Chapter 43DAHIL nakikita ang kaseryosohan sa mukha ni Brix habang parang galit itong nagtatanong kay Braylee, namula ang mga mata ni Braylee at paiyak na sumigaw. “Hindi kita daddy kaya hindi mo ko pwede pagalitan!”Bahagyang lumambot ang tono ni Brix at nagtanong muli. “Sabihin mo, bakit mo sinaktan si Tita Daisy? Gusto ka lang niyang bantayan.”Tumingin si Braylee kay Brix, pagkatapos ay kay Daisy at itinuro ang tiyan ni Daisy.“Sabi niya kanina na buntis siya—”“Ah! Billy, ang sakit ng tiyan ko! Ang sakit sobra!”Biglang pinutol ni Daisy ang sinasabi ni Braylee at sinikap na kurotin ang sarili niyang hita gamit ang kamay na nakatago sa ilalim ng palda niya.Sa loob lang ng ilang segundo, pinagpawisan na si Daisy ng todo dahil sa pananakit sa sarili, ang mukha niya ay namutla na parang papel at mukhang sobrang delikado ng lagay niya ng mga oras na iyon. Nataranta si Brix at nagmadaling daluhan si Daisy. “Daisy, be calm. Dadalhin kita sa loob.”Pagkatapos sabihin iyon, binuhat ni
Chapter 44PAGKATAPOS umalis ni Sandy mula sa coffee shop, mag-isa siyang naglakad papunta sa gilid ng kalsada. Habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa paligid, lutang ang kanyang isip.Itinaas niya ang manggas ng kanyang damit, hinaplos ang peklat sa kanyang braso at kumurap nang malamig ang mga mata. 'Camila, if you're being unfair, then I'll be ruthless!'Kinuha niya ang kanyang cellphone, binuksan ang address book, at tumawag sa numero ni "Charlotte"."Hello? Sino ito?" tanong ni Charlotte sa kabilang linya."Ako ito," malamig na sagot ni Sandy."Ikaw? Ano'ng kailangan mo, Miss Sandy? Gusto mo na naman bang ipagtanggol ang kapatid ko?" tanong ni Charlotte, may halong inis."Magkita tayo," matigas na sagot ni Sandy."Bakit hindi mo sabihin sa cellphone kung ano ang kailangan mo?"Ngumiti si Sandy at mahina ngunit malamig ang boses na nagsalita. "Alam ko na ang tatay mo ay kumuha ng malaking loan sa bangko noong nakaraang taon. Malapit na ang deadline ng unang installment.
Chapter 45"MOMMY, may masakit ba sa 'yo? Anong nangyari?" Nag-aalalang boses ni Braylee ang narinig ni Camila. Nakita ng bata ang pinipigil na galit sa mukha ng ina pero nangingilid din ang mga luha ni Camila sa mga mata. Natauhan agad si Camila nang marinig ang tanong ng anak, pilit na pinipigil ang galit na namumuo sa dibdib. Sa paos na boses, pinakalma niya ang bata. "Wala ito, anak. Don't mind me. May naalala lang ako. Kung pagod ka na, matulog ka na, ha? Si Mommy kasi kailangan pang magtrabaho."Tama, marami pa siyang kailangang gawin. Kailangan niyang magtagumpay sa trabaho at tuluyang makuha ang kontrol ng Perez Empire. Kailangan niyang iganti ang kanyang ina!Umupo si Braylee sa sofa, hawak pa rin ang libro ng Soduku at saka tumingin kay Camila. "Sige, Mommy, magtrabaho ka na po. Sasamahan kita dito.""Salamat, baby ko," aniya at ngumiti sa anak. Pilit na ibinalik ni Camila ang atensyon sa kanyang trabaho. Natapos niya ang lahat ng gawain bandang ala-una na ng madaling ara
Chapter 46HABANG pinapainom ni Brix ng gamot si Daisy, nakatanggap siya ng text message.“Anong nangyari, Billy?”Nakahiga si Daisy sa kama ng ospital. Mukhang "nanghihina" ito base na rin sa boses nito. Ibinalik ni Brix ang mangkok ng porridge sa bedside table at saglit itong tiningnan. “Kailangan kong lumabas sandali.”Biglang nabahala ang maputlang mukha ni Daisy. “Wag kang umalis, Billy.”Hinawakan ni Daisy ang kanyang pulso at tila malapit nang tumulo ang luha sa mga mata nito. “Wala ang kuya ko at ikaw lang ang kasama ko. Natatakot ako kapag wala ka. Pwede bang huwag ka munang umalis?”Nakapikit si Brix, halatang nag-aalangan na umalis at iwan si Daisy. Lumapit ang nurse na naroon sa loob at sumingit para "magpayo", “Sir, sabi nila kapag may sakit ang tao, mas nangangailangan sila ng kasama. Bakit hindi niyo na lang samahan ang pasyente?”“Billy…” Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ni Daisy, at mukha itong sobrang nasasaktan. Nanatiling tahimik si Brix nang ilang sandali, bago
Chapter 47NANATILING nakatayo si Camila sa mahabang corridor. Bago pa man siya makapagtanong kung bakit sila naroon sa tapat ng hotel room, nagsalita na agad ang mga tao at lumapit sa kanya. “Ikaw ba si Miss Camila? Totoo ngang maganda ka at matalino. Talaga namang kahanga-hanga ang Perez Empire kasi naroon ka!”“Oo nga! Ang ganda niya at sobrang galing pa sa trabaho!”Lumapit ang isang babaeng may suot na gold-rimmed glasses at iniabot ang isang card kay Camila. “Miss Camila, kami po ay mula sa isang chain restaurant company. Maaari ninyong gamitin ang card na ito para sa unlimited consumption. Kasalukuyan po kaming nagpaplano ng isang brand strategy at gusto ka naming—”Bago pa man nito matapos ang sasabihin, inagaw ng iba ang pagkakataon at iniabot ang kanilang mga dala-dala kay Camila. “Miss Camila, kami po ay mula sa isang real estate company. Ako po si Larry Santos, nakita ko na po kayo noong nakaraan. Ito po ay maliit na token ng aming pasasalamat.”“Miss Camila, kasama rin po
Chapter 48.1"MR. XANDERS! That's you, right?"Kakababa pa lang ni Mr. Xanders sa hagdan nang biglang marinig niya ang isang malinaw na boses ng babae na tumatawag sa kanya.Pagtingin niya sa unahan, nakita niya ang isang dalaga sa loob ng kotse na nakangiti sa kanya.Tiningnan niya ang kotse, agad na nag-estima sa isip kung nakita niya na ba ito, nang maisip na baka isa ito sa mga naka-meeting na dati, naglakad si Mr. Xanders palapit habang nakangiti sa babae. "You know me, Miss? Did we meet before?""Marami na akong narinig na magagandang bagay tungkol kay Mr. Xanders," sabi ni Sandy habang iniaabot ang business card sa lalaki at binuksan ang pinto ng sasakyan. "Let's have a place to talk, Mr. Xanders. Please."Nakangiti ang babae at mukhang gusto talaga siyang kausap kaya sandali siyang nag-isip. Kinuha ni Mr. Xanders ang business card at nagulat nang malaman kung sino si Sandy.Siya pala ang anak ng mag-asawang Manahan... The Manahan Heiress. Maybe they're going to talk about bu
"My room is just ahead. This is good for us. Pwede mong isama ang anak mo para hindi ka mag-alala sa kanya."Ngumiti si Camila. "You're too considerate, Mr. Xanders, thank you.""I know you're worried about your son," sagot ni Mr. Xanders. Sa katunayan, may asawa't anak din ito kaya ganito ito kay Camila. Alam nito ang pakiramdam na mag-alala para sa anak. Biglang may narinig silang kalansing mula sa pagbukas ng pinto sa katabing kwarto.Lumabas si Charlotte, naka-suot ng slim-fit na puting business suit at ngumiti sa direksyon nila. "Ate Camila, bakit hindi mo ako tinawag? Di ba’t sinabi ni President Perez na tutulungan kita?"Nagulat si Mr. Xanders at nagtanong kay Camila, "Ano 'to?""Colleague." Malamig na sagot ni Camila.Naglakad si Charlotte papalapit kay Mr. Xanders at ngumiti. "I'm also a Perez. I'm Charlotte Perez, Sir. Pwede mo akong tawagin na Charlotte. Ikaw siguro si Mr. Xanders, tama ba? Totoo pala, mas guwapo ka sa personal."Napangiwi si Camila. Nakakahiya talaga si
Chapter 49.1"MR. XANDERS, mag-enjoy kayong dalawa ni Miss Charlotte. Kami naman ay aalis na."Narinig ni Braylee ang boses ni Sandy na nanggagaling sa kwarto kasabay ng tunog ng mga yabag ng high heels ng babae. Agad itong tumatak sa kanyang isipan.Mahigpit niyang sinara ang kanyang mga kamao dahil sa galit, tumalikod at mabilis na tumakbo pabalik sa kwarto upang gisingin ang kanyang mommy."Mommy! Mommy!"Pinilit niyang kalugin si Camila nang malakas, pero kahit anong pilit niya itong gisingin, hindi man lang kumurap ang mga mata ng mommy niya. "Mommy, mommy, gising ka na!"Habang ginigising ang ina, napansin niya ang mga itim na bilog sa ilalim ng mata nito. Saglit siyang natigilan. Sa mga nakaraang araw, laging nagpupuyat ang Mommy sa gabi at maagang gumigising sa umaga. Hindi pa ito nakakabawi ng sapat na tulog.Sa pag-iisip nang ganito, napuno ng awa ang mga mata ni Braylee.Bahala na nga! Hahayaan na lang niyang makatulog nang maayos ang Mommy niya. Kung kinakailangan, siy
Chapter 85MASAYA ang selebrasyon at tahimik na nag-uusap ang mga bisita.Ang kilos ng mga bisita ay may disiplina, may tamang ngiti sa kanilang mukha at pilit na ipinapakita ang kanilang pinakamagandang ugali sa harap ng iba.Habang nag-uusap sila, hindi maiwasang mapatingin ang lahat kay Lolo Herman na nakaupo sa center seat. Hindi lang dahil ang matanda ang bida ng gabi, kundi dahil buhat ni Herman ang batang kasama ni Camila at masayang nilalaro ito.Kitang-kita ng lahat ang munting bata na nakaupo sa kandungan ni Herman—hinihila ang kulay-abong buhok nito, pinaglalaruan ang malalapad na tainga, at humahalakhak nang malakas si Braylee habang nawiwili kay Lolo Herman. Kitang-kita ang gulat ng mga bisita. Habang iniisip nila kung sino ang bata, napatingin sila kay Camila.Si Camila na naupo sa isang tahimik na sulok para uminom ng wine ay hindi namalayan na sinundan siya ni Brix. Kasama rin nito si Daisy na parang anino ni Brix nakadikit.Dahil walang ibang tao sa paligid, hindi na
Chapter 84NAGSIMULA LANG ang birthday celebration party ni Lolo Herman noong gabi na. Noong oras na iyon, kakalubog lang ng araw at papasikat ang buwan. Mapusyaw na asul pa ang kalangitan at kung hindi mo titingnang mabuti, hindi mo mapapansin ang buwan.Ginaganap ang handaan sa malaking bulwagan sa unang palapag ng mansyon.Nilinis na ng mga katulong ang mga ekstrang gamit at, ayon sa utos ng mayordomo, inayos nila ang mga magagarang sofa, mesa, at upuan sa paligid ng silid. Nilagyan din nila ng masasarap na pagkain at inumin ang mga lamesa.Ang bagong idinagdag na mga kristal na chandelier sa kisame ay nakabukas na lahat kaya mas maliwanag pa sa loob ng bahay kaysa sa labas.Maraming bonsai ang nilagay sa may pinto, pati na rin ang paboritong halaman ni Lolo Herman na itinuturing nitong kayamanan.Ang tanging hindi nagbago ay ang mga painting na nakasabit sa dingding.Sa loob ng hall, rinig na rinig ng mga katulong ang masasayang pagbati mula sa labas.“Muntik na akong mahuli! Mata
Chapter 83KINAUMAGAHAN, natakpan ng manipis na puting ambon ang buong villa ng mga Monterde, parang isang kumot ng hamog. Ang katahimikan ng gabi ay hindi pa tuluyang naglaho at ang paligid ay tahimik pa rin.Paminsan-minsan, maririnig ang huni ng mga ibon sa bakuran, para bang kumakanta sa araw ng kasiyahan.Lumabas si Brix sa kanyang silid at nagtungo sa balkonahe sa ikalawang palapag, pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba.Ngayong araw ay kaarawan ni Lolo Herman, kaya mas pinahigpitan ang seguridad sa buong lugar. Dahil dito, nagpadala siya ng tatlong security teams upang tiyakin na mahigpit ang pagbabantay sa buong villa.Matalas ang kanyang mga mata habang sinusuri ang mga guwardiyang nakatayo nang mas tuwid pa sa mga puno. Parang x-ray ang tingin niya, dumudurog ng kahit anong kahina-hinalang kilos.Matapos ang ilang sandali ng pagmamasid, tumalikod siya at umalis.Nang makalabas sa kwarto, isang kasambahay ang papalapit kay Brix, bahagyang yumuko at nagsabi na handa na ang almus
Chapter 82SA ISANG IGLAP, dumaan nang mabilis ang taxi sa kalsada, muntik nang sumalpok.Agad na binuhat ni Brix si Braylee gamit ang isang kamay. May butil ng pawis na lumitaw sa kanyang ilong pero sa wakas, nakahinga si Brix nang maluwag."Waaaah—!"Tumigil sa pag-iyak si Braylee at dahan-dahang lumingon.'Bakit parang lumipad ako habang tumatakbo?'"Braylee!"Mula sa likod ng kumpulan ng tao, mabilis na sumugod si Camila, hinablot si Braylee mula sa bisig ni Brix, at mahigpit itong niyakap."Natakot ako nang sobra!" Nanginginig ang boses ni Camila.Mabilis ang tibok ng puso niya, ramdam pa rin niya ang takot. Kung may nangyari kay Braylee, hindi niya mapapatawad ang sarili niya kahit kailan."Mommy!" mahina ngunit malinaw na tawag ni Braylee."Oo, nandito si Mommy." Ipinatong ni Camila ang kanyang noo sa balikat ng anak."Mommy, medyo luwag mo po naman... nahihirapan na ako huminga, eh..."Agad niyang niluwagan ang yakap at lumuhod sa harap ni Braylee, seryosong nagsalita. "Sorry
Chapter 81SA ANCESTRAL home ng Monterde FamilyNasa loob ng study si Brix kasama si Lolo Herman na nagtsa-tsaa. Lumulutang ang murang berdeng dahon sa mainit na tubig, pinupuno ang buong silid ng mabangong amoy ng tsaa.Ibinuhos ng matanda ang tsaa sa tasa ng bawat isa at marahang tinikman.Uminom rin si Brix ng isang lagok bago magsalita. "You're turning seventy, Lolo. May gusto ka bang regalo? Ipapaayos ko agad."Dalawang taon pa lang ang nakakalipas mula nang mahilig si Lolo Herman sa mga bonsai. Pinaghirapan ni Brix hanapin ang isang mahigit seven hundred years old na pine bonsai para sa kaarawan ng matanda.Ibig sabihin noon ay pampahaba ng buhay.Nang matanggap ito, tuwang-tuwa si Lolo Herman at inalagaan ito na parang kayamanan. Hanggang ngayon, ang bonsai ay maingat pa ring inaalagaan sa bakuran at tila mas maaliwalas pa ang buhay ng halaman kaysa sa tao.Pero ngayong taon, hindi napansin ni Brix na may bago pang hilig ang matanda."Kung gusto mo talaga akong mapasaya, dalhi
Chapter 80PAGKATAPOS ng dinner nila ni Eric nang gabing iyon, agad na nagpadala ng text si Camila kay Sandy paglabas niya ng restaurant. Sinabihan niya itong maghintay sa ibaba.Ang sabi, pinakamabisang gamot sa pusong sugatan ay ang bagong pag-ibig. Ilang araw na rin ang nakalipas, kaya hindi ni Camila alam kung nagtagumpay na ba si Sandy na "samantalahin ang pagkakataon."Sa gitna ng pag-iisip niya na tawagan si Sandy, biglang nag-ring ang cellphone niya - si Sandy ang tumatawag."Camila, aalis na ako papuntang ibang bansa. Pwede mo ba akong samahan sa airport?"Nagulat si Camila. "Bakit ka pupunta sa ibang bansa? Hindi ba’t tumigil na si Eric sa pagpapabagsak sa pamilya niyo?"Dati, para protektahan siya, ginamit ni Eric ang impluwensya nito para takutin ang Manahan Company at pilitin si Sandy na umalis ng bansa.Pero ngayon, magkaibigan na sila ulit ni Sandy at wala nang gulo sa pagitan nila. Kaya bakit pa ito aalis?"Hindi dahil sa kanya. Gusto ko lang magpahinga at maglibang sa
Chapter 79NAKAUPO si Camila sa isang upuang may cushion. Si Eric ay na nakaupo sa tapat niya, humihigop ng sabaw at tinitigan ang tahimik na babae sa harap nito. Camila invited Eric after she was discharged from the hospital. Dahil minor skin injuries lang ang nangyari sa kanya, binigyan siya agad ng approval ng doktor na makalabas na. "Kumusta ka sa trabaho? Kung may problema ka, huwag kang mahiyang sabihin sa akin," ani Eric at binaba ang mangkok ng warm soup na iniinom nito. "Okay naman. Ang tao, dapat sanayin ang sarili na umasa sa sarili. Hindi ko pwedeng iasa sa ’yo ang lahat habambuhay, di ba?" ngumiti si Camila pagkasabi n'on. "Kung gusto mo, kaya ko—""Hindi." Diretso siyang tumanggi.Napangiti si Eric, tila walang magawa. "Ah, hindi ka pa rin nagbago, talagang matigas pa rin ang ulo mo."Hindi sumagot si Camila. Ibinaba ni Eric ang kutsara at seryosong tumingin kay Camila. Kahit sobrang lapit nila ngayon, alam ni Eric na hinding-hindi nito maaabot si Camila kahit kailan
Chapter 78"CAMILA, WHAT did you do to her again?!"Biglang pumasok si Brix nang marinig ang ingay at nakita si Daisy na nanginginig habang nakahiga sa kama ni Camila. Ang kanang braso ni Daisy ay puno ng dugo mula sa siko pababa at may karayom na nakatusok dito.Hinila ni Brix si Daisy papalapit sa kanya, saka itinaas ang kamay at tinulak si Camila, dahilan para mapaupo siya at tumama ang likod sa bakal na parte ng hospital bed. Ang malakas na pagkabunggo ng likod niya ay rinig na rinig sa buong kwarto. Bumalatay ang sakit sa mukha ni Camila pero hindi siya umimik man lang kundi blangko pa rin ang ekspresyon niya. Sandaling natigilan si Brix at may bahagyang pagsisisi sa puso dahil sa nagawa. Napalunok ito ngunit ang mga salitang lumabas sa bibig ay malupit. "Paano ka naging ganito kasama, Camila?"Diretso ang tingin ni Camila kay Brix habang ang tenga niya ay umuugong dahil nasaktan. Hinawakan niya ang likod at tinitigan ito, kumikislap ang mga luha sa kanyang mga mata. "Hindi k
Chapter 77YUMAKAP si Daisy sa leeg ni Brix habang umiiyak at tumingin kay Camila. "Pasensya na, Camila. Kung nahanap lang kita agad, hindi ka sana nasaktan. Kasalanan ko ito lahat..."Pagkasabi nito, tumingala ito kay Brix na parang aping-api. "Billy, dapat ibaba mo na ako. Ayos lang ako. Tulungan mo na si Camila."Napangisi si Camila at nagsalita sa paos na boses. "Pwede bang tigilan mo na 'yang pagpapanggap mo? Hindi ka ba napapagod umiyak araw-araw?""Hindi ako nagpapanggap, Camila… Bakit mo naman sinasabi ‘yan sa akin? Gusto ko lang naman tumulong sa 'yo at ayoko rin na mapahiya si Billy."Idinikit ni Daisy ang ulo nito sa balikat ni Brix at mayamaya pa’y basa na ang damit ng lalaki dahil sa luha.Lumingon si Brix, nakakunot ang noo nito at may inis sa mukha. "Camila, pwede ba ayusin mo ang ugali mo? Huwag kang maging walang utang na loob. Kung hindi dahil kay Daisy na tumawag sa akin, baka...""Billy, tigilan mo na si Camila. Wala naman siyang kasalanan sa akin."Habang naririn