Pagkatapos paikutin ang isang patalim sa kanang kamay nito ay buong lakas niya itong ibinato. Nangibabaw sa paligid ang malakas na sigaw ng isang baboy ramo at ilang minuto pa itong nag tatakbo ngunit kalaunan ay bigla na lang itong bumagsak.Naudlot ang planong paghakbang ng dalaga ng maramdaman ang isang bagay na paparating sa kan’yang direksyon. Hindi na siya nakapag-isip pa ng maayos mabilis siyang lumuhod patihaya habang nakatukod ang isang kamay sa lupa.Isang bagay ang dumaan sa tapat ng kanyang mukha at sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay tanging hangin na lang ang naramdaman niya.Kaagad siyang tumayo at mabilis na tumambling palayo upang makaalis sa kanyang pwesto at hindi nga siya nagkamali ng sapantaha dahil saktong alis niya mula sa kinatatayuan ay biglang bumaon sa lupa ang isang patalim.Mabilis na binunot ang forty five caliber sa kanang tagiliran nito at parang kidlat sa bilis na naikasa ito bago pinutok sa direksyon ng pangahas na nagtangka sa buhay niya. “Bang!” K
Hareth’s Point of View“Kringgggg…” naalimpungatan ako ng marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock, naiinis na inabot ko ito at saka pinatay bago bumalik sa pagtulog habang nakahambay ang aking hita sa isang puting unan. Ngunit ilang segundo pa lang ang lumipas ay muli na namang nag-ingay ang maliit na alarm clock.“Shit!” Naaasar kong mura bago padabog na bumangon at dinampot ang alarm clock saka malakas na ibinato ito sa pader kaya nagkalat sa sahig ang ilang parte nito.Akmang babalik na sana ako sa higaan ngunit pagpihit ko paharap sa direksyon ng pintuan ay nagulat ako ng biglang bumulaga sa aking harapan ang isang magandang babae na nakatayo sa may pintuan.Blangko ang mukha nito habang naka stand straight ito at nasa likod ang dalawang kamay na wari mo ay isang militar, ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang mapanglaw niyang mga mata. Diretso siyang nakatingin sa aking mga mata na hindi mo man lang kakikitaan ng anumang expression ang kanyang mukha, kahit na nakik
Hareth Point of view“Natigil ang pagbuklat ko sa hawak kong folder ng biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina at pumasok ang isang magandang babae. Napakasexy nito sa suot niyang red mini skirt at halos lumuwa ang malusog nitong dibdib dahil sa suot na hanging blouse na pa v-shape ang neckline. Napaka Ingay ng suot nitong sapatos na may mataas na takong sa tuwing humahakbang ito.“Hi, Babe!” Masaya nitong bati sa akin at saka mabilis na lumapit sa aking table, nang makalapit ay bigla itong umupo sa aking kandungan. Iniisip ko kung ano ang pangalan ng babaeng ito at kung saan ko siya nakilala ngunit hindi ko talaga matandaan.Bigla akong napalingon sa direksyon ni Angela ngunit wala namang pakialam ang dalaga na kasalukuyang abala sa hawak nitong cellphone. Nakaramdam ako ng inis ng hindi man lang ako nito tinitingnan simula kanina pa. “Babe, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa dalaga na sa totoo lang ay hindi ko naman talaga ito kilala.“Babe, nangako ka sa akin na babalik
Angela’s Point of viewNakabibinging tugtog ng isang rock music ang maririnig sa loob ng bar na kinaroroonan namin ngayon ni Hareth. Tahimik lang akong nakatayo sa likod nito habang siya naman ay abala sa pakikipag-inuman sa kanyang mga barkada.Sa totoo lang ay kanina pa ako napapagod sa kasu-sunod sa lalaking ito kung hindi lang siya anak ng taong pinagkakautangan ko ng buhay ay marahil kanina pa ito bumulagta sa sahig.nagkayayaan sila ng kanyang mga barkada na gumimik ngayong gabi kaya sa bar na ito kami humantong.Kanina pa ako nakakaramdam ng hilo dahil sa mga umiikot na ilaw sa buong paligid, hindi kasi ako sanay sa ganitong klaseng lugar.Nasanay ako sa bundok na tanging ang natural na ingay ng kalikasan ang lagi kong naririnig.Gusto ko ng tahimik na lugar hindi katulad nito magulo, maingay at walang sariwang hangin. Ang tanging maaamoy mo ay ang pinaghalong amoy ng iba’t-ibang klase ng matapang na alak. Kahit masama na ang aking pakiramdam ay nanatili pa rin akong alerto sa
Angela’s Point of View“Shit, ang bigat mo! Hmp!” Naiinis na sabi ko bago pabagsak na inihiga sa ibabaw ng kama ang lasing na si Hareth, napaka kulit nito wala na itong ginawa kung hindi halikan ang leeg ko simula pa kanina.Tagaktak na ang pawis ko at hingal kabayo na ako dahil sa matinding pagod.Simula ng magtrabaho ako bilang personal bodyguard ng lalaking ito ay lagi na lang akong pinahihirapan nito. Alam ko naman na sinasadya niya na asarin ako, ngunit ang hindi ko na kayang tiisin ay ang panlalait nito sa akin. Kaya sa inis ko ay never ko siyang kinausap at parang hangin na dinadaan-daanan ko lang ito.Kahit masama ang loob sa lalaking ito ay nagawa ko pa rin siyang asikasuhin, hinubad ko ang kanyang mga sapatos. Pati ang pantalon nito at itinira ko lamang ang kapirasong panloob niya, sunod kong hinubad ay ang kanyang blue na long sleeve.Ngayon ay nakasando na lang ito, akma na sanang lalabas ako ng kanyang kwarto ng higitin niyang bigla ang kanang braso ko. Dahil sa pagkabi
Hareth’s Point of view “Ouch! Fuck!” Napamura ako ng tamaan ng paintball ang aking dibdib, hindi ko kasi alam na ang pupuntahan pala namin ay isang shooting game. Ang mga katanungang gumugulo sa isipan ko ay nabigyan na ng kasagutan.Dahil natuklasan ko na isa pa lang sundalo si Angela, at ngayon ay kasalukuyan kaming nagkukubli sa likod ng isang pader upang hindi tamaan ng balang paintball.Kahit paintball lang ang gamit namin ay masakit pa rin ito sa balat at siguradong mag-iiwan ito ng pasâ. Noong una ay ayaw nila akong isali ngunit nagpumilit pa rin ako, ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa tuwing dumidikit ang mga lalaking sundalo kay Angela. Kaya pinagpilitan ko na makasali ako sa kanilang shooting game at ngayon nga ay nasa tabi ko si Angela pareho kaming nagkukubli.Marunong naman akong humawak ng baril, maging ng self defense ngunit hindi naman ako ganun kabihasâ dahil hindi ako katulad ng mga sundalo na dumaan sa matinding training at laging ginagamit ang kanilang mga kasan
Halos maggitgitan ang mga sasakyan nina Hareth at Jacob, napakainit ng laban ngunit nasa kundisyon ngayon ang binata kaya walang kahirap-hirap na tinalo niya ang lahat. Malakas na hiyawan ng mga tagahanga ng binata ang nangibabaw sa loob ng buong stadium.Malakas na nahampas ni Jacob ang manibela dahil sa matinding galit, hindi niya matanggap na natalo na naman siya ni Hareth.Angela’s point of viewSa totoo lang ay humanga ako sa kakayahan ni Hareth pagdating sa racing, halos nilampaso niya ang lahat ng kalaban. Nakita ko na masaya itong bumaba ng kanyang kotse ngunit saglit itong natigil sa paghakbang at lumingon sa ibang direksyon kaya sinundan ko ang tinitingnan nito. Labis akong naguguluhan kung bakit nakadama ako ng sakit ng makita kong tinitingnan nito si Margareth. Bumaba ng sasakyan ang dating kaibigan nitong si Jacob at lumapit kay Margareth. Sa harap ng maraming tao ay nilamukos nito ng halik ang mga labi ng dalaga at hindi nakaligtas sa akin ang palihim na sulyap ni Marg
Angela’s Point of viewIsang linggo ang lumipas simula ng magpakita sa akin ang lalaking gumahasa at pumatay sa aking ina. Hindi naman ako natatakot sa kan’ya ngunit sa tuwing nakikita ko ang mukha nito ay bumabalik sa aking isipan ang lahat ng nangyari ng gabing iyon.Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin basta sa tuwing nakakaharap ko ang lalaking iyon ay malaki ang nagiging epekto niya sa utak ko at pakiramdam ko ay hindi na rumiresponde ang utak ko kaya bigla akong nawawalan ng malay. Para akong bumabalik sa panahon na nangyayari ang karumaldumal na krimeng iyon.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago lumingon sa direksyon nina Hareth kasama ang mga kaibigan nito. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa bahay ng kaibigan nitong si Jasper, pagkagaling sa opisina ng binata ay dito kaagad kami dumiretso at ngayon ay nag-iinuman ang mga ito. Habang ako ay nakaupo sa counter ng minibar ni Jasper.Wala sa loob na dinampot ang isang bote ng alak at nagsalin sa isang