Share

Chapter 25

Aria’s POV

“Sweetheart, okay ka lang? Kanina ka pa tahimik.” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking asawa, ginagap niya ang palad ko bago ako niyakap nito.

Hindi kasi mawaglit sa aking isipan ang mga sinabi ni Chelsy, at hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako sa kawalan.

“Sige na, huwag ka ng magtampo sa akin, hm?” Malambing nitong sabi saka pinatakan ng isang magaan na halik ang labi ko.

Iniisip ko tuloy na marahil ay nagsisinungaling lang si Chelsy at hindi totoo ang lahat ng kan’yang sinabi.

Dahil nakikita ko mula sa mga mata ni Harris ang katapatan ng sabihin nito na mahal niya ako.

Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa isang lugar na malapit sa dalampasigan at iginiya ako ni Harris pababa ng sasakyan.

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin ang malawak na karagatan, labis akong namangha sa maganda tanawin na tumambad sa aking paningin, hindi ko alam kung nasaan kami dahil bago ang lahat ng ito sa akin.

Napalingon ako sa mga batang naglalaro
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status