Angela’s Point of View“Shit, ang bigat mo! Hmp!” Naiinis na sabi ko bago pabagsak na inihiga sa ibabaw ng kama ang lasing na si Hareth, napaka kulit nito wala na itong ginawa kung hindi halikan ang leeg ko simula pa kanina.Tagaktak na ang pawis ko at hingal kabayo na ako dahil sa matinding pagod.Simula ng magtrabaho ako bilang personal bodyguard ng lalaking ito ay lagi na lang akong pinahihirapan nito. Alam ko naman na sinasadya niya na asarin ako, ngunit ang hindi ko na kayang tiisin ay ang panlalait nito sa akin. Kaya sa inis ko ay never ko siyang kinausap at parang hangin na dinadaan-daanan ko lang ito.Kahit masama ang loob sa lalaking ito ay nagawa ko pa rin siyang asikasuhin, hinubad ko ang kanyang mga sapatos. Pati ang pantalon nito at itinira ko lamang ang kapirasong panloob niya, sunod kong hinubad ay ang kanyang blue na long sleeve.Ngayon ay nakasando na lang ito, akma na sanang lalabas ako ng kanyang kwarto ng higitin niyang bigla ang kanang braso ko. Dahil sa pagkabi
Hareth’s Point of view “Ouch! Fuck!” Napamura ako ng tamaan ng paintball ang aking dibdib, hindi ko kasi alam na ang pupuntahan pala namin ay isang shooting game. Ang mga katanungang gumugulo sa isipan ko ay nabigyan na ng kasagutan.Dahil natuklasan ko na isa pa lang sundalo si Angela, at ngayon ay kasalukuyan kaming nagkukubli sa likod ng isang pader upang hindi tamaan ng balang paintball.Kahit paintball lang ang gamit namin ay masakit pa rin ito sa balat at siguradong mag-iiwan ito ng pasâ. Noong una ay ayaw nila akong isali ngunit nagpumilit pa rin ako, ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa tuwing dumidikit ang mga lalaking sundalo kay Angela. Kaya pinagpilitan ko na makasali ako sa kanilang shooting game at ngayon nga ay nasa tabi ko si Angela pareho kaming nagkukubli.Marunong naman akong humawak ng baril, maging ng self defense ngunit hindi naman ako ganun kabihasâ dahil hindi ako katulad ng mga sundalo na dumaan sa matinding training at laging ginagamit ang kanilang mga kasan
Halos maggitgitan ang mga sasakyan nina Hareth at Jacob, napakainit ng laban ngunit nasa kundisyon ngayon ang binata kaya walang kahirap-hirap na tinalo niya ang lahat. Malakas na hiyawan ng mga tagahanga ng binata ang nangibabaw sa loob ng buong stadium.Malakas na nahampas ni Jacob ang manibela dahil sa matinding galit, hindi niya matanggap na natalo na naman siya ni Hareth.Angela’s point of viewSa totoo lang ay humanga ako sa kakayahan ni Hareth pagdating sa racing, halos nilampaso niya ang lahat ng kalaban. Nakita ko na masaya itong bumaba ng kanyang kotse ngunit saglit itong natigil sa paghakbang at lumingon sa ibang direksyon kaya sinundan ko ang tinitingnan nito. Labis akong naguguluhan kung bakit nakadama ako ng sakit ng makita kong tinitingnan nito si Margareth. Bumaba ng sasakyan ang dating kaibigan nitong si Jacob at lumapit kay Margareth. Sa harap ng maraming tao ay nilamukos nito ng halik ang mga labi ng dalaga at hindi nakaligtas sa akin ang palihim na sulyap ni Marg
Angela’s Point of viewIsang linggo ang lumipas simula ng magpakita sa akin ang lalaking gumahasa at pumatay sa aking ina. Hindi naman ako natatakot sa kan’ya ngunit sa tuwing nakikita ko ang mukha nito ay bumabalik sa aking isipan ang lahat ng nangyari ng gabing iyon.Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa akin basta sa tuwing nakakaharap ko ang lalaking iyon ay malaki ang nagiging epekto niya sa utak ko at pakiramdam ko ay hindi na rumiresponde ang utak ko kaya bigla akong nawawalan ng malay. Para akong bumabalik sa panahon na nangyayari ang karumaldumal na krimeng iyon.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago lumingon sa direksyon nina Hareth kasama ang mga kaibigan nito. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa bahay ng kaibigan nitong si Jasper, pagkagaling sa opisina ng binata ay dito kaagad kami dumiretso at ngayon ay nag-iinuman ang mga ito. Habang ako ay nakaupo sa counter ng minibar ni Jasper.Wala sa loob na dinampot ang isang bote ng alak at nagsalin sa isang
Angela’s Point of viewNaalimpungatan ako ng makaramdam ng kirot dahil sa pagbaon ng isang bagay sa aking pagkababae. Kahit masakit ay nakaramdam pa rin ako ng kakaibang kiliti na tila higit pa ang nais kong matikman.Napangiwi ang mukha ko ng makaramdam ng sakit hindi lang sa ulo maging sa buong katawan ko, pati na rin sa kanang kamay ko.Sinikap kong bumangon ngunit humigpit mula sa pagkakayakap ang isang braso sa aking baywang habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa dede ko. Mas lalo pa niyang isiniksik ang katawan ko sa kanyang katawan. Natauhan lang ako ng sa pagmulat ng mga mata ko ay bumungad sa aking paningin ang hubad kong katawan habang sa aking likuran ay nakayakap sa katawan ko ang lalaking katulad ko ay wala ring saplot.Nakapatong ang kaliwang hita ko sa baywang nito habang ang pagkalalaki niya ay nanatili sa loob ng aking pagkababae. Napapapikit pa ako sa tuwing gagalaw siya sa aking loob, napalunok ako sa ayos naming dalawa.“Paano kami humantong sa ganito? Bakit
Angela’s Point of viewNakakailang, iyon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito ngunit wala akong magawa kung hindi ang tahimik na tumayo sa tabi ni Hareth.Nandito kami ngayon sa isang magarbong pagtitipon dahil kaarawan ng isa sa mga business partner ng mga Smith. Wala akong nagawa ng sapilitan akong isinama ni Tita Zaharia bilang escort ng kanyang anak.Walang ideya ang ginang sa kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ng kanyang anak. Nangako naman sa akin si Hareth na walang makakaalam sa kung anong relasyon ang meron kami. Gusto ko kasi na maging pribado ang lahat para walang mapag-usapan ang mga tao sa aming paligid kung sakaling dumating ang panahon na kailangan na naming maghiwalay.Nang araw na sabihin ko kay Hareth na tinatanggap ko lang siya bilang kaibigan ay wala akong natanggap na anumang reaksyon mula sa kanya, ngunit ng ibalik ko ang singsing na binigay niya sa akin ay basta na lang ako nito tinalikuran at umalis na lang ito ng bahay ng walang paalam.“Hi, babe! How
“And now you may kiss the bride.” Anunsyo ng Judge na siyang nagkasal sa aming dalawa ni Hareth. Napakabilis ng mga pangyayari, dahil sa pagkakaalam ko ay ipinatawag lang kami ni tita Zaharia upang kausapin. Ngunit laking gulat ko ng pagdating namin sa mansion ng mga Smith ay may naghihintay ng Judge na siyang magkakasal sa aming dalawa.Hindi ako malapaniwala na wala pang isang oras ang lumipas ay may asawa na kaagad ako. Nilibot ko ang aking paningin at tanging ang mga nakangiting mukha ng lahat ang siyang nakapalibot sa akin.“Congratulations, Iha, sa wakas natupad na rin ang pangarap ko na ikaw ang mapangasawa ng aking anak.” Ani ni tita Zaharia bago mahigpit akong niyakap nito kaya gumanti ako ng isang mahigpit na yakap sa kanya.“Maraming salamat, tita.” Ani ko, ngunit biglang sumimangot ang mukha nito kaya nagkatawanan ang lahat.“My Ghod, Angela, hanggang ngayon ba ay tita pa rin ang tawag mo sa akin? Talaga bang mahirap para sayo ang tawagin akong mommy?” Nagtatampo niyang tu
Hareth Point of view“Honey, ayaw mo ba akong samahan? Remember ngayon ang anniversary ng organization namin sa racing.” Pangungulit ko sa aking asawa, ni hindi man lang ito nag-abalang magmulat ng kanyang mga mata ng sumagot sa akin.“Susunod na lang ako, mauna ka na, gusto ko pang matulog eh, kahit thirty minutes lang, please Honey.” Ani niya sa tono na tila nakikiusap. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit tinatamad itong bumangon dahil masyado siyang napagod sa pag-aasikaso para sa nalalapit naming kasal. Hindi ko na kasi siya nasamahan dahil nagkaroon ng emergency meeting sa kumpanya, maaga naman akong nakauwi ngunit halos sabay lang kaming dumating ng bahay.“Sure ka, na susunod ka?” Naninigurado kong tanong sa kanya bago ito hinalikan sa labi habang masuyong hinahaplos ang kanyang likod.“Yeah, promise.” Inaantok niyang sagot sa akin, halata ang matinding pagod sa maganda niyang mukha. Tumayo na ako upang makapag palit ng damit at bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto ay mul