"Bata, anong ginagawa mo dito mag-isa nang ganitong oras ng gabi? Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ng driver mula sa humintong taxi. Binuksan ni Braylee ang pinto, sumakay at pilit na kinabit ang seatbelt niya sa katawan. Inabot niya sa driver ang isang blue bill, binanggit ang address na pupuntahan niya at tumahimik na lang pagkatapos.Kinuha ng driver ang pera at saka napapailing na nagsalita. "Medyo kakaiba kang bata, ha?"Hindi pa rin ito pinansin ni Braylee at nanatiling seryoso ang mukha.Pagbaba nila sa pupuntahan, magalang siyang nagsalita sa driver. "Salamat po, kuya."Kumaway lang ang driver kay Braylee bilang pagba-bye. "Wala yun, umuwi ka na agad ha? Baka nag-aalala na ang pamilya mo sa 'yo."Kahit gabi na, maliwanag pa rin ang buong Cebu dahil sa mga kumikislap na ilaw ng mga buildings na naroon. Ang mga iba't ibang ilaw mula sa malayo ay parang mga hiyas na nagkalat sa langit. Habang naglalakad sa maliwanag na kalsada, nakaramdam si Braylee ng seguridad dahil maliw
Chapter 50ANG NANGYARI kahapon.Kumatok ang assistant sa pinto at pumasok, nagbigay ng pagbati kay Brix bago nag-report. "Mr. Monterde, tumawag ang front desk at sinabi na gusto kayong makita ni Mr. Pimentel. Papapasukin ko ba siya para makausap kayo?"Itinaas ni Brix ang ulo mula sa tambak na mga dokumento at hinaplos ang tungki ng ilong niya. "Sige, papasukin mo.""Okay, Sir."Lumabas ang assistant mula sa opisina. Maya-maya, may kumatok muli at mula roon, pumasok si Eric. Tiningnan ni Brix si Eric at nagtanong. "Anong gusto mong pag-usapan?""Sa mga nakaraang araw, nagpapadala ako ng tao para sundan si Sandy. Napansin kong naging close niya ang kapatid ni Camila na si Charlotte. Kanina lang, magkasama silang sumakay ng eroplano papuntang Cebu. Mr. Monterde, nag-aalala ako na baka may gawin silang masama kay Camila kaya umaasa akong pupuntahan mo siya."Humalukipkip siya at dahan-dahang nagsalita. "This is an opportunity for you, you're giving it to me?"Napangisi si Eric, may ba
Chapter 51.1HINDI NAMAN sinabi ni Brix ang lahat ng iyon kay Braylee. Dalawa o tatlong pangungusap lang ang binitiwan niya pagkatapos ay iniba na ang usapan.Bata pa si Braylee para maintindihan ang ilang kumplikadong bagay kaya sinabi na lang niyang may nakapagsabi na narito si Camila at nangangailangan ng tulong. Nakatitig si Braylee sa kanya. Parang pinag-iisipan pa kung maniniwala sa paliwanag niya. Nakakrus ang mga braso ni Braylee at inis na nagsabi. "Bakit ngayon ka lang dumating? Ang tagal-tagal mo! Hindi mo alam pero pagod na pagod si Mommy dito mag-isa tapos lagi pa siyang binu-bully ng mga masasamang tao!"Nakatitig si Brix sa batang kunot ang noo sa kanya. Mamula-mula ang pisngi nito na gusto niya tuloy tusukin iyon, kung hindi lang magagalit sa kanya ang batang ito. "Hindi ka kasing galing ni Tito Eric!" dagdag pa ni Braylee na parang tumusok sa puso ni Brix. Bahagyang dumilim ang mukha niya. Mukhang malaki ang halaga ni Eric kay Braylee. Mas gusto ba ni Braylee ang
Inabot nito ang mga kamay at nagsalita sa mababang tinig. "Uh... Ano po kayang ginawa ni Mr. Monterde sa kompanya namin kagabi at pumasok kayo—? Ay, no, what I want to say, kung may gusto po kayo, sabihin n'yo lang at dadalhin namin agad. Kung may kailangan kayo, ibibigay namin agad.""I'm just looking for something," malamig na sagot ni Brix habang tinitingnan si Mr. Xanders na nanginginig sa gilid. Pagkasabi nito, lalo pang nanginig si Mr. Xanders. Nalaman nito kaninang umaga na pinasok ang opisina nito at nang hanapin ang mga dokumento, napansin nitong nawawala ang bagong kontratang ginawa nila.Alam ni Mr. Xanders na may masamang mangyayari, pero hindi nito magawang masyadong mag-isip dahil baka hindi nito kayanin ang resulta kalalagyan nito. "Anong tinutunga-tunganga mo diyan? Magsalita ka!" galit na sigaw ng boss ng real estate kay Mr. Xanders. Nanginginig na sumagot ni Mr. Xanders, "A-Ahm... hindi ko alam ang sasabihin..."Napangisi si Brix, bahagyang iniangat ang gwapo niya
Chapter 52NATURAL na nakita rin ni Mr. Xanders si Charlotte. Mabilis itong napatayo mula sa pagkakaluhod, itinuro si Charlotte gamit ang nanginginig na daliri at malakas na nagsalita. "Ikaw! Kung hindi mo ako tinukso at inakit kahapon, hindi sana ako nahulog sa patibong mo!""A-Anong pinagsasabi mo?"Binuksan ni Charlotte ng malaking siwang ang pinto, lumabas doon nang may galit sa mukha at nagsalita nang madiin noong makalapit kay Mr. Xanders. "Ikaw, aakitin ko? Ang tanda mo na, panot ka pa! Hindi ka nga bagay maglinis ng sapatos ko! Ako ang tumukso sa'yo? Napakasinungaling mo!"Habang nagtatalo ang dalawa, si Camila naman ay nakasandal sa dingding at tahimik na nanonood sa kanila nang walang emosyon.Blangko ang mukha niya pero sa loob-loob, nagtataka siya. May tao bang pwedeng magpaliwanag sa kanya ng nangyayari? Parang nawala siya sa realidad matapos lang ang isang gabing maayos na tulog. Gayunpaman, isa lang ang mahalaga sa kanya—ang kontrata."Nasaan ang totoong kontrata?" m
Chapter 53SA PAGPIPILIT ng boss ng real estate, sa wakas ay pinili ni Camila ang isang assistant na mukhang seryoso at mukhang hindi maaapi agad. Ang pangalan ng assistant ay Yesha. Agad ding ini-report ni Camila ang bagong kontrata sa kanyang ama.Mabilis na lumipas ang buong araw at bago pa man namalayan, dumating na ulit ang gabi.Sa ilalim ng maliwanag na crystal chandelier ng hotel, magkasamang naghapunan si Camila at si Braylee.Tahimik silang kumakain nang walang imikan, payapa at maayos ang atmosphere. Biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot iyon ni Camila."Hello, Papa.""Camila, kumusta ka diyan? Nakakasanayan mo na ba ang buhay diyan?" tanong ni Carlos nang may pag-aalala."Ayos lang," casual na sagot niya. "Buti naman kung ganon. Nag-aalala kasi ako sa 'yo. Ngayon, narinig ko na okay ka, mas kampante na ako. By the way, si Braylee, mabait ba siya? Sa totoo lang, gusto ko sanang kunin siya pabalik dito para hindi ka mahirapan sa pag-aalaga sa kanya. Pero hindi ko in
Chapter 54MARAHANG inalog ni Camila ang pulang alak sa kanyang kamay, bahagyang ngumiti at may lumitaw na bahid ng panunuya sa kanyang mukha habang nakatingin kay Daisy. Parang pinapanood lang niya ang isang taong nagpapapansin. Kahit buksan niya ang bibig para makipagtalo ay parang bababa lang ang kanyang dignidad.Tumayo si Carlos at tumingin nang masama kay Daisy. "Miss Daisy, kahit hindi ko alam kung anong problema mo sa anak ko, may ebidensya ka ba sa mga sinasabi mo?""Ebidenya? Kailangan pa ba n'on?"Tinignan ni Daisy ang paligid. "Hindi ba't alam na ng lahat ito? Sino bang hindi nakakaalam na si Camila ay umangat sa Perez Empire dahil sa pagbebenta ng kanyang katawan?"Napayuko ang mga tao sa paligid at walang nagsalita ni isa. Totoo naman na maraming empleyado ang nagtsitsismis tungkol kay Camila sa likod niya. "Ikaw..." Halos mawalan ng salita si Carlos sa sobrang galit.Para bang sampal ito sa mukha nito na sariling anak nito ang nilalait.Mahigpit ni Carlos na hinawakan
Chapter 55"SYEMPRE, ang anak mo. Bastardo naman talaga ang anak mo—"Bago pa matapos ni Daisy ang mga sinasabi, isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito at naiwan doo ang malinaw na bakas ng limang daliri sa maputing pisngi. Napahawak ito sa pisngi at tumingin kay Camila nang hindi makapaniwala. "Ang lakas ng loob mong saktan ako?!"Ngumisi si Camila. Pinagpag niya ang manhid na palad at tumitig kay Daisy. "Hindi ka makapaniwala? Gusto mo, ulitin ko pa?""Malandî ka!" Galit na mura ni Daisy sabay taas ng kamay para sampalin si Camila.Ngunit bago pa dumapo ang kamay nito sa mukha ni Camila, nahawakan niya ang pulso nito.Sa isang mariing paghila, nawalan ng balanse si Daisy at napaupo sa sahig. Napaatras naman ang mga tao sa paligid, para bang umiiwas sa gulo. "Aray!"Napasigaw si Daisy at napaupo. Ang makinis nitong ankle ay namula at namaga nang mabilis, senyales na nasugatan ito nang husto."Ang sakit...! Camila! Ang lakas ng loob mong itulak ako! Hindi ka palalampasin
Chapter 85MASAYA ang selebrasyon at tahimik na nag-uusap ang mga bisita.Ang kilos ng mga bisita ay may disiplina, may tamang ngiti sa kanilang mukha at pilit na ipinapakita ang kanilang pinakamagandang ugali sa harap ng iba.Habang nag-uusap sila, hindi maiwasang mapatingin ang lahat kay Lolo Herman na nakaupo sa center seat. Hindi lang dahil ang matanda ang bida ng gabi, kundi dahil buhat ni Herman ang batang kasama ni Camila at masayang nilalaro ito.Kitang-kita ng lahat ang munting bata na nakaupo sa kandungan ni Herman—hinihila ang kulay-abong buhok nito, pinaglalaruan ang malalapad na tainga, at humahalakhak nang malakas si Braylee habang nawiwili kay Lolo Herman. Kitang-kita ang gulat ng mga bisita. Habang iniisip nila kung sino ang bata, napatingin sila kay Camila.Si Camila na naupo sa isang tahimik na sulok para uminom ng wine ay hindi namalayan na sinundan siya ni Brix. Kasama rin nito si Daisy na parang anino ni Brix nakadikit.Dahil walang ibang tao sa paligid, hindi na
Chapter 84NAGSIMULA LANG ang birthday celebration party ni Lolo Herman noong gabi na. Noong oras na iyon, kakalubog lang ng araw at papasikat ang buwan. Mapusyaw na asul pa ang kalangitan at kung hindi mo titingnang mabuti, hindi mo mapapansin ang buwan.Ginaganap ang handaan sa malaking bulwagan sa unang palapag ng mansyon.Nilinis na ng mga katulong ang mga ekstrang gamit at, ayon sa utos ng mayordomo, inayos nila ang mga magagarang sofa, mesa, at upuan sa paligid ng silid. Nilagyan din nila ng masasarap na pagkain at inumin ang mga lamesa.Ang bagong idinagdag na mga kristal na chandelier sa kisame ay nakabukas na lahat kaya mas maliwanag pa sa loob ng bahay kaysa sa labas.Maraming bonsai ang nilagay sa may pinto, pati na rin ang paboritong halaman ni Lolo Herman na itinuturing nitong kayamanan.Ang tanging hindi nagbago ay ang mga painting na nakasabit sa dingding.Sa loob ng hall, rinig na rinig ng mga katulong ang masasayang pagbati mula sa labas.“Muntik na akong mahuli! Mata
Chapter 83KINAUMAGAHAN, natakpan ng manipis na puting ambon ang buong villa ng mga Monterde, parang isang kumot ng hamog. Ang katahimikan ng gabi ay hindi pa tuluyang naglaho at ang paligid ay tahimik pa rin.Paminsan-minsan, maririnig ang huni ng mga ibon sa bakuran, para bang kumakanta sa araw ng kasiyahan.Lumabas si Brix sa kanyang silid at nagtungo sa balkonahe sa ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba.Ngayong araw ay kaarawan ni Lolo Herman, kaya mas pinahigpitan ang seguridad sa buong lugar. Dahil dito, nagpadala siya ng tatlong security teams upang tiyakin na mahigpit ang pagbabantay sa buong villa.Matalas ang kanyang mga mata habang sinusuri ang mga guwardiyang nakatayo nang mas tuwid pa sa mga puno. Parang x-ray ang tingin niya, dumudurog ng kahit anong kahina-hinalang kilos.Matapos ang ilang sandali ng pagmamasid, tumalikod siya at umalis.Nang makalabas sa kwarto, isang kasambahay ang papalapit kay Brix, bahagyang yumuko at nagsabi na handa na ang almus
Chapter 82SA ISANG IGLAP, dumaan nang mabilis ang taxi sa kalsada, muntik nang sumalpok.Agad na binuhat ni Brix si Braylee gamit ang isang kamay. May butil ng pawis na lumitaw sa kanyang ilong pero sa wakas, nakahinga si Brix nang maluwag."Waaaah—!"Tumigil sa pag-iyak si Braylee at dahan-dahang lumingon.'Bakit parang lumipad ako habang tumatakbo?'"Braylee!"Mula sa likod ng kumpulan ng tao, mabilis na sumugod si Camila, hinablot si Braylee mula sa bisig ni Brix, at mahigpit itong niyakap."Natakot ako nang sobra!" Nanginginig ang boses ni Camila.Mabilis ang tibok ng puso niya, ramdam pa rin niya ang takot. Kung may nangyari kay Braylee, hindi niya mapapatawad ang sarili niya kahit kailan."Mommy!" mahina ngunit malinaw na tawag ni Braylee."Oo, nandito si Mommy." Ipinatong ni Camila ang kanyang noo sa balikat ng anak."Mommy, medyo luwag mo po naman... nahihirapan na ako huminga, eh..."Agad niyang niluwagan ang yakap at lumuhod sa harap ni Braylee, seryosong nagsalita. "Sorry
Chapter 81SA ANCESTRAL home ng Monterde FamilyNasa loob ng study si Brix kasama si Lolo Herman na nagtsa-tsaa. Lumulutang ang murang berdeng dahon sa mainit na tubig, pinupuno ang buong silid ng mabangong amoy ng tsaa.Ibinuhos ng matanda ang tsaa sa tasa ng bawat isa at marahang tinikman.Uminom rin si Brix ng isang lagok bago magsalita. "You're turning seventy, Lolo. May gusto ka bang regalo? Ipapaayos ko agad."Dalawang taon pa lang ang nakakalipas mula nang mahilig si Lolo Herman sa mga bonsai. Pinaghirapan ni Brix hanapin ang isang mahigit seven hundred years old na pine bonsai para sa kaarawan ng matanda.Ibig sabihin noon ay pampahaba ng buhay.Nang matanggap ito, tuwang-tuwa si Lolo Herman at inalagaan ito na parang kayamanan. Hanggang ngayon, ang bonsai ay maingat pa ring inaalagaan sa bakuran at tila mas maaliwalas pa ang buhay ng halaman kaysa sa tao.Pero ngayong taon, hindi napansin ni Brix na may bago pang hilig ang matanda."Kung gusto mo talaga akong mapasaya, dalhi
Chapter 80PAGKATAPOS ng dinner nila ni Eric nang gabing iyon, agad na nagpadala ng text si Camila kay Sandy paglabas niya ng restaurant. Sinabihan niya itong maghintay sa ibaba.Ang sabi, pinakamabisang gamot sa pusong sugatan ay ang bagong pag-ibig. Ilang araw na rin ang nakalipas, kaya hindi ni Camila alam kung nagtagumpay na ba si Sandy na "samantalahin ang pagkakataon."Sa gitna ng pag-iisip niya na tawagan si Sandy, biglang nag-ring ang cellphone niya - si Sandy ang tumatawag."Camila, aalis na ako papuntang ibang bansa. Pwede mo ba akong samahan sa airport?"Nagulat si Camila. "Bakit ka pupunta sa ibang bansa? Hindi ba’t tumigil na si Eric sa pagpapabagsak sa pamilya niyo?"Dati, para protektahan siya, ginamit ni Eric ang impluwensya nito para takutin ang Manahan Company at pilitin si Sandy na umalis ng bansa.Pero ngayon, magkaibigan na sila ulit ni Sandy at wala nang gulo sa pagitan nila. Kaya bakit pa ito aalis?"Hindi dahil sa kanya. Gusto ko lang magpahinga at maglibang sa
Chapter 79NAKAUPO si Camila sa isang upuang may cushion. Si Eric ay na nakaupo sa tapat niya, humihigop ng sabaw at tinitigan ang tahimik na babae sa harap nito. Camila invited Eric after she was discharged from the hospital. Dahil minor skin injuries lang ang nangyari sa kanya, binigyan siya agad ng approval ng doktor na makalabas na. "Kumusta ka sa trabaho? Kung may problema ka, huwag kang mahiyang sabihin sa akin," ani Eric at binaba ang mangkok ng warm soup na iniinom nito. "Okay naman. Ang tao, dapat sanayin ang sarili na umasa sa sarili. Hindi ko pwedeng iasa sa ’yo ang lahat habambuhay, di ba?" ngumiti si Camila pagkasabi n'on. "Kung gusto mo, kaya ko—""Hindi." Diretso siyang tumanggi.Napangiti si Eric, tila walang magawa. "Ah, hindi ka pa rin nagbago, talagang matigas pa rin ang ulo mo."Hindi sumagot si Camila. Ibinaba ni Eric ang kutsara at seryosong tumingin kay Camila. Kahit sobrang lapit nila ngayon, alam ni Eric na hinding-hindi nito maaabot si Camila kahit kailan
Chapter 78"CAMILA, WHAT did you do to her again?!"Biglang pumasok si Brix nang marinig ang ingay at nakita si Daisy na nanginginig habang nakahiga sa kama ni Camila. Ang kanang braso ni Daisy ay puno ng dugo mula sa siko pababa at may karayom na nakatusok dito.Hinila ni Brix si Daisy papalapit sa kanya, saka itinaas ang kamay at tinulak si Camila, dahilan para mapaupo siya at tumama ang likod sa bakal na parte ng hospital bed. Ang malakas na pagkabunggo ng likod niya ay rinig na rinig sa buong kwarto. Bumalatay ang sakit sa mukha ni Camila pero hindi siya umimik man lang kundi blangko pa rin ang ekspresyon niya. Sandaling natigilan si Brix at may bahagyang pagsisisi sa puso dahil sa nagawa. Napalunok ito ngunit ang mga salitang lumabas sa bibig ay malupit. "Paano ka naging ganito kasama, Camila?"Diretso ang tingin ni Camila kay Brix habang ang tenga niya ay umuugong dahil nasaktan. Hinawakan niya ang likod at tinitigan ito, kumikislap ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi k
Chapter 77YUMAKAP si Daisy sa leeg ni Brix habang umiiyak at tumingin kay Camila. "Pasensya na, Camila. Kung nahanap lang kita agad, hindi ka sana nasaktan. Kasalanan ko ito lahat..."Pagkasabi nito, tumingala ito kay Brix na parang aping-api. "Billy, dapat ibaba mo na ako. Ayos lang ako. Tulungan mo na si Camila."Napangisi si Camila at nagsalita sa paos na boses. "Pwede bang tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo? Hindi ka ba napapagod umiyak araw-araw?""Hindi ako nagpapanggap, Camila… Bakit mo naman sinasabi ‘yan sa akin? Gusto ko lang naman tumulong sa 'yo at ayoko rin na mapahiya si Billy."Idinikit ni Daisy ang ulo nito sa balikat ni Brix at mayamaya pa’y basa na ang damit ng lalaki dahil sa luha.Lumingon si Brix, nakakunot ang noo nito at may inis sa mukha. "Camila, pwede ba ayusin mo ang ugali mo? Huwag kang maging walang utang na loob. Kung hindi dahil kay Daisy na tumawag sa akin, baka...""Billy, tigilan mo na si Camila. Wala naman siyang kasalanan sa akin."Habang naririn