Bumuga siya ng hangin. Nasapo niya ang noo habang naiisip ang mas malalim pang dahilan kung bakit hindi siya kayang mahalin ni Craig. Iisa lang naman ang mabigat na dahilan...
His ex-girlfriend. Ang babaeng mahal na mahal nito. "Aasa akong pupunta ka, Maxine. Hindi na kita nakikita. Ni hindi mo na ako dinadalaw..." ang mga katagang iyon ang nagpabalik kay Maxine mula sa malalim na pag-iisip. "Sorry lo..." hinging paumanhin niya. Para mawala ang tampo nito ay tinawag niya ito sa gustong itawag niya. "Naging busy ako sa trabaho. Hayaan ninyo, asahan ninyong dadalo ako sa birthday mo, Lo," aniya. Marami pa silang napag-usapan. Tungkol kay Craig, sa trabaho, sa mga proyekto. Pero sa tagal ng pag-uusap nila sa telepono, bumabalik sila sa usapang kasalan. Gustong gusto na talaga nilang lumagay sa tahimik si Craig. Alas sais y medya na noong nakababa siya sa parking lot. Pinindot niya ang remote starter para i -unlock ang kanyang sasakyan. Lumang sasakyan iyon. May sentimental value sa kanya dahil dating minamaneho iyon ng kanyang inang namayapa na. Hindi siya agad umuwi. Dumiretso siya sa supermarket upang mamili ng mga kulang sa condo niya. Gusto niya ring magluto kaya naman pagkatapos sa super market ay sa wet market naman siya dumiretso para bumili ng fresh na karne ng baboy, baka at manok. Bumili na rin siya ng isda at pinalinis na iyon. Nang mabili lahat ng nasa listahan niya ay umuwi na siya. Mga pasado alas otso na siya nakarating sa kanyang condo. Medyo mabigat ang dala niya kaya naman habang papataas ang elevator sa condo niya ay ibinaba niya ang reusable bag sa sahig ng elevator. Nangawit ang balikat niyang sinabitan ng bag kaya minasahe niya iyon. Napapikit pa siya nang madiinan ang masakit na parte at nabigyan ng ginhawa dahil sa pressure na nilagay niya roon. Maging ang leeg niya ay ginalaw niya para maehersisyo. Nakakaramdam din siya ng pananakit ng ulo. As usual, it's a tension headache again, lalo na at marami siyang iniisip na nagko-cause ng stress sa kanyan. Dumagdag pa ang bagong sekretarya ni Craig kung kaya ay hindi mapanatag ang kalooban niya. Maingat at mabagal siyang humakbang patungo sa kanyang condo. Maging ang pagbukas roon ay tila wala siyang gana. Her energy was drained enough for her to do more at home. Gusto na lang niyang magpahinga. Maligo pagkatapos ay matulog. Hindi niya ininda ang kumakalam na sikmura. Ngunit ang pahinga na balak niya ay mukhang hindi mangyayari. Muntikan niyang mabitiwan ang mga dala dahil sa nahintakutan siya at nagulat nang mabuksan ang pinto ay may maaninag siyang bulto ng taong nakaupo sa kanyang sofa sa dilim. Nawala din naman ang takot niya nang mapagsino iyon. Kahit sa dilim ay nakilala niya ang lalaki. "Craig?" tawag niya sa lalaki. Bakit nandito ito? Hindi ba ay hinabol nito ang babaeng kinahuhumalingan ngayon? Inaasahan niyang hindi ito makikita ngayon gabi. Inaasahan nga niyang baka kinabukasan ay magkarelasyon na ang mga ito. Pero sa itsura ng lalaki, parang kanina pa ito roon. Hinihintay ba siya nito? Dito na naman ba ito matutulog? It gives her chills thinking of that. Parang may humalukay sa kanyang tiyan at naglilarang mga paru-paro. Thoughts of them in the bed crossed her mind. Agad niyang ipinilig ang ulo at sinuway ang sarili sa isiping iyon. Inapuhap niya ang pindutan para sa ilaw. Nang lumiwanag ay muli siyang napalingon sa lalaki. Nakapikit pa rin ito habang nakasandal ang likod sa sofa. Ang noo nito ay medyo lukot at salubong ang mga kilay, hudyat na hindi naman ito tulog Parang pagod na pagod din ang mukha nito. Hinayaan na lamang niya ito at hindi na muli siyang nagsalita. Sinara niya ang pinto at naglakad patungo sa kusina. Dinala niya agad ang mga pinamili sa lababo para hugasan. Ilalagay niya ang mga iyon sa container para i-freezer. Iniwan niya ang karne ng baboy para iluto. Hindi na sana niya balak pang magluto sa gabing iyon dahil pagod na siya at masakit ang ulo, pero dahil naroon ang lalaki, mapipilitan siyang ilutoan ito ng paboritong ulam ang lalaki. Nagpatuloy lamang siya sa ginagawa habang pasulyap-sulyap sa lalaking hindi pa rin gumagalaw sa kinauupuan. Hindi na rin niya nagawang magbihis pa dahil gusto niyang makaluto agad. Sabi niya ay hindi siya gutom pero iba ang sinasabi ng kanyang tiyan. Rinig na nga niya ang pagkalam nito. Kung wala lang sana ang lalaki ay baka itinulog na lamang niya ang gutom. Ganoon naman siya lagi. Pagdating sa lalaki, kahit pagod na siya. Kahit nasasaktan siya. Inuuna pa rin niyang isipin ang kalagayan nito. Kasalukuyan siyang naghihiwa ng mga gulay nang maramdaman niya ang mga yabag palapit sa kusina. Hindi siya lumingon at nagpatuloy lamang sa ginagawa pero alam niya, si Craig na iyon na nagpasyang puntahan siya. Alam niyang may pakay ito sa kanyang importante kaya ito naparoon. "Pinagalitan mo ba si Sofia, Max? I warn you not to do that, right?" And just like that. Isang maling akusasyon lang pala ang ipinaroon nito.Mabilis na lumipad ang tingin niya sa lalaki sa akusa nito. Kumunot ang noo niya. Hindi niya inaasahang si Sofia ang dahilan kung bakit naparoon ito. She was taken aback for a moment. Pero agad niyang na-compose ang sarili. Itinago ang dismayang nararamdaman.Ibinalik niya ang mga mata sa ginagawa. "Nagsumbong ba sa iyo?" tanong niya. Hindi pinabulaanan o inamin ang akusa nito. Hindi rin naman siya nito paniniwalaan. "Sumbungan ka na pala ngayon?" ayaw niyang himigan ng tampo ang tono ng boses niya pero hindi niya mapigilan. Mas naging madiin din ang kutsilyo sa bawat hiwa niya sa patatas. Narinig niya ang paghila ni Craig sa isang upuan sa dining table. "She's crying when I drop her home. She wants to quit," aniya. Na para bang kasalanan nga niya na mag-ku-quit ito."So it's my fault?" sarkastiko niyang tanong. "Magku-quit siya dahil kasalanan ko? Nagpapatawa ba kayo?" Hindi niya mapigilan ang sariling bulalas. She's hurt. Bakit parang kasalanan nga niya?Ramdam ni Maxine ang bigat
Tila pospsorong sa isang kiskis lang ay umiinit, umaapoy at nagliliyab agad. Ganoon lagi ang pakiramdam ni Craig sa tuwing madidikit kay Maxine. Batid niyang may kung anong mahika ang babae dahil ito lamang ang nakakagawa sa kanya ng ganoon. At hindi niya kayang pigilan ang pagnanasa para dito. He's about to explode. And he wants to do it inside her. Ang halik na iginawad ng babae ay sinuklian niya nang mas mapusok at maalab. Ang kamay niyang nakahawak sa braso nito ay nagpadulas patungong beywang ng babae. Ang isang kamay pa niya ay pumigil sa batok nito upang pigilan itong kumawala. Naramdam niya kasi ang pagpiksi nito at saglit na pagpupumiglas. Knowing that she initiated the contact.Ngunit gaya ng dati anumang pagpupumiglas nito ay natangay ito sa kapusukan niya. Maging ito ay hindi kayang pigilan ang tawag ng kanilang mga laman. Nang tumugon ito ay hudyat iyon upang mas laliman niya ang nangyayari sa kanila. Binuhat niya ang babae papunta sa mesa. Agad na yumakap ang mga paa
Umuwi si Craig sa sariling Condo. Agad siyang nagtuloy sa kanyang silid patungo sa banyo. Inalis niya lahat ng saplot. Nagkalat lahat ng iyon sa sahig hanggang sa marating niya ang walk-in shower kung saan ay agad niyang pinaragasa ang malamig na tubig. Tumayo siya sa ilalim ng rumaragasang tubig. Napasandal ang kanang kamay niya sa muwebles na dingding ng shower area habang napapikit. Nagnilay-nilay sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa kanya ngayon. Tila ba nasa biyaheng walang destinasyon ang kanyang isipan. Patuloy lamang iyon sa paglakbay sa kung saan. Nanatili siya roon halos tatlumpong minuto. Pinilit niyang kalimutan ang mga alalahanin. Guminhawa ang pakiramdam niya. He really needed that cold shower. Napawi kahit papaano ang pagod sa kanyang katawan. Ngunit ang ginhawang naramdaman niya ay agad ding napawi nang nakaupo na siya sa kanyang kama. Gusto niyang magpahinga na ngunit tila ayaw siyang tantanan ng mga isipin. Muling nagulo ang isipan niya patungkol kay Maxine at sa
Napapailing na lamang na sinara muli ni Craig ang pinto. Ni-lock pa niya iyon kahit na malabong may papasok dahil exclusive lang naman sa kanila ang lugar na iyon. Pero maigi nang makasiguro siya. May nakita siyang wet floor sign sa gilid. Kinuha niya iyon at nilagay malapit sa pinto. That way, he can protect his friend from any conflict. May ilan pa rin naman mga taong nakakalusot para sirain ang gustong sirain na tao. At alam niyang isa si Baron sa mga taong maraming gustong muli ay bumagsak ito. Marami din itong kaaway na alam niyang naghihintay ng pagkakataon para pabagsakin ito. He might protect the girl as well. Tama na siguro ang kahihiyan na binibigay ni Baron dito. Maging ang pasakit na binibigay nito. Gusto niyang maawa sa babae pero mas kinakaawaan niya ang kaibigang si Baron. It was actually because of her why he became like that."Gago talaga itong si Baron!" litanya ni Aivan habang nakasunod pa rin sa kanya. Tumigil siya at bahagyang sinulyapan ang kaibigan. As if hindi
Samantala, nanatiling nakatitig si Maxine sa pagkaing nasa mesa. Paglabas niya sa kuwarto ay wala na si Craig at tanging ang paper bag na may laman na pagkain ang nabungaran niya sa kusina, with his note.This time, he ordered Korean food. Mahilig silang dalawa sa mga pagkain ng ibang bansa. They literally taste everything. Isa iyon sa mga pinagkakasunduan nila ni Craig. They were not only fùck buddies but foodie buddies as well.Masarap ang pagkain pero wala siyang gana kaya nakatitig lamang siya roon. Hindi talaga masarap kumain kapag nag-iisa. Nasanay na siya noon. Pero ang palagiang kasama si Craig ay nagbago ang kasanayan niya. At natatakot siyang dahil sa kasanayang iyon. Maaari na kasing mawala iyon. The years she's with him were becoming more and more blurry. Ramdam niyang anumang oras ay hindi na siya nito kakailanganin. Kanina ay nagugutom siya pero hindi na ngayon. Hindi pa niya nabubuksan ang pagkaing nasa harap niya ay iniligpit na niya iyon papunta sa ref. Kumuha na la
Maagang pumasok si Maxine kinaumagahan. Paano ay tumawag ang secretary ni Mr. Smith at gusto silang maka-meeting. Biglaan iyon at kahit handa naman sila ay kailangan pa rin nilang aralin at i- finalize ang proposal nila. Huling pagkakataon na rin nila para makumbinsi ito sa proyekto. "Good morning Miss Salvador," bati ng iilang naroon na sa loob ng malaking gusali nila. Maaga pa talaga dahil hindi pa gaanong marami ang empleyadong naghihintay sa elevator para pumunta sa kani-kanilang mga floor. "Good morning," bati niya pabalik. May tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos no' n ay inayos niya ang salamin sa mga mata at seryosong tumayo lamang habang hinihintay din ang elevator. Dumistansiya pa siya at pumuwesto sa likuran ng mga empleyadong naroon. Saglit lamang naman ang paghihintay nila sa elavator. Kahit nasa likuran na siya ay mas piauna pa rin siyang pasakayin doon ng mga empleyado. Kahit umiling na siya ay iminuwestra ng ilan ang mga kamay para paunahin siya. Gusto na
Ngunit mukha talagang inuubos nito ang pasensiya niya. Hindi na niya maitago ang galit nang bumaba sila at makitang isang resto bar ang kanilang destinasyon. Hindi naman pipitsuging resto-bar iyon at high end ang lugar pero kahit na, inaasahan niyang sa isang fine dining nila kikitain ang kausap. Lalo at malaking tao ito sa larangan ng business. "Why here?""Why not?" balik tanong ni Sofia sa kanya. May lakas loob na siyang sagot-sagutin. "May problema Miss Max?" Nang-uuyam ang pagkakatanong nito."Craig?!" Imbes na patulan si Sofia ay hinarap niya si Craig."Hello, Mr. Samaniego!" Magrereklamo pa lamang siya ay dumating na ang kanilang hinihintay. Masaya itong naglakad palapit sa kanila kasama ang kanang kamay nito. Nakangisi si Mr. Smith na para bang masayang masaya. "This is what I like... buti at nahuli mo ang gusto ko," ika nito sa islang na pagtatagalog. "Working while having fun is my motto," aniya pa nito. Nanlaki ang mga mata ni Maxine sa narinig. Napahiya siya nang sul
Sabay-sabay na tinungga ng tatlo ang kani-kanilang mga basong may laman na alak. For God's sake, hindi pa sila kumakain para mag-inuman agad. "Miss Salvador, care to join us? Alfred, grab your drink," baling ni Mr Smith kay Maxine maging sa kanang kamay nitong tauhan na agad naman na sumunod. Bantulot naman siyang kumilos. Ayaw niyang ipahiya si Mr. Smith pero ayaw niya rin uminom lalo at wala pang laman ang kanyang tiyan. Pero nakaamba na ang bote sa kanya at hinihintay na lamang siyang kumuha ng baso. Mabagal niyang kinuha ang baso sa kanyang harapan. "Hmmmm... let's eat first, Mr. Smith. The food is not good when it's cold."Sa pag-angat ni Maxine ng baso ay siya namang pagsasalita ni Craig. Mabilis pa ang ginawa nitong pagpatong ng kamay sa basong ilalahad sana niya pababa. "Drink your med first," pasimpleng utos nitong pabulong.Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Sofia ang ginawa ni Craig. Nakangiti siya at tumatawa ngunit sa loob niya'y may kung anong bugso ng damdamin.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Maxine ay nagpaiwan siya kay Mang Berto uoang mapag-isa. Nakaupo lang naman siya sa kanyang sasakyan sa harap ng gusali ng condo ni Maxine. Hindi siya gumalaw doon hanggang sa gumabi na. Nagawa lamang niyang umalis at nagtungo sa kompanya nang pagabi na. Magtatrabaho na lamang siya ngayon gabi. It will distract him kahit papaano. Nagsisiuwian na ang mga empleyadong pang-umaga nang makarating siya. Bumabati ang mga ito sa kanya pero ni hindi niya magawang bumati pabalik. Okupado ang isip niya sa mga alalahaning bumabagabag sa kanya.Maging sa elevator ay okupado ang isip niya. Napasandal siya sa dingding ng elevator. Nakapikit siya habang hinihintay ang pagdating niya sa opisina.Nang tumunog ang elevator ay hindi pa siya agad tumalima. Parang may nakadagan sa kanyang dibdib. Nang bumukas ang elevator ay parang wala siyang enerhiyang naglakad papasok. "Craig, buti narito ka na..."Nagulat siya nang sumalubong sa kanya si Sofia. Akala niya ay wala ng ta
Dahil mas inisip niya ang bata. Nagawa niyang sipain sa paa ang lalaki. Tumama iyon sa binti nito.."Ouch!" reklamo nitong napayuko at napahimas sa nasaktan na paa. Bumakat pa sa itim at plantsado nitong slacks ang sapatos niya.Muli niyang pinandilatan ng mga mata ang lalaki bilang babala bago niya lingunin ang bata. Buti na lamang at pumikit ito at nagtakip ng mga mata. Though may maaninag na ngiti sa mga labi ng bata. Muli niyang sinulyapan si Craig na hinihimas pa rin ang tinadyakan niya. Magpasalamat ito dahil hindi ang gitna nito ang tinuhod niya. Nang tumunog ang elevator ay lumabas na ang mag-ina. Kumaway pa ang batang lalaki sa kanila para magpaalam. Ngumiti siya ta kumaway samantalang si Craig ay nakasimangot at hindi na maipinta ang mukha. Naiwan na naman silang dalawa sa elevator."You know what, tama si Baron, a cat needs to be tamed! Marunong ng sumuway at mangalmot!" litanya nitong madilim ang mukha. Masakit pa rin ang paang natadyakan kanina.Hindi na maintindihan ni
Mas lalong nakaramdam ng pananakit ng ulo si Craig nang malaman na si Maxine ang nag-uwi sa kanya. Ang mas nagpapasakit sa ulo niya ay kung paano sila nakapasok sa kanyang condo? Did he tell her his pass code? Nakita ba nito iyon?"Why do I care?" saad niya sa sarili.Pero habang lulan ng sasakyan ay hindi siya mapakali."Turn back, Mang Berto. Go to Maxine's place," aniya. Imbes na sa opisina ay mas gusto niyang makausap si Maxine. Kung anong sasabihin niya ay hindi niya alam. Basta gusto niyang makita ang babae. Agad naman na tumalima si Mang Berto. Nagtataka siya sa inaasal ng among lalaki. Ilang araw na rin niyang napapansin ang kakaibang mga kilos nito. Pero dahil drayber lamang siya nito ay hindi siya nangahas na magsalita. Kilala niya ang temper ng amo. Mahirap ng mawalan pa ng trabaho.Samantala, inip na inip si Craig sa biyahe. Iniisip niya kung ano ang sasabihin kay Maxine ngayong baka natuklasan na nito ang kanyang sikreto. Nahilot niya ang kanyang sentido nang muling sumi
Napalunok si Maxine sa narinig. Parang sinaksak ang puso niya dahil hanggang ngayon, ibang babae pa rin ang hinahanap nito. Kahit naroon na si Sofia ay iba pa rin ang laman ng puso nito. Si Althea pa rin talaga.Parang ilaw na nagliwanag sa kanya ang lahat. Nang muli siyang pumindot sa pass code sa pinto ay bumukas iyon. Mapait siyang napangiti. "So still her, Craig? Siya pa rin talaga ang mahal mo..." anas niya. Kaarawan ni Althea ang pass code na gamit ng lalaki. Ibig sabihin, mula noon hanggang ngayon, hindi nito talaga kinalimutan ang babae. Na nagsisinungaling ito sa naging payo nito kay Sharon tungkol sa pag-ibig. Hindi nito kayang kalimutan ang babaeng minamahal.Kung nakakagulat sa kanya ang pagbanggit ng pangalan ng lalaki kay Althea, mas nagulantang siya sa bumungad sa loob ng unit nito.Mula pa lamang sa pinto ay naglalaman na ng mga memorabilya ng babae ang living room. Bumungad agad sa kanya ang malaking painting ni Althea na nasa dingding. Nakaharap ang sofa sa paint
It was a lonely night. Hindi na nila muling in-open ang kani kanilang mga problema. They just sit there and drink all night. Hating gabi na noong magpaalam siya sa mga kaibigan na uuwi na. Lalo't may trabaho siya. Hindi naman siya puwedeng maging iresponsable dahil may pinapatakbo siyang kompanya. "I'll call my driver to send you home," offer ni Aivan nang pasuray-suray siyang naglakad papunta sa pinto. Ngumisi siya dito. Hindi din nakaligtas sa mga mata niya si Baron na lugmok na sa kinauupuan. Paano ay hindi na lang baso-baso ang ininuman nito. Sa bote na talaga ito uminom."Nah!"tanggi niya sabay kaway sa kamay para pigilan ito. "I have my own driver. I can call him by myself. Iyang si Baron ang ipahatid mo," aniyang tuluyang tumalikod na.Mapungay ang mga mata niyang halos pumipikit na nang makalabas siya sa bar. May mga nakasunod sa kanyang mga guard ni Aiden na agad niyang pinaalis nang makarating siya sa kanyang sasakyan. Wala naman maglalakas ng loob na saktan siya lalo at n
"Stop!" saway nito sa kanya. Hindi nagustuhan ang pagsigaw niya. Napangisi siya nang mahalata ang kakaibang tono sa boses ng kaibigan. Biglang nabaliktad ang sitwasyon. "Wow! You really are in love! "Knock it off!" saway bigla nito sa kanya. "It's not like I want to keep her beside me. It's not gonna happen!" aniya. "Hindi ako katulad ninyo!" asik pa nito. Pagak siyang natawa. Bigla ay nag-iba na rin ang mood niya. Thanks to his friend. "Why not? Tell me, maybe I can be a help..." sabi niya. Sinalinan ang baso nito ng alak. "Cheers to you, bro!" "Fúck off!" babala nito bigla. Agad na nilagok ang laman ng kanyang baso. Ang pait ay sumigid sa lalamunan nito. Hindi nito akalaing mahuhuli siya ng kaibigan sa paraang iyon. Akala niya ay kaya niyang itago. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Craig. "Bakit hindi puwede? Is she married?" Napatda ito. Hinuhuli lamang naman niya ito pero hindi niya inaasahang maaring iyon nga ang problema kaya ayaw nitong mapalapit sa babaeng gusto nit
"Craig, what brought you here again?" tanong ni Aivan nang salubungin siya. Pagkagaling sa condo ni Maxine ay sa bar ni Aivan siya tumuloy. Alam niyang napapadalas na ang pagparoon niya. Ibig sabihin at talagang malaki ang gumugulo sa isipan niya ngayon. "Can you not ask a question, Aivan! I'm not in the mood, okay! May tao ba sa private room? If wala, bring me drinks!" utos niya rito. Pumanhik agad siya sa silid na para sa kanilang magbabarkada. Nagtanong siya baka kasi maratnan na naman niya roon si Baron na may ginagawang milagro. Wala siya sa mood maging ang mga kabaliwan na ginagawa ni Baron.Buti na lang at walang gumagamit ng silid pagpasok niya. He needs privacy. Kahit hindi naman talaga magiging exclusively private para sa kanya dahil naroon si Aivan. Walang preno pa naman ang bibig nito lalo kapag curiosity strikes. Kabaliktaran ng personalidad nila ni Baron si Aivan. He's a happy go lucky kind of guy. Ginagawang katatawanan lahat kahit na mabigat na problema pa iyon."Ano
Walang ginawa si Maxine sa buong araw kundi ang matulog. Nakahiga lamang siya sa kanyang kama at hindi gumagalaw. Kung hindi pa sisipatin kung humihinga pa siya ay pagkakamalan talaga siyang patay. She was curled up like a baby. Her delicate skin shows when her silk thin night dress slid up when she moved. Hindi rin niya itinakip ang kumot sa katawan niya dahil naaalibadbaran siya. Ang kanyang kuwarto ay kinain ng kadiliman. Kahit maliwanag sa labas ay minabuti niyang huwag buksan ang kurtina para makapasok ang sinag ng araw hanggang sa abutan na naman ng gabi. Ni hindi niya nagawang bumangon para kumain o maligo man lamang. Her body felt exhausted at mas gusto niyang nakahiga lamang. Wala din naman siyang ganang kumain o enerhiya para magluto. Basta ang alam niya, gusto niya lang ang makapagpahinga. Hindi na rin naman masakit ang kanyang kamay. Thanks to the whole day of rest na walang ginawa kundi ang humilata lamang. Kahit igalaw niya iyon ay hindi na masakit. Ngunit ang maga
Ngiti lamang muli ang isinukli ni Maxine sa bagong kakilala pagkatapos nilang makilala ang isa't isa. Sa panahon na iyon ay siguro nga, kailangan niyang ng bagong kaibigan. Mukha naman mabait ang doktora. "What's your address, by the way?" Saka pa lamang na tanong nito nang nalagpasan na nila sila Craig. Saglit pang nagtama ang mga mata nila ng lalaki bago tuluyan niyang iniiwas iyon. Nabasa niya sa mukha nito ang galit na rumehistro. Maging ang pagsunod ng tingin nito ay kita niya sa pamamagitan ng side mirror."You're okay, Max?" nag-aalalang tanong nito. Hinawakan ang kamay niya. "Ah...iyong address ko pala," pag-iiba niya sa usapan. Ayaw niyang pag-usapan nila ang tungkol kay Craig. Hanggang kaya niyang umiwas sa usapan tungkol sa lalaki ay gagawin niya. Sinabi niya ang kanyang address kay Yvonne. Pagkatapos ay naging tahimik na muli sila. Pero hindi nakakabingi ang katahimikan na iyon. It was peaceful for her. Nagawa pa nga niyang pumikit at saglit na makaidlip. Kung hindi lan