Aria’s POVKatahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa ni Harris habang nakatayo siya sa aking harapan na may dalawang dipâ ang layo mula sa akin.Ako na nanatiling nakaupo sa swivel chair, Kapwa kami nakatitig sa mukha ng bawat isa. Ang aking asawa na samu’t-saring emosyon ang makikita sa mga mata nito, kasiyahan, pananabik, pangungulila at labis na pagmamahal.Hindi ko alam, baka dinadaya lang ako ng aking paningin.Ang lahat ng damdamin na nakita ko sa paraan ng tingin nito sa akin ay kabaligtaran ng tingin na ipinupukol ko sa kan’ya, galit, pagkamuhi at matinding sama ng loob dahil sa panloloko nito sa akin.Siya ang klase ng tao na magaling magpaikot at gagawin kang tau-tauhan, katulad ng ginawa nito sa akin noon, para malaya niyang maangkin ang lahat ng mayroon ako. Dahan-dahan itong humakbang palapit sa akin habang nanatiling magkahinang ang aming mga mata.Hindi makapaniwala na ikinulong nito ang aking mukha sa mainit niyang mga palad.Napatingala ako at Kusang pumikit
Ala-sais ng hapon, nagsisimula ng mag takipsilim ng huminto ang sasakyan ni Harris sa harap ng Mansion.Tahimik na bumaba ng sasakyan si Harris saka naghintay sa pagbaba ng asawa, habang sa hulihan ng kanilang sasakyan ay huminto ang racing car ni Zaharia na si James ang nagmamaneho.Mahigpit na hinawakan ni Harris ang kamay ng asawa na wari mo ay natatakot itong mawala sa kanyang tabi.Iginiya niya ito papasok sa loob ng Mansion habang sa bungad ng pintuan ay nakahilera ang mga katulong.Mula sa dulong bahagi ng hilera nang mga kasambahay ay nangahas na magtaas ng mukha ang katulong na si Liza upang palihim na sulyapan ang Amo na matagal ng pinagpapantasyahan.Ganun na lang ang panlalaki ng kan’yang mga mata ng makilala kung sino ang babaeng kasama ng Amo.Binalot ng matinding kabâ ang puso ng dalaga at halos mamutla ito ng makita niya si Zaharia.Bago pa tuluyang makapasok sa loob ng Mansion ang mag-asawa ay mabilis na umalis ang dalaga sa kan’yang kinatatayuan upang magtago sa kus
Aria’s POVMalalim na ang gabi at tuluyan ng nilamon ng dilim ang buong kwarto, ngunit nanatili pa ring dilat ang aking mga mata na nakatitig lang sa kisame habang masuyong hinahaplos ng aking kamay ang buhok ng aking asawa.Naririnig ko ang banayad na paghinga nito, tanda na mahimbing na ang kan’yang tulog.Nakaunan ang ulo niya sa aking dibdib habang nakayakap sa katawan ko ang malaking braso nito.Iniisip ko ngayon kung ano na ang mangyayari sa amin, lalong gumulo ang sitwasyon at hindi ko na alam kung ano ang gagawin.Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, naramdaman ko na gumalaw si Harris, umalis sa aking ibabaw at humiga sa gilid ko.Kinabig nito ang katawan ko saka pinaharap sa kan’ya, kinuha niya ang kanang hita ko at ipinatong ito sa kanyang baywang. Hinayaan ko na lang kung ano ang gustong niyang gawin sa katawan ko, wala rin namang kwenta kung magpo-protesta pa ako dahil pagdating sa katawan na ito ay siya na ang nasusunod.Nakatingala ako habang umuungol
Aria’s POV“Look what have you done! Are you blind or a really stupid?” Nahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses ni Chelsy mula sa pasilyo ng Accountant department. Nakita ko ang isang empleyada ko na halos maiyak na dahil sa matinding panghihiya na inabot nito mula kay Chelsy.“PAK!” Naningkit ang mga mata ko ng sampalin nito ang pobreng babae.Hindi lumaban ang babae bagkus ay nanatiling nakayuko lang ito habang tahimik na tinatanggap ang lahat.Nakikita ko ang aking sarili noon sa sitwasyon ng babae ngayon kaya hindi na ako nakapagpigil.Kinuha ko ang kapeng hawak ng aking Secretarya, tinanggal ko ang takip nito bago nagsimulang humakbang patungo sa direksyon ni Chelsy. Nagtataka namang sumunod sa akin ang aking Sekretarya at ang ilang mga empleyado.Hindi man lang naramdaman ni Chelsy ang presensya ko mula sa likuran nito dahil mas nakatuon ang buong atensyon niya sa babaeng pinagbubuntungan nito ng galit.“Excuse me,” anya sa nakatalikod na si Chelsy, sa pagharap nito a
“Ma’am, kanina pa po kayo hinahanap ni Young Master, kaalis lang po niya.” Ito kaagad ang bungad sa akin ng sekretarya ko, kararating ko lang galing sa pag-inspeksyon ng mga bagong deliver na sasakyan.Personal kong sinusuri ang mga ito dahil wala na akong tiwala sa aking mga empleyado simula ng madiskubre ko ang malawakang anomalya sa loob ng kumpanya.Tuluyan ng nawala sa kumpanya ang aking madrasta kaya ganun na lang ang galit nito sa akin ngunit hindi siya makalapit sa akin dahil mahigpit kong ibinilin sa mga security na huwag papasukin ito sa loob ng kumpanya.Nag File na rin ako sa korte ng case laban dito kasama ang ilang mga board member na sangkot sa anomalya.Ang lahat ng iyon ay ipinagkatiwala ko kay Clinton.Siya na mismo ang personal na nag-aasikaso ng lahat habang naghahanap din ito ng mga ebidensya sa pagkamatay ng Ama laban kay Lyra.May hinala rin kami na maaaring may kinalaman si Lyra sa pagkamatay ng Daddy ko, at iyon ang kasalukuyan pang inaalam ni Clinton.“Ako na
Aria’s POVBakas sa mukha ni Harris ang matinding kasiyahan habang mahigpit niyang hawak ang aking kaliwang kamay.Kasalukuyan kaming lulan ng kanyang sasakyan patungong Mansion, pinagbigyan ko ang kahilingan nito na makasama ako ngayong araw at simula kanina ay hindi na ito humiwalay sa akin.Para itong ahas kung makalingkis, umusog lang ako ng kaunti ay kaagad na akong hihilahin nito pabalik sa kan’yang katawan.Gusto ko rin naman na niyayakap niya ako dahil napakasarap makulong sa mga bisig nito. Nagmukha tuloy kami na isang bagong mag-asawa na nagsisimula pa lang magpundar ng isang matatag na pundasyon para sa relasyon namin bilang mag-asawa.Pagkatapos ng ilang minutong biyahe ay humimpil ang sasakyan sa harap ng Mansion.Hanggang sa makababa na kami ng sasakyan ay hindi ito humiwalay sa akin, hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maaasar sa kanya, dahil kulang na lang ay magpalitan na kami nito ng mukha.Tahimik na sumunod ako papasok sa loob ng Mansion, habang naglalakad sa pa
Aria’s POVSaglit akong tumitig sa mukha ng aking asawa, may kung anong damdamin ang humaplos sa puso ko kaya masuyo ko itong hinalikan labi.Bahagya siyang nakatingala sa akin habang nanatiling nakapikit ang kan’yang mga mata.“Wala kang dapat na ipagselos, dahil ikaw lang ang lalaking minahal ko, alam ko na sa simula pa lang ay ikaw na ang ibinigay ng Diyos sa akin.Sadyang nakatadhana na tayong dalawa dahil sa tuwing kailangan ko ng tulong ay dumarating ka upang sagipin ako. Kaya wala na akong ibang hihilingin pa sa buhay ko kung hindi ang makasama ka hanggang sa huling sandali ko dito sa mundo.” Madamdamin kong pahayag habang diretsong nakatitig sa namumungay niyang mga mata.Hindi ko na hinintay pa na makasagot ito, mapusok na hinalikan ang nakaawang niyang mga labi.Isang matamis na halik ang aming pinagsaluhan.Isang klase ng halik na puno ng pagmamahal, kalaunan ay naging agresibo ang bawat galaw ng mga labi nito habang ang kamay niya ay marahang humihimas sa aking likod.Isa
Aria’s POVNaluluha na pinagmasdan ang kabuuan ng tahanan ng aking Ama, sa wakas, nagawa ko.Naibalik ko na sa aking mga kamay ang pag-aari ng aking mga magulang. Isa-isang sinuri ang bawat kwarto, sa bawat pinto na aking mabuksan ay siyang pagbabalik tanaw mula sa nakaraan.Mga alaala na nanatiling sariwa sa kaibuturan ng puso ko, kung saan mula sa bawat sulok ng tahanan na ito ay maririnig ang mga halakhak ng kasiyahan sa piling ng aking Ama.Isang ulirang Ama na sa maikling panahon ay pinuno ng pagmamahal ang bawat araw na kapiling ko ito.“Daddy, kung iyong nakikita ang tagumpay ay nasa aking mga kamay, wala man ang iyong presensya ngunit sa puso ko ay na nanatiling kayong buhay ni Mommy.Ilang sandali ang lumipas, nahinto sa paghakbang ang aking mga paa ng matapat sa isang kwarto na naging kanlungan ko sa loob ng labing isang taon.Mabigat ang bawat hakbang na pumasok sa loob ng kwarto, saka huminto sa harap ng isang malaking aparador.Mula sa likuran ay labis na naguguluhan si