Aria’s POVNaluluha na pinagmasdan ang kabuuan ng tahanan ng aking Ama, sa wakas, nagawa ko.Naibalik ko na sa aking mga kamay ang pag-aari ng aking mga magulang. Isa-isang sinuri ang bawat kwarto, sa bawat pinto na aking mabuksan ay siyang pagbabalik tanaw mula sa nakaraan.Mga alaala na nanatiling sariwa sa kaibuturan ng puso ko, kung saan mula sa bawat sulok ng tahanan na ito ay maririnig ang mga halakhak ng kasiyahan sa piling ng aking Ama.Isang ulirang Ama na sa maikling panahon ay pinuno ng pagmamahal ang bawat araw na kapiling ko ito.“Daddy, kung iyong nakikita ang tagumpay ay nasa aking mga kamay, wala man ang iyong presensya ngunit sa puso ko ay na nanatiling kayong buhay ni Mommy.Ilang sandali ang lumipas, nahinto sa paghakbang ang aking mga paa ng matapat sa isang kwarto na naging kanlungan ko sa loob ng labing isang taon.Mabigat ang bawat hakbang na pumasok sa loob ng kwarto, saka huminto sa harap ng isang malaking aparador.Mula sa likuran ay labis na naguguluhan si
Halos hindi kumukurap ang mga mata ni Gerald habang nakatitig sa magandang mukha ni Aria, bumangon ang matinding pagnanasa sa mga mata nito.“Jackpot ako kapag ganito kagandang babae ang nakahain sa aking harapan, sa oras na makuha ko ang babaeng ito ay ikukulong ko ito sa aking kwarto.Gagamitin ko ang katawan nito hanggang sa magsawa ako.” Anya sa isipan ni Gerald, marami pang masamang plano ang nabuo sa kan’yang isipan para kay Zaharia. Para na itong siraulo na nakatingin sa kawalan habang pinagpapantasyahan ang katawan ni Zaharia.Iniisip din nito na siguradong labis na masasaktan si Lyra sa oras na mawasak niya ang pinakamamahal nitong anak. Sa lalim ng iniisip nito ay hindi na niya napansin ang isang matalim na ngiti ni Chelsy habang masama ang tingin sa binata.Tumayo si Gerald at dinampot ang nagkalat na damit sa sahig bago isa-isang isinuot ang mga ito sa kan’yang katawan.Isinilid nito ang larawan ni Aria sa bulsa ng pantalon saka parang walang nangyari na lumabas ito sa kw
Harris POVHarris POV“Hayop ka! Hmp!” Isang malakas na suntok ang aking pinakawalan na tumama sa panga ng lalaking nagtangka sa buhay ng aking asawa. Bumagsak ito sa sahig at hindi na magawang makatayo.Halos sumabog ako dahil sa matinding galit ng malaman ko kung ano ang nangyari sa aking asawa habang patungo ito sa aking kumpanya.Walang nagtangka na umawat sa akin kaya halos nabugbog ko na ito, hindi nalalayo ang laki ng katawan nito sa akin ngunit ni hindi man lang nakatama ang mga suntok nito kanina ng sinubukan niyang gumanti sa akin.Para akong isang tigre na anumang oras ay manlalapa habang nagngangalit ang aking mga bagâng.“Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa bilangguan! Nagkamali ka ng binangga!” Galit na sigaw ko habang nanlilisik ang aking mga mata na nakatitig sa lalaki.Isang kamay ang dumantay sa balikat ko saka masuyo akong tinapik nito na tila pinapakalma ako. Kahit hindi ko na lingunin ito ay kilala ko na kung sino ito, dahil tanging si James lang naman ang may kak
Harris POV“Dada!” “Ya, Dada… up! Up…” naalimpungatan ako dahil sa maliit na boses na naririnig ko sa aking paligid. Naramdaman ko ang mga basang bagay na dumadampi sa aking mukha. “Ughhhhh…” isang ungol ang nanulas sa bibig ko ng may humila sa buhok ko, hindi naman masakit ngunit sapat lang upang tuluyang magising ang natutulog kong diwa.Kasunod nun ay ang muling pagdampi ng isang basang bagay sa ilong ko. Iniisip ko tuloy na baka dinadaya lang ako ng aking imahinasyon, marahil ay nananaginip pa rin ako hanggang ngayon.Ngunit napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng isang iyak ng bata.“Dada! Dede…” sigaw ng matinis na boses ng isang batang babae na nasa gilid ko habang patuloy ito sa pag-iyak.Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa aking paningin ang mala anghel na mukha ng dalawang bata. Para akong nabato balani ng mapako ang aking paningin sa luntian nilang mga mata.Saglit na huminto sa pag-iyak ang batang babae bago pumikit ito ng ilang beses saka tumitig sa akin
Harris POV“Ilabas mo ang asawa ko!” May diin na pagkakasabu ko habang matalim na nakatitig sa mukha ni Clinton, siya na lang ang iniisip ko na maaaring nagtatago sa asawa ko.Nakita ko na lumalim ang gatla sa noo nito tila nagtataka sa sinabi ko.“Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi ba’t nasa iyo na ang mag-ina?” Naguguluhan na tanong nito sa akin, nakita ko na napalitan ng labis na pag-aalala ang expression ng mukha nito kaya ramdam ko na wala talaga sa kan’ya si Aria.Ilang buwan na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito nakikita.Mukhang malaki ang galit sa akin ng aking asawa dahil natiis niya na hindi magpakita sa akin sa loob ng ilang buwan at ngayon ay natatakot ako na baka sinusubukan na nitong kalimutan ako ng tuluyan.Nanghihina na umupo ako sa sahig, makikita sa itsura ko ang imahe ng isang talunan, matinding stress ang inabot ko sa pagkawala ng asawa ko.Halos napabayaan ko na ang aking sarili, sa edad na 34 ay nag mukha na yata akong singkwenta anyos.Ilang b
Aria’s POVSa pagmulat ng aking mga mata ay wala akong ibang makita kundi ang madilim na kwarto na aking kinaroroonan, bumangon ako at tinungo ang banyo.Nagsimula na akong maligo ng hindi binubuksan ang ilaw.Sa loob ng ilang buwan na namalagi ako sa loob ng kwartong ito ay nasanay na ang aking mga mata sa dilim.Pagkatapos maligo ay hinagilap ko ang aking bestida na nakapatong sa ibabaw ng lababo.Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking basang buhok.Lumabas ako ng walang sapin sa paa, ilang araw ng masama ang pakiramdam ko kaya wala na akong ginawa kung hindi ang matulog maghapon.Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang kusina.Patuloy lang ako sa paglalakad ng hindi bumabangga sa mga kagamitan sa aking paligid, sapagkat kabisado ko na ang lahat ng pasikot-sikot dito sa buong kabahayan.Mag-isa lang ako dito at wala akong kasama kahit na isang katulong.Tanging si Tatay James ang namimili ng lahat ng mga pangangailangan ko dito sa bahay, madalas na isama din niya ang mga anak ko dito n
Aria’s POV“Mukhang malaki ang problema mo, ah, kumusta ang kasong inaasikaso mo?” Nakangiti kong tanong habang diretsong nakatingin sa mukha ni Clinton.Nahahapong umupo ito sa silya na nasa aking harapan, kung titingnan ito ay tila pasan niya ang mundo.“Walang nangyari sa ginawang imbestigasyon sa kaso ng iyong ama at sa daddy ko, dahil ang mga taong sangkot ay matagal ng patay.” Malungkot nitong pahayag, maging ako ay nalungkot sa narinig mula sa kanya.“Magaling magtago ang Madrasta mo sa mga krimen na kanyang ginawa, at may hinala ako na maaaring siya rin ang nasa likod ng pagpaslang sa mga taong suspect sa kaso ng ating mga magulang.Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, sa ngayon kasi ay hindi namin alam ang kinaroroonan ni Lyra.Maging ang anak nitong si Chelsy, katahimikan.Nahulog sa isang malalim na pag-iisip si Clinton, marahil ay nahihirapan na ito dahil determinado siya na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aming mga magulang.Tumayo ako at lumapit
Aria’s POVKatahimikan ang nangingibabaw sa kabuuan ng opisina ni Mr. Gomez, habang matiyaga akong naghihintay sa pagdating ni Chelsy.Ilang minuto pa ang lumipas ay naagaw ang atensyon naming lahat mula sa bumukas na pintuan.Unang pumasok ay isang lalaki na may seryosong mukha, sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na ito, mabilis itong yumukod bago nagsalita.“Señor, nandito na ang babae.” Anya sa seryosong tinig, pagkatapos sabihin iyon ay saka pa lamang pumasok ang isang payat na babae.Paika-ika siyang naglalakad papasok sa loob ng opisina.Nahinto ito sa paghakbang ng magpanagpo ang aming mga mata, una siyang nagbaba ng tingin habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa dulo ng suot niyang t-shirts.“Ano ba ang kailangan mo sa babaeng iyan? Nakita mo naman, wala ka ng mapapala sa isang ‘yan.” Narinig kong saad ni Mr. Gomez, sa tono ng pananalita nito ay tila isang walang kwentang bagay kung tratuhin nito si Chelsy.Mahigpit na naikuyom ko ang aking mga kamay.Hindi ko alam kun