Kabanata 1"BRIX, hindi ba't kahit sandali nagkasundo naman tayong dalawa bilang mag-asawa? Please, mag-divorce na tayo. Nakikiusap ako, pakawalan mo ako. Sawang-sawa na akong patunayan ang sarili ko sa ‘yo."Si Camila ay nakatayo sa gilid ng ilog, suot ang maluwag na puting damit. Ang malamig na hangin ay nagbigay-diin sa kanyang payat na pangangatawan.Maya-maya, isang malamig na boses ng lalaki ang narinig mula sa kabilang linya ng cellphone. "Nagagawa mo pang makiusap, ha? Ang lakas talaga ng loob mo! Si Daisy, comatose pa rin sa ospital dahil sa kagagawan mo! Akala mo ba basta-basta kitang pakakawalan lang? Diyan ka nagkakamali!""Sinabi ko na noon pa, Brix! Siya ang nanggugulo sa akin. She wanted to push on the stairs pero siya mismo ang nadulas at nahulog. Kasalanan niya iyon kaya siya comatose!"Namumula ang mga mata ni Camila na hilam na ng luha habang sinisigaw ang kanyang paliwanag.Isang buwan na ang nakalipas nang puntahan siya ni Daisy, ang kababata ni Brix, para maghana
Kabanata 2"BUMALIK ako dahil sinabi ninyong may gusto kayong pag-usapan na importante. Ito ba iyon? Ang ialok ako sa ibang lalaki na parang kagamitan lang?"Malalim ang buntong-hininga niya at nagsalita. "Camila, wala na kaming magagawa. Lubog na sa utang ang pamilya natin kaya kailangan nating umasa sa kasal para maiangat uli ang business."Natawa nang mapait si Camila, parang malaking biro ang naririnig. "Wala ba kayong anak na babae bukod sa akin?"Biglang nagbago ang ekspresyon ng stepmother niya. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Kapatid mo siya at bata pa siya!"Mas lalo pang napangisi si Camila sa narinig. "Hindi na bata iyon. Halos kasabay ko nga lang siya ipinanganak. Matanda lang ako ng ilang buwan, hindi ba?" aniya sabay sandal sa sofang kinauupuan. Nagbago ang mga mukha ng mag-asawang Perez. Ito ang lihim nila na hindi pwedeng sabihin. Ang kasalukuyang asawa ng ama ni Camila ay ang dating kabit nito. Nang mamatay ang ina ni Camila saka lamang nakatungtong ang kabit nito sa ba
Kabanata 3SI BRIX ay tahimik na nakaupo nang dumating si Camila kasama ang isang abogado."Sit," malamig nitong sabi.Tumingin ang abogado kay Camila na tumango naman bilang sagot.Binuksan ng abogado ang hawak nitong mga dokumento. "Mr. Monterde, tatlong taon na po kayong hiwalay ni Miss Camila. Ayon sa batas, sapat na ito para mag-file ng divorce."Tumaas ang kilay ni Brix. "Who told you I want divorce?"Bago pa man makasagot ang abogado, hinila ni Brix ang isang papel mula sa ilalim ng mesa at inihagis ito sa abogado. "Atty. Hernandez, alam mo bang akin na law firm na pinapasukan mo?"Natigilan ang abogado. Nagpatuloy si Brix, "Kung tutuloy ka sa pagkampi kay Camila, sigurado akong wala ka nang trabaho bukas."Walang nagawa ang abogado kundi tumayo at tumingin kay Camila. "Pasensya na, Miss Camila. Kailangan kong mag-back out. Paalam."Tahimik ang buong opisina nang umalis ang abogado.Nagpalit si Brix ng kape, naglagay ng bago para kay Camila at inilapag ito sa harapan niya.Gali
Kabanata 4NAPUNO ng luha ang mga mata ni Daisy. "Camila, paano mo nagagawang sabihin ang mga ‘yan? Ako ang biktima sa nangyari tatlong taon na ang lumipas. Sa tingin mo ba, gugustuhin kong saktan ang sarili ko?"Ngumisi nang bahagya si Camila. "Sa totoo lang, hindi na gagaling pa ang talento mo sa piano. Mas magaling pa ako sa ‘yo noong bata pa ako. Ngayon naman, ginagamit mo pa ang mga imbento mong kwento kaya nasira ang kasal ko kay Brix—sabihin na nating nanalo ka na."Nanlamig ang mukha ni Daisy. Galit itong pumalo sa mesa at tumayo. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi na nga kita sinisi sa ginawa mo noon, tapos ikaw pa ngayon ang nagmamalinis?!"Kalmado lang si Camila na umiinom ng kape. "Sige na nga, huwag na nating balikan ang nakaraan. Tanong ko lang, hanggang saan na ba kayo ni Brix?"Natigilan si Daisy sa tanong niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti nang bahagya si Camila at tumingin sa relo. "Let’s put it this way, mukhang nasasayang lang ang effort mo. Do you know, hindi
Kabanata 5TINITIGAN ni Braylee si Brix habang ito’y nakayuko. Ang gwapo ng lalaki pero napansin din ng bata ang mga sugat sa mukha ng lalaki. Dahan-dahan niyang hinawakan ito gamit ang maliit niyang kamay."Uncle, masakit ba?"Parang may kumurot sa puso ni Brix. Ang malambot na boses ng bata ay tila may hinaplos sa kanyang kalooban."I'm not hurt, little kid. You, why are you alone?" tanong ni Brix na nagulat sa sarili sa lambot ng tonong gamit niya sa bata. ‘Kung buhay pa ang anak ko... baka ganito rin ako kalambing magsalita sa kanya.’Ngumiti si Brix sa naisip at nahiya naman si Braylee sa ngiti ni Brix. Masaya nitong tinakpan ang mukha gamit ang kamay.“Uncle, ang gwapo mo pala kapag ngumiti! Nahihiya ako!” Mas lalong natawa si Brix. Ang batang kaharap ay talagang magaling magpa-cute."Ako nga pala si Braylee. Pero hindi ko pwedeng sabihin ang full name ko. Sabi ni Mommy, huwag daw akong magtiwala sa strangers."Napangiti si Brix. “Is that so? But you're alone. Samahan muna kita
Chapter 6.1SI CAMILA, ang babaeng iniisip at hanap-hanap ngayon ni Brix ay patungo na sa blind date na in-arrange ng pamilya para sa kanya. She knew she got caught by her stepmother's trap. Sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng kaunting kaba. Ginawan siya ng paraan ng kanyang madrasta para maitulak sa sitwasyong ito kaya siguradong may mga plano itong hinanda, hindi nga lang alam ni Camila kung ano iyon. They want her to have this blind date because the company is facing financial problems? Umarko ang kilay niya sa naisip. Bakit hindi na lang si Charlotte ang ipa-blind date para maikasal sa isang mayamang pamilya, hindi ba?Sa naisip, biglang sumiklab ang galit ni Camila para sa ama at sa pamilya nito. She wouldn't consider them as family. Hindi rin naman pamilya ang turing sa kanya. Pero dahil nandito na siya, wala nang magagawa kundi ang harapin ito nang maayos at umayon sa sitwasyon.“Miss Camila!”Isang matangkad na lalaki na medyo mukha pa namang tao ang tumayo. Fine, she's k
Chapter 6.2PAGKARATING pa lang ni Brix sa coffee shop, wala siyang nakitang Camila na hinahanap. Kaya naman inutusan niya ang mga subordinates na hanapin ito nang mabilis. Mamaya ay kung ano na ang nangyari sa babaeng iyon. May pagkatanga pa naman si Camila at mabilis ma-take advantage. At tama nga ang hinala ni Brix dahil nakita niya na lang ang sarili na sinuntok ang lalaking may balak gawing masama rito. "Damn it. What kind of stupid are you, woman?" he murmured as he hugged her. Dahil sa sigawan, bahagyang nagising ang diwa ni Camila. Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata at tiningnan ang lalaki sa harapan. Napakunot si Camila ng noo at mahina nitong tinawag ang pangalan ng lalaki sa balintanaw. "Brix... Are you a dream?"Ang hitsura ni Camila sa mga bisig niya ay lalong nakapagpagalit kay Brix. Ano?Bilang asawa kahit sa papel na lang, ganoon ba kaimposibleng puntahan niya ito para bantayan ang blind date? Bakit naisip nito na panaginip lang siya? Napakurap pa ang mga m
Chapter 7.1"BILLY, hindi ko lang talaga matanggap na hinahayaan mong si Camila gawin ang ganito sa 'yo - iyong makikipaghiwalay kuno pero alam ko naman na patibong lang 'to para makuha ka. Wala akong ibang iniisip, okay?"Hinabol ni Daisy si Brix at sinabi iyon. Mukhang hindi pa rin naiintindihan ni Daisy kung bakit ganoon kalamig ang trato ni Brix sa kanya. Bakas sa mukha nito na gusto siyang kumbinsihin sa mga sinasabi nito. Huminto si Brix at nilingon siya, blangko ang ekspresyon. "Starting now, I don't like to hear you talking shît about Camila, Daisy. If so, you won't like what I will do to you."Pagkatapos niyang sabihin iyon, mabilis na lumakad si Brix at nawala sa paningin ni Daisy.Nakagat ni Daisy ang mga labi sa inis. "This is Camila's fault! That slût!"---Sa apartment, malamig na tubig mula sa shower ang tumama sa mukha ni Camila. Unti-unti siyang natauhan. Pagkatapos niyang basain ang katawan at umalis sa shower, bahagya pa ring namumula ang mukha niya mula sa steam
Chapter 44PAGKATAPOS umalis ni Sandy mula sa coffee shop, mag-isa siyang naglakad papunta sa gilid ng kalsada. Habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa paligid, lutang ang kanyang isip.Itinaas niya ang manggas ng kanyang damit, hinaplos ang peklat sa kanyang braso at kumurap nang malamig ang mga mata. 'Camila, if you're being unfair, then I'll be ruthless!'Kinuha niya ang kanyang cellphone, binuksan ang address book, at tumawag sa numero ni "Charlotte"."Hello? Sino ito?" tanong ni Charlotte sa kabilang linya."Ako ito," malamig na sagot ni Sandy."Ikaw? Ano'ng kailangan mo, Miss Sandy? Gusto mo na naman bang ipagtanggol ang kapatid ko?" tanong ni Charlotte, may halong inis."Magkita tayo," matigas na sagot ni Sandy."Bakit hindi mo sabihin sa cellphone kung ano ang kailangan mo?"Ngumiti si Sandy at mahina ngunit malamig ang boses na nagsalita. "Alam ko na ang tatay mo ay kumuha ng malaking loan sa bangko noong nakaraang taon. Malapit na ang deadline ng unang installment.
Chapter 43DAHIL nakikita ang kaseryosohan sa mukha ni Brix habang parang galit itong nagtatanong kay Braylee, namula ang mga mata ni Braylee at paiyak na sumigaw. “Hindi kita daddy kaya hindi mo ko pwede pagalitan!”Bahagyang lumambot ang tono ni Brix at nagtanong muli. “Sabihin mo, bakit mo sinaktan si Tita Daisy? Gusto ka lang niyang bantayan.”Tumingin si Braylee kay Brix, pagkatapos ay kay Daisy at itinuro ang tiyan ni Daisy.“Sabi niya kanina na buntis siya—”“Ah! Billy, ang sakit ng tiyan ko! Ang sakit sobra!”Biglang pinutol ni Daisy ang sinasabi ni Braylee at sinikap na kurotin ang sarili niyang hita gamit ang kamay na nakatago sa ilalim ng palda niya.Sa loob lang ng ilang segundo, pinagpawisan na si Daisy ng todo dahil sa pananakit sa sarili, ang mukha niya ay namutla na parang papel at mukhang sobrang delikado ng lagay niya ng mga oras na iyon. Nataranta si Brix at nagmadaling daluhan si Daisy. “Daisy, be calm. Dadalhin kita sa loob.”Pagkatapos sabihin iyon, binuhat ni
Chapter 42NAKAHIGA si Daisy sa isang beauty bed, nakapikit at ninanamnam ang masahe mula sa beautician. Biglang tumunog ang cellphone niya. Lumapit ang assistant ng beautician at maingat na nagtanong. "Ms. Daisy, may tumatawag po sa cellphone n'yo. Sasagutin n'yo po ba?""Sino?" nakapikit pa rin niyang tanong. "Walang nakalagay na pangalan, pero ang number ay nagsisimula sa 1...""Pakisagot.""Sige po."Sinagot ng assistant ang tawag, lumuhod sa tabi ng kama, at iniabot ang cellphone kay Daisy."Hello—kamusta na ang pinapaimbestigahan ko?" tanong ni Daisy, ang boses ay kalmado kasabay ng relaxing music sa salon.Sumagot ang lalaki sa kabilang linya, "Ms. Daisy, malinaw na ang lahat. Dalawang beses pumunta si Mr. Monterde sa bahay ni Camila nitong mga nakaraang araw. Isang beses pa niyang dinala si Camila sa bahay niya.""Ano?!" Napakunot-noo si Daisy, halatang inis.Napahinto tuloy ang beautician sa pagmasahe sa kanyang mukha, hindi alam kung saan mag-uumpisa ulit."Hindi pa ako ta
Chapter 41PAGKATAPOS ng hindi magandang pag-uusap nila ni Eric, umuwi si Camila na medyo inis pa rin sa lalaki. Gusto lang naman niyang magkaroon si Eric na ibang babaeng magugustuhan, hindi siya na 'kasal' pa rin kay Brix at may anak na rin. Sa taong tulad ni Eric, nararapat lang na dalaga ang mapangasawa nito at hindi siya. Pero minasama pa iyon ng lalaki. Habang kumakain, nakasimangot siya kaya natakot si Braylee at panay ang pagpapa-cute nito sa kanya para aliwin siya. Napansin iyon ni Camila, kaya agad niyang binago ang ekspresyon ng kanyang mukha at ngumiti sa anak. Medyo gumaan ang pakiramdam ni Braylee nang makita ang ngiti ng ina.Kinaumagahan, gaya ng nakasanayan, hinintay muna ni Camila ang pagdating ng yaya nito bago siya nagpaalam kay Braylee."Anak, aalis na si Mommy para pumasok sa trabaho. Magpakabait ka rito sa bahay, ha?"Hinalikan niya si Braylee sa magkabilang pisngi bago nagpaalam nang tuluyan."Ba-bye, Mommy! Ingat ka! Love kita!"Sinamahan siya ni Braylee ha
Chapter 40SA EROS HOTEL, naglalakad papaloob si Camila sa reserved table. Pagkaupo ni Camila doon ay agad siyang uminom ng cold tea na nasa mesa. Pagkatapos maibsan ang uhaw, inilagay niya ang bag sa gilid at tiningnan si Sandy sa harap niya."Anong nangyari? Bakit mo ako pinatawag dito nang ganito ka-urgent?"Katatapos lang niyang makatanggap ng tawag mula kay Sandy. Sinabi nitong may mahalaga silang pag-uusapan kaya't iniwan niya ang lahat ng ginagawa at nagpunta rito agad.Pagmasdan niya nang maigi si Sandy, pero parang wala namang bakas ng pagmamadali sa itsura nito.Napabuntong-hininga si Sandy bago tumitig kay Camila."Camila, maganda ba ang samahan niyo ni Mr. Eric Pimentel?"Kumunot ang noo ni Camila. "Medyo. Bakit mo naman naitanong?""Uhmm..." Halata ang pag-aalinlangan sa mukha ni Sandy.Pagkatapos ng ilang saglit, nagtanong ito, "Nagugustuhan mo ba si Mr. Pimentel?"Natigilan si Camila sandali bago unti-unting naintindihan kung bakit siya ipinatawag ni Sandy."Hindi," sag
Chapter 39NABIGLA SI Camila sa biglaang pagdating ni Brix at ang ginawa nitong pagtulak sa kanya. Ngayon, tumingin siya nang masama kay Brix. "Ano'ng ginagawa mo?""Are you really tight on money that you resorted to that kind of stuff?"Pagkasabi noon, tinanggal ni Brix ang coat, binuksan ang kuwelyo ng kanyang shirt at bigla siyang hinalîkan sa labi nang marahas."Brix, anong kahibangan 'to!"Pilit itong tinutulak ni Camila, pero wala siyang magawa."Di ba kailangan mo ng pera? Eto, sapat na ba 'to?"Basta na lang niyang hinagis ang isang black card na walang limitasyon sa halaga at muli si Camila hinalîkan nang mas marahas."Anong problema mo...!""Mommy—! Ano'ng ginagawa n'yo?"Biglang lumabas si Braylee mula sa kwarto kaya pareho silang napatigil. Lumayo si Brix nang bahagya at hinawakan ang baba ni Camila:"Sabihin mo lang kung kailangan mo ng pera. Bakit mo kailangang ipahiya ang sarili mo sa pang-aakit sa mga matatandang lalaki? Akala mo ba mas mapapadali nito ang buhay mo?"N
Chapter 38SI CAMILA ay dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Pagkatapos tumitig sa kisame ng dalawang segundo, bigla siyang napaupo.Nasaan siya? Hindi ba't nawalan siya ng malay kagabi? Umaga na ngayon!Agad niyang inalis niya ang kumot na nakabalot sa kanya at sinuri ang buong katawan niya. Biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang isang lalaki na hindi niya inaasahang makita. Nakatayo si Brix sa may pinto, may hawak na baso ng gatas at naaasar itong nagsalita. "Now you know how to be afraid? Pero ano bang ginagawa mo bago mangyari ang lahat?"Mabilis na tinakpan ni Camila ang sarili gamit ang inalis na kumot, punong-puno ng pagtatanggol at inis sa kanyang mga mata. "Ikaw ang may kagagawan nito kagabi! Walanghiya ka!"Mula sa maaliwalas na ekspresyon ni Brix, bigla itong naging malamig. Tiningnan niya si Camila nang may galit sa mga mata at madilim ang ekspresyon na nagsalita. "Get out.""Aalis din naman talaga ako." Tumayo si Camila at lumakad papunta sa pinto habang p
Chapter 37NANG halos mamatày na sa bugbog ang tatlong lalaki na naroon at iyong dalawa ay wala pa ring tigil sa paghingi ng tawad—si Mr. King, at Mr. Diego—tumigil din si Brix at Eric kalaunan dahil baka mapatày nga nila ang mga iyon. Nagsalita si Brix nang malamig. "Sino sa inyo ang naghubad ng damit ni Camila?"Si Mr. Diego na kanina ay pakilala sa sarili ay gentleman ay nanginginig ngayon sa takot habang nakahiga sa sahig.Itinaas ni Brix ang kilay at nagbanta gamit kanyang tingin, "Dahil ayaw n'yong magsalita, eh di...""Siya!" Sabay-sabay na itinuro nina Mr. King at Mr. Casim si Mr. Diego."May nag-utos lang sa akin!" Mabilis na lumuhod si Mr. Diego at sunod-sunod na yumukod kay Brix. Ang dati nitong kayabangan ay tuluyan nang nawala. Alam nito na sukol na ito. "Si Miss Sandy! Si Miss Sandy… Sandy Manahan... ahhh—!"Hindi pa ito natatapos magsalita nang apakan ni Brix ang kamay nito gamit ang itim na sapatos sabay diin dito.Namutla ang matabang mukha ni Mr. Diego, tila nawala
Chapter 36NAGLAKAD ang lima papunta sa sofa na malapit.“Ladies first,” sabi ni Mr. King, habang nakatayo sa tabi ng sofa at nag-abot ng kamay kay Camila na parang iniimbitahan siya. Akala nito ay mukha itong maginoo sa ginawa nito. Hindi tumanggi si Camila at umupo sa kaliwang bahagi ng sofa habang si Sandy naman ay umupo sa katapat niyang upuan. “Sandy…”Napatigil si Camila. Iniisip niya si Sandy na nakaupo sa tabi niya.“Huh?” tanong ni Sandy, halatang naguguluhan.Napabuntong-hininga si Camila. “Wala, okay lang.”“Miss Camila, pwede ba akong umupo sa tabi mo?” tanong ni Mr. King habang papalapit na sa kanya.Ngumiti si Camila nang mapilit. “Syempre, malaking karangalan ito sa akin.”Umupo si Mr. King at biglang lumubog ang malambot na sofa dahil sa bigat nito. “Napakaganda talaga ng tinig ni Miss Camila, para akong hinehele.”Tanging pilit na ngiti ang ginawa niya. Masaya ang usapan nilang lima, tila nagkakasundo. Pero napansin ni Camila na tila nagkasundo rin ang tatlong CEO