Share

Chapter 46

Aria’s POV

Katahimikan ang nangingibabaw sa kabuuan ng opisina ni Mr. Gomez, habang matiyaga akong naghihintay sa pagdating ni Chelsy.

Ilang minuto pa ang lumipas ay naagaw ang atensyon naming lahat mula sa bumukas na pintuan.

Unang pumasok ay isang lalaki na may seryosong mukha, sa tingin ko ay nasa edad singkwenta na ito, mabilis itong yumukod bago nagsalita.

“Señor, nandito na ang babae.” Anya sa seryosong tinig, pagkatapos sabihin iyon ay saka pa lamang pumasok ang isang payat na babae.

Paika-ika siyang naglalakad papasok sa loob ng opisina.

Nahinto ito sa paghakbang ng magpanagpo ang aming mga mata, una siyang nagbaba ng tingin habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa dulo ng suot niyang t-shirts.

“Ano ba ang kailangan mo sa babaeng iyan?

Nakita mo naman, wala ka ng mapapala sa isang ‘yan.” Narinig kong saad ni Mr. Gomez, sa tono ng pananalita nito ay tila isang walang kwentang bagay kung tratuhin nito si Chelsy.

Mahigpit na naikuyom ko ang aking mga kamay.

Hindi ko alam kun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status