kulang na lang ay magpapadyak ito dahil sa frustration. "Ayaw ko ngang magpakasal ngayon!"Pinagising siya kanina dahil may sasabihing importante ang ama. Galing siya sa isang bar kasama ang mga kaibigan niya kagabi kaya may hungover pa siya hanggang ngayon. Mas lalong sumakit ang ulo niya ng sabihin ng amang magpapakasal na siya sa susunod na linggo. Kulang na lang ay mahulog sa sahig ang panga niya at lumuwa ang mga mata niya.Hindi na bago sa pandinig niya ang arranged marriage sa pamilya nila. Ilan na sa mga kamag-anak niya ang naging ebidensya. Sa katunayan, isa rin ang Ate Veronica niya na ikinasal last year. Ito ang isang dahilan kung bakit kontra siya sa desisyon ng ama. Hindi masaya ang buhay ng kanyang kapatid sa piling ng kanyang asawa.Tori was a fan of fairy tales. Gusto niya ng happy ending. She wants her prince and live happily ever after. Pa'no niya makakamit iyon kung ipapakasal niya sa taong hindi naman niya mahal? At ang malala pa, hindi pa niya nakita kahit isang beses ang pakakasalan niya.Ayaw niyang suwayin ang kanyang ama pero hindi niya masikmurang sundin ang gusto nito. Alam niyang dahil na naman sa negosyo kaya nangyayari ito. Hindi naman naghihirap ang kumpanya nila kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang may maganap na kasalan. Hindi pa ba ito natuto sa kalagayan ng kanyang kapatid? Isasakripisyo na naman ba nito ang kaligayan ng anak?"Sa susunod na linggo ka pa magpapakasal, Victoria."Napamaang siya dahil sa sagot ng ama. "Are you being sarcastic right now?" Pagak siyang natawa. "Biro lang ba sa'yo ang lahat ng ito, Dad? Gusto mo bang matulad ako kay Ate?" She glances at her sister who's looking at her crying. She gave her a smile before looking back to her father. "Look how miserable your daughter right now. Hindi pa ba sapat na makita siyang nagdurusa kaya gusto mong ipakasal pa ako? Gusto mo bang dalawa kaming nahihirapan?""Gan'yan ba ang itinuturo ng mga kaibigan mo? Ang suwayin ang mga utos ko, Victoria?"Mas lalong kumulo ang dugo niya. "Let my friends out of this topic. Wala silang ginagawang masama."Sa mga kaibigan niya lang naramdaman ang pagpapakatotoo. Nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya kapag kasama niya ang mga ito kaya walang karapatan ang ama niyang pagbintangan ang mga ito. Mas nagpakapamilya pa ang mga ito sa kanya kaysa sa sarili niyang ama.Noong mga panahon na kailangan niya ng masasandalan dahil iiwan na siya ng kanyang kapatid, ang mga kaibigan niya ang nanatili sa tabi niya. Sila ang umalalay sa kanya dahil busy ang mga magulang niya. Kaya masakit para sa kanya na sila ang sinisisi ng ama kung bakit sinusuway niya ito."Buo na ang desisyon ko, Victoria." Tumayo ang kanyang ama. "Pipirma ka lang. Hindi na kailangan ang enggrandeng kasal dahil tulad ng sinabi mo, hindi mo naman mahal ang pakakasalan mo." Bumaling ito sa kanyang ina. "Samahan mo ako. Pupuntahan natin ang magiging asawa niya," aniya at nauna ng lumabas ng library.Hindi alam ng kanyang ina kung susundan ba ang kanyang ama o lalapitan siya. Malungkot na ngumiti ito bago sinundan ang asawa. Pagak siyang natawa dahil hindi man lang siya nito nilapitan. Kailangan niya ng ina ngayon pero dahil takot itong kontrahin ang asawa, binalewala siya."Tori..."Napatingin siya sa kapatid na naglakad palapit sa kanya. Umiling siya. "Don't come near me. I don't need your pity right now." Pinunasan niya ang kanyang luha. "Bumalik ka na sa asawa mo. Hindi ko kakayanin kung saktan ka na naman niya.""I don't want to leave you.""Sasaktan ka niya kapag hindi ka pa bumalik. Mas hindi ko kakayanin 'yon, ate. Ako na ang bahalang umisip ng paraan para makawala sa sitwasyon ko. Just promise me na magiging safe ka."Tumango ang kapatid. "I don't have the power to help you but always remember that I'm always here for you. Pasensya na kung kailangan mong maranasan ang mga naranasan ko."She gave her a small smile. "It's not our fault that he loves his business more than us."Iniwan niya ang kapatid sa library. Tinawagan niya ang mga kaibigan at inayang uminom kahit na tanghali pa lang. Busy ang mga ito sa kanilang mga trabaho pero piniling samahan siya ng malaman ang problema niya. Iyan ang rason kung bakit mahalaga ang mga ito sa kanya. Isasantabi ang ginagawa para samahan ang kaibigan."SINO RAW ANG PAKAKASALAN MO?" Tanong ni Kate. Ito ang nagsabing may alam daw itong bar na bukas kahit tanghali pa lang.Tinanggao niya ang tagay mula kay Lea at inisang lagok. "I don't know and I don't care. He can fvck himself all he wants!"Nakakailang tagay na siya kaya umeepekto na ang alak sa kanya. Hindi naman mababa ang alcohol tolerance niya. Sadyang may hungover pa siya kaya sumasakit na ang ulo niya. Idagdag mo pa ang problema niya ngayon."Hindi mo man lang ba tinanong ang tatay mo?" Gulat na tanong ni Lea. "Pa'no na lang kung matanda na pala?""Edi maganda para mabilis mamatay."Halos malaglag sa sahil ang panga ng kanyang mga kaibigan. Hindi nila inasahan ang sagot niya."Magiging malaya na ako kapag nangyari iyon.""Akala ko ba ayaw mong magpakasal?""May choice ba ako?" Inagaw niya ang tagay na para sana kay Kate. "Kilala ko ang tatay ko, Kate. Gagawin niya ang lahat para masunod ang gusto niya. Baka kung suwayin ko siya, kapatid ko ang pagbalingan niya." Inisang lagok niya ang alak bago sumandal sa sofa."Papayag ka na talagang magpakasal? Hindi ka na gagawa ng paraan para makawala?" Paninigurado pa ni Kate.Huminga siya ng malalim. "Kung iyon lang ang paraan para hindi masaktan ang kapatid ko, isasakripisyo ko ang kalayaan ko.""Ano'ng plano mo ngayon?" Lea asked. "Are you going to ask your father to let your sister go?"Walang alinlangan siyang tumango. "She suffered enough, Lea. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang mugto ang mga mata sa tuwing bibisita siya sa bahay."Kate clapped her hands. "Ikaw na talaga ang dakilang kapatid."Natawa sila. Uminom sila at hindi pinansin ang oras. Tinawagan ni Kate ang kapatid para sunduin sila ng alas dyes dahil walang magmamaneho para sa kanila. Hindi na mabilang kung nakailang tagay na sila kaya naman para na naman silang mga baliw. Nang dumaminna ang mga tao, nag-ayang sumayaw si Lea pero si Kate lang ang sumama dahil nahihilo na siya.Habang nakasandal sa sofa at nakapikit ang mga mata, may isang taong naupo sa harapan niya kung saan nakaupo kanina ang mga kaibigan niya. Naramdaman niyang parang may nakatitig sa kanya kaya nagmulat siya ng mata. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang may nakatitig sa kanyang lalaki. He's looking at her intently like she'd done a big mistake.Pinupukol siya nito ng masamang tingin at umiigting ang mga panga. Napaayos siya ng upo dahil nakaramdam siya ng hiya."W-Who are you?" Hindi niya maaninag ang itsura nito dahil medyo madilim ang kinaroroonan nila. "Do I know you?"Imbes na sumagot, napunta ang tingin ng lalaki sa lamesa na may mga alak. Mas lalong umigting ang mga panga nito. At ng muli itong tumingin sa kanya, nanlilisik na ang mga mata.Kinilabutan si Tori at agad na tumingin sa dancefloor para hanapin ang mga kaibigan. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya ng hindi niya makita ang mga ito.Where the hell are they? Bakit ba kasi siya nagpaiwan? Sana sumama na lang siya kahit na nahihilo pa siya."They told me that you're decent."Kunot-noong napabaling siya sa lalaki. "W-What?""But they're wrong." Inabot nito ang shot glass na ginagamit nila kanina at inamoy ang laman habang nakatingin sa kanya. "How many bottles of Martini did you have?"Napatingin siya sa lamesa at binilang kung ilan. "Just two," aniya. "Kakabukas lang ng isa."Inilapag nito ang baso. "I don't want an alcoholic wife.""What? W-Wife?"Kahit medyo madilim sa kinaroroonan nila, hindi nakatakas sa paningin ni Tori kung pa'no ngumisi ang lalaki."You heard me. I don't want repeating myself."Napalunok siya. Parang bulang naglaho ang kalasingan niya ng maproseso ng kanyang utak ang nangyayari. Pinakatitigan niya ang lalaki. Halos takasan siya ng kaluluwa ng mapagtanto kung sino ang kaharap niya.Umiling siya. "N-No. This is just a dream. No." Nagmamadaling pinulot niya ang mga gamit at halos tumakbo na palabas. Nawala na sa kanyang isip ang mga kaibigan. Ang gusto na lang niya ay makalayo sa lugar.Kumakabog ang dibdib niya habang binubuksan ang sasakyan. Nanginginig ang kanyang kamay kaya nahirapan siyang gamitin ang susi.Imahinasyon niya lamang ang nakita niya kanina. Hindi totoo ang lahat. Lasing lang siya kaya kung ano-ano na lang ang nakikita niya.Hinding-hindi siya kakausapin ng isang Devroux Fuentabela. Lalong-lalong hindi ito basta-basta papayag na magpakasal sa kanya.Devroux Fuentabela is planning something and she's in big trouble if he's really going to be her husband.WALA sa sariling pumirma si Tori sa papel na iniabot ng kanyang ama. Tulala lang siya at hindi alam kung ano ang mga pinag-uusapan nila. Simula ng bumaba siya, wala ng ibang laman ang utak niya kung hindi katapusan na ng kalayaan niya.Three days ago, she talked to his father. Sinabi niyang papayag na siyang magpakasal pero sa isang kondisyon. Pinagpapasalamat niyang wala ang kanyang kapatid dahil baka kontrahin lang nito ang desisyon niya. Hindi kaagad pumayag ang kanyang ama sa gusto niya. Pero ng makitang seryoso siya, pumayag ito. Sapat na ang kaalamang kaagad na gumawa ng paraan ang ama niya para maisakatuparan ang hiling niya."It's settled," sabi ng lawyer na umagaw sa atensyon niya. "You're now Mrs. Devroux Fuentabela. Wishing you a happy life with him." Tumayo ito at naglahad ng kamay.Wala sa sariling nakipagkamay siya. Ano na ang mangyayari sa kanya ngayon na kasal na siya? Matutulad ba siya sa kanyang kapatid?Devroux Fuentabela was known to be mysterious. May mga balita t
"WHERE ARE YOU GOING?"Tumigil si Tori bago pa tuluyang makalabas. Inis na humarap siya sa taong nasa bukana ng kusina at nakatingin ng masama sa kanya. "Sa impyerno, sama ka? Matagal ka ng hinihintay ni satanas."Pagdating nila sa bahay niya kagabi, naabutan nila ang kanyang mga magulang. Kung wala lang siguro si Devroux ay baka nasermunan na siya ng ama. Humingi ito ng pasensya kay Devroux dahil sa naging asta niya. Hindi niya tuloy napigilang umikot ang mga mata niya.Hindi rin naman nagtagal ang mga ito na ikinahinga niya ng maluwag. Baka kung ano pa ang masabi niya sa ama niya. Pero ng sila na lang dalawa ni Devroux, kulang na lang ay tumakbo siya pasunod sa mga magulang niya.Wala siyang sermon na narinig mula sa lalaki. Sinabihan lang siyang pumunta na sa sarili niyang silid at magpahinga. Doon niya naramdaman ang sakit ng ulo kaya hindi na siya kumontra."Sino ang nagsabi sa'yong pwede kang umalis ng bahay?""Ako. Gusto kong lumabas kaya lalabas ako."Hindi siya mag-iinom ngay
ABALA si Tori sa pagpapaligo sa asong binili niya ng may kumalampag sa pinto ng kanyang kwarto. Alam niya kung sino ito kaya nagkunwari siyang walang narinig. Bahala itong mapagod kumatok.“Open this damn door, Jillian Victoria!”Tori rolled her eyes as she dried the dog using a towel. Kung magulang niya sana ang bumanggit sa buong pangalan niya, kanina pa siya nagkumahog tumayo at buksan ang pinto. Sino ito sa tingin niya para sundin niya? Asawa lang naman niya ito sa papel.“Don’t mind him, Willow.” She kissed the dog’s nose before going out of the bathroom. “Papansin lang siya. Kulang kasi sa aruga.” The dog wiggles its tail that made her chuckled. Parang naiintindihan nito ang mga sinabi niya.“Open this door, woman!”She sighed. Hindi talaga ito titigil kaya ibinaba niya ang aso na kaagad pumunta sa higaan nito. Isang masamang tingin kaagad ang pinambungad niya sa lalaki ng pagbuksan niya ito ng pinto."May balak ka bang sirain ang pinto, Devroux Fuentabela?" Asik niya bago pa it
“KUNG ako sa’yo, Devroux, magtitino na ako ngayon pa lang,” ani Shola, ang asawa ng kanyang kaibigan na si Kurt. Ihinehele nito ang bunso nilang anak na halos katatapos lang dumede. “Pahalagahan mo ang asawa mo kahit na sa papel lang naman kayo kasal. Lagot ka kapag kinarma ka dahil sa mga kalokohan niyong magkakaibigan.”“Bakit nadamay na naman ako d’yan?” angil naman ng asawa nitong kakagaling lang sa kusina at may dalang isang baso ng tubig.“Bakit? Aangal ka? Totoo namang tarantado kayong magkakaibigan ah!”Ibinaba ni Kurt ang baso sa center table bago itinaas ang dalawang kamay na para bang sumusuko. Natawa na lang si Devroux dahil sa ginawa ng kaibigan. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang isang Kurt Delovo ay titiklop dahil sa isang babae? Ang nagagawa nga naman ng pagmamahal.“Kausapin mo ‘yan,” inginuso siya ni Shola. “Narinig ko ang usapan nila ni Ford kanina na may ka-date siya mamaya. May asawa na nga, kakalantari pa ng iba. Pare-pareho lang talaga kayong mga lalaki. Hi
NAGISING si Tori na masakit ang kanyang ulo. Nang damhin niya ang kanyang leeg at noo ay mainit siya. May lagnat siya kaya tinawagan niya si Lea para ipaalaga muna ang aso niya. Ang kaso, may lakad ito kaya napilitan siyang bumaba. Umiikot ang paningin niya habang pababa ng hagdanan kaya inabot siya ng ilang minuto bago nakarating sa kusina.Mas lalong sumakit ang kanyang ulo ng makitang walang tao. Napabuntong hininga na lang siya ng mapagtantong baka pinauwi ni Devroux ang mga ito."Argh! Kainis naman!" napapadyak pa ito dahil sa inis.Nanghihina niyang pinilit maglakad pabalik sa silid niya. Mahigpit ang kapit niya sa hawakan ng hagdanan para lang hindi siya mawalan ng balanse. Pero ng isang baitang na lang ang aakyatin niya, biglang umikot ang paningin niya. Akala niya ay mahuhulog na siya pero may humawak sa kamay niya."Hey! Careful!" a baritone voice said. Ang hawak nito sa kamay niya ay napunta sa bewang niya."D-Dizzy..." mahinang aniya at sumandal sa dibdib ng nakahawak sa k