Umuwi si Craig sa sariling Condo. Agad siyang nagtuloy sa kanyang silid patungo sa banyo. Inalis niya lahat ng saplot. Nagkalat lahat ng iyon sa sahig hanggang sa marating niya ang walk-in shower kung saan ay agad niyang pinaragasa ang malamig na tubig. Tumayo siya sa ilalim ng rumaragasang tubig. Napasandal ang kanang kamay niya sa muwebles na dingding ng shower area habang napapikit. Nagnilay-nilay sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa kanya ngayon. Tila ba nasa biyaheng walang destinasyon ang kanyang isipan. Patuloy lamang iyon sa paglakbay sa kung saan. Nanatili siya roon halos tatlumpong minuto. Pinilit niyang kalimutan ang mga alalahanin. Guminhawa ang pakiramdam niya. He really needed that cold shower. Napawi kahit papaano ang pagod sa kanyang katawan. Ngunit ang ginhawang naramdaman niya ay agad ding napawi nang nakaupo na siya sa kanyang kama. Gusto niyang magpahinga na ngunit tila ayaw siyang tantanan ng mga isipin. Muling nagulo ang isipan niya patungkol kay Maxine at sa
Napapailing na lamang na sinara muli ni Craig ang pinto. Ni-lock pa niya iyon kahit na malabong may papasok dahil exclusive lang naman sa kanila ang lugar na iyon. Pero maigi nang makasiguro siya. May nakita siyang wet floor sign sa gilid. Kinuha niya iyon at nilagay malapit sa pinto. That way, he can protect his friend from any conflict. May ilan pa rin naman mga taong nakakalusot para sirain ang gustong sirain na tao. At alam niyang isa si Baron sa mga taong maraming gustong muli ay bumagsak ito. Marami din itong kaaway na alam niyang naghihintay ng pagkakataon para pabagsakin ito. He might protect the girl as well. Tama na siguro ang kahihiyan na binibigay ni Baron dito. Maging ang pasakit na binibigay nito. Gusto niyang maawa sa babae pero mas kinakaawaan niya ang kaibigang si Baron. It was actually because of her why he became like that."Gago talaga itong si Baron!" litanya ni Aivan habang nakasunod pa rin sa kanya. Tumigil siya at bahagyang sinulyapan ang kaibigan. As if hindi
Samantala, nanatiling nakatitig si Maxine sa pagkaing nasa mesa. Paglabas niya sa kuwarto ay wala na si Craig at tanging ang paper bag na may laman na pagkain ang nabungaran niya sa kusina, with his note.This time, he ordered Korean food. Mahilig silang dalawa sa mga pagkain ng ibang bansa. They literally taste everything. Isa iyon sa mga pinagkakasunduan nila ni Craig. They were not only fùck buddies but foodie buddies as well.Masarap ang pagkain pero wala siyang gana kaya nakatitig lamang siya roon. Hindi talaga masarap kumain kapag nag-iisa. Nasanay na siya noon. Pero ang palagiang kasama si Craig ay nagbago ang kasanayan niya. At natatakot siyang dahil sa kasanayang iyon. Maaari na kasing mawala iyon. The years she's with him were becoming more and more blurry. Ramdam niyang anumang oras ay hindi na siya nito kakailanganin. Kanina ay nagugutom siya pero hindi na ngayon. Hindi pa niya nabubuksan ang pagkaing nasa harap niya ay iniligpit na niya iyon papunta sa ref. Kumuha na la
Maagang pumasok si Maxine kinaumagahan. Paano ay tumawag ang secretary ni Mr. Smith at gusto silang maka-meeting. Biglaan iyon at kahit handa naman sila ay kailangan pa rin nilang aralin at i- finalize ang proposal nila. Huling pagkakataon na rin nila para makumbinsi ito sa proyekto. "Good morning Miss Salvador," bati ng iilang naroon na sa loob ng malaking gusali nila. Maaga pa talaga dahil hindi pa gaanong marami ang empleyadong naghihintay sa elevator para pumunta sa kani-kanilang mga floor. "Good morning," bati niya pabalik. May tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos no' n ay inayos niya ang salamin sa mga mata at seryosong tumayo lamang habang hinihintay din ang elevator. Dumistansiya pa siya at pumuwesto sa likuran ng mga empleyadong naroon. Saglit lamang naman ang paghihintay nila sa elavator. Kahit nasa likuran na siya ay mas piauna pa rin siyang pasakayin doon ng mga empleyado. Kahit umiling na siya ay iminuwestra ng ilan ang mga kamay para paunahin siya. Gusto na
Ngunit mukha talagang inuubos nito ang pasensiya niya. Hindi na niya maitago ang galit nang bumaba sila at makitang isang resto bar ang kanilang destinasyon. Hindi naman pipitsuging resto-bar iyon at high end ang lugar pero kahit na, inaasahan niyang sa isang fine dining nila kikitain ang kausap. Lalo at malaking tao ito sa larangan ng business. "Why here?""Why not?" balik tanong ni Sofia sa kanya. May lakas loob na siyang sagot-sagutin. "May problema Miss Max?" Nang-uuyam ang pagkakatanong nito."Craig?!" Imbes na patulan si Sofia ay hinarap niya si Craig."Hello, Mr. Samaniego!" Magrereklamo pa lamang siya ay dumating na ang kanilang hinihintay. Masaya itong naglakad palapit sa kanila kasama ang kanang kamay nito. Nakangisi si Mr. Smith na para bang masayang masaya. "This is what I like... buti at nahuli mo ang gusto ko," ika nito sa islang na pagtatagalog. "Working while having fun is my motto," aniya pa nito. Nanlaki ang mga mata ni Maxine sa narinig. Napahiya siya nang sul
Sabay-sabay na tinungga ng tatlo ang kani-kanilang mga basong may laman na alak. For God's sake, hindi pa sila kumakain para mag-inuman agad. "Miss Salvador, care to join us? Alfred, grab your drink," baling ni Mr Smith kay Maxine maging sa kanang kamay nitong tauhan na agad naman na sumunod. Bantulot naman siyang kumilos. Ayaw niyang ipahiya si Mr. Smith pero ayaw niya rin uminom lalo at wala pang laman ang kanyang tiyan. Pero nakaamba na ang bote sa kanya at hinihintay na lamang siyang kumuha ng baso. Mabagal niyang kinuha ang baso sa kanyang harapan. "Hmmmm... let's eat first, Mr. Smith. The food is not good when it's cold."Sa pag-angat ni Maxine ng baso ay siya namang pagsasalita ni Craig. Mabilis pa ang ginawa nitong pagpatong ng kamay sa basong ilalahad sana niya pababa. "Drink your med first," pasimpleng utos nitong pabulong.Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Sofia ang ginawa ni Craig. Nakangiti siya at tumatawa ngunit sa loob niya'y may kung anong bugso ng damdamin.
Muling huminga nang malalim si Maxine. Naghilamos din siya dahil nag-iinit talaga ang pakiramdam niya. Pulang pula ang mukha niya. Ewan niya kung dahil sa galit iyon o sa alak na nainom. Basta hindi siya mapakali na tila ba may masamang mangyayari. She had this gut feeling before, ayaw man niyang aminin sa sarili at kinakalimutan iyon pero nagkatotoo ang lahat na muntikan niyang ikinapahamak noon.Gamit ang paper towel ay pinunasan niya ang basang mukha. Hindi nga lamang niya natuyo ng maigi ang mukha maging ang ilang hibla ng buhok na nabasa dahil sa pagmamadali. Idagdag pa na magaspang sa balat ang paper towel na gamit sa lugar na iyon. Hinayaan na lamang niya iyon at muli siyang humugot ng malalim na hininga. Pinapakalma niya ang sarili habang pinagmamasdan ang sariling repleksiyon sa salamin. She doesn't look good at all. Maging pakiramdam niya ay hindi okay. Pero kailangan niyang magpatuloy. "Kaya mo pa ba?"malakas na tanong niya sa sarili. Buti na lamang at walang ibang taong
"I...really don't know what happened, Craig. Mabilis ang pangyayari." Tumingin ito kay Maxine. "Miss Max and Mr. Smith was drinking and laughing together. They were both fine and got along. It was all of a sudden, she screamed and hit him with a bottle..." kunot ang noo niyang napatitig kay Sofia. "It's true, Craig. Iiwanan ko nga sana sila dahil ayaw ko silang istorbohin, but...oh God!" napahagulhol ulit ito. "I tried to defend Mr. Smith, that's why I was cut by the glass."Ang galit sa kanyang sistema ay lalong lumaki. Mas lalong naging madilim ang awra niya nang bumaling kay Maxine na ngayon ay nanlalaki ang mga mata. Pinapabulaanan ang lahat sa pamamagitan ng pag-iling. Bumuka ang bibig ngunit walang salitang lumabas. "You heard it right, Mr. Samaniego. She tried to seduce me! I'm not blind to like her. She's not my taste, but she throws herself to me!" paggatong ni Mr Smith sa mga sinabi ni Sofia. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ng matanda. Kapag binitiwan niya it
"My colleagues was in critical conditions," Pagbabalita agad ni Alfred nang makarating sa opisina ni Craig. May mga kasama itong mga tauhan pa. They even set up tracking devices to his office. Baka sakali daw tumawag ang mga kidnappers. They can track them easily if that happens. They really need to act fast. Lalo na at sobrang labo pa rin ng lahat. Ngayon lang sobrang hindi mapakali si Craig. Galit na galit siya, pero mas galit siya sa sarili dahil sa nangyari kay Maxine. Hindi man lamang niya naprotektahan ang babae. Sinasabi na nga ba niya! Sana hindi talaga siya pumayag sa kagustuhan nitong mapag-isa. Sana ipinilit niyang siya ang maghatid dito. Sana...Ang dami niyang sana. His heart was aching. Parang may kung anong nakadagan doon. Hindi siya halos makahinga dahil sa takot at kabang nararamdaman para kay Maxine. Halo- halo ang mga emosyon niya sa katawan."Who's behind it!"Napapukpok si Craig sa kanyang mesa. Doon niya ibinuhos ang galit. Kung sino man talaga ang may pakana
"Craig!"Humahangos na patakbong pumunta si Sharon sa opisina ni Craig. Hindi maipinta ang kanyang mukha. Naghahalo-halo roon ang takot at pag-aalala. "What?" Walang kaalam-alam si Craig sa nangyayari. May problema siyang kinakaharap kaya wala siyang balak na pakinggan ang pinsan niya. Alam niyang magbubunganga lamang ito tungkol kay Maxine. Lalo na ang tungkol sa nangyari kahapon. "Si Maxine..."Sinasabi na nga ba niya. Hindi siya nag-angat ng tingin dito. Kilala niya si Sharon at kapag binigyan niya ito ng pansin ay lalo itong hindi siya titigilan."Maxine was kidnapped!"Tumigil sa ere ang mga kamay niyang nakahawak ng ballpen. Mabilis na lumipad ang kanyang tingin sa babae."Don't joke around, Sha—""I am not!" putol nito sa pagsasalita niya. Halos sigawan siya nito. "Alfred just called me. Sugatan ang mga tauhan niya. They lost Maxine!" My God, Craig! She was kidnapped and pregnant!" Halos histerikal na saad nito. Tuluyang umiyak.Nanlaki ang mga mata ni Craig. Napuno ng takot
Humalakhak ang lalake nang makita ang takot sa mukha ni Maxine. Nang mahalatang gumalaw ang daliri ng babae ay iniangat niya ang kanyang baril at itinutok dito. Nagimbal si Maxine nang makita iyin kaya naman kahit gusto niyang tumawag oara humingi ng saklolo ay hindi na niya nagawa. "Try to call anyone, and your brain will be scattered here!" babala ng lalake sa kanya. "Turn it off," utos nito. Baka kasi may tracker ang telepono nito kaya maigi na rin na ipa-rurn off niya iyon. Gusto man nitong ipatapon ang telepono ng babae sa labas ay hindi naman maaari. Baka makatawag lamang iyon sa pansin sa dalawang undercover police na nasa likuran nila na laging nakasubaybay. Kailangan niya munang maiwala ang mga ito bago gawin ang plano. "Bilis! And throw it on the front seat!"Sinunod ni Maxine ang lalake. Natatakot siyang may masamang mangyari sa kanya lalo na sa kanyang ipinagbubuntis. Kung hindi sana siya buntis, lalaban siya rito kahit sa kamatayan. Pero may mahalagang nilalang sa sinap
Isang malaking eskandalo sa kompanya ang balitang pagbubuntis ni Maxine. Parang apoy iyon na mabilis kumalat. Naungkat tuloy ang mga bali-balita noon na katawan niya ang ginagamit para makuha ang deal sa mga negosyante at maging successful iyon."We can't figure out who's behind it," sabi ni Sharon na nag-aalalang nakatingin kay Maxine. Kita kasi sa mukha nito ang matinding pressure sa mga nangyayari. Mula pa noong dumating siya ay tahimik lamang si Maxine at hindi nagsasalita.Napatingin si Sharon kay Craig na tahimik lamang din na nakaupo sa kanyang mesa habang si Maxine ay nasa sofa. May gusto siyang tanungin pero nangimi siyang sabihin. Parang hindi oras iyon para ibuka niya ang bibig. Maging ang pinsan kasi ay mukhang problemado din. Hindi maipinta ang mukha nito habang nasa telepono. Tumatawag sa security at nagpapaimbestiga.Hindi pa din siya nakakahuma sa nasaksihan kahapon tapos heto na naman. Alam ni Sharon ang damdmain ni Maxine sa kanyang pinsan. Pero si Craig kaya, ano ka
Hindi sila sabay pumasok sa gusali ni Craig dahil sa kahilingan niya. Alam niyang nakagawa na sila kahapon ng eksenang puwedeng pag-usapan ng lahat. Ayaw ng dagdagan pa ni Maxine ang mga espekulasyon na maaaring isipin ng mga empleyado patungkol sa kanila. Gaya ng nauna niyang plano, gusto niyang tahimik na umalis sa kompanyang iyon.Pagkapasok pa lamang niya ay mapapansin na niya ang tila kakaibang tingin ng ilan sa kanya. Nagbago bigla ang mood ng paligid. Parang bumalik iyon sa dati, noong unang mga taon niyang naroon. Pinangingilagan siya at palihim na pinag-uusapan.Ang mga tingin ng ilan ay tila nanghuhusga rin ngayon. Na parang may ginawa siyang kahiya-hiya. May pabulong ang mga ito sa kasama tsaka titingin sa gawi niya."Good morning," sinubukan niyang bumati sa mga ito. I-set ang happy mood kumbaga. Pero ni hindi siya pinansin ng mga empleyadong binati. Napansin pa niyang hindi sa mukha niya nakatingin ang mga ito kundi pababa iyon. Kinabahan siya nang mapagtantong sa tiyan
Panibagong bukas. Panibagong pag-asa. Panibagong pakikibuno sa katotohanang gustong ilihim ni Maxine kay Craig. At kung paano niya maitatago.Sa umagang iyon ay hindi napigilan ni Maxine ang paglabas ng morning sickness na nangyayari sa mga nagbubuntis. Wala pang nilalaman ang tiyan niya ay napasugod na siya sa washroom dahil nasusuka siya. "Are you okay?" tanong ni Craig na agad na sumunod sa kanya. Gusto man niyang sagutin ito ay hindi niya magawa dahil patuloy ang paghalukay ng kung ano sa tiyan niya. Kakaiba din ang lasa sa kanyang bibig. Her mouth has this mettalic taste that she wants to get rid.Nakuyom ni Craig ang kamao habang nakatutok ang mga mata niya kay Maxine. Kung kahapon ay ipinagtataka pa niya kung bakit masyadong weird ang ikinikilos nito, ngayon ay hindi na. Kumpirmasyon na lamang ang kulang sa hinala niya ngayon. "Are you pregnant?" Diretsang tanong niya sa babae. Natigilan naman bigla si Maxine. Umurong bigla ang gustong lumabas sa kanyang bibig. Napalitan
"How is it?" alanganing tanong ni Craig sa babae. Inihanda na niya ang sarili sa panlalait na gagawin nito sa kanyang niluto. Hindi kasi nakatulong si U-tube ng mabuti sa kanya dahil hindi niya masundan ang procedure. Parang kay dali lang gawin habang pinapanood niya iyon pero noong magsimula na siyang magluto ay pumalpak siya. Well, he's not a chef nor a good cook pero ginawa naman niya ang lahat ng makakaya niya para mailuto ang request ni Maxine."Hmmm. It's delicious. I like it. Sobrang sarap," ika ni Maxine kay Craig kahit na puno pa ang bibig sa sinubong pagkaim. Takam na takam nitong nilantakan ang adobong niluto ng lalake. It's not appetizing by looking pero masarap sa panlasa niya.Hindi naman maipinta ang hilatsa ng mukha ni Craig habang pinapanood kumain si Maxine. Napa-puzzle siya kung paanong naging masarap ang adobong niluto niya gayong palpak nga siya. Napatingin siya sa nakahain sa lamesa. Adobo pa nga bang masasabi iyon? He knows what it looks like and what the tast
Kagat pa rin ni Maxine ang ibabang labi habang lulan sila ng sasakyan. Pareho silang tahimik ni Craig at hindi alam kung paano magsisimula ng usapan. Dahil sa katahimikang namayani ay hindi napigilan ni Maxine ang mapapikit. Lagi na rin siyang nakakaramdam ng pagod at nagiging antukin siya kahit kumpleto naman ang kanyang tulog. Hanggang sa gupuin na nga siya ng antok at nakatulog dahil pakiramdam niya'y hinehele siya pagkakasakay. Napasulyap naman si Craig kay Maixne nang mapansin niyang papahulog ang ulo nito sa banda niya. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nang matantong tulog nga ang babae. Pasulyap-sulyap siya rito habang nagmamaneho. Tinanggal niya ang malapit na kamay sa manibela para hawakan ang ulo ng babae. Gumagalaw ito kapag nagpe-preno siya o kaya ay kapag lumiliko. Ayaw niya itong magising dahil mukhang pagod talaga ito. Dahil stop sign ay may pagkakataon siyang matitigan si Maxine. Muling sumilay ang ngiti sa mga labi niya habang tutok na
"It's positive..." sabi ni Yvonne. Nakangiting hinuli nito ang mga mata niya.Umugong iyon sa pandinig ni Maxine. May dalawang linya ang test kit na hawak niya na nangangahulugang buntis nga siya. "What's your plan now? Are you going to tell the father?"Hindi siya nakasagot. Ano nga ba ang plano niya? Natanong na siya ni Craig tungkol doon. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung sasabihin nga niya dito. Ngayong may patunay na na buntis talaga siya. Kailangan bang ipaalam niya sa lalake? "Don't stress yourself, Max. Nasa iyo pa rin ang desisyon. Whether to keep it or not..."Muling naglaro sa isipan niya ang sinabi ni Yvonne. Whether she keeps it?Nilagay niya ang palad sa tiyan niyang wala pang umbok. Of course, she will keep it. Anoman ang mangyari, sigurado siya sa sariling ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis. Tangggapin man o hindi ni Craig, sigurado siyang bubuhayin niya ang batang nasa sinapupunan niya. "Tumawag na pala ako sa office mo. I will send you home right