Share

Kabanata 112

Nahahati ang desisyon ko kung saan kami tutuloy ni Alias pag-uwi pero si Russel na mismo ang nagsuhestiyon na dumiretso muna kami kina Tiya Marga.

Tumigil ang private car sa tapat mismo ng bahay nila. Unang-unang bumaba si Olive bitbit ang mga bagaheng kayang dalhin. Tinatamad pa akong umahon mula sa pagkakahilig sa balikat ni Russel ngunit siya na mismo ang nagpaahon sa akin.

Sabik akong umuwi pero dahil sa pagod at antok mula sa napakahabang biyahe, naupos na parang kandila ang enerhiya ko. Si Olive lang ang nanatiling masigla sa kabila ng jet lag.

Nakaipon sa bakuran ang buong pamilya: ang mag-asawang sina Tiyo Carlos at Tiya Marga, si Kleen, at si Nanay. Sa hindi kalayuan ay tanaw ko ang ilang mga magsasakang tumigil sa ginagawa para makitingin sa pagdating namin.

Sinalubong kami ng yakap ng pamilya. Nakakapanghina ng tuhod ang tagpong ito. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkatulala kay Alias Usher na buhat-buhat ko at tulog pa rin hanggang ngayon.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status