Aria’s POVSa pagmulat ng aking mga mata ay wala akong ibang makita kundi ang madilim na kwarto na aking kinaroroonan, bumangon ako at tinungo ang banyo.Nagsimula na akong maligo ng hindi binubuksan ang ilaw.Sa loob ng ilang buwan na namalagi ako sa loob ng kwartong ito ay nasanay na ang aking mga mata sa dilim.Pagkatapos maligo ay hinagilap ko ang aking bestida na nakapatong sa ibabaw ng lababo.Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking basang buhok.Lumabas ako ng walang sapin sa paa, ilang araw ng masama ang pakiramdam ko kaya wala na akong ginawa kung hindi ang matulog maghapon.Bumaba ako ng hagdan at tinungo ang kusina.Patuloy lang ako sa paglalakad ng hindi bumabangga sa mga kagamitan sa aking paligid, sapagkat kabisado ko na ang lahat ng pasikot-sikot dito sa buong kabahayan.Mag-isa lang ako dito at wala akong kasama kahit na isang katulong.Tanging si Tatay James ang namimili ng lahat ng mga pangangailangan ko dito sa bahay, madalas na isama din niya ang mga anak ko dito n
Aria’s POV“Mukhang malaki ang problema mo, ah, kumusta ang kasong inaasikaso mo?” Nakangiti kong tanong habang diretsong nakatingin sa mukha ni Clinton.Nahahapong umupo ito sa silya na nasa aking harapan, kung titingnan ito ay tila pasan niya ang mundo.“Walang nangyari sa ginawang imbestigasyon sa kaso ng iyong ama at sa daddy ko, dahil ang mga taong sangkot ay matagal ng patay.” Malungkot nitong pahayag, maging ako ay nalungkot sa narinig mula sa kanya.“Magaling magtago ang Madrasta mo sa mga krimen na kanyang ginawa, at may hinala ako na maaaring siya rin ang nasa likod ng pagpaslang sa mga taong suspect sa kaso ng ating mga magulang.Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, sa ngayon kasi ay hindi namin alam ang kinaroroonan ni Lyra.Maging ang anak nitong si Chelsy, katahimikan.Nahulog sa isang malalim na pag-iisip si Clinton, marahil ay nahihirapan na ito dahil determinado siya na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aming mga magulang.Tumayo ako at lumapit
Aria’s POVKatahimikan ang nangingibabaw sa kabuuan ng opisina ni Mr. Gomez, habang matiyaga akong naghihintay sa pagdating ni Chelsy.Ilang minuto pa ang lumipas ay naagaw ang atensyon naming lahat mula sa bumukas na pintuan.Unang pumasok ay isang lalaki na may seryosong mukha, sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na ito, mabilis itong yumukod bago nagsalita.“Señor, nandito na ang babae.” Anya sa seryosong tinig, pagkatapos sabihin iyon ay saka pa lamang pumasok ang isang payat na babae.Paika-ika siyang naglalakad papasok sa loob ng opisina.Nahinto ito sa paghakbang ng magpanagpo ang aming mga mata, una siyang nagbaba ng tingin habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa dulo ng suot niyang t-shirts.“Ano ba ang kailangan mo sa babaeng iyan? Nakita mo naman, wala ka ng mapapala sa isang ‘yan.” Narinig kong saad ni Mr. Gomez, sa tono ng pananalita nito ay tila isang walang kwentang bagay kung tratuhin nito si Chelsy.Mahigpit na naikuyom ko ang aking mga kamay.Hindi ko alam kun
Chelsy’s POVKasalukuyan akong nag papahangin dito sa hardin habang kumakain ng mangga na sinasawsaw ko sa asin na may sili.Nahinto ang akmang pagsubo ko ng maramdaman ko ang isang presensya ng tao mula sa aking likuran.Pumihit ako patalikod upang malaman kung sino ito at ganun na lang ang pagka gimbal ko ng makita ko ang ninong Arthur ko.Nagsimula ng manginig ang aking katawan at natataranta na tumayo saka humakbang paatras.“A-anong ginagawa mo d-dito? Paano mo nalaman kung nasaan ako?” Nauutal kong tanong, matinding takot ang bumabalot sa puso ko dahil baka saktan na naman ako nito.“Chelsy, huwag kang matakot, hindi kita sasaktan.” Malumanay sa wika nito, na tahimik akong at sinuring mabuti ang expression ng mukha nito kung nagsasabi ba siya ng totoo.Malayo na ang hitsura nito noon na laging galit, malumanay na rin itong magsalita na para bang natatakot na magkamali ng kilos.“Anong kailangan mo sa akin? Bakit, hindi pa ba sapat ang ginawa mong pananakit sa akin?” Anya dito n
Harris POV“Napalingon ako sa pintuan ng aking opisina nang bigla itong bumukas at pumasok si Clinton.Hindi na maipinta ang mukha nito habang karga ang kambal kong anak.Kung ano ang kinasimangot ng kanyang mukha ay siya namang ikinaganda ng ngiti ng dalawang bata.“Ouch! I said stop it, Zanella!” Naiinis na saway nito sa aking anak na babae. Napangiti ako sa naging reaksyon ng aking mga anak dahil imbes na matakot at humalakhak pa ng malakas ang mga ito. Tuwang-tuwa sa reaksyon ng kanilang uncle Clinton sa tuwing nasasaktan ito.“May lahi ba kayong bampira at mahilig mangagat ang mga anak mong ‘yan?” Irritable na tanong niya sa akin, bago binaba ang dalawang makulit na bata sa kandungan ko.Napansin ko na namumula na ng husto ang pisngi nito at puro laway na rin ang suot niyang damit.“Bakit nasa iyo ang mga bata?” Nagtataka na tanong ko sa kanya.“Iyang magaling mong asawa tinakasan na naman ako, may hearing pa ako at hindi ko pwedeng isama ang dalawang makulit na yan.” Anya pagkat
Binasag ng ingay ng mga sasakyan ang katahimikan ng gabi, nang ibaba ng babaeng nakatayo sa pagitan ng dalawang kotse ang hawak nitong maliit na bandera sa kanang kamay ay nagsimulang humaharurot ang dalawang kotse sa kahabaan ng highway.Alas dose ng gabi ay nagaganap ang isang laban sa pagitan ng dalawang sikat na racer. Iisa lang ang kanilang misyon at iyon ay ang makarating sa finish line upang makamit ang malaking halaga na pinagpustahan ng dalawang grupo. Mariing inapakan ni Reth ang silinyador ng minamanehong sasakyan kaya mas dumoble pa ang bilis nito na wari mo ay nakikipag habulan kay kamatayan. Siya Hareth Smith ang isa sa kambal na anak ni Harris and Zaharia Smith o mas kilala sa tawag na Reth. Para kay Reth ay hindi mahalaga ang pera higit na importante ang kanyang reputasyon, at kilala siya ng lahat bilang isang halimaw sa kalsada dahil ni minsan ay wala pang nakakatalo sa kanya. Sa oras na matalo niya ang kanyang kaibigan na kasalukuyang katunggali ay higit na bibili
Mula sa loob ng isang mamahaling restaurant ay kasalukuyang nakaupo si Mrs. Smith at naghihintay sa pagdating ng tao na ipinasundo niya sa kanyang mga tauhan.Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating din ang taong inaasahan.Si Margareth, ang nobya ng kanyang anak na si Hareth, descente itong tingnan mula sa magandang kasuotan na napapalamutian ng mga mamahaling alahas. Maganda ang dalaga kaya hindi niya masisisi ang anak na mahumaling dito.Luminga-linga ito sa paligid na wari mo ay may hinahanap at ng makita nito si Mrs. Smith ay biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga kasabay ang paglitaw ng isang magandang ngiti sa kanyang mapupulang mga labi.Tuwid itong naglalakad na wari mo’y isang modelo palapit sa lamesang okupado ni Mrs. Smith at sinisigurado na sa bawat kilos nito ay kaaya-aya siya sa paningin ng ina ng kanyang nobyo.Magalang na yumukod sa harap ng ginang at saka mahinhin na umupo sa tapat nito.“Ikinagagalak ko na makadaupang palad ka Tita, ano ang maipaglilingkod ko sayo
Reth Point of view“Ohhhh… yeah… faster babe.” Umuungol kong utos sa babaeng nakaupo sa aking ibabaw habang marahas na gumigiling ang balakang nito. Kagat labi na nakatingala ako habang nakapikit nilalasap ang sarap mula sa magka-hugpong naming katawan.Kanina pa siya nakapatong sa akin at tila walang kapaguran ang babae na hindi ko na maalala kung ano ang pangalan nito. Nang makaramdam ng matinding kiliti mula sa aking puson ay mabilis na pinagpalit ang aming pwesto saka marahas na binayo. Halos sumigaw ang babae dahil sa ginawa ko halatang nasaktan ito, ngunit kalaunan ay nangibabaw na ang mga ungol nito sa buong silid. Para itong nagdedeliryo habang nakahawak ng mahigpit sa headboard na halos tumirik ang kanyang mga mata. Patuloy lang ako sa marahas na pag-ulos hanggang sa narating ko ang rurok ng pagnanasa.Pagkatapos makaraos ay kaagad na umalis ako sa ibabaw nito at inalis ang condom gamit ang tissue. Dinampot ko kaagad ang aking mga damit na nagkalat sa sahig at isa-isa itong i