Pinilit na inubos ni Sofia ang pagkaing nasa harap niya kahit pa nga masuka-suka na siya. Iyon ay para lamang maging maganda ang impression sa kanya ni Craig. Ngunit nang dumating na ang hapon, tatlong oras lang ang nakalipas mula noong nagtanghalian sila ay hindi na kinaya ng tiyan niya. Humihilab iyon kaya pabalik-balik siya sa washroom. Nag-react nang matindi ang tiyan niya sa maanghang na kinain.
"Are you okay, Sofia?" tanong ni Maxine nang madaan ito sa kanya. "You look pale," aniya pa nito. Tila concern naman sa kanya lalo at talagang pinagpapawisan na siya ng malapot at talagang namumutla na siya sa sama ng pakiramdam. "Sorry, Miss Maxine. I think I need to go," sabi niyang hindi na nagkunwari. Ayaw niyang magkalat doon kaya mas mabuting umuwi na lamang siya. Ayaw niyang ipahiya ang sarili kay Maxine at lalong lalo na kay Craig. Napatingin naman si Maxine sa kanyang relo. "Sige. Almost time na rin naman kaya maari ka ng umuwi," pagpayag agad nito. Walang inaksayang oras ay agad na kinalap ni Sofia ang mga gamit niya. Ni hindi na nga niya nagawang magpaalam pa kay Craig dahil talagang masama ang tiyan niya. Hindi na nga niya alam kung saan pa aabot ang pagpipigil niya. Hindi niya mawari kung ano ang gusto ng humihilab niyang tiyan. Uminom na rin naman siya ng gamot ngunit tila hindi umeepekto iyon. Lihim naman na nagdiwang ang kalooban ni Maxine. Hindi siya ganoon sa mga nagdaang empleyado, lalo na sa mga naging sekretarya ni Craig. She was kind and patient to them. Kahit hindi nga sabihin na i-train niya ng personal ay ginagawa niya. Sinusubaybayan niya ang mga iyon kahit na naroon naman ang papalitang sekretarya. Ayaw niya kasing magkamali ang mga ito lalo na at importante ang ginagampanan nilang mga posisyon sa kompanya. Napabuntong hininga si Maxine. It was Craig who insist na huwag na ipa-train si Sofia kay Mary na siyang papalitan sana nito. Gusto ng lalaki ay siya talaga ang tututok sa babae. Ituro lahat ng alam niya, na para bang ano mang oras ay puwede nitong punan maging ang posisyon niya. Napalingon siya sa gawi ng pinto kung saan ang opisina ni Craig. Muli siyang napabuga ng hangin. Hindi sa ayaw niyang turuan si Sofia, o kaya ay binu-bully niya ito dahil sa nangyari. Pakiramdam niya lang talaga ay kailangan niyang bigyan ng leksyon si Sofia. Para alam nito kung saan ito lulugar. Hindi porke't binibigyan ito ng special na atensiyon ni Craig ay lalaki na ang ulo ng babae. Oo at sekretarya ito ni Craig— nasa trabaho sila. They need to work professionally. Nakaalis na si Sofia nang lumabas si Craig sa kanyang opisina. Mukha pa ngang nagmamadali. "Where's Sofia?" Agad nitong hinanap ang babae. Nagpalinga-linga pa nga ito nang hindi ito makita sa inuukopang mesa. Hindi katulad ng opisina nito ang opisina niya. Kung nakikita niya bawat galaw ng mga tao sa labas. Si Craig ay minabuting talagang close ang wall at hindi makita ang nasa labas. Tinted ang salamin sa loob at labas. Distraction lang daw kung makikita nito ang ginagawa sa labas ng mga empleyado. "She go home already," sagot niya. "Ikaw, uuwi na rin ba?" simpleng tanong niya. Hindi naman sila sabay umuuwi para walang isipin ang mga empleyado tungkol sa kanila pero sa pagbaba ng building ay sabay lagi sila. Hinihintay pa nga siya ng lalaki kapag medyo late siya at may tinatapos pa. "What time did she go? I told her to wait for me dahil ihahatid ko siya," ika nitong hindi man lang pinansin ang katanungan niya. Natigilan siya at pinag-aralan ang kilos ng lalaki. Gumalaw ang ibabang labi niya para magsalita. Gusto niyang tanungin ito pero pinigilan niya ang sarili. Nagkibit balikat na lamang siya bago sagutin ito. "Kaaalis niya lang. Kung aalis ka na ngayon ay baka maabutan mo pa siya sa ibaba ng building," ika niyang wala man lamang naging emosyon. Tinatago ang dismayang nararamdaman. Agad na bumalik si Craig sa opisina nito. Nanatili naman si Maxine sa kinatatayuan hanggang sa makitang lumabas na muli ang lalaki. Dala na nito ang coat at ang susi ng sasakyan nito. Diretso ito sa elevator. Ni hindi man lamang siya nito nilingon o tinawag para bumaba na rin kasabay nito. His attention is all about Sofia. Para siyang hangin na nilagpasan nito at hindi pinansin. Mapait niyang tinawanan ang sarili. Sino ba siya para hintayin pa nito? She's just his bedmate. Kapag kailangan nito ng parausan ay siya ang hanap siyempre. Nakikita lamang siya kapag pisikal na aspeto ng pangangailangan nito. Pumasok siya sa kanyang opisina. Sininop niya ang kanyang mga gamit bago maisipang umuwi na rin. Pinindot niya ang elevator at hinintay na bumukas iyon nang tumunog ang kanyang telepono. Agad niyang sinagot nang makita ang caller ID. "Don Felipe, napatawag po kayo?" agad na tanong niya sa matandang tumatawag. Bumukas ang elevator pero minabuti niyang huwag munang sumakay doon at kausapin muna ang Don. Tutal ay naiwan naman na siyang mag-isa roon at wala naman naghihintay o maghihintay sa kanya. Si Don Felipe ay ang lolo ni Craig. Sa limang taon niya sa kompanya ay maraming beses na niya itong nakasalamuha. Sa mga okasyon kasi ay siya ang laging kasama ni Craig—like a lucky charm. Marami silang nai-close na transaction at mga taong naeengganyong maki-collaborate sa kanila kapag magkasama sila. Kaya din inisip ng mga ito na may kung anong namamagitan sa kanila. Hindi lingid sa kanya na gusto siya ng mga ito para sa lalaki. "Lolo Felipe, Maxine. Ilang beses ko pa bang ipapaalala sa iyo na Lolo ang itawag mo sa akin. I don't want you to call me by that name again, understand?" pangaral nito agad dahil sa nabigkas na tawag dito. Napangiti siya. Nag-aalburoto ang matanda kapag tinatawag niya itong Don. Tila nakikita nga niya ang itsura nitong nagmamaktol. "Alam niyo naman na hindi ko kayang..." Gusto niyang umapela pero agad siya nitong pinutol. "Hindi ka na iba sa akin, Maxine. I treat you as my granddaughter. Kailan ba kasi kayo magpapakasal ni Craig para maging tunay na kitang babaeng apo, ha?" Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi pa rin talaga naniniwala ang mga ito na walang namamagitan sa kanila ni Craig. Ilang beses na nilang ipinaliwanag sa Lolo at ina ni Craig ang kanilang relasyon pero ang gusto pa rin na paniwalan ng mga ito ang nasusunod. Ganoon yata nila kagustong lumagay na sa tahimik si Craig. Isa pa sa dahilan ay gusto nilang mabigyan na sila ng apo ni Craig. That way, the real bloodline continues. Nag-iisang tunay na apo kasi si Craig. At siya ang napupusuan ng mga ito simula noong mawala ang babaeng unang minahal ni Craig. "Birthday ko na, two weeks from now. Don't buy me any gift. Ang gusto kong regalo mula sa inyo ni Craig ay ang sabihin ninyong lalagay na kayo sa tahimik. Hindi na kayo bumabata..." Napasandal siya sa dingding malapit sa elevator habang pinapakinggan ang sinasabi ni Don Felipe. Mag i-eighty na ang matanda. Ilang buwan din na pinaghandaan iyon ng buong pamilya. Ngunit mas umugong ang mga salita nito patungkol sa kanila ni Craig at sa paglagay sa tahimik. Her heart is full and happy because of that. She's happy kasi, siya ang nagugustuhan ng pamilya ng lalaki. That they really pushed them to be together. Pero sa mga katagang iyon, siya lang ang masaya. Craig never entertained that proposal. Mas madiin nitong tinatanggi kapag sila na ang pinag-uusapan. Paulit-ulit siyang itinatanggi dahil pareho nilang alam na wala naman talagang...sila. 'She's special but... that's only it. She's the pride of the company. Don't ruin the relationship between us as co- workers.' Napapikit siya nang maalala ang mga katagang sinasabi lagi ni Craig sa lahat ng nakakasalamuha nila at iniisip na may special silang relasyon. In the eyes of others, Craig wants to portray that they were a boss and employee only. Na kailanman ay hindi sila talo at hindi siya nito papatulan. Na walang anumang mamamagitan sa kanila. But between them, of course they are fűck buddies.Bumuga siya ng hangin. Nasapo niya ang noo habang naiisip ang mas malalim pang dahilan kung bakit hindi siya kayang mahalin ni Craig. Iisa lang naman ang mabigat na dahilan...His ex-girlfriend. Ang babaeng mahal na mahal nito."Aasa akong pupunta ka, Maxine. Hindi na kita nakikita. Ni hindi mo na ako dinadalaw..." ang mga katagang iyon ang nagpabalik kay Maxine mula sa malalim na pag-iisip. "Sorry lo..." hinging paumanhin niya. Para mawala ang tampo nito ay tinawag niya ito sa gustong itawag niya. "Naging busy ako sa trabaho. Hayaan ninyo, asahan ninyong dadalo ako sa birthday mo, Lo," aniya.Marami pa silang napag-usapan. Tungkol kay Craig, sa trabaho, sa mga proyekto. Pero sa tagal ng pag-uusap nila sa telepono, bumabalik sila sa usapang kasalan. Gustong gusto na talaga nilang lumagay sa tahimik si Craig. Alas sais y medya na noong nakababa siya sa parking lot. Pinindot niya ang remote starter para i -unlock ang kanyang sasakyan. Lumang sasakyan iyon. May sentimental value sa kan
Mabilis na lumipad ang tingin niya sa lalaki sa akusa nito. Kumunot ang noo niya. Hindi niya inaasahang si Sofia ang dahilan kung bakit naparoon ito. She was taken aback for a moment. Pero agad niyang na-compose ang sarili. Itinago ang dismayang nararamdaman.Ibinalik niya ang mga mata sa ginagawa. "Nagsumbong ba sa iyo?" tanong niya. Hindi pinabulaanan o inamin ang akusa nito. Hindi rin naman siya nito paniniwalaan. "Sumbungan ka na pala ngayon?" ayaw niyang himigan ng tampo ang tono ng boses niya pero hindi niya mapigilan. Mas naging madiin din ang kutsilyo sa bawat hiwa niya sa patatas. Narinig niya ang paghila ni Craig sa isang upuan sa dining table. "She's crying when I drop her home. She wants to quit," aniya. Na para bang kasalanan nga niya na mag-ku-quit ito."So it's my fault?" sarkastiko niyang tanong. "Magku-quit siya dahil kasalanan ko? Nagpapatawa ba kayo?" Hindi niya mapigilan ang sariling bulalas. She's hurt. Bakit parang kasalanan nga niya?Ramdam ni Maxine ang bigat
Tila pospsorong sa isang kiskis lang ay umiinit, umaapoy at nagliliyab agad. Ganoon lagi ang pakiramdam ni Craig sa tuwing madidikit kay Maxine. Batid niyang may kung anong mahika ang babae dahil ito lamang ang nakakagawa sa kanya ng ganoon. At hindi niya kayang pigilan ang pagnanasa para dito. He's about to explode. And he wants to do it inside her. Ang halik na iginawad ng babae ay sinuklian niya nang mas mapusok at maalab. Ang kamay niyang nakahawak sa braso nito ay nagpadulas patungong beywang ng babae. Ang isang kamay pa niya ay pumigil sa batok nito upang pigilan itong kumawala. Naramdam niya kasi ang pagpiksi nito at saglit na pagpupumiglas. Knowing that she initiated the contact.Ngunit gaya ng dati anumang pagpupumiglas nito ay natangay ito sa kapusukan niya. Maging ito ay hindi kayang pigilan ang tawag ng kanilang mga laman. Nang tumugon ito ay hudyat iyon upang mas laliman niya ang nangyayari sa kanila. Binuhat niya ang babae papunta sa mesa. Agad na yumakap ang mga paa
Umuwi si Craig sa sariling Condo. Agad siyang nagtuloy sa kanyang silid patungo sa banyo. Inalis niya lahat ng saplot. Nagkalat lahat ng iyon sa sahig hanggang sa marating niya ang walk-in shower kung saan ay agad niyang pinaragasa ang malamig na tubig. Tumayo siya sa ilalim ng rumaragasang tubig. Napasandal ang kanang kamay niya sa muwebles na dingding ng shower area habang napapikit. Nagnilay-nilay sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa kanya ngayon. Tila ba nasa biyaheng walang destinasyon ang kanyang isipan. Patuloy lamang iyon sa paglakbay sa kung saan. Nanatili siya roon halos tatlumpong minuto. Pinilit niyang kalimutan ang mga alalahanin. Guminhawa ang pakiramdam niya. He really needed that cold shower. Napawi kahit papaano ang pagod sa kanyang katawan. Ngunit ang ginhawang naramdaman niya ay agad ding napawi nang nakaupo na siya sa kanyang kama. Gusto niyang magpahinga na ngunit tila ayaw siyang tantanan ng mga isipin. Muling nagulo ang isipan niya patungkol kay Maxine at sa
Napapailing na lamang na sinara muli ni Craig ang pinto. Ni-lock pa niya iyon kahit na malabong may papasok dahil exclusive lang naman sa kanila ang lugar na iyon. Pero maigi nang makasiguro siya. May nakita siyang wet floor sign sa gilid. Kinuha niya iyon at nilagay malapit sa pinto. That way, he can protect his friend from any conflict. May ilan pa rin naman mga taong nakakalusot para sirain ang gustong sirain na tao. At alam niyang isa si Baron sa mga taong maraming gustong muli ay bumagsak ito. Marami din itong kaaway na alam niyang naghihintay ng pagkakataon para pabagsakin ito. He might protect the girl as well. Tama na siguro ang kahihiyan na binibigay ni Baron dito. Maging ang pasakit na binibigay nito. Gusto niyang maawa sa babae pero mas kinakaawaan niya ang kaibigang si Baron. It was actually because of her why he became like that."Gago talaga itong si Baron!" litanya ni Aivan habang nakasunod pa rin sa kanya. Tumigil siya at bahagyang sinulyapan ang kaibigan. As if hindi
Samantala, nanatiling nakatitig si Maxine sa pagkaing nasa mesa. Paglabas niya sa kuwarto ay wala na si Craig at tanging ang paper bag na may laman na pagkain ang nabungaran niya sa kusina, with his note.This time, he ordered Korean food. Mahilig silang dalawa sa mga pagkain ng ibang bansa. They literally taste everything. Isa iyon sa mga pinagkakasunduan nila ni Craig. They were not only fùck buddies but foodie buddies as well.Masarap ang pagkain pero wala siyang gana kaya nakatitig lamang siya roon. Hindi talaga masarap kumain kapag nag-iisa. Nasanay na siya noon. Pero ang palagiang kasama si Craig ay nagbago ang kasanayan niya. At natatakot siyang dahil sa kasanayang iyon. Maaari na kasing mawala iyon. The years she's with him were becoming more and more blurry. Ramdam niyang anumang oras ay hindi na siya nito kakailanganin. Kanina ay nagugutom siya pero hindi na ngayon. Hindi pa niya nabubuksan ang pagkaing nasa harap niya ay iniligpit na niya iyon papunta sa ref. Kumuha na la
Maagang pumasok si Maxine kinaumagahan. Paano ay tumawag ang secretary ni Mr. Smith at gusto silang maka-meeting. Biglaan iyon at kahit handa naman sila ay kailangan pa rin nilang aralin at i- finalize ang proposal nila. Huling pagkakataon na rin nila para makumbinsi ito sa proyekto. "Good morning Miss Salvador," bati ng iilang naroon na sa loob ng malaking gusali nila. Maaga pa talaga dahil hindi pa gaanong marami ang empleyadong naghihintay sa elevator para pumunta sa kani-kanilang mga floor. "Good morning," bati niya pabalik. May tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos no' n ay inayos niya ang salamin sa mga mata at seryosong tumayo lamang habang hinihintay din ang elevator. Dumistansiya pa siya at pumuwesto sa likuran ng mga empleyadong naroon. Saglit lamang naman ang paghihintay nila sa elavator. Kahit nasa likuran na siya ay mas piauna pa rin siyang pasakayin doon ng mga empleyado. Kahit umiling na siya ay iminuwestra ng ilan ang mga kamay para paunahin siya. Gusto na
Ngunit mukha talagang inuubos nito ang pasensiya niya. Hindi na niya maitago ang galit nang bumaba sila at makitang isang resto bar ang kanilang destinasyon. Hindi naman pipitsuging resto-bar iyon at high end ang lugar pero kahit na, inaasahan niyang sa isang fine dining nila kikitain ang kausap. Lalo at malaking tao ito sa larangan ng business. "Why here?""Why not?" balik tanong ni Sofia sa kanya. May lakas loob na siyang sagot-sagutin. "May problema Miss Max?" Nang-uuyam ang pagkakatanong nito."Craig?!" Imbes na patulan si Sofia ay hinarap niya si Craig."Hello, Mr. Samaniego!" Magrereklamo pa lamang siya ay dumating na ang kanilang hinihintay. Masaya itong naglakad palapit sa kanila kasama ang kanang kamay nito. Nakangisi si Mr. Smith na para bang masayang masaya. "This is what I like... buti at nahuli mo ang gusto ko," ika nito sa islang na pagtatagalog. "Working while having fun is my motto," aniya pa nito. Nanlaki ang mga mata ni Maxine sa narinig. Napahiya siya nang sul
Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Maxine ay nagpaiwan siya kay Mang Berto uoang mapag-isa. Nakaupo lang naman siya sa kanyang sasakyan sa harap ng gusali ng condo ni Maxine. Hindi siya gumalaw doon hanggang sa gumabi na. Nagawa lamang niyang umalis at nagtungo sa kompanya nang pagabi na. Magtatrabaho na lamang siya ngayon gabi. It will distract him kahit papaano. Nagsisiuwian na ang mga empleyadong pang-umaga nang makarating siya. Bumabati ang mga ito sa kanya pero ni hindi niya magawang bumati pabalik. Okupado ang isip niya sa mga alalahaning bumabagabag sa kanya.Maging sa elevator ay okupado ang isip niya. Napasandal siya sa dingding ng elevator. Nakapikit siya habang hinihintay ang pagdating niya sa opisina.Nang tumunog ang elevator ay hindi pa siya agad tumalima. Parang may nakadagan sa kanyang dibdib. Nang bumukas ang elevator ay parang wala siyang enerhiyang naglakad papasok. "Craig, buti narito ka na..."Nagulat siya nang sumalubong sa kanya si Sofia. Akala niya ay wala ng ta
Dahil mas inisip niya ang bata. Nagawa niyang sipain sa paa ang lalaki. Tumama iyon sa binti nito.."Ouch!" reklamo nitong napayuko at napahimas sa nasaktan na paa. Bumakat pa sa itim at plantsado nitong slacks ang sapatos niya.Muli niyang pinandilatan ng mga mata ang lalaki bilang babala bago niya lingunin ang bata. Buti na lamang at pumikit ito at nagtakip ng mga mata. Though may maaninag na ngiti sa mga labi ng bata. Muli niyang sinulyapan si Craig na hinihimas pa rin ang tinadyakan niya. Magpasalamat ito dahil hindi ang gitna nito ang tinuhod niya. Nang tumunog ang elevator ay lumabas na ang mag-ina. Kumaway pa ang batang lalaki sa kanila para magpaalam. Ngumiti siya ta kumaway samantalang si Craig ay nakasimangot at hindi na maipinta ang mukha. Naiwan na naman silang dalawa sa elevator."You know what, tama si Baron, a cat needs to be tamed! Marunong ng sumuway at mangalmot!" litanya nitong madilim ang mukha. Masakit pa rin ang paang natadyakan kanina.Hindi na maintindihan ni
Mas lalong nakaramdam ng pananakit ng ulo si Craig nang malaman na si Maxine ang nag-uwi sa kanya. Ang mas nagpapasakit sa ulo niya ay kung paano sila nakapasok sa kanyang condo? Did he tell her his pass code? Nakita ba nito iyon?"Why do I care?" saad niya sa sarili.Pero habang lulan ng sasakyan ay hindi siya mapakali."Turn back, Mang Berto. Go to Maxine's place," aniya. Imbes na sa opisina ay mas gusto niyang makausap si Maxine. Kung anong sasabihin niya ay hindi niya alam. Basta gusto niyang makita ang babae. Agad naman na tumalima si Mang Berto. Nagtataka siya sa inaasal ng among lalaki. Ilang araw na rin niyang napapansin ang kakaibang mga kilos nito. Pero dahil drayber lamang siya nito ay hindi siya nangahas na magsalita. Kilala niya ang temper ng amo. Mahirap ng mawalan pa ng trabaho.Samantala, inip na inip si Craig sa biyahe. Iniisip niya kung ano ang sasabihin kay Maxine ngayong baka natuklasan na nito ang kanyang sikreto. Nahilot niya ang kanyang sentido nang muling sumi
Napalunok si Maxine sa narinig. Parang sinaksak ang puso niya dahil hanggang ngayon, ibang babae pa rin ang hinahanap nito. Kahit naroon na si Sofia ay iba pa rin ang laman ng puso nito. Si Althea pa rin talaga.Parang ilaw na nagliwanag sa kanya ang lahat. Nang muli siyang pumindot sa pass code sa pinto ay bumukas iyon. Mapait siyang napangiti. "So still her, Craig? Siya pa rin talaga ang mahal mo..." anas niya. Kaarawan ni Althea ang pass code na gamit ng lalaki. Ibig sabihin, mula noon hanggang ngayon, hindi nito talaga kinalimutan ang babae. Na nagsisinungaling ito sa naging payo nito kay Sharon tungkol sa pag-ibig. Hindi nito kayang kalimutan ang babaeng minamahal.Kung nakakagulat sa kanya ang pagbanggit ng pangalan ng lalaki kay Althea, mas nagulantang siya sa bumungad sa loob ng unit nito.Mula pa lamang sa pinto ay naglalaman na ng mga memorabilya ng babae ang living room. Bumungad agad sa kanya ang malaking painting ni Althea na nasa dingding. Nakaharap ang sofa sa paint
It was a lonely night. Hindi na nila muling in-open ang kani kanilang mga problema. They just sit there and drink all night. Hating gabi na noong magpaalam siya sa mga kaibigan na uuwi na. Lalo't may trabaho siya. Hindi naman siya puwedeng maging iresponsable dahil may pinapatakbo siyang kompanya. "I'll call my driver to send you home," offer ni Aivan nang pasuray-suray siyang naglakad papunta sa pinto. Ngumisi siya dito. Hindi din nakaligtas sa mga mata niya si Baron na lugmok na sa kinauupuan. Paano ay hindi na lang baso-baso ang ininuman nito. Sa bote na talaga ito uminom."Nah!"tanggi niya sabay kaway sa kamay para pigilan ito. "I have my own driver. I can call him by myself. Iyang si Baron ang ipahatid mo," aniyang tuluyang tumalikod na.Mapungay ang mga mata niyang halos pumipikit na nang makalabas siya sa bar. May mga nakasunod sa kanyang mga guard ni Aiden na agad niyang pinaalis nang makarating siya sa kanyang sasakyan. Wala naman maglalakas ng loob na saktan siya lalo at n
"Stop!" saway nito sa kanya. Hindi nagustuhan ang pagsigaw niya. Napangisi siya nang mahalata ang kakaibang tono sa boses ng kaibigan. Biglang nabaliktad ang sitwasyon. "Wow! You really are in love! "Knock it off!" saway bigla nito sa kanya. "It's not like I want to keep her beside me. It's not gonna happen!" aniya. "Hindi ako katulad ninyo!" asik pa nito. Pagak siyang natawa. Bigla ay nag-iba na rin ang mood niya. Thanks to his friend. "Why not? Tell me, maybe I can be a help..." sabi niya. Sinalinan ang baso nito ng alak. "Cheers to you, bro!" "Fúck off!" babala nito bigla. Agad na nilagok ang laman ng kanyang baso. Ang pait ay sumigid sa lalamunan nito. Hindi nito akalaing mahuhuli siya ng kaibigan sa paraang iyon. Akala niya ay kaya niyang itago. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Craig. "Bakit hindi puwede? Is she married?" Napatda ito. Hinuhuli lamang naman niya ito pero hindi niya inaasahang maaring iyon nga ang problema kaya ayaw nitong mapalapit sa babaeng gusto nit
"Craig, what brought you here again?" tanong ni Aivan nang salubungin siya. Pagkagaling sa condo ni Maxine ay sa bar ni Aivan siya tumuloy. Alam niyang napapadalas na ang pagparoon niya. Ibig sabihin at talagang malaki ang gumugulo sa isipan niya ngayon. "Can you not ask a question, Aivan! I'm not in the mood, okay! May tao ba sa private room? If wala, bring me drinks!" utos niya rito. Pumanhik agad siya sa silid na para sa kanilang magbabarkada. Nagtanong siya baka kasi maratnan na naman niya roon si Baron na may ginagawang milagro. Wala siya sa mood maging ang mga kabaliwan na ginagawa ni Baron.Buti na lang at walang gumagamit ng silid pagpasok niya. He needs privacy. Kahit hindi naman talaga magiging exclusively private para sa kanya dahil naroon si Aivan. Walang preno pa naman ang bibig nito lalo kapag curiosity strikes. Kabaliktaran ng personalidad nila ni Baron si Aivan. He's a happy go lucky kind of guy. Ginagawang katatawanan lahat kahit na mabigat na problema pa iyon."Ano
Walang ginawa si Maxine sa buong araw kundi ang matulog. Nakahiga lamang siya sa kanyang kama at hindi gumagalaw. Kung hindi pa sisipatin kung humihinga pa siya ay pagkakamalan talaga siyang patay. She was curled up like a baby. Her delicate skin shows when her silk thin night dress slid up when she moved. Hindi rin niya itinakip ang kumot sa katawan niya dahil naaalibadbaran siya. Ang kanyang kuwarto ay kinain ng kadiliman. Kahit maliwanag sa labas ay minabuti niyang huwag buksan ang kurtina para makapasok ang sinag ng araw hanggang sa abutan na naman ng gabi. Ni hindi niya nagawang bumangon para kumain o maligo man lamang. Her body felt exhausted at mas gusto niyang nakahiga lamang. Wala din naman siyang ganang kumain o enerhiya para magluto. Basta ang alam niya, gusto niya lang ang makapagpahinga. Hindi na rin naman masakit ang kanyang kamay. Thanks to the whole day of rest na walang ginawa kundi ang humilata lamang. Kahit igalaw niya iyon ay hindi na masakit. Ngunit ang maga
Ngiti lamang muli ang isinukli ni Maxine sa bagong kakilala pagkatapos nilang makilala ang isa't isa. Sa panahon na iyon ay siguro nga, kailangan niyang ng bagong kaibigan. Mukha naman mabait ang doktora. "What's your address, by the way?" Saka pa lamang na tanong nito nang nalagpasan na nila sila Craig. Saglit pang nagtama ang mga mata nila ng lalaki bago tuluyan niyang iniiwas iyon. Nabasa niya sa mukha nito ang galit na rumehistro. Maging ang pagsunod ng tingin nito ay kita niya sa pamamagitan ng side mirror."You're okay, Max?" nag-aalalang tanong nito. Hinawakan ang kamay niya. "Ah...iyong address ko pala," pag-iiba niya sa usapan. Ayaw niyang pag-usapan nila ang tungkol kay Craig. Hanggang kaya niyang umiwas sa usapan tungkol sa lalaki ay gagawin niya. Sinabi niya ang kanyang address kay Yvonne. Pagkatapos ay naging tahimik na muli sila. Pero hindi nakakabingi ang katahimikan na iyon. It was peaceful for her. Nagawa pa nga niyang pumikit at saglit na makaidlip. Kung hindi lan