Chapter 44PAGKATAPOS umalis ni Sandy mula sa coffee shop, mag-isa siyang naglakad papunta sa gilid ng kalsada. Habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa paligid, lutang ang kanyang isip.Itinaas niya ang manggas ng kanyang damit, hinaplos ang peklat sa kanyang braso at kumurap nang malamig ang mga mata. 'Camila, if you're being unfair, then I'll be ruthless!'Kinuha niya ang kanyang cellphone, binuksan ang address book, at tumawag sa numero ni "Charlotte"."Hello? Sino ito?" tanong ni Charlotte sa kabilang linya."Ako ito," malamig na sagot ni Sandy."Ikaw? Ano'ng kailangan mo, Miss Sandy? Gusto mo na naman bang ipagtanggol ang kapatid ko?" tanong ni Charlotte, may halong inis."Magkita tayo," matigas na sagot ni Sandy."Bakit hindi mo sabihin sa cellphone kung ano ang kailangan mo?"Ngumiti si Sandy at mahina ngunit malamig ang boses na nagsalita. "Alam ko na ang tatay mo ay kumuha ng malaking loan sa bangko noong nakaraang taon. Malapit na ang deadline ng unang installment.
Chapter 45"MOMMY, may masakit ba sa 'yo? Anong nangyari?" Nag-aalalang boses ni Braylee ang narinig ni Camila. Nakita ng bata ang pinipigil na galit sa mukha ng ina pero nangingilid din ang mga luha ni Camila sa mga mata. Natauhan agad si Camila nang marinig ang tanong ng anak, pilit na pinipigil ang galit na namumuo sa dibdib. Sa paos na boses, pinakalma niya ang bata. "Wala ito, anak. Don't mind me. May naalala lang ako. Kung pagod ka na, matulog ka na, ha? Si Mommy kasi kailangan pang magtrabaho."Tama, marami pa siyang kailangang gawin. Kailangan niyang magtagumpay sa trabaho at tuluyang makuha ang kontrol ng Perez Empire. Kailangan niyang iganti ang kanyang ina!Umupo si Braylee sa sofa, hawak pa rin ang libro ng Soduku at saka tumingin kay Camila. "Sige, Mommy, magtrabaho ka na po. Sasamahan kita dito.""Salamat, baby ko," aniya at ngumiti sa anak. Pilit na ibinalik ni Camila ang atensyon sa kanyang trabaho. Natapos niya ang lahat ng gawain bandang ala-una na ng madaling ara
Chapter 46HABANG pinapainom ni Brix ng gamot si Daisy, nakatanggap siya ng text message.“Anong nangyari, Billy?”Nakahiga si Daisy sa kama ng ospital. Mukhang "nanghihina" ito base na rin sa boses nito. Ibinalik ni Brix ang mangkok ng porridge sa bedside table at saglit itong tiningnan. “Kailangan kong lumabas sandali.”Biglang nabahala ang maputlang mukha ni Daisy. “Wag kang umalis, Billy.”Hinawakan ni Daisy ang kanyang pulso at tila malapit nang tumulo ang luha sa mga mata nito. “Wala ang kuya ko at ikaw lang ang kasama ko. Natatakot ako kapag wala ka. Pwede bang huwag ka munang umalis?”Nakapikit si Brix, halatang nag-aalangan na umalis at iwan si Daisy. Lumapit ang nurse na naroon sa loob at sumingit para "magpayo", “Sir, sabi nila kapag may sakit ang tao, mas nangangailangan sila ng kasama. Bakit hindi niyo na lang samahan ang pasyente?”“Billy…” Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ni Daisy, at mukha itong sobrang nasasaktan. Nanatiling tahimik si Brix nang ilang sandali, bago
Chapter 47NANATILING nakatayo si Camila sa mahabang corridor. Bago pa man siya makapagtanong kung bakit sila naroon sa tapat ng hotel room, nagsalita na agad ang mga tao at lumapit sa kanya. “Ikaw ba si Miss Camila? Totoo ngang maganda ka at matalino. Talaga namang kahanga-hanga ang Perez Empire kasi naroon ka!”“Oo nga! Ang ganda niya at sobrang galing pa sa trabaho!”Lumapit ang isang babaeng may suot na gold-rimmed glasses at iniabot ang isang card kay Camila. “Miss Camila, kami po ay mula sa isang chain restaurant company. Maaari ninyong gamitin ang card na ito para sa unlimited consumption. Kasalukuyan po kaming nagpaplano ng isang brand strategy at gusto ka naming—”Bago pa man nito matapos ang sasabihin, inagaw ng iba ang pagkakataon at iniabot ang kanilang mga dala-dala kay Camila. “Miss Camila, kami po ay mula sa isang real estate company. Ako po si Larry Santos, nakita ko na po kayo noong nakaraan. Ito po ay maliit na token ng aming pasasalamat.”“Miss Camila, kasama rin po
Chapter 48.1"MR. XANDERS! That's you, right?"Kakababa pa lang ni Mr. Xanders sa hagdan nang biglang marinig niya ang isang malinaw na boses ng babae na tumatawag sa kanya.Pagtingin niya sa unahan, nakita niya ang isang dalaga sa loob ng kotse na nakangiti sa kanya.Tiningnan niya ang kotse, agad na nag-estima sa isip kung nakita niya na ba ito, nang maisip na baka isa ito sa mga naka-meeting na dati, naglakad si Mr. Xanders palapit habang nakangiti sa babae. "You know me, Miss? Did we meet before?""Marami na akong narinig na magagandang bagay tungkol kay Mr. Xanders," sabi ni Sandy habang iniaabot ang business card sa lalaki at binuksan ang pinto ng sasakyan. "Let's have a place to talk, Mr. Xanders. Please."Nakangiti ang babae at mukhang gusto talaga siyang kausap kaya sandali siyang nag-isip. Kinuha ni Mr. Xanders ang business card at nagulat nang malaman kung sino si Sandy.Siya pala ang anak ng mag-asawang Manahan... The Manahan Heiress. Maybe they're going to talk about bu
"My room is just ahead. This is good for us. Pwede mong isama ang anak mo para hindi ka mag-alala sa kanya."Ngumiti si Camila. "You're too considerate, Mr. Xanders, thank you.""I know you're worried about your son," sagot ni Mr. Xanders. Sa katunayan, may asawa't anak din ito kaya ganito ito kay Camila. Alam nito ang pakiramdam na mag-alala para sa anak. Biglang may narinig silang kalansing mula sa pagbukas ng pinto sa katabing kwarto.Lumabas si Charlotte, naka-suot ng slim-fit na puting business suit at ngumiti sa direksyon nila. "Ate Camila, bakit hindi mo ako tinawag? Di ba’t sinabi ni President Perez na tutulungan kita?"Nagulat si Mr. Xanders at nagtanong kay Camila, "Ano 'to?""Colleague." Malamig na sagot ni Camila.Naglakad si Charlotte papalapit kay Mr. Xanders at ngumiti. "I'm also a Perez. I'm Charlotte Perez, Sir. Pwede mo akong tawagin na Charlotte. Ikaw siguro si Mr. Xanders, tama ba? Totoo pala, mas guwapo ka sa personal."Napangiwi si Camila. Nakakahiya talaga si
Chapter 49.1"MR. XANDERS, mag-enjoy kayong dalawa ni Miss Charlotte. Kami naman ay aalis na."Narinig ni Braylee ang boses ni Sandy na nanggagaling sa kwarto kasabay ng tunog ng mga yabag ng high heels ng babae. Agad itong tumatak sa kanyang isipan.Mahigpit niyang sinara ang kanyang mga kamao dahil sa galit, tumalikod at mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto upang gisingin ang kanyang mommy."Mommy! Mommy!"Pinilit niyang kalugin si Camila nang malakas, pero kahit anong pilit niya itong gisingin, hindi man lang kumurap ang mga mata ng mommy niya. "Mommy, mommy, gising ka na!"Habang ginigising ang ina, napansin niya ang mga itim na bilog sa ilalim ng mata nito. Saglit siyang natigilan. Sa mga nakaraang araw, laging nagpupuyat ang Mommy sa gabi at maagang gumigising sa umaga. Hindi pa ito nakakabawi ng sapat na tulog.Sa pag-iisip nang ganito, napuno ng awa ang mga mata ni Braylee.Bahala na nga! Hahayaan na lang niyang makatulog nang maayos ang Mommy niya. Kung kinakailangan, siy
"Bata, anong ginagawa mo dito mag-isa nang ganitong oras ng gabi? Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ng driver mula sa humintong taxi. Binuksan ni Braylee ang pinto, sumakay at pilit na kinabit ang seatbelt niya sa katawan. Inabot niya sa driver ang isang blue bill, binanggit ang address na pupuntahan niya at tumahimik na lang pagkatapos.Kinuha ng driver ang pera at saka napapailing na nagsalita. "Medyo kakaiba kang bata, ha?"Hindi pa rin ito pinansin ni Braylee at nanatiling seryoso ang mukha.Pagbaba nila sa pupuntahan, magalang siyang nagsalita sa driver. "Salamat po, kuya."Kumaway lang ang driver kay Braylee bilang pagba-bye. "Wala yun, umuwi ka na agad ha? Baka nag-aalala na ang pamilya mo sa 'yo."Kahit gabi na, maliwanag pa rin ang buong Cebu dahil sa mga kumikislap na ilaw ng mga buildings na naroon. Ang mga iba't ibang ilaw mula sa malayo ay parang mga hiyas na nagkalat sa langit. Habang naglalakad sa maliwanag na kalsada, nakaramdam si Braylee ng seguridad dahil maliw
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil
Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na
Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig
Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami