Share

Chapter 34

Aria’s POV

Malalim na ang gabi at tuluyan ng nilamon ng dilim ang buong kwarto, ngunit nanatili pa ring dilat ang aking mga mata na nakatitig lang sa kisame habang masuyong hinahaplos ng aking kamay ang buhok ng aking asawa.

Naririnig ko ang banayad na paghinga nito, tanda na mahimbing na ang kan’yang tulog.

Nakaunan ang ulo niya sa aking dibdib habang nakayakap sa katawan ko ang malaking braso nito.

Iniisip ko ngayon kung ano na ang mangyayari sa amin, lalong gumulo ang sitwasyon at hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, naramdaman ko na gumalaw si Harris, umalis sa aking ibabaw at humiga sa gilid ko.

Kinabig nito ang katawan ko saka pinaharap sa kan’ya, kinuha niya ang kanang hita ko at ipinatong ito sa kanyang baywang.

Hinayaan ko na lang kung ano ang gustong niyang gawin sa katawan ko, wala rin namang kwenta kung magpo-protesta pa ako dahil pagdating sa katawan na ito ay siya na ang nasusunod.

Nakatingala ako habang umuungol
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status