Chapter 56KINAUMAGAHAN, abala si Camila sa pag-aasikaso ng mga dokumento sa opisina. Nang marinig niya ang katok sa pinto, hindi man lang niya itinaas ang ulo. "Come in."Pumasok si Yesha na may dala-dalang tambak na dokumento at ngumiti. "May meeting mamayang alas-dos ng hapon."Dahil hindi nagsalita si Camila, dinagdagan ni Yesha. "Palagay ko, Miss, ipo-promote ka nila."Bahagyang tumigil si Camila sa pagsusulat, pero nagpatuloy siya na parang hindi siya interesado."Hindi ka ba masaya, Miss?" tanong ni Yesha. "That's nothing. They're just giving back my position," sagot ni Camila na may bahagyang pag-angat ng kilay at ngiti sa labi.Tumango si Yesha, tanda ng pagkaintindi.Ngayon ang unang araw ni Yesha sa trabaho. Bilang isang maalam na assistant, alam nito ang "paliku-likong" daan ni Camila sa promosyon.Ngumiti si Yesha sa boss. "Huwag kang mag-alala, Miss. Tingin ko, hindi ka na maaalis sa posisyon mo. Tsaka, napakalaki ng kontribusyon mo ngayon. Baka gawin ka pang vice pres
Chapter 57"YOU TOLD everyone that Braylee could replace Daisy's place in an instant. What's that?" tanong ni Brix nang dahan-dahan.Namula si Camila, at biglang nabalutan ng hiya.Sinabi lang naman niya iyon kahapon nang pabiro para inisin si Daisy, hindi ba? Papalitan ni Braylee si Daisy? Wala siyang balak gawin iyon!"Forget about it." Naglakad si Camila palayo pero hindi niya inaasahan na hahawakan ni Brix ang kanyang kamay. Sa isang banayad na hila, napadikit si Camila sa dibdib nito."Walang ibig sabihin? Hindi mo ba alam na madaling ma-misinterpret ang sinabi mo?"Inilapit ni Brix ang dalawa nitong daliri at banayad na hinawakan ang baba ni Camila.Ang kanilang posisyon ay tila masyadong malapit at mula kung titingnan sa malayo ay mukha silang magkasintahan na naglalambingan."Uy, tingnan n'yo, si Mr. Monterde at si Miss Camila 'yan, hindi ba?""Nasaan? Patingin... Wow! Totoo nga!""Hindi ba balitang hiwalay na sila? Magkakabalikan ba sila? Grabe naman si Miss Camila, parang na
Chapter 58"MA'AM, nakatanggap kami ng tawag mula sa pulis na suspek ka sa intentional homicide kay Camila Perez. Sumama ka sa amin."Habang naririnig ang malamig at seryosong boses ng lalaki, dahan-dahang tumingin si Charlotte sa basag at deformed na bintana ng kotse. Parang nagising siya mula sa panaginip."She deserves to die!""Hulihin n'yo siya!" Binuksan ng mga pulis ang pinto ng kotse at hinila palabas si Charlotte.Isang "click" at malamig na posas ang ikinabit sa kanyang mga kamay."You have the right to remain silent. Anything you say could be used against you in the court of law."Pilit na nagpupumiglas si Charlotte, "Bitawan niyo ako! Alam n'yo ba kung sino ako?""Wala kaming pakialam kung sino ka. Damputin na siya."Hindi si Charlotte pinansin ng pulis at pilit siyang isinakay sa sasakyan ng pulisya at mabilis iyong umalisHabang papunta sa presinto, sumisigaw si Charlotte sa buong biyahe, hindi nagpapakita ng takot.Pagkatapos kuhanan ng pahayag, dinala siya ng mga pulis
Chapter 59SA MALIIT na kwarto ng police station, maliwanag ang ilaw at tahimik na gumagana ang kamera sa sulok.Maganda ang tulog ni Charlotte nang bigla niyang maramdaman ang kirot sa kanyang mukha.Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita ang isang itim na bagay na gumalaw sa harap niya. Parang mas lalong sumama ang pakiramdam niya nang maramdaman na may isang bagay na gumagapang sa kanyang mukha.Halos tumalon ang puso ni Charlotte kaya hinawakan niya ang hindi kilalang bagay sa kanyang mukha at itinapon ito sa sahig. Nang tingnan niya ang bagay sa sahig at nakita ito nang malinaw, napasigaw siya nang malakas. "Ahh--!"Biglang nawala ang daga sa sahig sa sigaw na iyon.Hinawakan ni Charlotte ang kanyang ulo, nanginginig at sumisigaw nang malakas."Anong kagaguhan ang pinagsisigaw mo?"Lumapit ang isang lalaking pulis na may hawak na electric baton."May daga, may daga...!""Eh ano kung may daga? Bakit ka nag-iingay disoras ng gabi?" May blankong ekspresyon ang mukha ng lalak
Chapter 60NANG makauwi si Charlotte kasama si Sandy, parang tuliro siya. Nakulong siya ng dalawang araw at isang gabi, halos tubig lang ang naiinom at kaunting tinapay ang nakakain.Sa loob ng selda, araw-araw niyang kinakailangang tiisin ang mga daga at ipis na nagtatakbuhan sa sahig. Kahit sinong dalagang hindi sanay sa hirap ay siguradong mababaliw.Sa loob ng dalawang araw na iyon, mag-isa si Charlotte. Mula sa pagiging maingay noong una, natahimik na lang siya kalaunan.Pagbukas ng pinto sa bahay ng Perez Family, nakita si Charlotte ni Vivian sa ganoong kalagayan—magulo ang buhok at gusgusin. Agad itong napaluha."Ang anak ko, anong kasalanan mo para pagdaanan mo 'to..." Yumakap si Vivian kay Charlotte.Napatigil si Charlotte sa yakap ng ina, tila hindi makapaniwala. Amoy na amoy niya ang pamilyar na halimuyak ng ina. Para bang doon lang siya tuluyang bumalik sa sarili."Ma..." bulong niya."I'm here, anak..." Mahigpit na yakap ang ginawa nito sa anak at awang-awa na tumingin kay
Chapter 61HINDI MAKAPUNTA si Camila sa kumpanya dahil nasa ospital pa rin siya nananatili. Araw-araw naman siyang tinatawagan ni Yesha para mag-report tungkol sa mga nangyayari sa opisina."Sabi ng mga tao sa departament natin, nag-leave ka agad pagkatapos mo lang ma-promote. Ikaw na raw ang pinaka-incompetent na director," pabirong sabi ni Yesha sa kabilang linya.Bahagyang ngumiti si Camila. "Hayaan mo sila."Matapos nilang pag-usapan ang mga tsismis sa opisina, nagpalit ng topic si Yesha. "Habang wala ka, araw-araw kang hinahanap ni Braylee. Hindi ko na siya kaya."Pagkarinig nito, nakaramdam si Camila ng konting hiya. Alam niyang naghahanap ng bahay si Yesha nitong mga nakaraang araw kaya malamang ay nagpaplanong lumipat na ito.Habang nag-iisip siyang kumuha ng katulong para gumaan ang trabaho ni Yesha, bigla niyang napansin na bumukas ang pinto ng kwarto. Mabilis niyang tinapos ang tawag at tumingin kay Daisy na nagmamadaling pumasok. Kita sa mukha ni Camila ang pagiging ale
Chapter 62ANG BAHAGYANG pakiramdam ng kirot sa braso ni Camila ang nagbalik ng kanyang ulirat.Bigla niyang binawi ang kanyang braso at tumingin sa nurse na may halong pagdududa. “Bakit biglang may injection ngayon?”Kung tama ang natatandaan niya, wala naman siyang injection mula noong araw na pumasok siya sa ospital. Puro oral medication at IV fluids lang ang ginagamit sa kanya.“Kailangan para sa kondisyon mo,” sagot ng nurse nang hindi tumitingin, mababa pa rin ang boses nito.Tinitigan siya ni Camila at nakaramdam ng kakaiba.“Tumingin ka nga sa akin.”Hindi pa rin tumingin ang nurse at iniangat ang syringe, nagmamadaling isaksak ito sa braso niya.“Kailangan ka nang magamot!”Sa sobrang taranta, biglang nagbago ang boses nito at doon siya nabisto ni Camila. Umilag si Camila sa syringe, sabay dakma sa mukha ng nurse, pilit itong pinatitingin sa kanya. Nagtagpo ang mga mata nila, at naningkit ang mga mata ni Camila.“Ikaw na naman!”“Ngayon nabisto mo na, wala nang silbi pang ma
Chapter 63HINDI pa nakakapagsalita si Brix, naramdaman niya ang paghatak ni Daisy sa laylayan ng slacks niya. "Billy... huwag mo akong ibigay kay Camila..." Umiiyak itong nang malakas. "Alam ko nang mali ako, hindi ko na uulitin 'yan..."Tahimik lang si Brix. Hindi nakarinig ng sagot si Camila sa matagal na panahon, kaya't nagtanong ito. "Hello?"Binigyan siya ni Brix ng desisyon, "Paano mo gustong ayusin 'to?"Nagulat sandali si Camila, at pagkatapos ay ngumisi ito sa kabilang linya. "Favorite friend mo siya. Paano ko naman siya sasakyan? Gusto ko sanang bigyan siya ng injection tulad ng balak niya sa akin pero papayag ka ba?"Tahimik ang opisina at narinig ni Daisy ang sinabi ni Camila.Bumagsak ang mga luha nito na parang mga perlas. Agad humingi ng saklolo kay Brix uli. "Billy, huwag mo akong ibigay sa kanya... Hindi ako papatawarin ni Camila, tiyak na papatayin niya ako, please, Billy..."Tumingin si Brix kay Daisy pero hindi umiimik. Habang nakatitig siya rito, nakaramdam
Chapter 217PAGKAGISING ni Camila kaninang umaga, napansin niyang mahamog sa labas.Pagdating sa kumpanya sakay ng kotse ni Eric, tulad ng nakasanayan, nagsimula na naman siya sa pagiging isang modelong empleyado.KNOCK KNOCK. "Ako ito, si Yesha, Ma'am Camila.""Tuloy ka."Habang nakatutok si Camila sa dokumentong hawak niya, may biglang dumaan na berdeng anino sa gilid ng kanyang paningin.Nang tumingala siya, nakita niya si Yesha na nakatayo sa harapan niya. Napansin niyang iba ang suot nito ngayon kaya naman kumislap ang mga mata niya.Suot ni Yesha ang isang dark green suit na nagpapatingkad sa kanyang tindig. Ang kulay at istilo nito ay mukhang pormal at disente pero hindi sobrang pasikat. Sa ilalim ng fitted na blazer na may ruffled hem, suot niya ang isang bilog na kwelyong silk shirt na may mapusyaw na puting perlas, na nagdagdag ng banayad na pagiging elegante at mature sa kanya.Halos trenta na si Yesha, at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klaseng pormal na pananamit.D
Chapter 216ANG papalubog na araw ay nakabitin sa langit, pinapadalhan ng huling sinag ng liwanag ang lupa. Ang madilaw na kulay nito ay nagbigay ng malabong tanawin sa buong siyudad.Bukas ang pintuan ng kompanya ng mga Perez at isa-isang lumabas ang mga empleyado na nakasuot ng pormal na kasuotan. Habang nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa araw na iyon, nagpaalamanan na rin sila sa isa’t isa. Nasa hulihan si Camila.Nagkaproblema sa isang account kanina, kaya buong hapon siyang nakatutok sa computer, nagko-compute. Ngayon, namumula at parang namamaga ang mga mata niya. Nang tumama pa ang nakakasilaw na araw, lalo lang sumakit ang kanyang paningin.Habang tinatakpan ang mata gamit ang kamay, naglakad siya papunta sa kalsada at nag-abang ng taxi. Isang Maybach ang nakapansin sa kanya mula pa lang sa malayo. Nang makita siyang nag-aabang, dahan-dahang lumapit ang sasakyan at huminto sa harapan niya."Sabi ko na nga ba, ako na ang susundo sa’yo. Bakit ka pa magta-taxi?" Binaba ni
Chapter 215PAGKATAPOS umalis sa istasyon ng pulis, hinawakan ni Lolo Herman ang kamay ni Braylee at tiningnan si Camila nang may pagsisisi."Alam ko na ang tungkol kay Maurice. Kasalanan namin ito."Umiling si Camila. "Paano ko naman kayo sisisihin, Lolo? Sino bang mag-aakalang magiging ganun siya kaahas?""Sa madaling salita, kasalanan ito ng pamilya Monterde dahil hindi ka namin naalagaan nang maayos. Halos..." Sandaling natigilan si Lolo Herman bago nagtanong nang maingat, "Nung gabing may nangyari, si Mr. Pimentel ba agad ang tinawagan mo?"Pinisil ni Camila ang kanyang mga daliri at tumingin sa pulang brick wall na nasa harapan nila."Oo."Noon pa man, nakapirma na siya ng divorce agreement. Paano niya nagawang tawagan si Brix? Wala siyang mukha para gawin iyon.Hindi na nagsalita si Lolo Herman, bagkus ay sinabing, "Camila, hindi ko na iniintindi kung ano mang alitan ang meron kayo ni Brix. Pero kung mahalaga pa ako sa’yo bilang lolo mo, tawagan mo ako sa susunod na may problem
Chapter 214HALOS matumba si Lolo Herman matapos siyang itulak ng lalaking reporter. Kung noong kabataan niya, kaya niyang harapin ang sampung tulad nito nang mag-isa, pero matanda na siya ngayon.Agad siyang inalalayan ng matipunong bodyguard, pati si Braylee, saka dinala sila sa gilid."Boss, gusto mo bang ako na ang kumilos?" tanong ng bodyguard.Hinaplos ni Lolo Herman ang kanyang balbas at galit na sumagot, "Oo, sige, palayasin mo ang mga ‘yan!"'Ang lakas ng loob nilang manggulo sa grand-daughter in law ko, wala akong palalampasin!'Pagkarinig nito, hindi na nag-aksaya ng oras ang bodyguard. Lumapit siya ng ilang hakbang, inabot ang kwelyo ng lalaking reporter, at walang kahirap-hirap na binuhat ito."Sino ‘to? Anong ginagawa mo?" Sigaw ng reporter. Pero bago pa niya matapos ang sinasabi, nakaramdam siya ng kirot sa batok. Napalingon siya at nakita ang mabagsik na mukha ng bodyguard.Bigla siyang natigilan at nauutal na sinabi, "A-anong balak mo, AARGH!"Hindi pa siya natatapos
Chapter 213KAKA-SCROLL lang ni Camila sa balitang kumakalat tungkol kay Maurice sa internet nang biglang may dumagsang grupo ng mga reporter sa labas ng kumpanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, pakiramdam niya ay may nagplano nito laban sa kanya."Paalisin niyo na lang sila. Tawagin ang security," nakakunot-noong utos niya.Nag-aalangan si Yesha. "Ang dami po nila, hindi na namin mapaalis. Nakasara na ang main gate at hindi na makapasok ang ibang empleyado.""Ilan ba sila?""Mga ilang dosena, hindi ko na nabilang."Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Camila. Hinawakan niya ang mouse at malamig na nagsabi, "Si Vice President na lang ang bahala diyan."Ayaw niyang harapin ang mga baliw na reporter na ‘yun.Tumango si Yesha, saka lumabas ng opisina para hanapin si Vice President. Pinilit ni Camila na kalmahin ang sarili at mag-focus sa trabaho, pero hindi pa siya nagtatagal sa ginagawa ay biglang nag-ring ang cellphone niya."Boss, hindi na po namin kaya. Mas mabuti sigurong bu
Chapter 212SA study room sa ikalawang palapag, magkatapat na nakaupo sina Camila at Dale sa isang maliit na mesa.Pumasok si Leny, ang kasambahay, at nagdala ng kape. Kinuha ni Dale ang tasa, pero hindi man lang uminom. Sa halip, mapait siyang ngumiti at nagsalita. "Miss Perez, alam mo bang matagal ko nang walang balita tungkol sa kapatid ko?""Ano namang kinalaman ko diyan?" malamig na sagot ni Camila.Nakita niyang hindi natuwa si Dale, kaya napangiti siya nang bahagya at sinabing, "Hindi ba tumakas papuntang Indonesia ang kapatid mo noon? Baka naglalakbay lang ulit siya sa ibang bansa ngayon.""Hindi. Ako ang nagpadala sa kanya sa Indonesia noon. Pero ngayon, totoong nawala siya.""Ah, ikaw pala ang may gawa niyan. Nagtaka ako kung bakit siya biglang nawala. Matagal ko rin siyang hinanap pero hindi ko siya makita," taas-kilay na sagot ni Camila.May bahid ng pagsisisi sa mukha ni Dale. "Alam kong may atraso siya sa'yo at nasaktan din niya si Braylee."Napabuntong-hininga si Camil
Chapter 211"Ano ang sinabi ni Daddy?" tanong ni Braylee na may pag-uusisa.Kinuha ni Camila ang steak sa harapan niya at isinubo ito sa bibig ni Braylee. "Bata ka pa, huwag kang makialam sa usapan ng matatanda."Nginuya ni Braylee ang karne at tahimik na kinain ito, hindi na nagtanong pa.Kinuha ni Eric ang baso ng alak sa mesa at uminom ng isang lagok. Ang bahagyang mapait at mainit na lasa nito ay parang sumusunog sa dibdib niya.Medyo namutla ang mukha niya. Alam niyang hindi dapat magtanong, pero hindi niya napigilan ang sarili:"Gusto ka niyang bumalik?"Kalmado lang na tumango si Camila. "Parang ganun na nga.""Ano naman ang iniisip mo?""Sa totoo lang... hindi ko alam."Nakita ni Eric ang pag-aalinlangan sa mukha ni Camila, kaya napagdesisyunan niyang tulungan itong magdesisyon. "Hindi mo ba naisip na baka hindi talaga kayo para sa isa't isa?""...Mula nang makilala mo siya, hanggang sa ikasal kayo, hanggang ngayon... ilang araw lang ba ang lumipas na payapa ang buhay mo?"Na
Chapter 210IYONG GABING IYON, may mangilan-ngilang madilim na ulap sa kalangitan, kakaunting bituin, at isang kalahating buwan na nakabitin sa langit, nagbibigay ng kakaibang lamig sa paligid.Alas-dose na ng hatinggabi, oras na para matulog ang karamihan. Sa Serendipity Community, halos wala nang tao, isa o dalawa na lang ang pagala-gala, at ang tanging ilaw na bukas ay mula sa mga poste sa lansangan.VROOOOM! Isang itim na Rolls-Royce ang huminto sa harap ng Building B, at isang matangkad na lalaki ang bumaba mula sa upuan ng driver.Pagpasok niya sa gusali, dumiretso ang elevator mula unang palapag hanggang sa ikawalong palapag.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang lalaki. Tumama sa kanyang mukha ang puting ilaw, binibigyang-diin ang malamig niyang ekspresyon.Lumiko siya sa kanan, inilabas ang susi, at binuksan ang pinto. Agad siyang sinalubong ng maliwanag na ilaw mula sa loob.Sa sala, dalawang bodyguard ang kasalukuyang kumakain ng late-night snack. Nang marinig
Chapter 209SLAAAAP! Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lolo Herman sa mukha ni Brix. Napatigil ang lahat ng katulong sa paligid, takot na takot sa nakita nila."Pagbalik mo, puro sisi ang inatupag mo! Tinanong mo ba si Camila kung ano talaga ang nangyari? Kung hindi lang ako nasa tabi mo, anong balak mong gawin, ha?""Kung ako ang babae, hindi rin kita gugustuhing makasama!""Pag-isipan mong mabuti ang mga ginawa mo!"Sakto namang dumating ang Butler, kakabangon lang mula sa pahinga. Narinig niya ang sigawan at agad na pumasok sa dining area. Pagkakita sa sitwasyon, nanlaki ang mata niya.Wala nang inisip, lumapit siya para pakalmahin ang matanda."Master, anong nangyayari? Bakit kayo galit na galit? May nagawa bang mali ang young master?"Malamig na huminga si Lolo Herman at tumingin nang masama kay Brix."Kung hindi mo maibabalik si Camila sa akin, kalimutan mong apo kita."Tahimik lang si Brix. Hindi siya sumagot, pero ilang sandali lang ay binitiwan niya ang isang malami