Na-extend pa nang ilang araw ang pananatili namin sa mansion ayon sa kagustuhan ni Ma'am Navi. Noong Saturday ay nagset-up kami ng pool party bilang paghahanda sa runway competition na sasalihan ni Madeley. Her friends were invited as well as Daimler's. Sina Glendal at Braeum ay inimbatahan ko rin.
Hindi ako masyadong nakisali sa inuman nila dahil binabantayan ko si Alias. Bihira rin kung tumagay si Russel dahil mas mahaba pa ang oras na inilaan niya sa amin ng anak niya kaysa sa mga bisita.
“Ba't 'di ka mapakali?” natatawang tanong ko. Sa pangatlong pagkakataon ay sumunod siya sa amin.
Nasa harapan ko si Alias na nakasakay sa salbabida, palutang-lutang sa maligamgam na tubig ng pool.
Russel towered over me as he slowly snaked his hand on my waist. 'Di hamak na mas mainit ang kamay niya kaysa sa tubig. Lalo pa nang idikit niya ang kaniyang katawan sa likod ko. His massive body effortlessly covered me. Siguradong ang mga taong nasa likuran nami
Taranta akong tumayo at nagtungo sa balcony kung saan matatanaw ko sa baba ang pool area. I roamed my eyes around. Una kong hinanap si Russel at nakita siyang nasa cottage. Nakabase lang ako sa kulay ng damit na suot niya.Ang tanging nakalublob sa swimming pool ay ang mga babaeng co-models ni Madeley. Nagkakatuwaan ang lahat at wala naman akong nakikitang kakaiba.It just feels weird to receive this kind of message in the middle of the party. Para bang sinadya ng taong ito na sirain ang gabi ko. At ang isa pang nakakapagduda'y hanggang dito sa Pinas ay sinundan niya ako! Unless, someone's behind all of this who's the mastermind. Baka ang taong may pakana nito'y maraming galamay na hindi nga malayong masundan ako kahit saan pa ako magtungo.Ngunit ang tanong, sino siya at ano ang kailangan niya sa akin? Is it Denise or one of the Lewishams? Baka marahil ay ginagawa niya ito para paghigantihan ako. I was the very reason of their downfall. Kung hindi dahil sa akin
Punong-puno ng tao sa arena pagdating namin. Russel took the VIP seats so it was easy for us to sit in front. Kasama namin ni Russel si Olive na sinundo pa namin sa Kalibero. Si Madeley naman ay si Daimler mismo ang kasama bukod pa sa colleagues niya.I glanced at my phone. Ang huling mensahe sa akin ni Venus ay on the way na sila. Since she doesn't have a personal driver, ang kasama niya papunta rito ay ang kaniyang manager.Pormal kaming umupo sa unahan. Pinagigitnaan ako nina Russel at Olive. Iniwan ko si Alias kay Nanay nang dumaan kami roon kanina. Walang tao ngayon sa mansyon dahil nasa factory ang mag-asawang Clausen. Hahabol daw sila kung makakahabol pa.The stage is well designed as well as the whole arena. Sa kanang bahagi ay panay ang sigaw ng fans club ni Madeley habang itinataas ang malaking banner. Sa kaliwang bahagi naman ay kapansin-pansin din ang mataas na enerhiya ng team ni Venus. Lahat sila'y isinisigaw ang kanilang pangalan kahit hindi pa na
Napatayo kami nang lumabas ang doctor mula sa emergency room. Agad akong lumapit at nagtanong tungkol sa kalagayan ni Venus. Marami siyang sinabi pero isang bagay lang ang tumatak sa isip ko.Allergic reactions. Kasama ko pa rin si Olive samantalang si Madeley naman ay tumuloy muna sa Senior Clausen dahil nga wala siyang kasama sa mansion nila kung doon siya uuwi. Umalis si Russel para hanapin si Daimler na ayon kay Arcel ay nakikipagsagupaan sa grupo ng mga masasamang loob. Agad naming pinuntahan si Venus nang mailipat na siya sa disenteng silid. Nabawasan na ang pamumula ng mukha niya pero naroon pa rin ang bakas ng paghihirap niya kanina. Wala pa rin siyang malay at may nakakabit na dextrose sa kaniya. May ilang ipinaliwanag ang nars na naabutan namin kabilang na ang tungkol sa hirap niyang paghinga at mabilis na pag-atake ng powder sa balat niya na nagdulot ng skin allergic reactions. “Ano kayang nangyari?” untag ni Olive.Natahimik ako. Pin
True enough, mabilis kaming nakauwi. Sinalubong kami ni Nanay sa terasa ng bahay. Humiwalay sa amin si Daimler nang dumaan kami sa highway. Aniya'y didiretso siya sa Lolo nila kung saan naroon si Madeley. “Ayos lang ba kayo? Napanood namin sa tv ang nangyari kay Venus!” “Naka-confine po siya ngayon. Nandoon na rin po si Tita Chime.”Nagmano si Olive sa parents niya. “Ikaw, Eulivine? Ayos ka lang?” usisa ni Tiya Marga sa kaniya.“Ayos lang, 'ma. Walang nasaktan sa amin.”Pumasok kami sa loob at naipon kami sa living room. Agad kong namataan si Kleen na buhat-buhat si Alias. Gising pa ang anak ko dahil hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi. At bago pa ako nakalapit sa kaniya ay naunahan na ako ni Russel.“Papa!” he exclaimed. Kinuha siya ni Russel mula kay Kleen. “How's our baby? We miss you.”It was a tiring night. Napatambay ako sa living room dahil sa walang katapusang tanong nila. Ang mag-ama ko'y pinaakyat ko na
“Who is he, Russel?” ulit ko.Hindi siya sumagot bagkus ay tumayo mula sa kama. Kinuha niya sa akin ang cellphone. “Stay here. I'll talk to this bastard.”Kabado ko siyang sinundan ng tingin. Who the heck is that? Kung ganoon ay kilala siya ni Russel... Dapat ba akong mag-alala o hindi na? Sa tono ng pananalita niya'y mukha namang hindi siya takot sa lalaking iyon. Katunayan ay parang mas galit pa siya at kung pwede lamang niyang suntukin ngayon ay ginawa na niya. Nakatulog na lang ako sa paghihintay kay Russel. Sobrang tagal naman niyang kinausap iyon. Atat akong makibalita sa katauhan ng nabanggit niyang si Theo ngunit bigo ako. Kinabukasan ay naging maingay ulit sa bahay. Natigil nga lang ako sa pagbaba nang mamataan si Arcel sa living room. At hindi lang iyan, kasama niya si Ruan!Kaya naman pala hindi maipinta ang mukha ni Olive. Nahuli ko pa siyang tila patagong lumagpas sa living room. Arcel looked at me, sunod ay sa anak ko. Hindi
Hindi rin nagtagal ay bumalik si Russel. Nauna nang magtanong si Nanay kung saan siya galing na siyang nakapagpatigil sa akin nang akmang ibubuka ko na ang bibig ko. “Sa bahay lang po.”“Kumusta pala ang parents mo, hijo? Baka dumalaw kami sa inyo kapag nagkaroon ng oras.” Bumaling si Nanay kay Tita Marga. “Hindi ba, Marga?” “Aba, oo naman. Bakit hindi? Gusto ko ring makilala nang personal ang pamilya nitong si Russel, lalo pa't magiging malapit na si Kleen kay Daimler Clausen. Nakakahiya naman kung hindi tayo magpapakita sa kanila,”ani Tiya Marga sabay hagikhik. Umangat ang sulok ng bibig ni Russel. He looked amused by the statement. “My mother will be glad if she'll about this.”I chuckled. “Siguradong magpapa-pool party na naman 'yon kapag bumisita kaming lahat.”Nagkatinginan kami ni Russel. I don't know why I suddenly recalled the last pool party that was held at their mansion. Hindi naman talaga siya nag-celebrate. Nakisama lang
Bakas ang stress kay Nanay pag-uwi nila ni Tiya Marga. Galing na sila sa bahay bago nagtungo rito sa shop. Gusto ko sanang itanong kung anong kinahinatnan ng pagbisita nila kay Venus at kung nakausap ba nila si Tita Chime pero hindi ko iyon magagawa sa maraming tao. Abala kami ni Olive sa pag-aasikaso sa mga customer habang si Alias naman ay masayang kinakausap ng mga empleyado. Bawal ang bata rito lalo na't likas ang kalikutan ng anak ko pero dahil kay Ruan na nagpresintang magbantay sa kaniya, tiwala akong wala siyang naiistorbo rito.Oo, tama. Si Ruan ay himalang narito matapos idahilang kailangan ko ng magbabantay kay Alias. Umalis sina Russel at Arcel para sa patuloy na imbestigasyon.“Doon ka nga!” pang-ilang bulyaw na ito ni Olive sa kaniya. Itinataboy niya si Ruan sa tuwing napapalapit sa puwesto niya.“She's angry, Mama!” Alias showed his shocked face. Hindi naman mukhang takot kundi animo'y nagsusumbong na awatin ko si Olive.Ruan just s
“Aalis ka ulit?” tanong ko kay Russel. Kababangon ko lang mula sa kama at naabutan ko siyang nagbibihis ng suit and tie. Napapasimangot akong yumakap mula sa kaniyang likuran. “I miss you. Hindi ka na nagtatagal dito sa bahay.”He stunned. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya na parang namomroblema. “I'm sorry. May meeting kami ni Lolo ngayon...”Marahan akong tumango. “I understand.” Nanatili akong nakayakap sa kaniya sa loob ng ilang minuto para damahin siya. These days ay talagang nagiging busy na siya. Maaga siyang umaalis at ginagabi rin ng uwi. Sa tuwing pinatutulog ko si Alias ay nadadamay ako kaya imbes na mahintay ko siya, nakakatulog ako nang maaga bago pa siya dumating. Sa umaga naman, halos hindi ko na rin siya naaabutan dahil matakaw akong matulog. Hindi rin naman niya ako ginigising dahil alam niyang naaalimpungatan ako sa madaling araw kapag nagliligalig ang anak namin. Ngayon ko lang siya naabutan at sa tingin ko'y may sapat pang
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik