Share

Chapter 54

last update Last Updated: 2025-01-24 09:45:43
Chapter 54

MARAHANG inalog ni Camila ang pulang alak sa kanyang kamay, bahagyang ngumiti at may lumitaw na bahid ng panunuya sa kanyang mukha habang nakatingin kay Daisy.

Parang pinapanood lang niya ang isang taong nagpapapansin. Kahit buksan niya ang bibig para makipagtalo ay parang bababa lang ang kanyang dignidad.

Tumayo si Carlos at tumingin nang masama kay Daisy. "Miss Daisy, kahit hindi ko alam kung anong problema mo sa anak ko, may ebidensya ka ba sa mga sinasabi mo?"

"Ebidenya? Kailangan pa ba n'on?"

Tinignan ni Daisy ang paligid. "Hindi ba't alam na ng lahat ito? Sino bang hindi nakakaalam na si Camila ay umangat sa Perez Empire dahil sa pagbebenta ng kanyang katawan?"

Napayuko ang mga tao sa paligid at walang nagsalita ni isa. Totoo naman na maraming empleyado ang nagtsitsismis tungkol kay Camila sa likod niya.

"Ikaw..." Halos mawalan ng salita si Carlos sa sobrang galit.

Para bang sampal ito sa mukha nito na sariling anak nito ang nilalait.

Mahigpit ni Carlos na hinawakan
Twinkling Stardust

Later yung iba. Still in my class

| 2
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 55

    Chapter 55"SYEMPRE, ang anak mo. Bastardo naman talaga ang anak mo—"Bago pa matapos ni Daisy ang mga sinasabi, isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha nito at naiwan doo ang malinaw na bakas ng limang daliri sa maputing pisngi. Napahawak ito sa pisngi at tumingin kay Camila nang hindi makapaniwala. "Ang lakas ng loob mong saktan ako?!"Ngumisi si Camila. Pinagpag niya ang manhid na palad at tumitig kay Daisy. "Hindi ka makapaniwala? Gusto mo, ulitin ko pa?""Malandî ka!" Galit na mura ni Daisy sabay taas ng kamay para sampalin si Camila.Ngunit bago pa dumapo ang kamay nito sa mukha ni Camila, nahawakan niya ang pulso nito.Sa isang mariing paghila, nawalan ng balanse si Daisy at napaupo sa sahig. Napaatras naman ang mga tao sa paligid, para bang umiiwas sa gulo. "Aray!"Napasigaw si Daisy at napaupo. Ang makinis nitong ankle ay namula at namaga nang mabilis, senyales na nasugatan ito nang husto."Ang sakit...! Camila! Ang lakas ng loob mong itulak ako! Hindi ka palalampasin

    Last Updated : 2025-01-24
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 56

    Chapter 56KINAUMAGAHAN, abala si Camila sa pag-aasikaso ng mga dokumento sa opisina. Nang marinig niya ang katok sa pinto, hindi man lang niya itinaas ang ulo. "Come in."Pumasok si Yesha na may dala-dalang tambak na dokumento at ngumiti. "May meeting mamayang alas-dos ng hapon."Dahil hindi nagsalita si Camila, dinagdagan ni Yesha. "Palagay ko, Miss, ipo-promote ka nila."Bahagyang tumigil si Camila sa pagsusulat, pero nagpatuloy siya na parang hindi siya interesado."Hindi ka ba masaya, Miss?" tanong ni Yesha. "That's nothing. They're just giving back my position," sagot ni Camila na may bahagyang pag-angat ng kilay at ngiti sa labi.Tumango si Yesha, tanda ng pagkaintindi.Ngayon ang unang araw ni Yesha sa trabaho. Bilang isang maalam na assistant, alam nito ang "paliku-likong" daan ni Camila sa promosyon.Ngumiti si Yesha sa boss. "Huwag kang mag-alala, Miss. Tingin ko, hindi ka na maaalis sa posisyon mo. Tsaka, napakalaki ng kontribusyon mo ngayon. Baka gawin ka pang vice pres

    Last Updated : 2025-01-24
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 57

    Chapter 57"YOU TOLD everyone that Braylee could replace Daisy's place in an instant. What's that?" tanong ni Brix nang dahan-dahan.Namula si Camila, at biglang nabalutan ng hiya.Sinabi lang naman niya iyon kahapon nang pabiro para inisin si Daisy, hindi ba? Papalitan ni Braylee si Daisy? Wala siyang balak gawin iyon!"Forget about it." Naglakad si Camila palayo pero hindi niya inaasahan na hahawakan ni Brix ang kanyang kamay. Sa isang banayad na hila, napadikit si Camila sa dibdib nito."Walang ibig sabihin? Hindi mo ba alam na madaling ma-misinterpret ang sinabi mo?"Inilapit ni Brix ang dalawa nitong daliri at banayad na hinawakan ang baba ni Camila.Ang kanilang posisyon ay tila masyadong malapit at mula kung titingnan sa malayo ay mukha silang magkasintahan na naglalambingan."Uy, tingnan n'yo, si Mr. Monterde at si Miss Camila 'yan, hindi ba?""Nasaan? Patingin... Wow! Totoo nga!""Hindi ba balitang hiwalay na sila? Magkakabalikan ba sila? Grabe naman si Miss Camila, parang na

    Last Updated : 2025-01-25
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 58

    Chapter 58"MA'AM, nakatanggap kami ng tawag mula sa pulis na suspek ka sa intentional homicide kay Camila Perez. Sumama ka sa amin."Habang naririnig ang malamig at seryosong boses ng lalaki, dahan-dahang tumingin si Charlotte sa basag at deformed na bintana ng kotse. Parang nagising siya mula sa panaginip."She deserves to die!""Hulihin n'yo siya!" Binuksan ng mga pulis ang pinto ng kotse at hinila palabas si Charlotte.Isang "click" at malamig na posas ang ikinabit sa kanyang mga kamay."You have the right to remain silent. Anything you say could be used against you in the court of law."Pilit na nagpupumiglas si Charlotte, "Bitawan niyo ako! Alam n'yo ba kung sino ako?""Wala kaming pakialam kung sino ka. Damputin na siya."Hindi si Charlotte pinansin ng pulis at pilit siyang isinakay sa sasakyan ng pulisya at mabilis iyong umalisHabang papunta sa presinto, sumisigaw si Charlotte sa buong biyahe, hindi nagpapakita ng takot.Pagkatapos kuhanan ng pahayag, dinala siya ng mga pulis

    Last Updated : 2025-01-25
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 59

    Chapter 59SA MALIIT na kwarto ng police station, maliwanag ang ilaw at tahimik na gumagana ang kamera sa sulok.Maganda ang tulog ni Charlotte nang bigla niyang maramdaman ang kirot sa kanyang mukha.Binuksan niya ang kanyang mga mata at nakita ang isang itim na bagay na gumalaw sa harap niya. Parang mas lalong sumama ang pakiramdam niya nang maramdaman na may isang bagay na gumagapang sa kanyang mukha.Halos tumalon ang puso ni Charlotte kaya hinawakan niya ang hindi kilalang bagay sa kanyang mukha at itinapon ito sa sahig. Nang tingnan niya ang bagay sa sahig at nakita ito nang malinaw, napasigaw siya nang malakas. "Ahh--!"Biglang nawala ang daga sa sahig sa sigaw na iyon.Hinawakan ni Charlotte ang kanyang ulo, nanginginig at sumisigaw nang malakas."Anong kagaguhan ang pinagsisigaw mo?"Lumapit ang isang lalaking pulis na may hawak na electric baton."May daga, may daga...!""Eh ano kung may daga? Bakit ka nag-iingay disoras ng gabi?" May blankong ekspresyon ang mukha ng lalak

    Last Updated : 2025-01-25
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 60

    Chapter 60NANG makauwi si Charlotte kasama si Sandy, parang tuliro siya. Nakulong siya ng dalawang araw at isang gabi, halos tubig lang ang naiinom at kaunting tinapay ang nakakain.Sa loob ng selda, araw-araw niyang kinakailangang tiisin ang mga daga at ipis na nagtatakbuhan sa sahig. Kahit sinong dalagang hindi sanay sa hirap ay siguradong mababaliw.Sa loob ng dalawang araw na iyon, mag-isa si Charlotte. Mula sa pagiging maingay noong una, natahimik na lang siya kalaunan.Pagbukas ng pinto sa bahay ng Perez Family, nakita si Charlotte ni Vivian sa ganoong kalagayan—magulo ang buhok at gusgusin. Agad itong napaluha."Ang anak ko, anong kasalanan mo para pagdaanan mo 'to..." Yumakap si Vivian kay Charlotte.Napatigil si Charlotte sa yakap ng ina, tila hindi makapaniwala. Amoy na amoy niya ang pamilyar na halimuyak ng ina. Para bang doon lang siya tuluyang bumalik sa sarili."Ma..." bulong niya."I'm here, anak..." Mahigpit na yakap ang ginawa nito sa anak at awang-awa na tumingin ka

    Last Updated : 2025-01-25
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 61

    Chapter 61HINDI MAKAPUNTA si Camila sa kumpanya dahil nasa ospital pa rin siya nananatili. Araw-araw naman siyang tinatawagan ni Yesha para mag-report tungkol sa mga nangyayari sa opisina."Sabi ng mga tao sa departament natin, nag-leave ka agad pagkatapos mo lang ma-promote. Ikaw na raw ang pinaka-incompetent na director," pabirong sabi ni Yesha sa kabilang linya.Bahagyang ngumiti si Camila. "Hayaan mo sila."Matapos nilang pag-usapan ang mga tsismis sa opisina, nagpalit ng topic si Yesha. "Habang wala ka, araw-araw kang hinahanap ni Braylee. Hindi ko na siya kaya."Pagkarinig nito, nakaramdam si Camila ng konting hiya. Alam niyang naghahanap ng bahay si Yesha nitong mga nakaraang araw kaya malamang ay nagpaplanong lumipat na ito.Habang nag-iisip siyang kumuha ng katulong para gumaan ang trabaho ni Yesha, bigla niyang napansin na bumukas ang pinto ng kwarto. Mabilis niyang tinapos ang tawag at tumingin kay Daisy na nagmamadaling pumasok. Kita sa mukha ni Camila ang pagiging ale

    Last Updated : 2025-01-26
  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 62

    Chapter 62ANG BAHAGYANG pakiramdam ng kirot sa braso ni Camila ang nagbalik ng kanyang ulirat.Bigla niyang binawi ang kanyang braso at tumingin sa nurse na may halong pagdududa. “Bakit biglang may injection ngayon?”Kung tama ang natatandaan niya, wala naman siyang injection mula noong araw na pumasok siya sa ospital. Puro oral medication at IV fluids lang ang ginagamit sa kanya.“Kailangan para sa kondisyon mo,” sagot ng nurse nang hindi tumitingin, mababa pa rin ang boses nito.Tinitigan siya ni Camila at nakaramdam ng kakaiba.“Tumingin ka nga sa akin.”Hindi pa rin tumingin ang nurse at iniangat ang syringe, nagmamadaling isaksak ito sa braso niya.“Kailangan ka nang magamot!”Sa sobrang taranta, biglang nagbago ang boses nito at doon siya nabisto ni Camila. Umilag si Camila sa syringe, sabay dakma sa mukha ng nurse, pilit itong pinatitingin sa kanya. Nagtagpo ang mga mata nila, at naningkit ang mga mata ni Camila.“Ikaw na naman!”“Ngayon nabisto mo na, wala nang silbi pang ma

    Last Updated : 2025-01-26

Latest chapter

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 85

    Chapter 85MASAYA ang selebrasyon at tahimik na nag-uusap ang mga bisita.Ang kilos ng mga bisita ay may disiplina, may tamang ngiti sa kanilang mukha at pilit na ipinapakita ang kanilang pinakamagandang ugali sa harap ng iba.Habang nag-uusap sila, hindi maiwasang mapatingin ang lahat kay Lolo Herman na nakaupo sa center seat. Hindi lang dahil ang matanda ang bida ng gabi, kundi dahil buhat ni Herman ang batang kasama ni Camila at masayang nilalaro ito.Kitang-kita ng lahat ang munting bata na nakaupo sa kandungan ni Herman—hinihila ang kulay-abong buhok nito, pinaglalaruan ang malalapad na tainga, at humahalakhak nang malakas si Braylee habang nawiwili kay Lolo Herman. Kitang-kita ang gulat ng mga bisita. Habang iniisip nila kung sino ang bata, napatingin sila kay Camila.Si Camila na naupo sa isang tahimik na sulok para uminom ng wine ay hindi namalayan na sinundan siya ni Brix. Kasama rin nito si Daisy na parang anino ni Brix nakadikit.Dahil walang ibang tao sa paligid, hindi na

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 84

    Chapter 84NAGSIMULA LANG ang birthday celebration party ni Lolo Herman noong gabi na. Noong oras na iyon, kakalubog lang ng araw at papasikat ang buwan. Mapusyaw na asul pa ang kalangitan at kung hindi mo titingnang mabuti, hindi mo mapapansin ang buwan.Ginaganap ang handaan sa malaking bulwagan sa unang palapag ng mansyon.Nilinis na ng mga katulong ang mga ekstrang gamit at, ayon sa utos ng mayordomo, inayos nila ang mga magagarang sofa, mesa, at upuan sa paligid ng silid. Nilagyan din nila ng masasarap na pagkain at inumin ang mga lamesa.Ang bagong idinagdag na mga kristal na chandelier sa kisame ay nakabukas na lahat kaya mas maliwanag pa sa loob ng bahay kaysa sa labas.Maraming bonsai ang nilagay sa may pinto, pati na rin ang paboritong halaman ni Lolo Herman na itinuturing nitong kayamanan.Ang tanging hindi nagbago ay ang mga painting na nakasabit sa dingding.Sa loob ng hall, rinig na rinig ng mga katulong ang masasayang pagbati mula sa labas.“Muntik na akong mahuli! Mata

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 83

    Chapter 83KINAUMAGAHAN, natakpan ng manipis na puting ambon ang buong villa ng mga Monterde, parang isang kumot ng hamog. Ang katahimikan ng gabi ay hindi pa tuluyang naglaho at ang paligid ay tahimik pa rin.Paminsan-minsan, maririnig ang huni ng mga ibon sa bakuran, para bang kumakanta sa araw ng kasiyahan.Lumabas si Brix sa kanyang silid at nagtungo sa balkonahe sa ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba.Ngayong araw ay kaarawan ni Lolo Herman, kaya mas pinahigpitan ang seguridad sa buong lugar. Dahil dito, nagpadala siya ng tatlong security teams upang tiyakin na mahigpit ang pagbabantay sa buong villa.Matalas ang kanyang mga mata habang sinusuri ang mga guwardiyang nakatayo nang mas tuwid pa sa mga puno. Parang x-ray ang tingin niya, dumudurog ng kahit anong kahina-hinalang kilos.Matapos ang ilang sandali ng pagmamasid, tumalikod siya at umalis.Nang makalabas sa kwarto, isang kasambahay ang papalapit kay Brix, bahagyang yumuko at nagsabi na handa na ang almus

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 82

    Chapter 82SA ISANG IGLAP, dumaan nang mabilis ang taxi sa kalsada, muntik nang sumalpok.Agad na binuhat ni Brix si Braylee gamit ang isang kamay. May butil ng pawis na lumitaw sa kanyang ilong pero sa wakas, nakahinga si Brix nang maluwag."Waaaah—!"Tumigil sa pag-iyak si Braylee at dahan-dahang lumingon.'Bakit parang lumipad ako habang tumatakbo?'"Braylee!"Mula sa likod ng kumpulan ng tao, mabilis na sumugod si Camila, hinablot si Braylee mula sa bisig ni Brix, at mahigpit itong niyakap."Natakot ako nang sobra!" Nanginginig ang boses ni Camila.Mabilis ang tibok ng puso niya, ramdam pa rin niya ang takot. Kung may nangyari kay Braylee, hindi niya mapapatawad ang sarili niya kahit kailan."Mommy!" mahina ngunit malinaw na tawag ni Braylee."Oo, nandito si Mommy." Ipinatong ni Camila ang kanyang noo sa balikat ng anak."Mommy, medyo luwag mo po naman... nahihirapan na ako huminga, eh..."Agad niyang niluwagan ang yakap at lumuhod sa harap ni Braylee, seryosong nagsalita. "Sorry

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 81

    Chapter 81SA ANCESTRAL home ng Monterde FamilyNasa loob ng study si Brix kasama si Lolo Herman na nagtsa-tsaa. Lumulutang ang murang berdeng dahon sa mainit na tubig, pinupuno ang buong silid ng mabangong amoy ng tsaa.Ibinuhos ng matanda ang tsaa sa tasa ng bawat isa at marahang tinikman.Uminom rin si Brix ng isang lagok bago magsalita. "You're turning seventy, Lolo. May gusto ka bang regalo? Ipapaayos ko agad."Dalawang taon pa lang ang nakakalipas mula nang mahilig si Lolo Herman sa mga bonsai. Pinaghirapan ni Brix hanapin ang isang mahigit seven hundred years old na pine bonsai para sa kaarawan ng matanda.Ibig sabihin noon ay pampahaba ng buhay.Nang matanggap ito, tuwang-tuwa si Lolo Herman at inalagaan ito na parang kayamanan. Hanggang ngayon, ang bonsai ay maingat pa ring inaalagaan sa bakuran at tila mas maaliwalas pa ang buhay ng halaman kaysa sa tao.Pero ngayong taon, hindi napansin ni Brix na may bago pang hilig ang matanda."Kung gusto mo talaga akong mapasaya, dalhi

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 80

    Chapter 80PAGKATAPOS ng dinner nila ni Eric nang gabing iyon, agad na nagpadala ng text si Camila kay Sandy paglabas niya ng restaurant. Sinabihan niya itong maghintay sa ibaba.Ang sabi, pinakamabisang gamot sa pusong sugatan ay ang bagong pag-ibig. Ilang araw na rin ang nakalipas, kaya hindi ni Camila alam kung nagtagumpay na ba si Sandy na "samantalahin ang pagkakataon."Sa gitna ng pag-iisip niya na tawagan si Sandy, biglang nag-ring ang cellphone niya - si Sandy ang tumatawag."Camila, aalis na ako papuntang ibang bansa. Pwede mo ba akong samahan sa airport?"Nagulat si Camila. "Bakit ka pupunta sa ibang bansa? Hindi ba’t tumigil na si Eric sa pagpapabagsak sa pamilya niyo?"Dati, para protektahan siya, ginamit ni Eric ang impluwensya nito para takutin ang Manahan Company at pilitin si Sandy na umalis ng bansa.Pero ngayon, magkaibigan na sila ulit ni Sandy at wala nang gulo sa pagitan nila. Kaya bakit pa ito aalis?"Hindi dahil sa kanya. Gusto ko lang magpahinga at maglibang sa

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 79

    Chapter 79NAKAUPO si Camila sa isang upuang may cushion. Si Eric ay na nakaupo sa tapat niya, humihigop ng sabaw at tinitigan ang tahimik na babae sa harap nito. Camila invited Eric after she was discharged from the hospital. Dahil minor skin injuries lang ang nangyari sa kanya, binigyan siya agad ng approval ng doktor na makalabas na. "Kumusta ka sa trabaho? Kung may problema ka, huwag kang mahiyang sabihin sa akin," ani Eric at binaba ang mangkok ng warm soup na iniinom nito. "Okay naman. Ang tao, dapat sanayin ang sarili na umasa sa sarili. Hindi ko pwedeng iasa sa ’yo ang lahat habambuhay, di ba?" ngumiti si Camila pagkasabi n'on. "Kung gusto mo, kaya ko—""Hindi." Diretso siyang tumanggi.Napangiti si Eric, tila walang magawa. "Ah, hindi ka pa rin nagbago, talagang matigas pa rin ang ulo mo."Hindi sumagot si Camila. Ibinaba ni Eric ang kutsara at seryosong tumingin kay Camila. Kahit sobrang lapit nila ngayon, alam ni Eric na hinding-hindi nito maaabot si Camila kahit kailan

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 78

    Chapter 78"CAMILA, WHAT did you do to her again?!"Biglang pumasok si Brix nang marinig ang ingay at nakita si Daisy na nanginginig habang nakahiga sa kama ni Camila. Ang kanang braso ni Daisy ay puno ng dugo mula sa siko pababa at may karayom na nakatusok dito.Hinila ni Brix si Daisy papalapit sa kanya, saka itinaas ang kamay at tinulak si Camila, dahilan para mapaupo siya at tumama ang likod sa bakal na parte ng hospital bed. Ang malakas na pagkabunggo ng likod niya ay rinig na rinig sa buong kwarto. Bumalatay ang sakit sa mukha ni Camila pero hindi siya umimik man lang kundi blangko pa rin ang ekspresyon niya. Sandaling natigilan si Brix at may bahagyang pagsisisi sa puso dahil sa nagawa. Napalunok ito ngunit ang mga salitang lumabas sa bibig ay malupit. "Paano ka naging ganito kasama, Camila?"Diretso ang tingin ni Camila kay Brix habang ang tenga niya ay umuugong dahil nasaktan. Hinawakan niya ang likod at tinitigan ito, kumikislap ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi k

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 77

    Chapter 77YUMAKAP si Daisy sa leeg ni Brix habang umiiyak at tumingin kay Camila. "Pasensya na, Camila. Kung nahanap lang kita agad, hindi ka sana nasaktan. Kasalanan ko ito lahat..."Pagkasabi nito, tumingala ito kay Brix na parang aping-api. "Billy, dapat ibaba mo na ako. Ayos lang ako. Tulungan mo na si Camila."Napangisi si Camila at nagsalita sa paos na boses. "Pwede bang tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo? Hindi ka ba napapagod umiyak araw-araw?""Hindi ako nagpapanggap, Camila… Bakit mo naman sinasabi ‘yan sa akin? Gusto ko lang naman tumulong sa 'yo at ayoko rin na mapahiya si Billy."Idinikit ni Daisy ang ulo nito sa balikat ni Brix at mayamaya pa’y basa na ang damit ng lalaki dahil sa luha.Lumingon si Brix, nakakunot ang noo nito at may inis sa mukha. "Camila, pwede ba ayusin mo ang ugali mo? Huwag kang maging walang utang na loob. Kung hindi dahil kay Daisy na tumawag sa akin, baka...""Billy, tigilan mo na si Camila. Wala naman siyang kasalanan sa akin."Habang naririn

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status