Chapter 51.1HINDI NAMAN sinabi ni Brix ang lahat ng iyon kay Braylee. Dalawa o tatlong pangungusap lang ang binitiwan niya pagkatapos ay iniba na ang usapan.Bata pa si Braylee para maintindihan ang ilang kumplikadong bagay kaya sinabi na lang niyang may nakapagsabi na narito si Camila at nangangailangan ng tulong. Nakatitig si Braylee sa kanya. Parang pinag-iisipan pa kung maniniwala sa paliwanag niya. Nakakrus ang mga braso ni Braylee at inis na nagsabi. "Bakit ngayon ka lang dumating? Ang tagal-tagal mo! Hindi mo alam pero pagod na pagod si Mommy dito mag-isa tapos lagi pa siyang binu-bully ng mga masasamang tao!"Nakatitig si Brix sa batang kunot ang noo sa kanya. Mamula-mula ang pisngi nito na gusto niya tuloy tusukin iyon, kung hindi lang magagalit sa kanya ang batang ito. "Hindi ka kasing galing ni Tito Eric!" dagdag pa ni Braylee na parang tumusok sa puso ni Brix. Bahagyang dumilim ang mukha niya. Mukhang malaki ang halaga ni Eric kay Braylee. Mas gusto ba ni Braylee ang
Inabot nito ang mga kamay at nagsalita sa mababang tinig. "Uh... Ano po kayang ginawa ni Mr. Monterde sa kompanya namin kagabi at pumasok kayo—? Ay, no, what I want to say, kung may gusto po kayo, sabihin n'yo lang at dadalhin namin agad. Kung may kailangan kayo, ibibigay namin agad.""I'm just looking for something," malamig na sagot ni Brix habang tinitingnan si Mr. Xanders na nanginginig sa gilid. Pagkasabi nito, lalo pang nanginig si Mr. Xanders. Nalaman nito kaninang umaga na pinasok ang opisina nito at nang hanapin ang mga dokumento, napansin nitong nawawala ang bagong kontratang ginawa nila.Alam ni Mr. Xanders na may masamang mangyayari, pero hindi nito magawang masyadong mag-isip dahil baka hindi nito kayanin ang resulta kalalagyan nito. "Anong tinutunga-tunganga mo diyan? Magsalita ka!" galit na sigaw ng boss ng real estate kay Mr. Xanders. Nanginginig na sumagot ni Mr. Xanders, "A-Ahm... hindi ko alam ang sasabihin..."Napangisi si Brix, bahagyang iniangat ang gwapo niya
Chapter 52NATURAL na nakita rin ni Mr. Xanders si Charlotte. Mabilis itong napatayo mula sa pagkakaluhod, itinuro si Charlotte gamit ang nanginginig na daliri at malakas na nagsalita. "Ikaw! Kung hindi mo ako tinukso at inakit kahapon, hindi sana ako nahulog sa patibong mo!""A-Anong pinagsasabi mo?"Binuksan ni Charlotte ng malaking siwang ang pinto, lumabas doon nang may galit sa mukha at nagsalita nang madiin noong makalapit kay Mr. Xanders. "Ikaw, aakitin ko? Ang tanda mo na, panot ka pa! Hindi ka nga bagay maglinis ng sapatos ko! Ako ang tumukso sa'yo? Napakasinungaling mo!"Habang nagtatalo ang dalawa, si Camila naman ay nakasandal sa dingding at tahimik na nanonood sa kanila nang walang emosyon.Blangko ang mukha niya pero sa loob-loob, nagtataka siya. May tao bang pwedeng magpaliwanag sa kanya ng nangyayari? Parang nawala siya sa realidad matapos lang ang isang gabing maayos na tulog. Gayunpaman, isa lang ang mahalaga sa kanya—ang kontrata."Nasaan ang totoong kontrata?" m
Chapter 53SA PAGPIPILIT ng boss ng real estate, sa wakas ay pinili ni Camila ang isang assistant na mukhang seryoso at mukhang hindi maaapi agad. Ang pangalan ng assistant ay Yesha. Agad ding ini-report ni Camila ang bagong kontrata sa kanyang ama.Mabilis na lumipas ang buong araw at bago pa man namalayan, dumating na ulit ang gabi.Sa ilalim ng maliwanag na crystal chandelier ng hotel, magkasamang naghapunan si Camila at si Braylee.Tahimik silang kumakain nang walang imikan, payapa at maayos ang atmosphere. Biglang tumunog ang cellphone niya. Sinagot iyon ni Camila."Hello, Papa.""Camila, kumusta ka diyan? Nakakasanayan mo na ba ang buhay diyan?" tanong ni Carlos nang may pag-aalala."Ayos lang," casual na sagot niya. "Buti naman kung ganon. Nag-aalala kasi ako sa 'yo. Ngayon, narinig ko na okay ka, mas kampante na ako. By the way, si Braylee, mabait ba siya? Sa totoo lang, gusto ko sanang kunin siya pabalik dito para hindi ka mahirapan sa pag-aalaga sa kanya. Pero hindi ko in
Chapter 54MARAHANG inalog ni Camila ang pulang alak sa kanyang kamay, bahagyang ngumiti at may lumitaw na bahid ng panunuya sa kanyang mukha habang nakatingin kay Daisy. Parang pinapanood lang niya ang isang taong nagpapapansin. Kahit buksan niya ang bibig para makipagtalo ay parang bababa lang ang kanyang dignidad.Tumayo si Carlos at tumingin nang masama kay Daisy. "Miss Daisy, kahit hindi ko alam kung anong problema mo sa anak ko, may ebidensya ka ba sa mga sinasabi mo?""Ebidenya? Kailangan pa ba n'on?"Tinignan ni Daisy ang paligid. "Hindi ba't alam na ng lahat ito? Sino bang hindi nakakaalam na si Camila ay umangat sa Perez Empire dahil sa pagbebenta ng kanyang katawan?"Napayuko ang mga tao sa paligid at walang nagsalita ni isa. Totoo naman na maraming empleyado ang nagtsitsismis tungkol kay Camila sa likod niya. "Ikaw..." Halos mawalan ng salita si Carlos sa sobrang galit.Para bang sampal ito sa mukha nito na sariling anak nito ang nilalait.Mahigpit ni Carlos na hinawakan
Chapter 55"SYEMPRE, ang anak mo. Bastardo naman talaga ang anak mo—"Bago pa matapos ni Daisy ang mga sinasabi, isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito at naiwan doo ang malinaw na bakas ng limang daliri sa maputing pisngi. Napahawak ito sa pisngi at tumingin kay Camila nang hindi makapaniwala. "Ang lakas ng loob mong saktan ako?!"Ngumisi si Camila. Pinagpag niya ang manhid na palad at tumitig kay Daisy. "Hindi ka makapaniwala? Gusto mo, ulitin ko pa?""Malandî ka!" Galit na mura ni Daisy sabay taas ng kamay para sampalin si Camila.Ngunit bago pa dumapo ang kamay nito sa mukha ni Camila, nahawakan niya ang pulso nito.Sa isang mariing paghila, nawalan ng balanse si Daisy at napaupo sa sahig. Napaatras naman ang mga tao sa paligid, para bang umiiwas sa gulo. "Aray!"Napasigaw si Daisy at napaupo. Ang makinis nitong ankle ay namula at namaga nang mabilis, senyales na nasugatan ito nang husto."Ang sakit...! Camila! Ang lakas ng loob mong itulak ako! Hindi ka palalampasin
Chapter 56KINAUMAGAHAN, abala si Camila sa pag-aasikaso ng mga dokumento sa opisina. Nang marinig niya ang katok sa pinto, hindi man lang niya itinaas ang ulo. "Come in."Pumasok si Yesha na may dala-dalang tambak na dokumento at ngumiti. "May meeting mamayang alas-dos ng hapon."Dahil hindi nagsalita si Camila, dinagdagan ni Yesha. "Palagay ko, Miss, ipo-promote ka nila."Bahagyang tumigil si Camila sa pagsusulat, pero nagpatuloy siya na parang hindi siya interesado."Hindi ka ba masaya, Miss?" tanong ni Yesha. "That's nothing. They're just giving back my position," sagot ni Camila na may bahagyang pag-angat ng kilay at ngiti sa labi.Tumango si Yesha, tanda ng pagkaintindi.Ngayon ang unang araw ni Yesha sa trabaho. Bilang isang maalam na assistant, alam nito ang "paliku-likong" daan ni Camila sa promosyon.Ngumiti si Yesha sa boss. "Huwag kang mag-alala, Miss. Tingin ko, hindi ka na maaalis sa posisyon mo. Tsaka, napakalaki ng kontribusyon mo ngayon. Baka gawin ka pang vice pres
Chapter 57"YOU TOLD everyone that Braylee could replace Daisy's place in an instant. What's that?" tanong ni Brix nang dahan-dahan.Namula si Camila, at biglang nabalutan ng hiya.Sinabi lang naman niya iyon kahapon nang pabiro para inisin si Daisy, hindi ba? Papalitan ni Braylee si Daisy? Wala siyang balak gawin iyon!"Forget about it." Naglakad si Camila palayo pero hindi niya inaasahan na hahawakan ni Brix ang kanyang kamay. Sa isang banayad na hila, napadikit si Camila sa dibdib nito."Walang ibig sabihin? Hindi mo ba alam na madaling ma-misinterpret ang sinabi mo?"Inilapit ni Brix ang dalawa nitong daliri at banayad na hinawakan ang baba ni Camila.Ang kanilang posisyon ay tila masyadong malapit at mula kung titingnan sa malayo ay mukha silang magkasintahan na naglalambingan."Uy, tingnan n'yo, si Mr. Monterde at si Miss Camila 'yan, hindi ba?""Nasaan? Patingin... Wow! Totoo nga!""Hindi ba balitang hiwalay na sila? Magkakabalikan ba sila? Grabe naman si Miss Camila, parang na
Chapter 118"N-NOONG isang araw, kumakain ako sa tapat ng clinic nang makita ko ang isang babaeng may dalang bata na pumasok doon. Kakaunti lang ang tao dito sa lugar namin kaya hindi lang ako ang nakakita. Kung hindi ka naniniwala, puwede mong tanungin ang iba."Hawak ng lalaki ang namamagang likod nito habang nagsasalita. Pagkatapos niyang magsalita, may isang lalaking nagtaas ng kamay at bumulong. "Maaari kong patunayan 'yan. Nakita rin ng misis ko at nabanggit pa niya sa akin habang magkatabi kami kagabi!"Isa sa mga benepisyo ng maliit na bayan ay mabilis nilang napapansin kung may bagong dayuhan na dumating.Napansin ni Camila na mukhang hindi nagsisinungaling ang dalawa kaya sumunod siya sa direksyon kung saan nakita si Daisy. Ngunit sa kasamaang-palad, ayon sa lalaki, umalis ito kahapon pa.Kung tutuusin, iyon ang araw na nakatulog siya ng mahaba. Muling nawala ang bakas ni Daisy kaya napuno ng inis at pagkadismaya si Camila.Tumingin siya kay Brix at nakita niyang kalmado it
Chapter 117PAGMULAT ng mga mata ni Camila, umaga na. Bumangon siya mula sa matigas na kama at tumingin sa paligid.Sa loob ng simpleng kwarto, sa tapat ng kama ay may lumang kabinet na bahagyang lubog, sa kanan ay isang kurtinang hindi man lang nakakatakip sa liwanag, at katabi nito ay isang hugis-parihabang mesa na kulay mamula-mulang kahoy. Maging ang sahig ay may ilang bahagi nang sira…Tinanggal niya ang manipis at matigas na kumot, tumayo, at kinuha ang cellphone. Nakita niyang ika-17 na ng kasalukuyang buwan—ibig sabihin, nakatulog siya nang isang buong araw at gabi.May messages mula kay Brix. Matapos itong sagutin, naupo siya sa tabi ng bintana at tulala habang nakatingin sa maalikabok na kalsada sa labas.Dalawang araw na…Saan dinala ni Daisy si Braylee? Bakit may dugo? Ano na ang nangyari sa anak niya?Habang iniisip ito ni Camila, mas lalong lumakas ang kanyang kaba. Alam niyang ipinadala na ni Brix ang mga tao nito upang hanapin sila, pero dahil hindi siya personal na na
Chapter 116Mula hapon hanggang gabi, walang tigil sa pagsisiyasat sina Camila at Brix. Ilang beses ding tinawagan ni Brix si Daisy pero hindi pa rin ito sumasagot.Sa footage ng CCTV, nakita nilang dumiretso ang sasakyan ni Daisy patungong katabing probinsya, sa may Cavité. Hindi na mapakali si Camila.Matapos pag-usapan, nagdesisyon silang mag-iwan ng tao para bantayan ang surveillance habang sila naman ay magpapahanda ng sasakyan upang habulin si Daisy.Pagkalabas nila sa Traffic Bureau, agad silang bumiyahe. Sa sobrang pag-aalala, gusto na lang ni Camila lumipad papunta kay Braylee.*Samantala, nakarating na si Daisy sa labas ng Cavite. Sa wakas, nakahinga siya nang maluwag.Alam niyang hindi siya titigilan ni Camila at siguradong gagalaw si Brix kaya hindi siya nag-relax kahit saglit.Ngayon lang siya huminto matapos makarating sa isang liblib na bahagi ng lungsod.Huminga siya nang malalim, isinandal ang likod sa upuan, kinuha ang tissue at pinunasan ang pawis sa kanyang mga pa
Chapter 115HINDI na nag-isip pa si Camila. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kotse ni Dale at hinila ito palabas."Camila, huwag kang magpadalos-dalos!""Lumayas ka!"Pinilit niyang pababain si Dale, umupo sa driver’s seat, tapos inapakan nang sagad ang gas. Parang kidlat na sumibad ang sasakyan!Napanganga ang mga tao sa paligid sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya."Sobrang bilis niya! Parang gusto niyang mamatay! Kung may hahabol sa kanya sa ganitong sitwasyon, siguradong may mangyayaring masama! Dapat na nating tawagan ang pulis!" sigaw ng isang babae."Hintay lang!" Pinigilan ni Dale ang empleyadong tatawag na sana sa pulis."Ako na ang bahala. May iba pa ba kayong sasakyan? Hahabol ako!""Meron! Heto ang susi ko!" Agad na inabot ng isang lalaki ang susi ng kotse nito. "Sasamahan kita sa garahe!"Tumango si Dale at habang naglalakad, tinawagan niya si Brix.Sa kabilang linya, nag-apoy sa galit si Brix. Habang inaalam ang buong sitwasyon, agad niyang kinansela lahat ng trabaho n
Chapter 114KINABUKASAN, bumalik ang dalawa sa malamig nilang pakikitungo sa isa’t isa.Mas tamang sabihin na si Camila lang ang malamig.Nalito si Lolo Herman sa nangyayari sa kanila pero naisip nitong hindi dapat pakialaman ang usaping pag-ibig. Hinayaan na lang niyang ayusin nila ito sa sarili nilang paraan.Pagkatapos ng almusal, papunta na si Camila sa kompanya. Gusto rin sumama ni Braylee, kaya pumayag siya.Paglabas nila ng gate, biglang huminto ang sasakyan ni Brix sa harap nila."Hatid ko na kayo."Parang walang narinig si Camila. Hawak ang kamay ni Braylee, dumiretso siya sa parking lot para kunin ang sarili niyang sasakyan.Nilabas ni Braylee ang dila niya kay Brix na may madilim na ekspresyon, bago siya masayang sumunod kay Camila.Pagdating sa kompanya, agad sinimulan ni Camila ang trabaho.Dahil sa suporta ng mga Monterde, hindi na siya matinag sa kanyang posisyon. Kahit ang mga empleyadong dating nasa panig ni Vivian at Charlotte ay lumipat na rin sa kanya.Hindi ito in
Chapter 113ANG ginintuang buhangin, ang asul na langit at dagat, ang mga punong niyog na sumasayaw sa hangin, at ang mga dalagang naka-bikini—lahat ay parang eksena sa isang pelikula.Simula nang mapirmahan ang kontrata ilang araw na ang nakalipas, nag-umpisa sina Camila, Brix, at Braylee ng isang masaya at relaxed na bakasyon. Wala silang ibang iniisip kundi ang kumain, uminom, at mag-enjoy.Habang nakapikit, tinapunan ni Camila ng tingin ang isang seksing babae na walang pakundangan kung maglakad sa tabing-dagat. Napangiti siya at napabuntong-hininga.Nakahiga siya sa isang lounger chair, nakasuot ng sunglasses at may hawak na baso ng malamig na juice. Ramdam niya ang katahimikan at gaan ng katawan. Paminsan-minsan, nililingon niya si Braylee na masayang tumatakbo sa buhanginan, sinasabing maghahanap ito ng perlas para sa kanya.Pagkatapos uminom ng juice, tumingin siya kay Brix—seryosong nakatutok sa phone habang abala sa trabaho."Andaming magagandang babae rito, bakit di mo man
Chapter 112KASUNOD ni Brix ang isang balisa na babaeng assistant at ilang gwardya.Sa puntong ito, alam na ni Camila ang lahat— pinaalis ni Iggy si Brix palayo para masubukan siyang gawan ng masama. Hindi niya akalaing magiging ganito si Iggy kapangahas! Pinulot niya ang cellphone sa sahig, lumapit kay Brix at tinitigan ang sugat nito sa mukha."Ayos ka lang ba?"Bahagyang umiling si Brix, hinila siya sa likuran at tumitig nang malamig sa lahat ng nasa silid.Samantala, tinulungan ng assistant si Iggy makatayo. Naningkit ang mga mata nito sa mga gwardyang mukhang basahan."Mga walang silbi!" singhal ni Iggy. Walang naglakas-loob na sumagot. Humarap muli si Iggy kay Brix at ngumisi ng mapanlait."Haha... Mr. Monterde, mukhang mali ang tantya ko sa'yo."Hinawakan ni Camila ang braso ni Brix at lumingon kay Iggy."Mr. Perez, siya ang asawa ko, kaya..." sinadya ni Camila na ipakita niyang pag-aari siya ng lalaki. Mula sa gilid, napangiti nang bahagya si Brix, tila natuwa sa sinabi ni C
Chapter 111Sa ilalim ng kumpiyansang tingin ni Iggy, napangiti si Camila at umiling. "Pasensya na, kung ayaw mong pag-usapan ang project, huwag na lang."Kung makukuha niya ang project na ito, siguradong malaki ang kikitain niya. Pero... mayaman na siya!Simula nang ipasa niya ang pamamahala ng Perez Empire sa mga tauhan ni Brix, lumago ang company nang husto at nagbigay sa kanya ng malaking kita.Isa sa mga dahilan kung bakit niya pinaglaban ang Perez Empire ay dahil sa kanyang ina at kay Braylee. Hindi siya obsessed sa pera.Kapag umabot na sa isang tiyak na halaga, nagiging numero na lang ang pera. At sa ngayon, ganito na ang tingin ni Camila rito.Biglang nanigas ang mukha ni Iggy at hindi natuwa. "Dahil ba sa lalaking iyon?""Lalaki?"Kailan siya naghanap ng lalaki?"Ang tinutukoy ko, si Brix Monterde."Biglang napatingin si Camila sa pinto, medyo natakot. Buti na lang wala si Brix.Kung nandito si Brix, siguradong gagapang palabas ng unit niya itong si Iggy. "Mr. Perez, lumapi
Chapter 110"MOMMY…" “Mommy!” Napadilat si Camila sa tawag na iyon. Nagising siya sa isang malawak na lugar na balot ng puting hamog. Malinaw ang paligid sa malapit pero paunti-unti itong nagiging makapal hanggang sa hindi na niya makita kung ano ang nasa malayo. May kung anong kaba ang bumalot sa kanya. "Nasaan ako?" "Mommy, mommy, ako si Braylee..." Isang pamilyar na boses ng bata ang tumawag mula sa likod niya. Paglingon niya, kitang-kita niya si Braylee—magulo ang suot, namamaga ang mukha at may dugo sa gilid ng labi. Napakaliit ng katawan nito, tila nasa bingit ng dilim, parang may mabangis na hayop na handang lamunin ang bata. "Mommy, tulungan mo ako... Masakit, mommy!" "Braylee!" Agad na tumakbo si Camila at sinubukang yakapin siya. Pero bago siya makalapit... Bang!Naglahong parang usok si Braylee. "Braylee?" Nangangapa siyang tumakbo sa makapal na hamog. "Nasaan ka? Si Mommy nandito!" "Mommy, tulungan mo ako..." Narinig niya ulit ang sigaw ng bata