Hindi ko inakalang ganito kaganda ang Suman Sentro. Nakita ko na ito sa pictures pero mas klaro na ngayon ang pagkakaiba. We're greeted by the workers as we entered the production area. Sino nga bang mag-aakalang lalago nang ganito ang dati'y paglalako lang nina Nanay?
Si Tiya Marga ay nasa kabilang branch at katulong niya roon ang magkapatid. Russel and Alias are tailing me to wherever I go. Kasabay no'n ang pagsunod din ng mga matang narito sa kanilang dalawa. Narinig ko pa ang ilan kahit nagbubulungan lang.
“Siya si Russel Clausen. Alam mo bang siya ang may-ari ng Clausen Manufacturing Clan? Doon nagtatrabaho ang tita ko!” palatak ng isang babae. Sa palagay ko ay nasa edad disi-otso, gayundin ang kausap niya.
“Talaga? Matatalino lang ang nakakapasok doon, 'di ba? Si Kuya nga, sa interview pa lang, bagsak na!”
“Ano ka ba!” Humagikhik ito. “Janitress ang tita ko roon, Irene! Sabihin mo sa kuya mo, mag-apply siyang janitor para matanggap siya!”
<Akala ko'y mahihirapan akong ipakilala kay Alias ang mga Clausen pero kinabukasan din, mukhang malapit na siya kaagad sa mga ito. Isa pang bagay na nakatulong ay ang pagiging likas na palakaibigan niya. Hindi siya iyong tipo ng batang takot o masyadong mahiyain at ilap sa mga taong hindi niya kilala. Well, one thing is for sure. The nature runs in the blood. Ngayon ay naniniwala na ako sa lukso ng dugo.Rinig dito sa balcony ang ingay nila sa baba. Ang magkapatid na sina Madeley at Daimler ay nakasunod kay Alias mula pa kahapon. Ayaw pa sanang umalis ni Ma'am Navi kaninang umaga pero wala siyang nagawa dahil kailangan sila ni Sir Ridley sa factories. Gayunpaman ay marami siyang ibinilin bago umalis.“Babalik kami after two days. 'Wag muna kayong aalis, ha?”“Sige po, Tita,” I politely said.Wala kaming pinal na pasya ni Russel kung gaano kami katagal mananatili rito pero sa ipinakikita ni Ma'am Navi ay nangangamoy bakasyon. Sigurad
It feels good to be back.Eiser's art gallery is still there. Matibay pa rin itong nakatayo sa lugar kung saan ko ito unang nakita. Bumaba ako mula sa sasakyan ni Russel. Nagpahatid lang ako sa kaniya. May dadaanan pa siya ngayon at pagbalik niya'y magkasama na kaming pupunta sa CMC. Yes, he's inviting me there. Mayroon daw event na gaganapin mamayang gabi. Hindi na rin ako tumanggi dahil may mga tao akong gustong kumustahin doon.Nanuot sa balat ko ang pang-umagang simoy ng hangin: presko at masarap sa pakiramdam. Tumunog ang chime nang pumasok ako sa Art Gallery. Sinalubong ako ng parehong amoy. Ang mga bagay na nasasakop ng aking mga mata'y ganoon pa rin. Nakasabit ang paintings na halatang kagagawa lang. Some things changed to their respective spot but aside from that, nothing big has changed. Ang mga obra'y nakapuwesto sa kani-kanilang eleganteng posisyon. Agad nabusog ang mga mata ko sa tanawin. These artworks are caged in different sizes and different styles whi
Isa-isang bumati sa amin ang mga empleyado ng Clausen Manufacturing Clan nang makapasok kami sa napakalaking bulwagan. Ang mga nakatayo'y napabaling sa amin at ang ilang pamilyar na mukha ay lumapit upang salubungin si Russel.“Good evening, Sir!”Marami akong narinig na ganoon. May mga bumabati rin sa akin pero walang nag-abalang magpakilala. Wala pang limang minuto buhat nang dumating kami, marami nang nakamayan si Russel. Ako naman ay tahimik lang na nagmamasid hanggang sa mayroong tumapik sa akin.It's Glendal, splashing her jolly smile. “Alliyah!”“Hi.” I smiled wider.She looked at Russel who's standing beside me. Pagkatapos ay dinunggol niya ang balikat ko. “Kayo na ulit? Ba't ang hilig niyong maghiwalay?” aniya habang inginunguso si Russel.Natawa ako. “Gano'n talaga.”“Mr. Clausen, dadalo po ba ang Senior?”Napatingin kami ni Glen sa babaeng nagsal
Nangyari nga ang pagdalaw ni Glen sa mansion, alas syete nang umaga. Linggo ngayon kaya day off niya. Taliwas sa napag-usapan namin kagabi, hindi niya kasama si Braeum. Silang dalawa pa naman yung pinunta ko kagabi sa CMC pero hindi ko nakita ang huli.Sariwa pa rin sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Ang mga salitang binitiwan ni Senior Clausen ay nanatiling nakatarak sa puso ko. I can't believe he actually said that. Tahimik kaming umuwi ni Russel pagkatapos ng nakapapagod na tagpo.“Forget about what he said. Wala siyang alam sa nangyari sa atin.”“I know.” Tipid ko siyang nginitian.Senior Clausen is always one-sided. Mas napatunayan ko lang na hindi niya na kailangang marinig ang mga paliwanag ko. Alodia on his side looked satisfied, showing how interested she was witnessing my embarrassment. Nakapagtataka lang, tinulungan niya ako noon. Hindi man siya naging palakaibigan sa akin, nagpakita siya ng motibo noon na gusto niya ak
Nang makaalis si Glen ay saktong lumabas si Madeley. Lumapit siya sa akin at naupo sa harap ko. Nakapasok na rin ang mag-ama sa loob at sinadya kong magpaiwan dito nang yayain akong pumasok ni Russel. Gusto ko lang mag-isip nang mag-isip hanggang sa magsawa ako.“Are you okay?” tanong ko kay Madeley.“Well, not really. I don't understand why Kuya Daimler keeps on pressuring me...”“May nanliligaw ba sa 'yo?”“Uh, marami, pero wala akong nagugustuhan,” she plainly answered.I nodded. “You're of age. It's up to you. Pero alamin mo muna sa sarili mo kung ano ba talaga ang priority mo. Is it your modelling career or your family's assets?”Nagpakawala siya ng buntong-hininga. “Honestly, hindi ko alam, Ate. Ayaw kong madisappoint sa akin si Lolo pero ayaw ko ring iwan ang career ko. My parents have already invested too much effort. Ngayong oras na para ako naman ang bumawi sa kanila
Binalot kami ng katahimikan. Tiningnan ko ang singsing na isinuot niya at nakita kung gaano iyon kaganda. Kumikinang ang dyamanteng nasa gitna nito na pinalilibutan ng maliliit na bato.My lips are still parted in awe. Ang pintig ng puso ko'y nanatiling mabilis sa paglipas ng mga segundo. Bawat lalim ng aking paghinga'y nag-iiwan ng kakaibang intensidad sa dibdib ko.Hanggang sa ang mga luha kong nangingilid ay nagbadya nang bumagsak. I'm lost for words. Nakadagdag pa sa kabang nararamdaman ko ang mabining hampas ng mga dahon at pagsayaw ng mga sanga na tila dinadamayan ako sa pagdiriwang.“R-Russel...” ang tanging nasabi ko sa loob ng katahimikang iyon.“It perfectly suits you.” Iniangat niya ang kamay ko at masuyong hinalikan iyon.It's weakening. Kahapon lang, iniisip ko kung kailan niya balak gawin ito. Hindi ako makapaniwalang narito na kami sa puntong pinapangarap ko lamang.Tinitigan niya ako gamit ang namumung
“Kailan ka pa nakauwi?” Matapos kong ilapag ang meryenda sa table ay umupo ako sa harap ni Venus.Her curly hair is 'til her shoulders. Pinakulayan niya rin ng golden kaya mas bumagay sa kutis niya.Sumimsim siya sa juice sa mahinhing paraan. Pansin ko ang pagbabago sa mga kilos niya. Hindi na gaya dati na magaslaw o masyadong energetic. Kalkulado na ngayon ang kada galaw ng kaniyang kamay. Kahit ang simpleng paggalaw sa kinauupuan ay ganoon din.Tumikhim siya. “Kahapon pa, friend. Pumunta ako sa inyo at nalaman kong wala kayo roon. Sinabi rin ni Tita Allissa na kauuwi niyo lang galing sa Britain. Kumusta ka naman?”“Ayos lang. Gano'n pa rin. Well, ang nagbago lang, may anak na ako.” I chuckled.Kahapon, sa bahay-ampunan, ipinakilala ko siya kay Alias. Siya ang unang nakaalam na buntis ako noon pero nagulat pa rin siya nang makita ang batang nanggaling sa sinapupunan ko. Agad niyang binuhat si Alias at kinausap.
Na-extend pa nang ilang araw ang pananatili namin sa mansion ayon sa kagustuhan ni Ma'am Navi. Noong Saturday ay nagset-up kami ng pool party bilang paghahanda sa runway competition na sasalihan ni Madeley. Her friends were invited as well as Daimler's. Sina Glendal at Braeum ay inimbatahan ko rin.Hindi ako masyadong nakisali sa inuman nila dahil binabantayan ko si Alias. Bihira rin kung tumagay si Russel dahil mas mahaba pa ang oras na inilaan niya sa amin ng anak niya kaysa sa mga bisita.“Ba't 'di ka mapakali?” natatawang tanong ko. Sa pangatlong pagkakataon ay sumunod siya sa amin.Nasa harapan ko si Alias na nakasakay sa salbabida, palutang-lutang sa maligamgam na tubig ng pool.Russel towered over me as he slowly snaked his hand on my waist. 'Di hamak na mas mainit ang kamay niya kaysa sa tubig. Lalo pa nang idikit niya ang kaniyang katawan sa likod ko. His massive body effortlessly covered me. Siguradong ang mga taong nasa likuran nami
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik